Ate wincelette opened the door of her room. Sumalubong sa akin ang isang kama sa gilid ng pintuan. Tapos may isa pang pintuan sa unahan. May lababo rin at mga utensils. May salamin at may lamesa sa harap bg kama kung saan nakapatong ang laptop.
Ate Van heared the noise of the door kaya lumingon siya sa amin saka kami binati. "Uy." Nakaharap siya sa laptop. Mukhang may pinapanood.
"Hi ate Van!" bati ko naman sa kanya pabalik.
"Haha! Ang lapit ng bahay mo pero nauna pa ako sa'yo, Pen. Ano ba yan."
"Hahaha. Sorry po, ate. Charan! May dala akong mangga!" I said gayly habang inilalabas ko sa ecobag yung mga carabao mango na dala ko. Mabigat ang mga ito kaya dalawa lang ang dinala ko. Baka kasi hindi maubos.
"Hala, ang lalaki naman niyan! Grabe ang laki!" napanganga si ate Van sa pagkamangha.
"Yes. Eh kasi carabao mango yan."
"Saan ito galing?"
"Ninakaw ko sa kapitbahay." kaswal kong sagot.
"Ha?!"
"Joke lang ate." sabi ko sabay ngiti nang malapad sa kanya.
Humalakhak si ate Wincelette. "Gaga, naniwala ka naman? Galing yan sa bakuran nila! Haha. Hindi ka kasi nago-online eh. Di mo tuloy nabasa yung message niya."
"Sorry naman, no. Di naman kasi ako katulad mo na laging may pera pangload, no. Wala naman kasing importanteng ite-text no? Atsaka gipit ang budget, no?"
"Asus!" sagot ni ate Wince sa kanya.
"Haha. Apir!" I said in agreement with ate Van. "Sina Ailou at Arnaisa, asan na?" tanong ko.
"Susunod nalang daw si Arn.Naliligo pa lang daw siya."
"Wow. Nakapagtext pa siya habang naliligo?"
"Gaga, pwede yan. Ginagawa ko yan. Dinadala ko ang cellphone ko sa CR just in case tumawag si Jigs. Nagagalit kasi pag di masagot ang tawag. Praning! Kainis."
"Aww. Haha. Eh ikaw yun. May boyfriend ka. Si arn, may boyfriend ba? Di'ba wala?"
"Gaga. Sumbong kita kay Arnaisa! Realtalker sis? Pag nagkaboyfriend si Arnaisa, who you ka Van."
"Ahaha! Coming from you ha. Ikaw ba, may boyfriend?" pangaalaska ko rin kay ate.
"Wala na. Hahaha. Whatever!" We laughed on her reply.
Hays, Di'ba sabi ko gagawa kami ng schoolworks? Eh bakit kami nagchichika? Asan ang schoolworks? "Huy tara na. Simulan na natin. Open mo ang laptop ate."
Pinapunta ko sa MSword at powerpoint ang cursor. Nagtatype na ako ng preliminaries.
"Wince? Bakit bitin tong copy mo ng A love so beautiful dito?"
"Ay. Hindi pa kasi lumalabas yung 16th episode. Wala lang subtitle. May nakita ako pero mali-mali ang subtitle nila. So yun. Baka sa friday pa ulit. Sabihan kita pag narelease na nila."
"Ay ano ba naman yan. Ang ganda na nun eh. Bagay talaga sila ni Shen Yue! Haha. Parang tanga pero ang cute. Hahaha!"
Patuloy lang ako sa pagtype. Nakaabot na ako sa body ng essay habang sila naman ay patuloy lang sa sa kanilang discussion tungkol sa A love so beautiful feels nila.
Malala na talaga. Adik na sila sa chinese drama.
Maya-maya pa, dumating na rin si Ailou dala ang kanyang laptop. As usual, nakasuot na naman siya ng squarepants at t-shirt. Tapos sandals lang.
Hinati na namin ni Ailou ang mga gawain. Ako ang nakatoka sa paggawa ng essay since magaling naman daw ako mangcharot sa pagsusulat. Siya ang pinaresearch ko tungkol sa mga assignment, tas nagtatanungan din kami pag kailangan pa ng mas maraming idea.
"Nǐ wèishéme zhème gùzhí! Nǐ gè shǎ mào!" narinig kong sabi nung bidang lalake. Ano daw? Gucci mao? Kurimao? "Ahahahaha!" I bursted in laughter as I listened sa pinapanood nila.
"Okay ka lang, Pen?" Arn asked.
"Ha? Oo. Ahahahahaha!"
"Bakit ka tumatawa?" tanong naman ni ate Wince.
"Ka-kasi... Parang tanga." panggagaya ko pa sa sinabi nung bida. Ahahaha! Ang pangit ng accent! Di ako sanay.
Ayun. Ipinagtanggol nila ang chinese drama at wala na akong nagawa pa. Bahala sila dyan. Basta sa mga kdrama at anime, kami nina ate wince, ate van, at ailou okay. The end.
May konting idea rin naman na nacontribute yung tatlo, pero halos lahat kami na ang nag-asikaso ni Ailou. Ewan ko dyan sa tatlo. Nilamon na ng A love so beautiful. Di pa nakuntento, nanood pa ng weightlifting fairy! Tsk.
"Nais, akala ko ba ayaw mo sa mga chong chong na drama?"
"Madam, maganda siya! Ang cute nilang dalawa! Hihi" kinikilig niyang sagot sa akin.
"Pati rin ikaw, nais?" gulat kong tanong sa kanya. Anyare dun? Kailangan lang, itinakwil niya ang mga asian drama tapos ngayon, ano ito? Is this the part where I say, nilamon na siya ng sistema?
"OO! May angal ka, Pen?" Ang malamang sa alamang na promotor na si ate Ria, dinipensehan si Arnaisa.
"Wala. Aangal pa ba ako? Eh tatlo kayo dyan. Dalawa lang kami ni Ailou dito na natira. Plus dalawa kayo dyan ni Arnaisa. Nako! Si Ailou lang ang meron ako dito. Tatalbog kami sigurado. Kaya wag na."
Humagalpak silang lahat kakatawa. Hinampas pa ako ni Ailou. Ang sakit niya mamalo! Dyusko. Si Arnaisa rin, ang lakas ng pagkakapalo niya sa kama. Tumalbog yung mga notebook ko. Ano ba yan.
Luh? Bumenta joke ko? Eh totoo naman. HAHAHA. Charot lang.
Dear Pen-Pen,
Ayos din pala yung ganitong set-up, no? Dati, ako ang umaako ng gawain ng grupo. Mag-isang gagawa sa bahay. Kausap ko sarili ko. Ngayon, habang nag-aaral ay may kasama pang biruan.
I promise, I'm gonna keep them. :)
Ciao!