webnovel

Dillian High(Tagalog)

Si Elise ay pinalipat ng kaniyang mga magulang sa Dillian High, eskwelahan kung saan nabibilang ang mga taong nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan. Nakabangga Elise ang grupong tinatawag na Royalties kung saan dito na mag sisimula ang pagbabago sa takbo ng buhay niya. Ang lugar kung saan mayroong makikitang iba't ibang nilalang si Elise. At kung saan dito rin masusubok ang kaniyang kakayahan ng bilang mage. Nang ma-meet ni Elise si Ice, isa sa mga member ng Royalies, ang buhay kung saan siya'y tahimik na naging utusan, yaya, katulong, maid. Ano kaya ang maaaring mangyari sa pagkrukrus ng landas nina Elise at Ice? Welcome to Dillian High

BabyBullet · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
11 Chs

Dillian High

Nagising nalang ako na kulay puti ang halos lahat ng paligid. Tumayo ako para i-check ang room. This room is really nice at well decorated. Bigla nalang may pumasok na babae, mga 20s lang siguro mukha pa kasing bata.

"Okay na ba pakiramdam mo? Nahimatay ka lang naman. Kailangan lang ng pahinga kaya ka nandito" wika ng babae

"Tanong ko lang po, nasan po ako? Ang naalala ko lang po ay nasa labas po ako ng gate na malaki at paggising mo nandito na po ako"I asked

Tinignan niya ako ng may halong pagtataka bago magsalita.

"Ah , ayun ba, nasa Dillian High ka. Dinala ka lang kasi dito ni Gabriel ng walang malay." sabi nung babae

"transferee ka no. Am I right?" She said

"Opo." pag-sang ayon ko.

"Well I can lecture you some things about here pero konti lang naman. By the way , ako nga pala si Ms. Aika, ang head ng Infirmary. Para walang tanong, nasa infirmary ka ngayon" Ms. Aika.

"So it means, nasa Dillian High nako.?" Ako

"Yes, nasa Dillian High kana. I see, nakaka recover ka na sa mga naririnig mo at nakita mo kanina. This school is for people who have special abilities. So basically, pag labas mo sa infirmary, makakakita ka ng kakaibang magic o super powers na tinatawag. Wala ka pa palang experience pero I think kakayanin mong maka adapt sa surroundings mo ng mabilis." ms. Aika

Napaisip ako sa sinabi ni Ms. Aika. Hindi ko maabsorb yung sinasabi niya. Masyado akong nabibigla. Magic? Sino bang nag aakalang totoo ang bagay na iyon?

"May kapangyarihan po din ba ang mga magulang ko "tanong ko kay Ms. Aika

Hindi naman ako siguro papapasukin dito nila Dad kung alam nilang di ako belong diba.

"Oo naman, Hindi naman naman pwede magka-anak ng normal na tao ang mga katulad natin. Actually pwede kaso may 50-50 chance na magkaroon sila ng anak na walang kapangyarihan. Ano nga pala pangalan mo?" Ms. Aika.

"Elise Jerrera po Ms Aika" pagsagot ko

sa tanong.

"Aika nalang Elise, sanay ang mga estudyante na tawagin akong Aika. By the way kung curious ka sa powers ko. Ang ability ko ay healing. Dahil nga ako ang head ng Infirmary, eto ang aking ability. Ang mga katulad kong healer ay mahina sa battlefield pero maaasahan naman sa support" Wika ni Aika

"Wow ang cool naman nun, healing" Maganda  rin ang healing na kapangyarihan. Inaasahan ka lalo na ng mga napuruhan.

Bigla nalang may pumasok na lalaki at naputol ang pag-uusap namin ni Aika

"Oh, Hi sayo miss, gising kana pala" lalaki. I think eto na nga si Gabriel.

"Siya nga pala yung nagbitbit sayo nung nawalan ka ng malay kanina" Aika sabay turo sa lalaki.

Maitsura ito at nakatayo ang kaniyang buhok.

"Pinapatawag ka nga pala ng Headmaster Miss. Ako na rin yung pinadala niya para maghatid sa iyo dun" he said. Tumango ako at nagpaalam na kay miss Aika.

~~

Ngayon nakita ko na yung itsura ng school. Parang lalo tuloy akong na excite. Pag ka labas ko palang sa infirmary eh. Parang city lang siya namin. Oo city.

"Ako nga pala si Gabriel, nice meeting you" Gabriel yung guy kanina.

"Nice meeting you din ako naman si Elise. Thank you nga pala sayo kasi dahil sayo nakapasok ako dito." I sincerely said.

"Pwede mag-tanong?" pagtatanong ko kay Grabriel

"Sure" Gabriel

"Anong ability mo?" Tanong ko kay Gabriel

"Ahmm teleportion. Meron ditong Different Classes of Ability. (S),(A),(B),(C). Kung saan (S) ang pinakamataas at (C) ang pinaka mababang antas." Sagot ni Gabriel

Ah, ganun pala yon. May class pa bawat ability.

"Okay (S), (A), (B),at (C). So kung ganun anong class ka nabibilang?" Tanong ko ulit

"(A) class, basic tignan ang ability ko. Pero kaya ko naman siya kaya ako napunta sa ganung class."Gabriel

"Wow , okay so kung ganun , sa class C ang bagsak ko?" Tanong ko kay Gabriel.

"Hindi ako sigurado diyan, depende din kasi eh. Nandito na nga pala tayo, Goodluck sayo dito. Pasukin mo lang yang green na pinto" Wika ni Gabriel bago umalis.

Naglakad pako ng onti kasi medyo dun pa siya sa dulo, base sa pagkakaturo ni Gabriel. At syempre yung pouch at paper bag ko, dala ko pa rin. Sa haba ng kung ano anong nangyari sakin di ko talaga iniwan yung paper bag.

~~

"Tao po"

Parang walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob at nagpasiyang pumasok.

Pagbukas ko ng pinto. May nakita akong nakatalikod na lalaki mga 40s siguro.

"Go-ooo-d Mor-ning po" Wika ko ng nauutal. Wala namang dapat ako dapat ikapangamba dito eh. Ewan ko ba, siguro kasi dahil sa first time ko to kaya ganun. Sabay harap sa akin ng headmaster

"Please have a seat, Mag-papakilala muna ako, ako nga pala ang Headmaster ng school nato. Headmaster Bandilo Dillian, Ban nalang for short. Alam ko mahirap sayo ang mag adjust sa lugar na di mo naman kinalakihan. You must be the tranferee I am waiting for this day so I guess you are Ms. Elise Jerrera right" I nodded at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"I want you to be careful at all times. Ms Jerrera since di mo pa nailalabas yang power mo. Wag kana mag alala sa mga gamit mo kasi naka prepare na yun. Lahat ng gamit mo ay naka ready na. For your safety measures, pinagsolo room ka ng Mom and Dad mo. Concern siguro sila sa kung anong mangyari sayo at hindi naman sa iniisip nila na masama ang maka roommate mo" Nagtataka ako sa sinasabi ni HM.

"Gusto lang nila masigurong safe ka kaya sana maintindihan mo. Eto nga pala ang room number mo at susi ng dorm mo. Pag naiwala mo yang room key mo wag ka mag-alala , about that , mayroon kaming duplicate keys pero wag mo naman sanang iwala. Remember na ang girls dormitory ay sa right wing at hindi sa left wing." medyo kinakabahan ako dahil first time kong maging independent.

"Sir, tanong lang po saan po dito yung Dorm Area?" tanong ko

"Makikita mo nalang yung dorm area jan kasi malapit lang naman yon sa sa school na papasukan mo tomorrow. Dont bother stressing yourself for today. I will allow you na bukas nalang pumasok. Understood? . Now dismiss."

"Yes sir!" I responded at umalis na sa HM.