Warning: Matured contents and vulgar words ahead. If you're sensitive, skip this book and I thank you.
"Welcome to Institute of Clareska Pathreo Senior High School." paunang sabi ng emcee mula sa stage. Masigabong nagpalakpakan ang mga studyante. Ito ang unang araw ng pasukan.
In-orient muna ang mga bagong students hanggang sa matapos ito ng mahigit tatlong oras e pinapunta na papunta sa kanilang classroom ang mga studyante. Nagsimula nang magsitayuan ang mga bata at lumakad papunta sa kani-kanilang mga classroom.
"Adrian!" napalingon na lamang ito ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa kaniya. Kaliwa't kanan itong lumingon hanggang sa mahinto ang tingin sa nakataas na kamay.
"Moon?" mahinang wika nito habang tinititigan ang binata na papalapit sa kaniya. Nang masigurado niya nga na si Moon 'yun e mabilis na lumkad ito papalapit sa kaniya. Si Moon at Adrian ay matalik na magkaibigan simula mga bata. Ilang taon rin ang lumipas bago ulit sila nagkita.
"Paano mo ko nakilala e naka-talikod ako?" nakangiting wika ni Adrian ng magkalapit na silang dalawa.
Itinaas ni Moon kaliwang braso kung saan nakasuot ang bracelet na may pendant na buwan, at itinaas niya rin kanang braso ni Adrian kung saan nakasuot ang bracelet nito na may pendant naman na star.
"Remeber this?" wika niya habang nakataas pa rin ang kanilang mga braso.
-FLASHBACK-
"Huwag ka nang umiyak," kinuha ni Moon ang kanang braso ni Adrian upang isuot ang nabili niyang bracelet na may pendant na star.
"Para... saan... 'to?" humihikbing tanong niya habang sinisuot ng kaibigan ang bracelet.
"Palatandaan ng friendship natin," itinaas niya ang kaliwang braso upang ipakita rin ang kaniya.
"Moon at Star? Anong meaning niyan?" tanong ni Adrian.
"Kailangan ba ng meaning? Basta, kapag lumaki na tayo, hahanapin kita," gunolo nito ang buhok ni Adrian. "Huwag ka na umiyak. Basta walang kalimutan ah," itinaas nito ang hinlilit nito at gano'n rin ang ginawa ni Adrian hanggang sa mag-pinky-swear sila.
"Moon, halikana at aalis na tayo," tawag sa kaniya ng ina.
"Opo, Ma!" sagot namab niya habang nakatingin pa rin sa kabigan. "O, pre, hanggang dito nalang, hanggang sa muli nating pagkikita," nakangiting wika ni Moon bago binigyan ng mahigpit na yakap ang kaibigan na agad rin na bumitaw. Kumaway-kaway pa ito bago lumakad papunta sa kaniyang ina habang si Adrian ay kumakaway kaway rin.
"Bye, Adrian," wika ng ina ni Moon habang naka-ngiti na kumakaway kaway rin. Lumakad na rin ang mag-ina papunta sa Van.
-END OF FLASHBACKS-
"Akala ko hindi mo na tutuparin ang pangako mo sa akin," natatawang wika pa nito sa kaibigan.
"Ako nga rin e, mabuti't malinaw ang mata ko kaya nakita ko ang bracelet na binigay ko sa 'yo, mabuti't hindi mo hinubad 'yan or itinapon,"
"Gago, sayang kasi," nagtawanan na lang ang dalawa.
"Hoy, hindi pa ba kayo papasok sa classroom niyo?" napatingin ang dalawa sa gilid nila ng marinig nila ang boses ng emcee kanina. Nakataas ang kilay nito habang naka-pamewang.
"Sorry po, ma'am," sabay na sabi ng dalawa habang nakangiti.
"Ito na nga ma'am e, papasok na po kami," dagdag pa ni Moon.
"Bilisan niyo lang," hindi na nagsalita ang dalawa at magkaakbay na lumakad papunta sa classroom nila. "Hmm... Something fishy," wika ng guro/emcee kanina nang makalad palayo na ang dalawa.