webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasy
Not enough ratings
125 Chs

38: Crippled forever.

38: Crippled forever.

.

.

Nakabalik na si Jose sa Ancient city Pinnas. At napansin nyang si Jegger nalang ang naroon.

.

"asan ang dalawang Benzim Lackeys? "

Nagmamadaling tanong ni Jose.

.

"nakatakas sila, pero tiyak hindi na sila babalik pa dito----anyare sa kanya!? "

Agad lumapit si Jegger dahil ramdam nyang walang-wala ang aura sa katawan ni Chris.

.

Dinala na nila ito sa loob ng Ancient temple. Ganun din si Ahri na buhat nito si Bliss.

.

Pinahiga nila ang dalawa at nag activate ng Heating Array si Jose sa palibot. Dahil nanlalamig ang katawan ni Chris.

.

Ang mukha ni Ahri ay hindi maiwasang umiwas lalo na kapag napapatingin sya sa mukha ni Chris. Tila naglalaman ito ng matinding sakit sa loob, at lungkot na matagal na nyang hindi nararamdaman sa kanyang katauhan.

.

'kahit ano ang gawin nila, tiyak akong hindi nila magagamot ang kondisyon ni Chris. Hanggat wala silang Divine Herbs, o kakayahang gamitin ang mga ito---- tiyak parin na walang pag-asa maibalik ang kanyang Qi-Veins'.

Nanginig ang tuhod ni Ahri dahil napansin nyang humina na ang pagtibok ng puso ni Chris.

.

Twing----- (heart strings)

.

Si Bliss ay agad binigyan ng Treatment ni Jegger, gamit ang healing abilities ng Water element nito.

.

'mukhang, malakas ang pangangatawan ng babaeng ito, may taglay syang Heavenly Qi-Veins sa kanyang katawan. Bukas talaga lahat ng kanyang Qi-channels.'

Mangha naman ang tumatak sa mukha ni Jegger. At ganun nga na minabuti nya ang paglinis sa mga sugat at healing effects ng Water element nya.

.

Habang si Jose ay sinuri ang kalagayan ni Chris. At napansin nyang, hindi epektibo ang gamot, at kahit bihasa sya sa Acupuncture ay hindi rin sya makaisip ng doctor na makakayang gamutin si Chris sa ganitong lagay. Ang sirang Meridians o ilang Qi-Veins ay hindi nag regenerate. At humina pa lalo ang paghinga ni Chris.

.

Lumipas ang ilang minuto, natapos na si Jegger at nilagyan nya ng Rejuvenation ointment ang mga pasa ni Bliss, at lumingon kay Jose na tila malungkot ang mukha nito. At hindi na nagpatuloy sa pagsuri kay Chris.

.

"musta kalagayan nya? ----".

Tanong ni Jegger. At tila alam na nya ang ibig sabihin ng pagkalungkot ni Jose.

.

Huminga ng malalim si Jose.

.

"hindi na kritikal ang kanyang buhay. Pero--- malabo na syang makapag cultivate sa buhay nyang ito, at ilan sa mga tendons at ligaments nya ay hindi makakapag function ng mabuti. Wala pa akong nakilalang cultivator na nagamot sa pagkasira ng Qi-Veins nito sa katawan---".

Napapikit sya at tila naalala nya mga training at sabay nilang pamamasyal ni Chris noong kinupkop nya ito. At yun nga ang nagpakirot sa kanyang damdamin sa sinapit ngayon ni Chris.

"napaka mabuti nyang bata, napaka pursigido nya, ang nais nya ay maprotektahan ang mga malapit sa kanya".

.

Hindi naman nakatakas ang sinabi ni Jose, at narinig ito ni Ahri sa lagusan palabas ng templong iyon. Naroon sya at tila nanghina ang kanyang katawan at napakapit sya at sumandal sa pundasyong iyon. Ang luha na hindi nya inaasahan ay tumulo nalang ng kusa.

.

Sa anyo nyang iyon ay sakto dumating sina Jane kasama sina Ruby sa lugar na iyon. Dahil sa message ni Ahri kamakailan at sinabi nya kung nasaan sila ni Chris.

.

"Ate----"

Napansin nina Jane ang luha sa mga mata ni Ahri at sa mukha nito ay ang pagkalungkot.

.

"---si Chris?"

Dagdag ni Vera na hindi masabi-sabi ni Jane.

.

Naghihintay sila sa isasagot ni Ahri, at maske sina Lucas ay nakaramdam ng takot sa isasagot ni Ahri. Takot na baka patay na si Chris, takot na nasa masamang kundisyon si Chris.

.

"si Chris a-ay tulog p-pa, pero---- hindi n-na sya makakapag Cultivate, hindi na sya makakagalaw ng maayos".

Nanginginig na sinabi ni Ahri sa kanilang lahat.

.

-----

.

Sa itaas ng pinaglabanan nina Chris at mga kalaban nito.

.

Nakatayo duon sa itaas sa himpapawid ang babaeng, naka suot ng winter outfit. At tila malungkot ito.

.

'asan ka na ba?, bat hindi ko na maramdaman ang iyong Aura?! '

Sabi nya na may halong hikbi. Pero bigla syang napalingon sa isang parte ng bundok kung saan may itim na bagay duon na nakalublob sa lupa.

.

At nakita nya ang sandatang naglalaman ng katiting na aura ni Chris. (Demolition)

.

Bumaba sya at nilapitan nya ito.

(naiwan siguro ito nung biglang dumating si Bavix. At nakalimutan na nina Ahri na dalhin)

.

'heto nga ang aura ni Mahal!'

Sa isipan ng babaeng ito at agad nyang hinawakan ang handle ng WarHammer(demolition), at hindi nya ito maigalaw.

'may bigat ito ng 90,000kg!?, pero asan sya!? '.

.

Lumingon dito at lumingon doon ang babaeng ito at wala syang mahanap na katawan sa paligid. Maske ang ibang mga aura ay matagal ng nawala duon.

At tanging mga bangkay lang ng mga hindi nya kilala ang mga naroon sa magkakalayong mga lugar.

.

-----

.

Lumipas ang dalawang linggo, at hindi parin nagising si Chris, hindi rin umalis si Bliss sa tabi ni Chris ganun din ang lahat. At nasa loob sila ng Ancient temple.

.

'ilang buwan nalang mag-uumpisa na ang World Tournament, pero hindi ako makakalaban ng ganito kapag hindi kasama si bro'.

Sa isipan naman ni Lucas na tila nawalan na sya ng lakas sa pag Cultivate ng malaman nyang Cripple na si Chris.

.

Si Jegger ay matagal ng nakaalis at nagpaalam ito kina Jose at Ahri. Nung ikalawang araw matapos dumating sina Ahri.

.

Isang buwan na ang lumipas at ganun paring walang malay si Chris. At pumayat na ito sa anyo.

.

"Ate Ahri, sasali paba tayo sa Tournament?, o hindi na? "

Mahinang tanong ni Lanna. At mukhang yun din ang iniisip nina Lucas.

.

Huminga ng malalim si Ahri at napapikit sya.

.

"oo sasali tayo--- kung sa susunod na apat na buwan bago magtapos ang taong ito ay hindi parin gising si Chris. Tayo ang lalaban para sa kanya".

Sabi ni Ahri at may determinasyon sa tono nito.

.

Napatayo naman sina Box at Lucas at nagkaroon sila ng Inspiration sa ngayon. At ito ay lumaban sila para kay Chris.

.

(lalaban sila alang-alang kay Chris? ---- si Chris ang dahilan kung paano sila naging malakas at ganun din na kung wala si Chris ay hindi rin sila makakaapak sa World tournament.)

.

At dahil dun masasabing hindi nasayang ang Mga ibinigay ni Chris sa kanila. Mapa cultivation resources man or Artifacts. At may Cultivation techniques at guides pa.

.

Nag umpisa silang muling mag meditate sa kanilang insights dahil makakatulong ito sa kanilang laban. Lalo na sa paggamit ng kanilang mga Elements sa skills at spells.

.

Lumipas ulit ang isang buwan. at tatlong buwan nalang ang nalalabi para sa paghahanda nilang umalis patungo sa World Tournament na gaganapin sa bansang Coryet ng PurpleMoon continent.

.

Nakatulog si Bliss sa tabi ni Chris.

.

Sa sea of consciousness naman ni Chris ay madaming cracks at tila unti-unting nababalutan ng Itim na usok ang lugar na iyon.

.

May nakatayo at hindi ito ang Chris na ating kinilala sa buhay nyang ito. Ito ang Chris sa nakaraang buhay.

.

'Bat ako narito?, at bakit hindi ako makalabas? '

Kausap nya ang kanyang sarili, at sinuri ang kanyang mga palad ganun din ang kanyang anyo.

.

'----bat ganito ang ayos ko!, matagal na akong patay!, ---nope, hindi ako patay. Nabuhay muli ako sa mababang mundo ng mga mortal.'

.

Lumabas sa tabi nya ang isang liwanag, at naging projection ito ng Batang anyo ni Chris.

.

'bat narito ka!!?, sino ka?! '

Sabi ng batang Chris.

.

'i-ikaw yung batang humatak saken sa River of Souls!!'

Gulat namang sabi ni Chris na nakakatanda.

.

'hindi kita hinatak!!, may humatak sa akin na mga buntot!!, at mukhang wala na sya dito'.

Sabi ng batang Chris.

.

Napaisip si Chris. Buntot?, naalala nya si Ahri sa form nito na may Fox tails.

.

'ah ganun nga ang nangyari!!, pero papaanong nakulong kayo sa katawan kong ito?! '

Dagdag ng batang Chris. At taas kilay itong tumingin kay nakakatandang Chris.

.

'ahm, ang kaluluwa ko ay nawasak ng tuluyan at hindi na sana mapapasama sa reincarnation---pero sa tulong ng sacred seals ng heavens. Maibabalik ulit ako sa reincarnation kapalit ay ang pag-seal sa aking memories at maging aking talents.'

Pagpapaliwanag ni Nakakatandang Chris. At nagbigay explanation sa mga skull seals na tatlo na ang nabasag. At nagbigay sa kanya ng kaalaman sa kanyang nakaraan. (20% lang ang kanyang naaalala).

.

'eh yung may buntot na maganda? '

Tanong ng batang Chris.

.

'ewan ko dun, pero sabi nya isa syang Evil Woman sa kanyang nakaraang buhay. Mukhang malayong magtugma ang nakaraang buhay namin---malayo takaga dahil hindi ko sya kilala sa mga napatay ko noon----kung meron man, siguro kapag buo na ang aking ala-ala patungkol sa aking nakaraang buhay'.

Sabi ni Chris. At napa 'oh' naman ang batang Chris.

.

'pero malabo atang bumalik pa ang mga ala-ala mo kuya'.

Tinawag nalang nyang kuya ang kanyang kakambal sa Anyo.

.

'at bakit? -----'

Tila nakaramdam ng kaba si Chris.

.

'dahil, sira na ang daluyan ng iyong Qi-energy sa iyong mga veins at ilang parte ng iyong katawan ay mahihirapang makagalaw ng maayos'.

Sabi nito hanggang sa unti-unting nabaha ng cracks ang sea of consciousness ni Chris.

'buweno kuya, sa tingin ko naman may masmalaki kang plano kesa sakin sa buhay. Kaya--- huling pahkakataon mo na ito kapalit ng kalukuwa ko'.

Ngumiti ang batang Chris at naging liwanag sya sa kaitaasan at unti unting lumakas ang kanyang liwanag hanggang sa masilaw na si Chris sa tindi nitong ilaw na ito.

.

-----

.

Agad sumigaw si Bliss ng maramdaman nyang tumigil sa pagtibok ang puso ni Chris.

.

Agad dumating sina Ahri at lalo na si Jose. Na lumitaw nalang basta sa tabi ni Chris.

.

"h-hindi maaari! ----"

Napaluhod si Jose at ganun ngang ibinuhos nya ang kanyang Qi sa katawan ni Chris pero, mistulang pader ito na ayaw sumagap ng ano mang enerhiya mula sa panlabas.

.

Si Ahri naman ay pinalo ang dibdib ni Chris na nagpagulat sa lahat. Wala silang kaalam alam na matagal ng magkasama sina Chris at Ahri, pero dahil nga sa Acting nila sa labas na anyo, walang nakakaalam sa kanilang pagsasama.

.

Thud----

.

Dinabog nya ang dibdib ni Chris. At pinigilan na sya ni Jose.

.

"wala na sya----hindi rin epektibo ang gamot".

Mahinang sabi ni Jose. At hindi makatingin ng diretso kay Ahri.

.

"kasalanan ito ng Benzim brothers---"

Nagising ang pagiging bayolente ni Jose ng maalala nya ang pagpigil ng Tatlong kalaban sa kanya, na maaaring magbigay sana ng pag-asa kay Chris na maligtas sa kritikal na kundisyon.

.

Lumuluha si Vera, Ruby, Lanna, Jane, Bliss at maging si Ahri. Sina Lucas at Box ay tila hindi rin mapigilan maluha sa mga sandaling iyon. Ilang beses lang silang nagsama-sama at ganun din kabilis ang pagpanaw ni Chris.

.

Khak!! ----

.

Bigla namang natigil ang lahat. At lumingon sila kay Chris na, halos payat na payat na habang nakahiga sa kama. Napa labas ang dugo sa bibig nito.

.

'asan na ako?, -----'

Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata. At kitang kita nya ang lumuluhang anyo nina Ahri at Bliss na nasa kanyang tabi.

'---bat sila malungkot at lumuluha?'

Naguguluhan si Chris. At pinilit nyang gumalaw pero, hindi nya maigalaw ang kanyang kanang bahagi ng katawan.

.

At ganun nga, hindi na muna sya bumangon.

.

"Chris----buhay sya! "

Napawi ang hinanakit sa puso ni Jose, makita nya lang na magising si Chris sa pagka-coma nito.

.

Ganun ding nagpunas ng luha sina Lucas at Box na parang mga matatag na lalake. Pero hindi na nila mapigilan ang tears of joy ngayung gising na si Chris. At buhay.

.

(i feel these tirs, i feel these hart, ---- tears of Juy)

.

*Bida sya eh, halangan Mamatay sya*

.

Matapos itong magising ay lumakas na ang pintig ng puso nito sa normal at ganun din sa paghinga.

.

Bigla syang napapikit at mukhang matutulog ulit ito.

.

"Chris!? "

Sabay nilang lahat na sambit.

.

"hayaan nyo muna syang matulog, mukhang maayos na sya at magigising din sya mamaya".

Sabi ni Jose na nakahawak sa noo ni Chris.

.

Si Chris naman ay napunta sa Sea of consciousness nito. At wala na ang mga cracks at nagbabadyang pagguho ng mundong iyon sa loob ng kanyang isipan.

.

At napansin nyang balik na sa normal ang kanyang projection sa lugar na iyon.

.

'wala na sya dito, at mukhang nag-sakripisyo talaga sya para sa akin'

Tila may bahid ng lungkot at awa naman si Chris sa pag-sakripisyo ng tunay na may-ari ng katawan na iyon.

.

-----

.

Kinaumagahan ay nagising si Chris at nakaabang agad sina Bliss sa kanyang paggising, ganun din sina Ahri at lalo na si Jose na itinuring nyang tunay nyang Tito o pamilya.

.

"oh guys, para kayong sinalubong ng patay sa mga hitsura nyu, may dumi ba sa mukha ko? "

Sabi ni Chris. At napa-iling lang ang lahat.

.

Ini-abot naman ni Vera ang salamin kay Chris.

.

"Whuuut!!?, bat ang payat ko!!---- ooops nagugutom ako guys".

Agad na sabi ni Chris at inilatag naman nina Ahri ang kanilang mga niluto para sa kanya. (girls effort, is hart-hart)

.

Mukhang nagtulong tulong silang lahat sa paghahanda ng ibat ibang pagkain. Para kay Chris.

.

"woah!!, fiesta fiesta ang handaan!! "

Nag-ningning naman ang mga mata ni Chris sa mga pagkaing nakahanda.

.

"Kumain kana jan, may mga bagay ka pa na dapat mong laman---"

Sabi naman ni Ahri, at wala syang planong ilihim ang lahat.

.

"ahh, alam ko---- cripple na ako habang buhay".

Kalmadong sabi ni Chris. At ganun ngang tila sila pa ang nasaktan at nasayangan. Ano bang klaseng mind-set meron si Chris. Kung iisipin may positive view sya, o may plano syang iba kaya may kalmadong nakatatak sa kanyang hitsura. Sinubuan sya nina Bliss, dahil sa hindi na maigalaw pa ni Chris ang kanyang kanang kamay o sabihing kanang parte ng katawan.

.

Matapos nyang kainin ang mga nakahandang pagkain ay nagtanong sya sa mga nangyari sa huling labanan bago sya mawalan ng malay.

.

Nalaman din nya ang pagtulong ng Benzim clan sa Simion clan. At pagkamatay ni Bavix sa kamay ni Ahri.

.

Lumipas ang mga araw at puspusang pag-eensayo ang ginawa nina Lucas at Box bilang Setters ng Grupo nila sa nalalapit na World Tournament.

.

Hindi man sila nag-improve sa kanilang cultivation levels. Masasabing ginawan muna nila ng paraan para ma-stable ang kanilang Foundations sa kanilang current Cultivation Stage.

.

(oo nga, importanteng stable muna ang kanilang mga natutunang insights at experience bilang Qi-GrandMaster level 4, at nasa GrandMaster level 3 na sila sa physical. At si Ahri lang ang nakaapak sa Qi-Epic stage level1, at may physical na peak GrandMaster stage)

.

Si Chris ay naka higa sa kanyang kama. Sa loob ng templo.

.

'hmmmfp, may tama at may mali sa mga nangyayaring ito----'

Sa kanyang isipan ay tila hinahalungkat nya ang mysteries sa Cultivation Technique na DemonicBlackHeavens. At lalo na kung bakit malaki ang Connection nito sa BlackAsura Skill set.

.

Pilit nyang gustong igalaw ang kanyang kanang balikat at kanang binti. Pero hindi nya ito maramdaman at ganun ding hindi ito gumalaw.

.

'----hmmfp, cripple forever is real---- at ang forever ay pawang saglitan lamang----huh?--SAGLITAN?!, another insight! '

Tila nabuhayan ng loob si Chris. Sa kanyang naisip na idea.

.