NAKA-UPO sa kaniyang kama at patuloy na tumutulo ang mga luha habang nakatulala. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa niya ang ganoong bagay sa kaibigan. Oo, gusto niya si Moon simula bata pa sila pero mas minabuti niya na itago nalang ang nararamdaman para kay Moon dahil alam niyang straight ito at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Bata pa lang alam na niya sa sarili niyang hindi nararapat ang puso niya sa babae.
Hindi rin alam ng pamilya niya ang tungkol sa kaniyang kasarian. Maging ang tungkol sa Ex niya ay hindi rin nila alam. Alam kasi niyang hindi siya tatanggapin ng mga 'to kapag sinabi niya ang tunay niyang nararamadam lalo na ang kaniyang tatay.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa dahil nag-vibrate ito. Message mula kay Moon.
From: Moon
Kung sakaling uuwi ka man sa bahay niyo rito, please lang huwag ka magpakita sa akin.
Nang mabasa niya 'yun e napabagsak nalang siya sa kama niya at muling tumulo ang mga luha.
"Napaka-tanga mo, Adrian!" sisi niya sa sarili habang hinahampas-hampas ulo niya gamit ang kaniyang palad. Hanggang sa hindi na niya mapigilang mapahagulgol sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman niya.
Bawat kaibigan ay mahalaga para sa kaniya, at ayaw niyang mawala ang mga 'yun sa kaniya. Sabi niya nga sa sarili niya na, 'Hindi baleng ako ang masaktan at mahirapan basta kasama ko mga kaibigan ko,' Ganiyan niya pinapahalagahan ang mga kaibigan niya.
Sa patuloy na pag-iyak ay hindi na nito namalayan na naka-tulog na siya. Pagtulog ay isa sa pinaka-magandang gawin para maibsan at makalimutan ang sakit at problemang meron ka. Iiyak mo lang ng iiyak at kapag katapos mo umiyak, subukan mong magpahinga ng gumaan kahit papaano ang pakiramdam mo.
"O, MOON, ikaw pala 'yan. Sana tinawagan mo manlang kami para nasundo ka namin sa terminal," masayang bungad ng nanay ni Moon sa kaniya ng maka-pasok na siya sa loob. Saktong naghahanda ito ng mga plato para sa pananghalian.
"Wala 'yun, Ma. Tsaka isa pa kaya ko naman na bumiyahe." sabi niya at humalik sa pisngi ng nanay niya. Nag-iisang anak lang si Moon, pero kahit gano'n ay hindi ito ini-spoil ng mga magulang niya.
"Moon, anak, welcome back to the family!" nakangiting sinalubong niya ito at yumakap sa anak. "Teka," wika nito ng bumitaw na sila mula sa pagkakayakap. "Bakit hindi mo kami tinawagan para nasundo ka namin." pagtutuloy nito.
"Pa, kaya ko naman. Tsaka malaki na ako, kaya ko ng makipag-basagan kapag may loko-lokong lumapit sa akin," sumuntok-suntok pa ito sa hangin at nagpakitang gilas sa ina't ama.
"O, siya, maupo na kayo para makakain na. Saktong-sakto anak niluto ko ang paborito mo." nakangiting tumungo ang tatlo sa kanilang puwesto sa hapag.
"Wow, sa wakas, makakatikim na ulit ako ng Menudo." pinagkiskis pa nito ang kaniyang mga palad at tsaka kinuha ang kaniyang kutsara't tinidor.
"Kamusta school, anak?" tanong ng kaniyang ama habang naglalagay ng kanin sa kaniyang plato. "O, ubusin mo 'yan para naman tumaba ka. Alam mo naman na ayokong nagkakaroon ng magandang katawan ang anak ko dahil baka ma-rape ka ng mga babae diyan," biro nito sa anak. Napatikhim nalang si Moon ng maalala ang nangyari sa kanila ni Adrian. Babae nga ba?
"Umayos ka nga, Pedring. Puro ka kalokohan," saway ng nanay nito sa kaniyang ama na abot tenga ang ngiti dahil sa pang-aasar sa anak.
"Wala 'yun, Ma. Tsaka Pa, nagpapataba talaga ako kasi alam mo na masiyadong guwapo at hot ang anak niyo kaya need ko magpataba. Nakakapagod kaya maging guwapo at hot." Umiling-iling pa ito na tila ba namo-moroblema dahil sa pagiging 'guwapo' at 'hot' niya kuno.
"Kayo talagang mag-ama, puro kayo kalokohan." napangiti nalang si Moon sa ekspresyon ng kaniyang ina. Sinubo nito ang kanin na may ulam na nasa kutsara niya at nginuya. "Kamusta, mga kaibigan mo especially si Adrian?" nabulunan ito sa tanong ng nanay niya.
"Juskong bata 'to, magdahan-dahan ka, wala kanh kaagaw sa pagkain." binigyan nito ang kaniyang anak ng tubig.
"Okay naman kami, Ma. Tsaka nagba-bonding naman kami ng nga friends ko kapag saturday and sunday." wika nito habang nauubo-ubo pa. Muli itong sumimsim ng tubig mula sa kaniyang baso.
"Hindi ka ba nahihirapan sa school mo, Moon?" tanong pa ng kaniyang tatay.
"Ayos naman, Pa. 'Yung mga teachers namin is magagaling magturo."
"Magagaling, kaya pala puro palakol grades mo." mahinang wika ng tatay nito habang natatawa-tawa pa.
"Mataas kaya grades ko, Pa." sagot niya. Ikaw nga raw 'yung mababa grades sabi ni Mama e.
"Sinasadiya ko 'yun kasi alam kong crush ako ng Mama mo, tsaka sabi niya tutor ko nalang raw siya. Siyempre sino ba naman ako, isa lang naman akong hamak na guwapo, wala akong magawa kundi ang tanggapin kasi nakakaawa naman kung hindi ko tatanggapin. Tsaka—Aray!" hindi na nito natuloy ang kwento nito ng pingutin ng kaniyang Misis ang tenga niya.
"Apaka hangin mo talaga," binitawan na nito ang tenga ng Mister at muling kumain. Si Moon naman ay masayang tinitingnan ang dalawa habang kumakain.
"Totoo naman e,"
"Ma, Pa, dito muna ako magpapalipas ng gabi tapos bukas ng hapon ako babalik ng dorm."
"Walang problema anak," wika ng kaniyang ina.
GABI. Nasa labas siya ng kanilang bahay. Tulog na ang kaniyang ama't ina. He just want to relax for a bit. Until now hindi pa rin niya matanggap na nagawa sa kaniya 'yun ng kaibigan niya. Naiinis at the same time nalulungkot siya. In-open niya ang kaniyang cellphone.
Bro. Adrian (38) Missed Calls
Matapos niyang makita 'yun ay inilagay niya sa kaniyang bulsa ang cellphone at pumasok sa loob upang kuhain ang kaniyang gitara. Muli itong lumabas dala ang gitara at tumungo sa likuran ng kanilang bahay. Meron silang tambayan duon ni Adrian. Hindi niya sure kung okay pa ba 'yun dahil sa tagal na nang umalis sila rito.
Napansin niyang maalikabok na ang katre na pinagawa nila rati dahil mahilig sila matulog ruon lol na sa tanghali, mabuti't may nakita siyang isang basahan at pinunasan ang katre na 'yun. Mahigit sampung minuto bago luminis, bumalik pa ito sa loob para kumuha ng puwedeng gamitij upang luminis muli 'yun.
Napangiti nalang 'to ng muling luminis 'yun. Humiga ito ruon at ipinatong sa kaniya ang gitara. Sinimulan na nito mag strum. Kakantahin nito ang isa sa mga paboritong kanta ni Adrian simula bata hanggang ngayon. Hindi niya alam kung bakit niya ito tutugtuging gayong galit siya sa lalaking 'yun. At bakit paborito pa ng kaibigan hindi ba puwedeng paborito nalang niya o ng iba niyang kaibigan maliban kay Adrian?
"Saying things I don't believe
"And your love casts its shadow on the things I do"
"And I can hear so clearly all the words I wish I said"
"You're stuck in my head" sinumulan niyang kantahin ang 'I Don't Wanna Be Okay Without You' by Charlie Burg.
"But I only think of you"
"Will we be together soon?"
"I'm thrown to the wayside"
"You're planted in my mind," sa pangalawang stansa ng kanta ay hindi na niya napigilang ma-luha. Maging siya ay hindi alam ang dahilan kung bakit siya lumuha.
"But I don't wanna be okay without you," matapos niyang kantahin ang huling lyrics ng kanta ay itinigil niya ang pag-gitara at tiningnan nalang ang magagandang bituin na nasa kalangitan. Nang maramdaman ang ambon ay agad itong bumangon at lakad-takbo papunta sa loob ng bahay. Dumiretso na ito sa kuwarto niya at napagdesisyonan nang matulog para mahaba ang tulog niya.