webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
71 Chs

Dead 33 (Part 1)

Third Person's PoV

"Wala pa pong progress."

"Diba naiturok na sa kanila ang syrum?! Bakit wala pa?!"

"Hindi po siguro tinanggap ng katawan nila dahil masyado pa silang mahina at napagod, kinakailangan po munang magpahinga upang manumbalik ang lakas niya "

"Kung gayun, gawin ninyong lahat upang mabumbalik ang lakas niya, turukan niyo siya ng kung ano ano basta't makaalala na siya."

"Masusunod po."

Aira POV

Andito ako ngayon, nakatanga sa itaas ng kisame. Nakatutok sa ilaw at hindi makagalaw. (Wow, rhyme?)

Paggising ko nalang, nakaposas na ang mga kamay at paa ko.

Ni ang mag-unat ay 'di ko magawa.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito, dalawang araw siguro?

Palagi nalang may labas-masok na mga naka lab gown silid na 'to at palaging tinitingnan ang lagay ko.

Katulad nalang ngayon, may dalawang taong kung ano-anong pinipindot sa monitor tapos may mga tinuturok pa sila saakin.

Takot ba silang mamatay ako o hinihintay nalang nilang malagutan  ako ng hininga?

Napapikit nalang ako.

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto senyales na ako nalang uli't mag-isa dito.

Wala man lang nagdala saakin dito ng tubig o makakain pero hindi ako nakakaramdam ng gutom, maybe because sa mga tinuturok nila saakin?

Ano ba talagang kailangan nila?

Nakarinig uli ako ng pagbukas sarado ng pinto.

Sigurado uli akong isang taong naka lab gown para iexamine ako.

Ngunit napatingin ako sa may gilid ko nang may nakatayong bulto ng tao.

Hindi ko alam kung bakit tila nanginginig ako sa kanyang presensiya.

"Aira, ang apo ni Alonzo." Napakuyom ako ng kamao ko ng marinig ang boses niya.

"Kay tagal nating hindi nagkita Iha." Sambit nito at tumawa.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa pagkamuhing aking naramdaman.

Nandito sa harap ko ang taong pumatay sa lolo ko at ang taong naging dahilan ng mga kaguluhang 'to.

"Napakasama mo! Demonyo ka!" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman siya, malademonyong tawa katulad niya!

"Demonyo na kung demonyo! Wahahahahahah! Ito na ang umpisa ng paghahari ko sa buong mundo!"

Saad nito at muling tumawa. Ngunit bigla itong tumigil at galit na tumingin saakin.

Nababaliw na siya!

Nagulat nalang ako dahil sa bigla niyang pagsakal saakin.

"A-ack! B-bitawan mo ako!" Saad ko habang nagpupumiglas.

"Kasalan mo 'to! Kasalanan ng lolo mo!" Saad nito habang sakal sakal parin ako.

"Sabihin mo ang naalala mo!" Sigaw nito habang nanlilisik ang kanyang mata.

Nakakatakot....

Hindi ko alam kung bakit may mga nag flash na mga bagay sa utak ko.

Takot na takot ako.

Sumasakit nanaman ang dibdib ko.

Nahihirapan akong huminga.

"Doc! Bumababa ang kanyang heartbeat!"

"Doc bumibigay na ang kanyang puso!"

                              ✖✖✖

     (Flashback po sa nawalang ala ala ni Aira)

"Aira?"

"What is it lolo?"

"What are you doing?"

"I'm studying Lolo."

"Can you memorize this?"

"Ano yan lolo? Formula? For what?"

"Basta, you need to memorize it, okay?"

"Hihihi, okay lolo madali lang naman po ito eh."

                              ~~~~~~

Aira!"

"Mia!"

"By the way Aira, I have something for you."

"What's that Mia?"

"Binigay ito ni Lolo, he said na bubuksan lang natin ito if something happens to star lab."

"But why? What will happen to star labs?"

"I don't know pero feeling ko may masamang mangyayari talaga."

"Okay, I will keep this."

                       ~~~~~~~

"Aira may naalala ka bang pinamemorize ko sa iyo?"

"Wala po lolo bakit?"

"How about you Mia? May binigay ba ako sayong notebook?"

"Hmmm, notebook? I don"t remember anything."

                             ~~~~~~

"Aira, gusto mo bang pumunta sa star labs bukas?"

"Yes po!"

"Sige apo. Bukas susunduin ka ni Mia okay? Pupunta kayo sa star labs."

                        ~~~~~~~~~~~

"Mia! Andami daming mga gamit dito! Hehehe!"

"Wait Aira, don't touch anything okay?"

"Yes lolo Alfredo."

"Oh ayan, pinagalitan ka na ni Lolo. Hahaha. Tara na nga, puntahan natin lolo mo sa taas kasama si Lolo Alfonso."

                        ~~~~~~~

"Alfonso! Tigilan mo na ang kahibangan mo! Wala ito sa usapan!"

"Huwag kang makialam! Ayoko nang maging sunod sunuran sa iyo kaya tatapusin ko na ang buhay mo!"

*bang*

"Lolo!!!!"

"Aira! Mia! Alfonso Anong Ginawa mo!"

*bang*

"Ahhhhh! Lolo!!!!!"

                             ~~~~~~~

May sunog.... May sunog sa star labs.

Nandun ako.. Nandun si Mia...nakadapa at walang malay.

"Mia" Unti-unti kong inaabot ang kamay niya ngunit bigla nlang akong  nawalan ng malay.

                            ✖✖✖✖

Alfonso POV

"Doc! The patient isn't responding."

"Clear!"

"Buhayin niyo yan!" Mariing sigaw ko.

"Hindi ko pa nakukuha ang gusto kong makuha! Kaya gawin niyong lahat para magising siya!"

Lintek! Na Alonzo! Pinapahirapan pa ako!

Kinakailangan kong makuha ang pormula! Kailangan ko iyong makuha mula sa batang ito!!!!

"Doc stable na po ang lagay ng pasyente." Saad ng ng miyembro ng star labs.

Napatingin ako sa kanya at sa nakahigang batang 'to.

Hinayaan ko nalang sanang mamatay ka. Kung hindi ko lang kayo kailangan matagal na sana kayong nalagutan ng hininga.

"Gawin niyo na ang dapat gawin diyan." Saad ko at tumalikod na.

Kulang pa. Kulang pa ang lahat ng ito, gusto kong sobra sobra pa ang mangyayari ngayon.

Ngayong nasaakin na ang huling susi para maging matagumpay ang plano ko, sisiguraduhin ko na ako na ang maghahari sa mundo! Hahahahahahahahah!

Mia POV

Ang sakit sakit. Kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo, siya pa ang magtra-traydor sa iyo.

"I cannot believe this! Hindi ako naniniwalang traydor si Tita Chelle!" Singhal ni Xander.

"Dre! Nangyari na! Kahit ako hindi makapaniwala! Una si Ate Lea at Kuya Marcus! Ngayon naman si Ate Mich!" Bulyaw ni Ace.

"Waaa! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Atungal ni Abegail.

"Guys! Huminahon muna kayo." Singit ni Christine

Napahilamos nalang ako ng mukha.

God! Ano ba 'tong pinasok namin!

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

*sniff*

Napaupo nalang ako sa sahig at sumandal sa pader. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabila kong tuhod at doon umiyak.

Shit! I feel Hopeless right now.

Ano na ang gagawin namin?