webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
125 Chs

39: ?????-----(end of chapter: title)

39: ?????-----(end of chapter: title)

.

.

Tila nakaramdam ng sakit sa ulo si Chris dahil, sinubukan nyang tumayo gamit ang kaliwang parte lamang ng kanyang katawan.

.

'----kung ang mabuti ay waring gawing masama, at ang masama ay para sa mabuti---- lahat ng bagay ay may kakibat na sanhi at bunga ng kadahilanan----'

Nakatayo na sya ng mabuti at ganun ngang naka balanse sya kahit na wala syang nararamdaman sa kanyang kanang parte ng katawan.

.

Maririnig ang mga tunog sa kanyang likod(spinal) sa rib cages at pilit syang huminga sa limit ng kanyang makakaya na hindi natutumba.

.

Blag!! ----(fall)

.

Natumba sya at malalaking butil ng pawis ang makikita sa kanyang buong katawan. At ngayoy inalis nya ang kanyang suot na damit.

.

Ganito ang naging routine nya araw-gabi araw gabi sa mga nagdaang araw.

.

Sang buwan nanaman ang lumipas at taglamig, nag umpisang maghulugan ng nyebe sa labas. At si Chris ay nasa ibabaw ng kanyang kama.

.

Bagamat palihim ang kanyang mga ginagawa, wala din namang nakakapansin dahil wala syang taglay na aura. (hmmmfp, oo nga noh wala na syang aura, kumbaga normal human lang sya).

.

*masasabing parang Bruce lee parin sya sa experience ng bakbakan*.

.

Mapapansin narin ang pagtubo ng kanyang bigote at balbas. At kahabaan ng buhok. At ang kanyang katawan ay payat parin na tila hindi makasagap ng resistensya ng maayos. Pero malakas syang kumain.

.

"hindi ka parin ba mag aahit?, mukha kanang long haired version ng Monks".

Sabi ni Vera na tila sya naman ang bantay ni Chris sa ngayon. At sinusubuan nya ito ng pagkain.

.

"he he he. Wag nalang muna---oh syah, may balita kana ba kina tito at tita? "

Tanong ni Chris kay Vera.

.

"nung huling buwan napatawag si Dad at sinabing nasa ligtas silang lugar ni Mom."

May maamong tingin naman ito kay Chris. At ang dating Vera na strict at cold hearted girl ay ngayon napaamo ni Chris.

.

"ganun ba. Ahm salamat naman at hindi ka umiiwas sakin kahit Hindi na ako tulad ng dati. Tiyak malulungkot ako pag lumayo ka".

May malaking ngiti naman sa mukha ni Chris.

.

"hmmfp!, bakit ganun ba akong klaseng babae?, sa tingin mo ba iiwan pa kita kahit ganyan ka---jan ka nagkamali, mahal kaya kit----!!!".

Natigil si Vera, at mukhang nahulog sya sa simpleng patibong ni Chris.

.

(master!!!, panu yun?, teach me!! )

.

*me me me me me too!!! *

.

Namula naman ang magkabilang isngi ni Vera at umabot pa ito sa kanyang leeg. Pinkish mode.

.

"oh?, hindi ko narinig ano sinabi mo? "

Acting innocent naman si Chris at inilapit nito ang tenga sa mukha ni Vera.

.

"walah!!!, mukhang naubos na ang pagkain kako!! --hmmfp!!"

Tumayo na si Vera at nagmadaling umalis.

.

Napansin nina Bliss ang nagmamadaling lumabas si Vera sa kwarto ni Chris.

.

"ehh?, mukhang tulog na siguro si Chris kaya agad na syang lumabas"

Sabi naman ni Hannah na may hawak na Spirit Stone. Ginagamit nila ito para sa Cultivation.

.

Pero tila ibang kahulugan naman ang pagkaka intindi ng ilang girls.

(master really is Flirt-Sage.)

.

Ng makaalis si Vera. Agad naghubad ng damit si Chris at ginawa ulit ang kanyang routine. Ang makatayo ng maayos na tindig at huminga sa limit ng kanyang makakaya.

.

"haupfff!!! ---(inhale)"

Maririnig ang mga tunog sa kanyang katawan na parang kinakalas na mga buto.

.

Matapos nun ay nakaramdam ng sakit si Chris sa kanyang kanang binti. At ganun din sa kanyang kanang balikat at kanang parte ng kanyang katawan.

.

Halos manuot sa sakit ang nakatatak sa kanyang mukha, pero hindi sya natumba sa mga sandaling iyon, at tila patang mga uod naman ang kanyang mga ugat sa buong katawan dahil sa tindi ng sakit ay napapatibok din ang mga ugat nya.

.

Parang may nagwawalang halimaw sa kanyang katauhan na pilit tinutusok ng madaming matatalim na kuko ang looban ni Chris. Pero hindi sya nagpadala sa sakit at hindi sya natumba sa ayos.

.

Blagan----(fall)

.

Hindi nya natagalan at nawalan din sya ng balanse at habol na nya ang kanyang paghinga.

.

Nanatili parin ang sakit na dulot nun at hindi nya maigalaw ang kanyang buong katawan. (lumala ata nako naman)

.

*medical info: wag hayaang gumalaw ng mag-isa ang isang pasyenteng may pagka paralisdo. Dahil baka kung ano ano kasi pinagkakagawa nito pag wala itong bantay. *

.

Pagkatapos nun ay, pilit nyang iginalaw ang kanyang kaliwang kamay. At sinubukan ulit bumangon.

.

'Khe!!, hindi ako mananatiling Cripple habang buhay. ---hindi ako papayag!! '

Dahil sa palaban na ugali ni Chris at tatag ng kanyang puso. Walang imposible sa kanyang makamit ang kanyang nais.

.

Flop----(fall)

.

Ilang beses at paulit ulit syang nababagsak, masugatan man ang siko, ma twist man ang ilang daliri sa kanyang mga kamay, wala syang tigil sa gusto nyang gawin.

.

Kung ang ginagawa nya ay makita ng mga kasamahan nya tiyak pipigilan sya ng mga ito dahil sa sobrang delikado ang kanyang ginagawa.

.

'B-bumalik ka!!, B-Bumangon ka!!! '

Sigaw nito sa kanyang isipan na halos mamutla na sya ng sobrang hirap at sakit na kanyang nararamdaman.

.

Nahiga sya at napatingin sa kaitaasan. Na tila kayang tumingin sa malayong lugar kung saan naroon ang mga kalaban nyang totoo mga gusto nyang paghigantihan na mga diyos na nagpapahirap sa takbo ng Heavenly Faith ng mga tao maging ang mga naniniwala dito.

.

*ano ba talaga ang goal nya!? *

.

## hindi nyo lubos maisip ang kanyang goal or nais---at hindi ko ibubunyag sa book1 na ito ##

.

-----

.

Sa Simion Clan.

.

Tila may isang lalake naman ang nakaupo ngayon sa throne. At hawig na hawig ito sa hitsura ni Bavix. At mapapansing wala itong balbas at mustache. (ahit boy)

.

'hmmmfp, namatay sya sa kamay ng isang babae'.

May hawak na Crystal recorder sa kanyang kanang kamay at nakita nya lahat ng nangyari.

.

Lumapit ang president ng Dark council sa harapan nito.

.

"Sir, kasalukuyan silang nasa loob ng teritoryo ni Jose Grande---mahihirapan kaming alamin ang kundisyon ng mga target".

Yumuko ito sa lalakeng iyon.

.

"buweno, tiyak naman ako na maaaring patay na yung Chris na iyon. At yung si Bliss ay tiyak maayos sya dahil naroon din si Jegger sa mga sandaling dumating sila sa Ancient city---- hayaan muna natin sila sa ngayon. Ako na ang bahala kay Vera sa hinaharap---bilang isa sa mga magiging Concubine ko".

May masama itong ngiti at namula ang mga mata.

.

Nakaramdam ng takot ang babaeng may status na President ng DarkCouncil. At sino kaya itong nakaupo sa Throne ng Simion Clan. (bat lagi nalang may sumusulpot na kalaban!!, ngayong walang kakayahan si Chris tiyak mas nasa panganib ang buhay ni Vera).

.

*at mukhang hindi sya takot kay Jegger at Jose Grande----wala syang inilalabas na aura sa ngayon. Ano kaya ang stage nya?! *.

.

-----

.

Nag sparring sina Ruby at Vera, sa isang tiled area sa Ancient city ruins.

.

"mukhang kabisado mo na ang lahat, parang nawawala ka lang sa focus minsan. Anyare? Iniisip mo si Chris? "

Sabi ni Ruby kay Vera at mukhang tumpak nya kaagad ang dahilan.

.

Parang nakoryente naman si Vera sa sinabi ni Ruby. At nahalata sya kaagad dahil dun.

.

Nakikinig naman si Jose sa tabi na tila nagdidilig ito ng mga halaman. (for real?? )

.

'hayst, mukhang lahat ng babaeng narito ngayon ay si Chris ang topic. Maske na yung babaeng si Bliss, hindi makaalis alis sa tabi nya ngayon'.

Ipinagpatuloy na ni Jose ang ginagawa.

.

Si Bliss naman sa umagang iyon ay binantayan si Chris. O masasabing ayaw lumayo sa tabi nito.

.

"ahm, wala ka bang gagawin ngayon? "

Tanong ni Chris na tila gusto nitong ituloy ang routine kapag nag-iisa sya.

.

"wala."

Matipid na sagot ni Bliss at ganung nakatingin ulit sa mukha ni Chris. Hindi nagbago ang kaamuhan ng titig nito at naka salungbaba sa tabing kanan na parte ng kama ni Chris.

.

"ahm. Ganun ba---buweno may gagawin ako pero huwag mong sasabihin sa iba."

Sabi ni Chris. At sigurado na sya na mapagkakatiwalaan nya si Bliss. Dahil hindi naglilihim si Bliss sa kanya at mukhang mas malaki din ang tiwala ni Bliss kay Chris. Maske ang Virginity nito ay inamin kay Chris. (Eeeekk?!!, Grabe namang babae ito, inaakit ata nya ng sobra si Idol-Master)

.

*tsk. Pero hindi umipekto. Maske nga nung lasing si Vera walang ginawang masama si Idol diba*.

.

Sa isang sandali ay bumangon si Chris at nakaramdam ng kaba si Bliss sa ginagawa nito.

.

Akmang susuportahan nya ang katawan ni Chris, nagulat sya ng mapansin nyang naigalaw ni Chris ang kanang kamay nito kahit saglit lang.

.

"hayaan mo ako, kahit anong makita mo, o mangyari saken wag mo akong tutulungan."

Sabi ni Chris na nag-umpisang pagpawisan ng husto.

.

Hindi na umimik si Bliss at nanatili itong nakatayo at nakatingin sa anyo ni Chris, na isang crippled at masasabing useless. Sa pakiramdam na namumuo sa damdamin ni Bliss ay ang awa, lungkot at nasasaktan sya sa anyong ito ni Chris. At na konsensya sya dahil sinapit nito.

.

'hindi sya magkakaganito kung, hindi dahil saakin. ---ako nalang sana ang naging Paralisado---mas tanggap ko pa kesa sya ang maghirap ng ganito'.

Namumuo ang luha sa mga mata ni Bliss.

.

"rrrgghh!! ---".

Nawawalan ng balanse si Chris. At matinding sakit nanaman ang nakapaloob sa kanyang buong katawan.

.

Pilit namang pinipigilan ang sarili si Bliss na tulungan si Chris. Pero hindi kinaya ng kanyang damdamin.

.

Yumakap si Bliss kay Chris. At tumulo na ang mga luha nito. Isang emosyon na matagal na nyang kinalimutan, emosyon na nag papaalala sa kanya ng kahinaan. At ang emosyon na syang nagdala sa kung ano sya ngayon.

.

"t-tama na---- h-hindi ko kayang makita kang naghihirap ng ganito."

Sabi ni Bliss, habang yakap nya si Chris.

.

"---hindi ako susuko, maniwala ka hindi ako babagsak sa pagkakataong ito".

Tumatak ang seryosong anyo sa mukha ni Chris na tila nakakasiguro na syang hindi na sya babagsak.

.

Naramdaman ni Bliss ang intent sa sinabi ni Chris. Ang intent na tila naglalaman ng tunay na pag-asa. Ang intent na syang nagpaalala sa kanya kung pano bumangon sa ano mang unos na dumating sa buhay nya.

.

Umagwat si Bliss sa pagkakayakap kay Chris. At ganun nga na kita nya ang anyo ni Chris na sumisimbolo ng isang matayog na bundok na hindi magigiba.

.

Ni-recite ni Chris sa kanyang isipan ang Advance part ng Cultivation technique ng DemonicBlackHeavens. Isa itong gamble para sa kanya.

.

'----Itataya ko na buhay ko, sa pagkakataong ito, ang Advance part ng Cultivation technique ay pawang pang Deity stage lang eepekto, at makakasama ito sa below Deity stage. ---mas ok na ito kesa maging cripple ako habambuhay---'.

Inactivate na nya ang Chants sa kanyang sea of consciousness, nag surge na parang Vortex ang mundong iyon sa kanyang isipan. Bumuo ito ng Spark na matagal ng nawasak kasabay ng Qi-Veins ni Chris. Ngunit ang spark na ito ay kakaiba.

.

Hong!!! -----(glow)

.

Walang aura sa katawan ni Chris pero anong klaseng suppression ang nagaganap sa paligid ni Bliss.

.

Naglagay ng Barrier si Bliss, dahil alam nyang makakasama kung masasagabal si Chris sa ginagawa nito. Pero may halong takot na baka may mangyari nanamang masa kay Chris.

.

Nakapikit si Chris at nakatayo ito. Unti unting namula ang kulay ng katawan nya, at lumabas ang kakaibang usok sa mga kamay nito. Isang Gray smoke na tila parang apoy ang galaw nito.

.

'inactivate ko na lahat ng Chants sa Advance part---- kailangan ko ng pundasyon para sa rebuild ng Qi-Veins ko!!!,'

Hindi malaman kung gaano kasakit ang pag rebuild sa kanyanv Qi-veins lalo na at buong katawan nya ang dinadaluyan nito.

.

Nagkaroon ng bitak sa kinatatayuan ni Chris. At ganun din ang kanyang kutis, may mga bukas na sugat at mga ugat na naglalabas ng dugo sa kanyang katawan.

.

'BlackAsura!!---DivineLightning of primordial!! --- EvilCloudArts!!---- WarDragon!! '

Isa isang inactivated ang mga skill sets nya sa kanyang buong katawan bilang pundasyon ng pag Re-build nya sa kanyang Qi-Veins.

.

Hindi inaasahan ni Bliss ang naging anyo ngayon ni Chris. Si Chris ay walang Aura sa katawan nito, at ang anyo nya ay parang isang kampon ng kadiliman.

.

Kung saan parang kulay ng patay ang kutis ni Chris at halatado ang ugat ng katawan nya sa panlabas, ganun namang parang nakasuot na gloves sa kanyang mga kamay ang inky black smoke na gumagalaw na parang apoy, sa kanyang buhok naman ay inky black din at napakahaba nito na parang pumulipot na dragon sa kanyang likuran Ang kanyang mukha na nakapikit parin at naglalaman ng walang hanggang kamatayan. Ito ay hawig sa pagpatay nya noon kay Gamordan.

.

(mas kompleto lang ang form nya ngayon, dahil maske sa inaapakan nya ay may mga inky smoke na parang apoy kung tignan).

.

Iminulat ni Chris ang kanyang mga mata at pitch black ito na may inky black smoke na mapapansing lumalabas sa gilidan ng mga mata nya.

.

"C-Chris----".

Kinakabahan si Bliss dahil, ngayon nya lang nakitang ganito si Chris.

.

'ok lang ako, saglit lang ito'.

Mental message ni Chris kay Bliss.

(mental message diba sa peak Epic stage lang nagagawa iyon or Ancestor stage. At kakailanganin ng Aura).

.

Nanatiling nakatayo si Chris at walang aura ang mararamdaman sa kanyang katawan.

.

'bakit ganito?, parang halos wala na akong maramdaman sa kanya, parang wala sya sa harapan ko pero, heto at nakikita ko naman sya!?'

Naguguluhan si Bliss. Dahil dun.

.

Ano kaya reaction ni Jose at Jegger kapag nakita nila si Chris sa ganitong anyo at walang Aura sa katawan nito, at nagmistulang anyo ng kamatayan naman si Chris.

.

Napatingin si Chris sa kanyang mga kamay na nababalutan ng Inky-black smoke.

.

'ngayun ko lang nakita ang ganitong klase ng Divine flames kapag naka-activate ang skill sets ko. Mukhang hindi rin nabubuo ang Spark sa Sea of consciousness ko---ehh? '.

May bagay na napansin si Chris at ito ay ang kundisyon ng katawan nya.

.

Bamm!!! -----(explosion)

.

Nawasak ang barrier at tumilapon si Bliss sabay preno nito sa lupa.

.

Agad namang naalarma sina Ahri at nagsi datingan sila sa harapan ng Ancient temple na iyon.

.

"ano nangyare!? ".

Tanong agad ni Jose kay Bliss.

.

Mausok ang lagusan at unti-unting lumabas duon si Chris. At bumalik na ang dati nitong pangangatawan at sigla.

.

Napa-nganga naman silang lahat at mukhang may hindi napapansin si Chris.

.

Nagsi takip ng mukha ang mga babae.

.

Maliban kay Ahri.

.

"Bro!!, wala kang saplot sa katawan".

Tawang tawa na sigaw ni Lucas. At ganun namang hindi mapigilang tumawa ni Box. Pero nanaig parin ang isang milagro sa kanilang paningin, at ito ay ang pagbabalik ng sigla ni Chris at---

.

Agad nagsuot si Chris ng pants nito mula sa loob ng kanyang BlackRing.

.

'Walang Aura sa katawan nya----pero bumalik ang sigla nya---, masmabuti na ito kesa maging Paralyzed state sya habambuhay----nagtataka ako paano nya ito nagawa, at na re-build nya mag-isa ang kanyang nasirang nga tendons at ligaments sa kanyang katawan.'

Hindi na muna inisip ni Ahri ang mga ito at naglakad sya ng malalaking hakbang palapit kay Chris.

.

"Ahri---Hindi ko sinasa----".

Natigil si Chris dahik yumakap si Ahri sa kanya. At ang inaasahan nyang sampal or batok ay hindi ginawa ni Ahri.

'kailan pa naging maamo saken ng ganito si Ahri? ----'.

.

Ganun namang yumakap din si Bliss sa kanyang kaliwang braso, sina Vera, at ganun din kay Ruby sa kanyang likod. At si Jane at Lanna ay masayang makuhaluha at nakatingin kay Chris sa malapit.

.

(they missed him, they missed his solid body, they missed his smile, they missed the warmth feeling of being total alive----)

.

"----Chris, ok na ang sigla at katawan mo pero---- Wala kang taglay na Aura".

Agad na ikinagulat nina Vera dahil na-scan nila ang buong katawan ni Chris at wala itong Aurang taglay.

.

"may mga bagay na, hindi maipaliwanag, pero ang importante, hindi ako Paralisado habambuhay".

Kumindat naman si Chris kay Bliss, tila nag-hint ito na manahimik sa nangyari sa loob. At kung ano man ang nakita nito ay sakanila nalang muna.

.

(sayang wala syang Aura at Qi. Hindi na sya makakalaban.)

.

*baka magiging strategist nalang sya*.

.

## may mga bida na hindi malakas, pero magaling sa ilang points----at masasabi kong masyadong mainstream ang pagiging Powerful sa isang kwento ##

.

-----

.

Gumawa ng kwento si Chris sa nangyari, sinabi nyang nagkaroon sya ng hindi inaasahang pagkabagsak sa sahig habang pinipilit nyang tumayo ng maayos, at nagkataon namang nahipo nya si Bliss na agad namang napasuntok sa kanyang tiyan ng hindi sinasadya.

.

Naniwala naman silang lahat at yun nga, bumangon syang masigla, at naayos pa ang mga ligaments at tendons nya.

.

(tila si Ahri lang ang hindi pa sure na maniniwala sa kwento ni Chris. At si Bliss naman ay namumula ang mukha sa tabi---ginawang rasong yung pag-hipo ah)

.

"kung alam ko lang sana na may ganung epekto ang pagsuntok sa tyan mo, ginawa ko na sana noon pa, ha ha ha ha"

Sabi naman ni Jose sa kanya.

.

Nakaramdam naman ng kaba si Chris. Kung yun ang ginawa talaga ni Jose sa kanya noon, tiyak bye-bye to netherworld na ang kalukuwa nya. Buti nalang epektibo parin ang kanyang Story-telling-a-lie nya.

.

"buweno, sino sa inyo may-hawak sa sandata ko? "

Tanong ni Chris sa kanilang lahat.

.

Konting katahimikan at lingunan dito at duon.

.

===title: Bodily Secret===