webnovel

Diary ng Single

May mga single na gustong maging taken. May mga taken na gustong maging single. Pero meron ding mga gusto nalang maging forever single ang status.

hanarilee · Real
Sin suficientes valoraciones
23 Chs

Entry #12

Mabuti nalang talaga at natapos namin lahat ng paperworks last Saturday. Kung hindi ay mangangamote talaga kami kagaya ng nangyayari ngayon kina Keith. Habang kami nina Ailou ay chill na chill sa aming armchair, nakikinig ng OST ng Kimi no Nawa, (favorite anime movie niya yun so far) hayun si Keith di mapakaling paikot-ikot sa classroom. Akala mo kundoktor, yun pala naghahanap lang ng makokopyahan ng assignment namin sa Social Psychology.

Hala sige, cram pa more! Gusto kong isigaw yan sa pagmumukha niya. Pero wag na. Mainit pa rin ang ulo ko sa away namin sa GC. Ayoko gumawa ng eksena dito. Ika nga, matutong lumugar.

Okay na sana. Nagpapalamig na ako ng ulo ko. Kaso dinagdagan pa nila eh. Dinugtungan pa yung chat. Maraming nakisawsaw. Maraming naglalagay ng gatong imbis na buhusan nalang ng tubig o hayaang mamatay ang issue.

LeZZGO PSYCHOS

Penelope Marie C. Barluado

😊 If that's what you think, go ahead. Go compete with yourselves. But I know I am matured enough to understand you. Good night.

Keith Lopez:

You're talking about maturity? Coming from you, huh? WOW! Big word!

Heidi Vargas

Pamatured-matured pang nalalaman ang gaga. HAHA

Keith Lopez:

Maturity ba kamo? Tara shat! Hinahamon kita @Penelope Marie Barluado.

Heidi Vargas:

Ayy Shat! Gusto ko yan! Kaso papayag ba siya? KJ yun.

Keith Lopez:

Edi weak siya! WEAK! Oh ano, asan ka Penelope? LABAS!

Diana Ybbara

Round One! Haha

Christian Magbanua

Oh, sa pula sa puti! Kanino kayo kampi?

Baron Ledesma

Tangna. Bakit ganyan kayong matatalino mag-away? Nakakadugo ng ilong yung English niyo! Hoo

Heidi Vargas

Anla. Tayo nalang magshat. Monday after class. Sinong sasama?

Nag-offline na ako kaya hindi ko na nareplayan at nabasa pa ang mga sumunod na hirit nila tungkol sa'kin. Pero pinakita sa'kin nina Ailou yon, nung gumagawa kami ng paperworks. Kung pwede lang raw nilang upakan ay ginawa na nila. Maging sila ay ilag rin sa mga kaklase naming yon dahil di rin nila makain ang ugali nila.

Wait, kinakain ba yung ugali? Paano yun kakainin? Anong lasa? Wala na ba talagang pagkain? Ayy ewan ko kay ate Wincelette! HAHAHA. Gutom lang siya siguro that time.

Bakit maraming papansin sa classroom? Bakit? May mga bagay talaga na kahit pinag-aaralan ko na dito sa kurso namin ay hindi ko pa rin maintindihan. Psychology students kami, pero bago yun, tao pa rin kami! Nagagalit at naiiinis rin. Nagpapasensya pero may hangganan ang pasensya.

Kulang ba sila sa pagmamahal kagaya ng sabi ni Alfred Adler? O kaya, fixated ba sila sa oral stage gaya ng sabi ni Sigmund Freud kaya napakaaggressive ng bibig nila?

Well, paano ko iintindihin ang mga taong ito kung in the first place hindi ko alam ang kanilang kwento? Am I supposed to assume? Am I supposed to create a story for them? Ano yun? Tinalo ko pa yung The Pilots sa pagsusulat ng mga kwento at articles dito sa school?

"Okay. Don't forget to read in advance. Next meeting we will continue talking about relationships. Assignment!" anunsyo ni ma'am at pagkatapos non ay may sinulat na siya sa pisara.

Bring your boyfriend/girlfriend.

Napanganga ako. Nagkatinginan kami ni Ailou na ngayon ay nanlalaki ang mata at napatakip ng kanyang bibig. ANO?! Seryoso ba talaga yan? Asan dyan ang assignment? Paano yan naging assignment? HUHU.

"Ma'am? Seryoso ka dyan?"

"Yes, Penelope, I'm serious. Kailangan niyo yan para makarelate kayo sa lesson natin. It's all about how people form relationships, right? Kaya magdala kayo nyan sa Wednesday."

SAY WHAT! Saan ako pupulot ng boyfriend? Today is Monday and I only have two days. Ano yun, pinupulot, inoorder o ginagawa lang? Ano ba yan!

"Bring your jowa for 50 points. Understand?"

"Eh, ma'am? Paano kung wala?"

"Edi wala. Zero kayo sa assignment niyo. Tandaan na 20% ng grades niyo ay ang assignments niyo. Kaya kung ako sa inyo, galaw-galaw na!"

Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Si ate Van nalukot na ang mukha. Si Arnaisa natatawa na parang naiiyak ang mukha. Hindi siguro makapaniwala. Ako rin, hindi makapaniwala. Pero nangyayari na eh!

Si ate Wincelette tawa nang tawa. Aigoo, wala siyang problema dahil meron naman siyang dadalhin. Eh kami? Kamusta naman?

Kailangan kong makumbinsi si ma'am na this is soooo absuuurd! Bakit kailangang dibdibin yung lesson nang ganon katindi? HINDI ITO MAKATARUNGAN!

--

Tapos na silang mag-order ng lunch pero ako, tulala pa ring nakaupo dito sa canteen. Iniwan nila ako dito dahil nagdala ako ng baon. Nakita ko sa peripheral view ko na inilapag na nila ang kanilang mga inorder na pagkain. Magkatabing umupo sa harapan ko sina ate Van at ate Wince. So malamang yung umupo sa magkabilang gilid ko ay sina Ailou at Arnaisa.

"O, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Ailou.

"Hmm," mahinang sagot ko naman.

"Haha. Nastress siguro yan kakaisip ng assignment sa Social Psyc. No? Di'ba no?" komento ni ate Van habang finaflat yung kanin niya at nilalagyan ng sabaw ng bulalo.

"Grabe naman yun si ma'am. Ano ba trip niya? Tinotopak na naman siguro siya."

"Pen, may crush ka ba?" Hindi ko sinagot ang tanong ni ate Wincelette. Tinitigan ko lang siya. Oh eh, anong konek ng crush ko dito, kung meron man? "Crush. Wala," I answered her before munching my fried chicken.

"Aysus! Bakit? Pen hindi naman masama magkacrush. Try mo rin minsan no? Tao ka pa ba?"

Bigla akong kinontra ni Arnaisa. "MERON YAN WINCE! MERON! Wag kang sinungaling dyan, Penelope Marie."

"Huh? Totoo naman ah. Walang gwapo dito sa campus na type ko eh, bakit ba. Yung iba kuya, yung iba taken..." And whatsoever reasons. I could enumerate all the reasons that I have pero nah, I'm too stressed right now to discuss that. It's not that important.

"Hmp! Wag ako! Anong tawag mo kay MARC—" Bago pa man maisigaw ni Arnaisa ang buong pangalan ni Marc, natakpan ko na ang bibig niya. Naalala pa pala niya yung kwento ko sa kanya noon? Minsan ko na ring naikwento sa kanya ang masalimuot kong one sided love story. Buti pa yung lovestory ko natatandaan niya. Samantalang yung iba naming nirereview kinakalimutan lang niya! Naku talaga.

"Nais, hindi ko siya crush. Minahal ko siya. Ibang level naman yun, no."

"Ohh! As in? Ikaw, Penelope? Nainlove? Sure ba yan?"

"Sino yan?"

"Anong nangyari? Sige na, sige na. Kwento mo na!"

"Kilala niyo ba si Marc Kenneth Fariolan?"

Sinawsaw ni ate Van ang bola-bola niya sa ketchup. "Marc Fariolan. Di'ba officer yan sa College of Education?"

"Yep. Correct ate Van. Siya ang Vice Governor ng CED ngayon."

"Yung maputi at maliit na lalake pero gwapo? Hala! Siya?" hindi makapaniwalang saad ni Ailou.

Gusto ko sanang umangal dun sa gwapo na part. Pero I'm not gonna deny na gwapo naman talaga siya. Kaya siguro ang angas minsan at akala mo kung sinong makapantrip sa'kin.

I particularly noticed his long, curved eyelashes, milky white skin, pinkish lips, matangos na ilong, at malinis niyang pag-aayos. Neat and clean ang bwisit kaya wala akong masabing masama about sa physical appearance niya. Ako yung dugyot nung high school, at haggard naman minsan kahit na ngayong college.

All this time, ang hinahanap ng buong klase na love interest ko ay nandito lang pala sa paligid nila. Hindi lang nila alam, kasi di naman nila kailangang malaman. Kung nalaman ng mga chismosa kong classmates yon, edi hindi ako nakamove-on kay Marc! Hobby nila mang-asar eh. Di makaintindi ng salitang: MOVE ON. Gaya ng ginagawa nila kina Rose at Keith.

Break na yung dalawang yun. Pero inaasar pa rin sa isa't-isa hoping na magkabalikan sila. Ang hilig nilang balikan ang nakaraan. Yung nakaraan na wala namang patutunguhan. May future naman at present, so I think hindi tayo dapat nagde-dwell sa past.

"Yep.Truth to be told, there is nothing great about our story. Wait, wala nga palang kami. Basta yun. Nahulog ako sa kanya. Akala ko, ganun din siya. Pero hindi. Kasi nahulog pala siya sa iba."

"Ayy, ang sad naman. We're here for you madam." Tinapik ako ni ate Wince sa balikat.

"Okay lang yun. Nakamove-on na'ko, no. Tsaka hayaan mo na siya. May girlfriend na yun. Haha."

"Oh? Sino?" Kibit-balikat lang ang naisagot ko sa mapagtanong na mga mata nilang lahat.

"Hay, sayang! Alam mo, bagay pa naman kayo. Nung nakasalubong natin siya sa office, kinilig ako sa inyo. HAHA. So paano yan? Ano na ang gagawin natin?"

Kinilig. Yeah. Some people also shipped us. But wala namang nangyari. Flirt lang talaga yun kaya dapat hindi magpadala sa mga pagpapakilig niya.

"Sana makalimutan ni ma'am."

Sininghalan ni Arnaisa si ate Van. "Asa ka pa. Kahit matandang dalaga yun, mas matalas pa ang memorya nun sa'tin! Nakamemo plus gold yata."

Bumalik na ako sa pagkain pero habang sumusubo ay nag-iisip pa rin ako ng paraan. There has to be a way. There has to be a loophole behind everything.

Then an idea strucked me. "Alam ko na! Umabsent nalang tayo sa Wednesday. Sabihin natin may sakit tayo para maexcuse tayo! HAHAHA." I laughed at my own idea. Natawa rin sina Arnaisa, ate Wince, at ate Van.

WALEY YUNG SUGGESTION KO. T_T

"Gagu! Hindi pwede! May points yung attendance!" Ailou exclaimed. Oo nga pala. Hay, paano naming mga single lulusutan tong lecheng assignment na ito? Yoko na.

"May mga kaibigan kayong lalake?" tanong ni ate Wince. "Gawin niyo nalang silang jowa sa Wednesday. Isang araw lang naman. Kungyari lang, ganon. Pampipti points lang, HAHA. Go na kayo."

"What? Ano yun, wattpad lang ang peg? Hindi tayo character sa wattpad no. Nasa real world tayo. Sinong hibang ang papayag dyan? Tsaka eww, friend ko, gagawin kong jowa? Can't imagine that. Kadiri," sabi ko sa kanya. No way I'm gonna do that. Napakacorny.

Arnaisa second-handed my opinion. "Ako rin. Hindi ko kaya. Atsaka sinong jojowain ko, si Benny? Eh mas maganda pa yung baklang yun sa'kin! HAHAHA. Hayaan nalang natin yun. Kung i-zero niya tayo, edi zero. Bawi nalang tayo sa next quiz. HAHAHA o di kaya sa exam. "

"Nire-require tayo ni ma'am na magdala ng boyfriend. Pero siya may boyfriend ba? WALA! Kaya doncha worry mga madam."

Oo nga, no? Walangya yun, ah!

HAHA! Nasa wattpad ka naman talaga, Penelope! Character ka lang! Ay di niya pala alam. Sorry. Readers, shh lang kayo ha. Hindi alam ni Penelope na nababasa niyo ang diary niya. HAHA. Magagalit yun. Isusumpa niya kayong maging single forever. Hoho. Charot ulit. Wag kayong maniwala sa'kin. Namimiss ko lang yung crush ko. Hoho.

hanarileecreators' thoughts