webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
47 Chs

Sonny Lizares

FINAL CHAPTER OF CLOUDED FEELINGS

EDISON THOMAS L. LIZARES' POINT OF VIEW.

"Dude, just broke up with her. That's how easy the solution to your problem is. Sa dami ba naman kasi ng sho-shota-in mo, 'yong anak pa ng brigader general, e. Shinota mo pa si Yulia, wala kang ibang problema."

Ugok.

I despise with disbelief to what Justine said. I continued walking and decided not to answer what he said. Nonsense.

Then suddenly, someone bumped me. Nagulat ako, siyempre, lalo na no'ng may narinig akong parang nag-crash sa ilalim.

I crossed my arms and look at the person in front of me.

"S-Sorry, hindi ko sinasadya." Was her first word.

May pinulot siya na kung ano mula sa sahig then I look at her eyes with a serious look and tried to remember when and where did I first saw this girl. She looks so familiar.

Her eyes were brown, brown as the mud. It's so clear I can see my self inside her eyes. Weird. Fuck! Nakaka-weird talaga kapag nakipag-away ka sa girlfriend mo. Fucker.

"Halika na, Sonny." Kung hindi lang dahil sa akbay at sa boses ni Justine, baka patuloy pa rin ako sa pagtitig sa babaeng iyon. "Sa susunod, bata, titingin ka na sa nilakaran mo, ha."

We passed by her and continued walking hanggang sa makarating kami sa car ko. Doon lang din ako nagkaroon ng chance na tingnan ulit ang puwesto no'ng babae kanina. She wasn't there anymore and I am so curious sa narinig kong nag-crash sa sahig kanina. Gamit niya ba 'yon? Was it a mirror? A useless possession? Sana lang walang nabasag.

"What the fuck, dude? Why are you calling her bata?" Komento ko sa sinabi ni Justine doon sa babae kanina.

"E, high school student naman 'yon, e. At saka mukha naman siyang bata, hindi tumitingin sa dinadaanan niya."

Hindi ko na pinatulan ang sinagot ni Justine. Nag-drive na lang ako para puntahan ang bahay nina Yulia.

My first encounter with her isn't as grandiose as what others think. She didn't know about me, I didn't know about her either. We're strangers that accidentally bumped into each other. She's young and innocent, I wasn't.

I thought I will never see that girl again.

A day after the Charter Day of the City, since it's weekend, nagkayayaan kami ng mga hometown friends ko, together with my brother, Siggy, na magpalipas ng oras sa rest house nina Dahlia. We're in college and having this kind of quick and spontaneous getaway ay sobrang rare na sa barkada.

Si Siggy ang pinag-drive ko sa kotse ko. Tinatamad kasi ako and sakto ring pina-car wash niya ang car niya kaya nag-volunteer na rin siya. Sumabay sa amin si Justine, Yulia, at Dahlia.

"Sig, tigil ka muna. Takte, tumigil daw muna mga pinsan ko ka sa friend nila. Mag-wait daw tayo sa kanila."

Nilingon ko si Dahlia nang magsalita siya. She's looking on her phone. Tumigil din naman agad si Siggy sa isang tabi. Sayang, malapit na sana kami.

"Labas muna tayo, baka matatagalan sila," she suggested.

So we went out of the car and kaniya-kaniyang tambay sa kaha ng Chevrolet Colorado ko. I remove my shirt kasi ang init ng panahon. Sanay na rin naman 'tong mga kaibigan ko sa madalas kong paghuhubad ng damit. Alam naman nilang palagi talaga akong naiinitan.

We waited for Dahlia's cousins. Nasa kanila kasi ang keys ng rest house na tutulugan namin tonight. Wala lang, trip lang talaga naming tumambay muna before we went back to Bacolod.

We waited for a couple of minutes. May mga napag-usapan na rin kami na kung anu-anong topic.

"You went to China last month, right?"

I was playing my lips when Yulia spoke. We look at her. Actually, likod lang niya 'yong nakikita namin kasi nakatingin siya sa tanawing nasa harapan niya. She was also beside Dahlia.

"Yeah, why?"

I know we're the one she's talking to. Kami lang namang magkapatid ang nagpunta ng China for a new year vacation. Si Siggy nga pala 'yong sumagot.

"Have you tried and heard about this exotic food? 'Yong bat soup? I heard it's very sikat daw there."

"What the fuck? Bat soup?" And here comes the most exaggerated boy I've ever met… Justine Saratobias. Kung 'di ko lang talaga kababata 'to, matagal ko na 'tong binigwasan sa sobrang OA niyang mag-react, e.

"Yeah, I tried," sagot ko naman.

"What? When?" Tanong ni Siggy.

"'Yong mag-isa akong umalis ng hotel. 'Yong hindi n'yo ako sinamahan. I just explored the city and tried that very controversial menu in the entire city. Just read it in the internet, by the way."

"Dude, that was gross!" Exaggerated na reaction naman ni Justine. Halatang nandidiri pa.

Ngumisi ako sa naging reaction niya at tiningnan na 'yong dalawang babaeng nasa harapan lang namin at nasa malayo pa rin ang tingin, mukhang hindi kasali sa usapan namin.

"That wasn't gross, dude. Ikaw lang naman 'yong nadidirian no'n, e," sagot ko sa sinabi niya.

"It's still gross, Sonny. Imagine, eating a bat. Kahit ako maghirap, hindi talaga ako kakain n'yan, e."

I look at my brother but someone caught my eye. Dumiretso ang tingin ko sa likuran ni Siggy.

There's a girl.

"Sino ba kasing nagsabing maghihirap ka? A Lizares? Magiging mahirap? In your dreams." I heard Dahlia said pero na-hook na ang tingin ko sa babaeng naglalakad sa kabilang side ng daan.

I felt again that familiarity feeling I felt when I first saw this girl, that was few days ago, by the way. Yesterday, I think?

"You know what's gross? 'Yang si Sonny… My God, Sonny, magdamit ka nga!"

She stopped from walking and I saw where she's looking at. Sinundan ko iyon ng tingin. Nang makitang nakatingin sa akin si Yulia, sinagot ko na ang sinabi niya.

"Aren't you attracted with my abs, Yuls?" Cool kong sabi. Trying to hide the fact that I am, again, distracted.

"Abs ba 'yan, Son? Akala ko fats, e."

"Hello…"

I transferred my sight to that girl again when Dahlia noticed her and said her hello. Diri-diretso lang siyang naglakad hanggang sa lumiko siya sa isang kantong papasok.

Sinundan ko siya ng tingin. Mabilis ang kaniyang paglalakad at mukhang nagmamadali. Kaya kitang-kita ko kung paanong nasira ang dala niyang bag dahilan para magsilabasan ang iba't-ibang gamit na laman nito.

Out of reflex, I immediately got out from where I'm sitting and agad na nilapitan siya para tulungan sa pagpupulot na ginagawa niya.

"Let me help you, kid." I offered her my help. And what the fuck did I just call her?

Oo, mukha siyang bata, but do you really need to say it out loud, Edison?!

"O-Okay na po, sa-salamat po."

Our eyes met for a quick second and hindi na na ulit 'yon nasundan hanggang sa tawagin na nila ako dahil paparating na raw ang hinihintay namin.

"Parang familiar 'yong batang 'yon, a?"

Napatingin ako kay Yulia dahil sa sinabi niya. Got curious for a few seconds.

"Why? You knew her?" Tanong ko habang nagsusuot ng damit.

"She looks like my brother's childhood friend."

"Vad?"

Tumango lang si Yulia at hindi na e-ni-laborate ang topic na 'yon. I want to ask questions but I don't want to ruin my mind. So I stopped there. Totally stopped there.

The second encounter felt like the first one, there is something going on but you knew very well that that feeling is unrecognizable. I got loads of thinking and I don't want to include her, that stranger and anonymous girl that lives in the green side of the city.

Election is fast approaching. My second brother, Kuya Einny, decided to run for an office. Siyempre, hilig niya kaya pinabayaan siya ng parents namin. We also exerted our all out effort and support towards his campaign.

But due to finals, hindi ako araw-araw nakakasama sa mga kampanya ni Kuya. And I was also busy identifying my goddamn feelings towards this girl named MJ Osmeña. Ewan ko ba, parang timang.

Until one day, I got the chance to join the campaign. For fun lang sana kasi kasama ko naman ang barkada. But this is somehow my escape pod from my clouded feelings. Sobrang gulo ng utak ko ngayon. Nakakagulo.

Then the perfect timing came… I saw this anonymous girl again. Few months from the last time I saw her, here she is again. Kasama sa campaign.

I had to ask Kuya Einny's staff kung sino sila at kung anong ginagawa nila rito kasi I have no idea why they're here and why are they using the campaign shirts.

Doon ko nalaman na tiga-bigay sila ng mga merienda every campaign. Some of them did it for the sake of scholarship.

Lumapit ako sa kanila. To personally ask her opinion to what clouded my feelings right now. I don't know, she has this aura that she knew something.

"Hi, girls…" I greeted the both of them. I sat down, a meter away from her. Katabi naman niya 'yong sinabi kanina ng staff na kaibigan niya raw.

She was closing her eyes and when she heard my voice, napamulat siya ng mata.

"S-S-Sonny…"

Oh? Kilala pala ako ng kaibigan niya. Good thing. Siya kaya, kilala kaya niya ako?

"May itatanong lang sana ako sa inyo, if you don't mind?"

"A-Ano 'yon?" Asked by her friend.

"This is just a random question but what do you think about MJ Osmeña?"

I got her attention again.

"M-MJ Osmeña?"

"Yes. You knew her, right?"

"Right! Yes. I know her. MJ Osmeña. She's my idol. Very beautiful. Smart. Talented. And pretty."

I didn't mind what her friend said. I look at her for an answer… but she said nothing.

"Ikaw?"

I was expecting a word from her. What I didn't expect is the non-verbal gesture she just did.

Takte, hindi ba marunong magsalita ang isang 'to? Tinatanong ko nga siya para marinig ko ang boses niya, pero hindi naman nagsalita. Tss, panira. Nag-aksaya lang pala ako ng segundo rito.

"Do you live here?" Tried again, in case magsalita na.

"We did, yes- I mean, yes we are. Me and her, we live here but not here. My house is in the other barangay and her is also in the other barangay but we live in this city."

Fucker! Laughtrip 'tong kaibigan niya, ha.

I don't want to judge other people with their grammar, ha, pero fuck, hindi ko lang talaga mapigilan ang matawa.

"Why you ask MJ Osmena?"

I composed my self and look at them again.

"Just randomly thinking about her. Thanks for you time, girls."

I stood up and failed that mission. Hindi ko talaga siya narinig na nagsalita. Ni paghinga, hindi ko naramdaman mula sa kaniya. Buhay pa kaya siya?

The third encounter brought more confusion to me. Mas lalong naguluhan ang utak ko sa kung ano ang dapat gawin. It feels like everyday, I want to seek for an answer. I want to know who is it. I may be playing with my life but what my parents instill me when it comes to love is what I'm holding on for the rest of my life.

I have a girlfriend and I like MJ Osmeña but that little anonymous girl confuses my mind. Fuck, lalaki ako pero parang nababakla ako sa pag-alam ng totoo kong nararamdaman. Fucker.

I moved on with my life, just playing with fire. Lahat ng bumabagabag sa akin, binalewala ko. I just want to focus with my life of how will I enjoy everything.

"I like MJ Osmeña," I concluded out of nowhere while playing with a glass of cold beer.

Just a random December days, chilling here inside Justine's home. Madalas kaming tumambay ng barkada rito sa bahay nila but everybody's busy kaya kaming dalawa lang ngayon ang nandito. Spontaneous lang din naman 'tong lakad ko na ito. Biglaan kaya nang dumating ako kanina, nagulat pa ang ugok.

"MJ Osmena? As in the Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña of the Osmeña clan? 'Yong ex ko?"

Napangisi ako sa huling sinabi niya, sinabayan na rin ng pang-aasar.

"Naging kayo ba? Hindi naman nagbo-boyfriend 'yon, e."

"Fine. Ex-fling. Happy?"

Mas lalo akong napangisi dahil accomplished ako sa part na naasar ko siya. Pinagsasabi niya kasi rati na naging sila talaga at official 'yong relasyon nila ni MJ Osmeña.

"Okay. What's the deal? Why her? I mean, paano si Bea?" I just shrug my shoulder for an answer. "How about your brother?"

Napatitig ulit ako sa basong hawak ko at matagal bago ako nagkibit-balikat bilang sagot sa huling tanong ni Justine.

Hindi na ako katulad ng dati, hindi na nga yata ako nag-iisip ngayon.

"Bahala na. Basta ang alam ko, may gusto ako sa kaniya."

"So… liligawan mo?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw ko at hindi naman sa hindi pa ako nakaka-move on sa babaeng iyon. I mean, yes, she's an ideal girl but why her? May Bea ka na at alam mong gusto 'yan ng kapatid mo."

"Just, I said, I don't know. I guess Cupid was just bored and isa ako sa pinag-trip-an niya."

"Gago. Kung hindi ka lang talaga anak ni Ninong Gab, hindi talaga ako maniniwala sa 'yo, e."

"Ugok, anong kinalaman ko kay Daddy?"

"I… am the son of Engineer Gabriellito Nikola Lizares. I… shall instill his principles in life and follow his path here on earth. I… shall be loyal to the girl that I am inlove with. So help me God."

Inambahan ko siya ng suntok. Kung anu-anong kagaguhan kasi ang nalalaman.

"Gago. Ang dami mong alam. Sige na, uwi na ako." Tinapos ko ang huling patak ng beer na hawak ko at tuluyang nagpaalam kay Justine.

He just let me and I drove back home.

As I was driving, I got a quick glance to one of our lands. Ito 'yong spot na madalas naming puntahan ng mga kapatid ko no'ng mga bata pa lang kami. It's like a burol and madali lang siyang akyatin at saka maganda pa ang tanawin, makikita mo agad ang nasasakupan ng aming city.

Maaga pa naman kaya tumigil ako sa paanan ng burol and decided to relax my self a bit. Umupo ako sa lupa at sumandal sa puno ng acacia at tinanaw ang tanawing nakikita ng aking mata.

Umiihip ang hangin at nilipad nito ang buhok ko sa batok. Bahagya akong pumikit para mas madama ang malamig na simoy ng hangin.

Naaalala ko pa dati, noong mga bata pa kami, merong nakatayong kubo sa tuktok nitong maliit na burol na ito. It was owned by our family. Our grandparents were still alive that time and every weekend, pumupunta kami rito ng mga kapatid ko together with my parents and grandparents and we will bond, play, talk, and eat all afternoon. I also remember hearing stories from Mommy about the gods and goddesses of Greek Mythology and other Mythology that ever existed pero ang pinaka-favorite niya ay ang Philippine Mythology, lalo na ang mga stories that originated from the Visayas island.

Good ol' days, tho. Ngayon kasi, hindi na namin nagagawa 'yon since our grandparents died. Sira na rin 'yong kubong minsang nakatayo rito due to a strong typhoon that once hit the entire province. Hindi na rin muling ipinatayo ng parents namin due to other personal reasons and sa dami ba naman ng properties nila, hindi na nila masiyadong naatupag ang iba.

I stayed for like an hour and just as I ready my self to go home, a girl just sitted to the part of the tree adjacent to mine. Nakita ko siya nang tatayo na sana ako paalis. I didn't see her face but I just knew na babae siya kasi mahaba at kulot ang kaniyang buhok. She might be wearing a jeans and a shirt, but her figure said so na babae siya. And she's crying.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at pinakiramdaman ang paligid. I heard her silent cry, I heard her hikbi.

I sighed. Ang ayoko talaga sa lahat ay ang makakita ng isang babaeng umiiyak nor marinig sila. But my Mom taught me that if the girl is crying, let them be. They'll eventually stop din daw if they're tired.

"Whatever it is that's bothering you… you're doing it right, just cry," I said to break the long silence. Baka lang naman kailangan niyang malamang may kasama siya ngayon.

"Anak ng baboy?"

Whoa! Baboy talaga?

Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya. I don't know but it's kind of cute. If that's her expression, it's kind of cute nga and I do understand kung bakit nakakasabi siya nang ganoon, baka nagulat lang talaga siya.

"I'm not a pig, not even a ghost or a maligno. Kaya bago ka pa magulat d'yan sa pabigla-bigla kong pagsasalita, gusto kong sabihin na tao ako and I'm leaning in the bark of this big acacia tree adjacent to yours," sabi ko sa kaniya. Narinig kong kumaluskos ang side niya, siguro gumalaw siya. Patuloy pa rin akong nakatingin sa tanawing nasa harapan ko kaya nagpatuloy na rin ako sa pagsasalita. "Just continue crying. I won't mind and I won't judge you. Every person in this world has the right to cry. Go on, I won't mind."

Mom and Dad taught us to respect the girls. That before the elderly, we should prioritize and respect the girls whatever their age and social status in life is. 'Wag sasaktan ang mga babae, matinding bilin ni Daddy sa amin. Kung iiyak man sila, at kung hindi man dahil sa amin, kailangang hayaan namin sila at bigyan ng panahon para iiyak ang lahat. Girls are like bombs daw sabi ni Mommy.

Wala kaming kapatid na babae but we have a cousin na babae and she's Alyssa Quanda. Mommy told us that we should treat her like our own little sister kaya parang kapatid na rin ang turing namin sa kaniya. Kung may mang-aapi at magpapa-iyak sa kaniya, to the rescue kaming mga pinsan niya sa kaniya. We always handle her problems in life and kapag iiyak siya, it's either niri-resbakan namin 'yong nagpa-iyak sa kaniya o 'di kaya'y gumagawa kami ng paraan para mapatahan siya and one thing that's very effective na nagpapatahan sa kaniya is by telling her a story. Random, kahit ano.

I heard a long and heavy sigh from the other side of this tree.

"Base sa buntunghininga mo, mukhang malalim 'yang pinagdadaanan mo. Gusto mo ba ng kuwento?"

"Kuwento? Anong klaseng kuwento naman?"

I shared to her one of Mommy's favorite story… The love story of Tungkung Langit and Alunsina.

She's a good listener. I like girls who listens well. Wala lang, share ko lang.

Sa kaniya ko natutunan ang katagang 'Walang relasyong matatawag kung mag-isa ka lang na lumalaban.'

Gusto ko pa sanang habaan ang pakikipag-usap sa kaniya kaso I felt my phone vibrated from the side pocket of my jacket. Kinuha ko ito and Mommy's name appeared on the screen.

Tss, paniguradong hinahanap na ako. I'm twenty-three, was about to graduate college pero kapag sinabi ng parents ko na uwi, umuwi ka talagang bata ka.

She called me kaso na-miss kaya ang binasa ko na lang ay ang messages niya. I silently replied while talking to that crying girl behind my back.

"Anyways… I hope you're feeling better now," sabi ko while preparing my self to go off.

"Medyo…"

"That's good to hear. At least medyo, kesa hindi, kasi iiwan na kita rito. May kailangan pa kasi akong puntahan. Don't worry, it's safe here naman and no one's gonna harm you. Pero babae ka, 'wag ka na sanang masiyadong magtagal dito. Thanks for listening to that story. Have a good night, Miss."

Tuluyan akong tumayo at sumilip sa kabilang side kung saan siya nakaupo.

I saw her curly her and kahit hindi ko nakita nang buo ang mukha niya, alam kong kilala ko siya. Bukod sa mukha niya, pamilyar na rin sa akin ang kulot niyang buhok.

That's when I felt my heart skipped a bit. But as an asshole, I totally ignored it and that girl, for the rest of my life.

Or so I thought…

Summer vacation, bigla kong naisipan na maglaro ng isang gabi lang sa team ng milling. Wala lang, pampalipas oras lang naman at saka basta, ewan ko ba, gusto ko lang talagang maglaro ng basketball ngayon.

Second game ang team namin kaya habang wala pa, naghintay muna kami. I'm with Justine, Amox, and Hugo. Hindi naman talaga maglalaro 'yang tatlo, nandito lang 'yan para manggulo.

Then I saw her. Yeah, fuck that, I saw that anonymous and mysterious girl, again. Whom I thought will never be seen by my eyes again for the rest of my life. Fucker, it's a scam pala. Pucha.

She's with her friends yata. I don't know, it looks like they're her friends.

They were taking pictures, groufie style, kaya lumapit ako sa kanila to offer a help and this help will be the death of me. Fucking shit, Edison Thomas? What is happening to you?

But retreating back is fucking late.

"Gusto niyo ako kumuha ng picture niyo?" Tanong ko sa kanila.

They all look at me. I can sense that she's also looking at me too. Yeah, I know, I'm quite expecting that too.

"Boss Sonny! Okay lang ba?" Tanong no'ng isa na siyang may hawak ng phone. I don't know him and I also think na hindi siya trabahador ng milling namin so why the fuck is he calling me 'Boss'?

Because retreating is fucking late, malugod kong tinanggap ang phone no'ng lalaki. I stared to that phone for a second when I saw what's his display picture. I'm quite sure it's his kasi siya ang may hawak. Ang hindi lang ako sure ay kung bakit mukha ng babaeng katabi niya ang nasa display picture ng phone niya?

Fuck, sila ba?

Nawalan ako ng gana after ko silang kunan ng picture. Ibinalik ko sa kaniya ang phone and just smiled at them at agad na tumalikod para balikan ang iniwan kong sina Justine.

To sum it all, the team lost, nang dahil sa akin. Wala ako sa huwisyo most of the game. I don't know. Naglaro pa naman sana ako kasi akala ko nasa huwisyo ako pero pagdating sa court, nagmukha akong inutil, 'tang ina.

And then you start to shake my world. I tried running from it. I tried telling other people whom I really like without getting you involve… and I'm kind of succeeded on that part. I forgot you, again.

I confessed to MJ that I like her, kasi 'yon naman talaga ang dapat na inaatupag ko. Hindi 'yong feelings ko sa isang misteryosang babae na ni-pangalan at pagkatao ay hindi ko talaga alam.

I took a risk on telling her that I like her kahit na alam kong may gusto ang kapatid ko sa kaniya. Hindi naman siya papayag sa arrange marriage na planong isagawa ng dalawang pamilya. Might as well na umamin na ako para sa akin siya mapunta kesa mapunta pa siya sa ibang Lizares, excluding my brothers. Hindi n'yo kasi alam, may iba pang Lizares na nabubuhay sa bayang ito. Hindi lang kami, and I swear, you don't want to meet them, ako na nagsasabi sa inyo talaga. Pagsisisihan niyo kapag nakilala n'yo sila.

Ayokong mapunta sa mga gagong Lizares si MJ. Siggy isn't interested with this kind of set-up, so as our youngest, Charles. Kahit gusto n'ya si MJ, noon, hindi siya aabot sa point na magpapakasal siya sa kaniya because of a contract. And he has a girlfriend.

Might as well ako na ang sumalo sa responsibilidad na iyon. Wala rin naman akong balak magpakasal na sobrang corny kaya siguro ako na lang ang tutulong sa pamilya namin na maiangat ang negosyong sinira na naman ng ibang Lizares. At saka, hiwalay na naman kami ni Trix, sino pang pakakasalan ko? 'Yong babaeng hindi ko kilala?

Teka, ano Edison? Gago ka ba?

But that fucking plan is slowly melting away nang biglang umuwi na ang bunso namin galing sa America.

We were trying to save the company when Mom and Dad decided to let him go home and settled here in the Philippines. That's when I knew my plan will be a flop but I go with it anyways, alam na rin naman nina Mommy and Daddy na hundred percent papayag ako sa kasalang magaganap.

Fiesta ng city namin, all the people I knew went home to experience again the festivity of our beloved city, our yutang bulahan na natawhan.

At the middle of a rave party, few hours before Siggy play as a DJ in front of his co-escalantehanons, I got a slightly heated argument with MJ. I was proving my point of how I like her and why can't she see it. Is she that manhid talaga to not see that I am into her?

Kaya sa buong party yata, nakasimangot lang ako, nawalan ako ng gana. Nakakainis lang kasi. Kung puwede ko lang sabihin sa kaniya na kaya ko siya gusto dahil we're bound to marry each other, hindi naman puwede, 'cause I don't want to freak her out. Paniguradong hindi niya pa alam 'yon since she's still studying.

Maya't-maya lang akong napapatingin sa kaniya and quite alarmed to the fact na magkatabi sila ngayon ng kapatid ko. I know I shouldn't be afraid kasi may Callie na naman si Charles pero… fuck! I saw her again.

The moment I heard the fireworks blow, I saw her from the sea of people. She's watching intently up above and I saw how amazed she was seeing the fireworks above.

Gusto ko sanang tingnan pero mas maganda yatang tingnan ang mukha niyang namamangha sa nakikita niya. Mas interesting 'yon kesa sa fireworks na ilang beses ko nang nakita sa buong buhay ko.

But that scene was tainted when I saw her look at her side. There's a boy.

Panandalian lang 'yon dahil biglang nagpang-abot ang tingin naming dalawa. I stared at her and questioned my existence.

Why am I still breathing when I knew inside me that just by looking at your eyes, I feel like I'm in the deepest ocean on earth, drowning.

Mapakla akong natawa sa mga alaalang biglang pumasok sa utak ko sabay tungga sa baso ng whisky na hawak ko. The strongness of that liquor lined up in my throat. Napangiwi pa nga ako sa sobrang tapang nito.

Inilapag ko sa lamesa ang baso at tiningnan ang mga kaibigan ko.

"Uwi na ako," sabi ko sabay kuha no'ng coat na inilapag ko lang sa tabi ko.

I came from the office when the gang just called me for a drink.

"Putakte! Ilang minuto ka pa lang dito, uuwi ka na?" First objected by Hugo.

"Dude, what the fuck? Hindi pa nga nag-iinit 'yang puwet mo sa couch, uuwi ka na?" Seconded by Jaka.

Despite of their objections, sinuot ko pa rin ang coat ko.

"Daddy duties, eh?"

Sumaludo ako kay Justine dahil tumpak ang naging sagot niya.

"Ikaw, umuwi ka na rin, baka hinahanap ka na ni Gel," sabi ko sa kaniya.

"Mother's side vacation sila. I'm alone so I own the house tonight, so I can do whatever I want tonight, too."

"Gago, bakit hindi ka sumama?"

"May kailangang asikasuhin, e. Pero susunod naman ako bukas."

Tuluyan akong nagpaalam sa kanila at hindi nagpatinag sa mga bantang sinasabi nila. I did what they want, I stayed for a couple of drinks pero wala sa usapan na magtatagal ako lalo na't weekend ngayon, my boss needs me.

After we came back from the States, siya naman ang umalis. Hindi ko alam ang rason. Hindi ko na inalam. Kaya mag-isa kong tinaguyod ang anak ko. Single dad, it is.

"Sa'n si Aye?" Tanong ko sa isang katulong na siyang kumuha sa pinaghubaran kong coat nang makarating sa manor.

"Nasa playroom po, kasama si Donya Felicity."

Nagpasalamat ako sa katulong na iyon at agad pinuntahan ang playroom. Maingat kong binuksan ang door nang makarating.

Naabutan ko silang naglalarong mag-Lola kaya nanatili ako sa hamba ng pintuan habang nakamasid sa anak kong nasa limang taong gulang na.

He's learning very well and he's going to school right now. Ilang taon na lang grade one na siya. Ang bilis talaga ng panahon.

"Ay-"

"Solano! Your dad is here."

I was about to call my son by his nickname when Mommy interrupted it by calling his attention and emphasizing his first name.

Hindi ko pinahalata kay Mommy na napansin ko ang ginawa niya. Lumapit ako sa anak ko at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap then I kiss my Mom on her cheeks for a greeting.

"Hi, Mom."

"Why are you home early? Your secretary called na late ka na raw makakauwi kasi makikipagkita ka kina Justine."

"Yeah, Dad, why are you home na? Mommyla and I are still playing pa po."

"I miss my boss, e, pero sige, play with your Mommyla lang, magbibihis muna si daddy."

"Okay po, Dad."

Bumalik sa kaninang ginagawa niya si Aye kaya nabaling ang atensiyon ko kay Mommy.

"How many times do I have to tell you that his name is Solano. No one should call him Aye, Thomas. Not from this house," Mommy whispered.

"Right, Mom, get it."

Mommy sighed and tap my back.

"Sige na, magbihis ka na, ako na munang bahala sa kaniya."

Tumango ako at agad na umalis para puntahan ang kuwarto nang makabihis na.

I decided to take a shower to take away the smell of the alcohol I drank. As I embark inside the shower room, water of memories came rushing in… again, for the nth time.

Ilang taon na ang nakalipas, masama pa rin ang loob ni Mommy sa kaniya because of what she did to my son. Mom blamed her. She blamed her for being a pabayang ina. She blamed her for everything that happened to Solano.

His fall from a bed brought him to a more serious condition dahilan para pumunta kami ng States agad-agad. We want the best for him kaya naisipan agad nina Mommy na dalhin sa mga specialist sa States ang anak ko para siguradong makakaligtas kung may malalala mang condition.

May nakitang injury inside his head ang mga doctor dito sa Pilipinas. They said he can survive if the operation will be done immediately kaya in the span of three days, agad naming na-process ang lahat ng kailangan para makalipad kami sa States.

Mas lalong lumala ang galit ni Mommy sa kaniya nang sa loob ng tatlong araw na pagkaka-confine ni Aye sa hospital, hindi man lang siya bumisita. Hindi ko alam kung nasaan siya. Gusto ko mang alamin, mas pinili kong samahan ang anak ko sa tabi niya instead of thinking where on earth would be his mother be.

Pero hindi naman dapat sinisisi ni Mommy si Ayla sa nangyari sa anak namin. Kung hindi dahil sa akin, kung hindi lang ako naging gago, kung sana pinigilan ko silang umalis nang gabing iyon, kung agad kong nalaman kung nasaan sila, hindi mangyayari 'yon sa anak ko. Ako naman dapat ang sisihin sa lahat ng ito, e.

Kung sana noon pa pinaramdam ko na sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin, hindi sana kami aabot sa ganito.

Pero lahat ng pagsubok involving Aye ay nakayanan ko. Nakayanan kong maging single dad. Nakayanan kong punan ang puwang na dapat ang ina niya ang nagpupuno.

Hindi ako galit sa kaniya. Ni-isang patak ng galit ay hindi ko naramdaman sa kaniya. I gave her a card with money, quiet expecting na gagamitin niya ang pera para i-process ng mga papers niya para makapunta siya ng States para sundan kami ng anak niya. Akala ko nga rin noon na ginagamit na niya ang pera para sa pamasahe and ibang processing fee kasi unti-unting nababawasan ang perang inilagay ko under her name. Pero natapos na lang ang operation ni Aye, walang Aylana Encarquez na lumuwas ng States. Walang Ayla na nagpakita sa amin doon.

Nagtampo lang ako no'ng pag-uwi namin, akala ko maaabutan ko siya, akala ko sasalubungin niya ang pag-uwi namin, pero nalaman ko na lang na wala na siya, na nangibang-bansa na.

I guess she really doesn't care about his son, eh?

Pero imposible. I saw how her eyes twinkled the time when she first carry him. How her eyes pooled by how precious our son is. I saw how she adored his son sa tuwing kakargahin niya ito, kakausapin, hahalikan. I saw how she really love our son.

Puwede bang magbago ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak? Kasi kahit anong paghahanap ko ng sagot kung bakit, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis na mawalan siya ng pakialam sa anak namin. She even carried him without my knowledge tapos ngayon, wala na siyang pakialam? Ni-hi, ni-ho, wala man lang?

So I shut my door from all the information coming from her. I shut my door to her family. I didn't mention her name to Aye. I even agreed on calling him Solano instead of Aye dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya. But even after all, natatawag ko pa ring Aye ang anak ko out of nowhere.

Then Beatrix came back. Naging malapit na siya sa pamilya kaya nang bumalik siya sa buhay ko after ruining everything, tinanggap pa rin siya ng pamilya ko. Wala kasi silang alam kung anong totoong ugali nitong babaeng ito. Yes, I know, I should respect girls but after knowing Beatrix, that's when I knew na may mga babaeng hindi deserve ang respect.

Ayoko man siyang mapalapit sa anak ko, naging malapit pa rin sila hanggang sa tinatawag na siya ng anak ko na 'Mama Bea.'

You wanna know why she don't deserve my respect, and probably your respect too? Believe me or not, she loves sex, she's addicted to it to the point na naging rapist na siya.

Yep, Beatrix Gallardo, a versatile actress, is a fucking rapist. Walang naniniwala sa ganoon dahil nga babae siya. Walang babaeng rapist, 'di ba? Maraming sumubok na kasuhan siya for sexual assault pero lahat ng iyon, nababaligtad dahil ang sinasabi niya sa lahat, siya ang in-assualt. That's how twisted she is. And I regretted the day I considered her as a girlfriend and even slept with her.

Artista siya at mataas ang reputasyong pinanghahawakan niya kaya hindi ko masabihan ang pamilya ko nito o kahit na sino, maski ang anak ko. So I let her be. Wala rin naman akong pakialam sa kaniya. I still hated her for ruining my relationship with Ayla. And I hated her for putting a sleeping pill on my drink that night and ended up sleeping with her while I'm bound to marry the love of my life.

But I stayed silent and moved on with my life.

Nalaman ko isang araw, pinapabisita pala nina Mommy at Daddy si Aye sa Lolo at Lola niya sa mother's side. Kaya wala akong nagawa kundi ang hayaang mangyari ang lahat. That's also the time na kinuwentuhan ko siya tungkol sa Mommy niya. I told him everything about his mother, kung paano siyang alagaan noon no'ng magkasama pa lang sila. Kung gaano siya kamahal ng Mommy niya. I instill him everything. Para sa huli, wala kaming sisihan.

Saka ko lang din nalaman, no'ng napapadalas na ang pagbisita ko kina Tito Boyet at Tita Helen, na nasa New Zealand siya kasama ang pinsan niyang si Olesia at ang kaibigan nito. Hindi ko na binulabog. Kahit nakikita ko sa mga mata ni Aye na gustong-gusto niyang makausap, kahit video call lang, ang Mommy niya, mas pinili niyang hindi sabihin sa akin. Kahit inggit na inggit siya sa tuwing nagku-kuwento ang Lolo at Lola niya tungkol sa naging usapan nila ng Mommy niya, hindi pa rin siya nag-request na kausapin namin ng personal ang Mommy niya.

Kasi ni-isang 'Kumusta ang anak ko?' ay hindi namin narinig na sinabi niya.

So I decided to give him a belated gift for his fifth birthday, a trip to New Zealand. Kahit mataas ang pride ko, kailangan pa ring makilala ni Aye ang Mommy niya. Kaya kami na mismo ang pupunta sa kaniya.

I got out from the shower and dress up. Lumabas din naman ako agad ng kuwarto para balikan ang anak ko sa playroom.

Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Charles.

"Oh? You're home?" Nagtatakang tanong ko. Ilang buwan ko ring hindi nakita itong si Charles sa manor. Nasa Manila kasi ito naglalagi, minsan lang umuwi ng Negros.

"Yeah. Groundbreaking no'ng Resortel sa makalawa."

"Oo nga pala 'no? Congrats on that, by the way. Kaso mukhang hindi kami makaka-attend ni Ay-Solano. Flight namin 'yan, e."

"You can call him Aye when you're in front of me, Kuya. At saka, okay lang, ano ba." Tinapik niya ang balikat ko kaya nagkibit-balikat na lang ako. "By the way, she's home."

Napatingin ako sa bunso namin lalo na no'ng hilaw ang pagngiting ginawa niya. I tap his shoulder and sincerely smiled at him.

"Edi it's your chance. Just don't blew it."

Tinapik niya rin ang balikat ko bilang first response.

"Ikaw din, Kuya. Dapat pag-uwi mo, kasama mo na siya at kumpleto na kayong tatlo."

Pareho kaming natawa sa mga pinagsasabi naming dalawa at hinayaan siyang pumanhik sa itaas nang makapagpahinga na at nang mapuntahan ko na ang anak ko sa playroom to spill him the real tea.

But the New Zealand trip turned out nothing. Wala kaming napala sa trip naming iyon kundi ang libutin ang buong New Zealand. Because the saddest and dumbest thing of it all ay hindi ko exactly inalam kung saan sa New Zealand ang location niya.

I tried Queenstown, Auckland , Christchurch, Hamilton, and Wellington. Kahit na kakaonti lang ang population ng mga city na iyan, mahirap hanapin ang taong pilit hinahanap. In short, no signs of Aylana Rommelle Encarquez in the aforementioned cities.

I tried asking Tito Boyet and Tita Helen since sila lang nakakaalam na nasa New Zealand pala ang anak nila pero maski sila, hindi rin alam kung saan exactly sa bansang iyon. Sinubukan ko ring ipatanong si Tito Orlan pero wala rin silang alam. Even Osias na payapang nagtatrabaho sa barko ay biglang nabulabog para lang tanungin kung anong lugar ng kapatid niya, wala rin siyang alam. Oasis, the youngest of Tito Orlan, kept his mouth shut, and that's the worst of it all 'cause he exactly knew where.

To conclude everything, I disappointed my son. He said okay lang daw pero para sa akin na-disappoint ko pa rin siya and that's not good. Kahit anong pilit, wala talaga. Kaya umuwi na lang kami ng Pilipinas after two weeks of trying.

Looking back, everything we've been through became our stepping stone of what we are today. Looking at her now, everything changed.

She's not that anonymous mysterious young girl with that fine culry hair and fine freckles in her face that I first met and invaded my subconscious. She's a woman now. A woman full of vigor. A woman that finally fulfilled her desires in life. A woman who is the mother of my child. A woman I love.

"Dad, will Mommy come back to us?"

Humigpit ang pagkakakarga ko kay Aye nang itanong niya sa akin iyon habang nakatingin sa Mommy niya. Napatingin na rin ako sa kaniya. Kasalukuyan niyang kinakausap 'yong Richard Plaza 'daw' na siyang sumundo sa kaniya ngayon. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kasi malayo ang puwesto nila kung saan naka-park ang kotse ko.

Gusto ko mang pakinggan, alam kong hindi rin ako sasang-ayunan ng panahon. Kaya naghintay na lang ako. Kaya ko naman talagang maghintay. Simula pa lang naghihintay na naman talaga ako… sa kaniya.

"She said she will, right?"

"Yes po. Pero po, paano po 'yong little girl na love niya? Will she left them for us?"

I hug my son tighter and kiss the top of his head.

Kahit minsan, sa limang taon naming magkasama ng anak ko, hindi ko nakitang nagselos siya sa tuwing may hawak akong bata. Nitong nakaraan lang, nang makita niyang may karga-kargang ibang bata ang Mommy niya, doon ko rin nasaksihan kung paano siyang magselos. Manang-mana sa Mommy.

"Trust her words, anak. Mommy will be back for you."

Nakita ko rin kung paanong natuwa ang anak ko nang sa wakas ay nayakap na rin niya ang Mommy niya. I honestly cried habang nakatingin sa kanilang dalawa kanina. Nakakaiyak naman kasi. Ang akala ko pa naman nabahag ang buntot ng anak kong magpakilala sa Nanay niya pero hindi yata nakatiis kaya imbes na umuwi kami kanina, bigla na lang niyang niyakap ang Mommy niya. Nakakatuwa and at the same time ay nakakaiyak lang ang moment na iyon.

"Let's go?" Napatingin kaming dalawa nang nasa harapan na namin bigla si Ayla. Pinasadahan ko pa ng tingin ang puwesto kanina ni Richard Plaza pero paalis na yata ang sasakyan niya. "Can I carry you?"

"I'm heavy, Mom, baka hindi niyo po ako kaya."

"Mom is strong. I can carry you."

Ibinigay ko sa kaniya si Aye, mabuti naman at lumapit din naman despite sa sinabi niya kanina.

I took that chance to open the car, lalo na ang back seat, para ma-i-upo niya si Aye sa likuran.

Kaso bigla rin siyang tumabi roon kay Aye.

"D'yan ka uupo?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes po, Mom? You can sit in the front, Mom. I'm a big boy now kaya I can be alone here in the back seat."

"E, gusto kong katabi 'yong baby ko, e, ayaw mo ba?"

Pero 'yong sinabi ni Aye lang ang sinagot niya. Oo, pareho nga kami ng tanong pero ako 'yong unang nagtanong, e.

Ah, wala, Sonny, you're out of the narrative, you're out of the context. You're really out of place.

Cl-in-ose ko na lang 'yong door at nag-drive na paalis ng sementeryo.

Gusto ko sanang dalhin sila sa isang restaurant para makapag-hapunan kami and magka-alone time din kahit papaano. Kahit alam kong hindi na babalik si Ayla sa New Zealand, every seconds now are important para sa amin- ay este, para sa kanilang dalawa ng anak ko.

Kaso naunahan na ako na umuwi na raw kami, baka raw walang kasama si Tito Boyet. Sumang-ayon naman agad 'yong anak ko. Hindi man lang na-sense 'yong gusto kong mangyari. Hays, akala ko pa naman we build some kind of connection sa loob ng limang taon, mawawalang-bisa pala 'yon kapag nand'yan ang Mommy, ano?

That small step became the stepping stone for everything. Mas lalong nagkakilala ang anak ko at ang ina niya. And I also, at alam kong hindi niya napapansin, took that chance na magpa-cute sa kaniya. Wala lang, baka lang gusto niyang bigyan ng kumpletong pamilya ang anak namin. Willing naman akong maging marupok at bumigay ng buong loob, alang-alang lang talaga sa anak namin.

Ngayon, magpo-propose na naman ako sa kaniya. Confident naman akong mag-y-yes siya kaso lang sana this time matuloy na ang kasal, ano? Dati nga minadali ko ang kasal, hindi nga natuloy, kasi kung anu-ano ang nangyari. Kaya sana, this time talaga, matuloy na. Kahit mag-no siya ngayon sa proposal ko, kailangan talagang matuloy ang kasal.

Mahirap daw ang buhay ng isang taong hindi kilala ng iba. 'Yong tipong parang alikabok lang sa earth at walang silbi.

Tama ka, mahirap ang buhay kapag hindi mo siya kilala. She may be a useless dust here on earth, but she's the most beautiful, well-crafted, dust that came into my life.

Mahirap daw kapag hindi ka pa kagandahan, walang papansin sa 'yo kasi hindi ka naman talaga kapansin-pansin.

E, bakit ako, napansin kita? Wala ka namang ibang ginawa kundi ang maging tanga no'ng araw na iyon pero bakit napansin kita? Kapansin-pansin ka, kamahal-mahal ka, hindi dahil maganda ka, kundi dahil sa puso mong puro at buo kung magmahal. Your sincerity and realness beat the shit out of those people na ganda lang ang panlaban.

Mahirap ka na nga, mas lalo ka pang pinahirapan dahil sa mga pinagdaanan mo sa buhay.

But those experiences you've been through helped you become the person you are right now. Kung hindi dahil doon, hindi ganito katatag ang Ayla'ng makikita ng lahat. Nagsimula ka nga'ng mahirap pero mayaman ka naman sa aral ng buhay na nagamit mo para mamuhay ngayon ng marangya. Ang galing mong pumikot, Ayla, kung alam mo lang. Fuck! Joke lang.

Hindi ako maganda. Maganda ka! Mahirap ako. Oo, dati. Walang nakakapansin sa akin. Fucker, ano ako? Anong tawag sa akin na nakapansin sa 'yo?

Alikabok ako sa earth kaya automatic daw na wala akong karapatan sa lahat ng bagay.

The dust that came into water and evaporated into the sky and became a cloud that brought so much clouded feelings into my life.

"Sonny."

Mahal kita, Ayla, kaya ayokong isipin na tatanggi ka sa gagawin kong pag-alok ng kasal. Iniisip ko pa lang, parang imposible na, e.

"Sonny!"

"Bakit?"

I was holding my phone when she repeatedly called my name. Wala namang sinasabi. Tawag nang tawag lang naman sa pangalan ko.

Lumingon ako sa kaniya, medyo nainis sa naantala kong pag-t-type ng marriage vows kahit na magpo-propose pa lang naman ako sa kaniya. That's how confident I am.

"Sonny."

"Ano nga?"

"Sonny… Ericson." Nagpa-cute pa talaga siya. "Sonny!"

"Oh?" This time, mas pinili kong ibalik ang atensiyon sa phone ko kung saan ako nag-t-type ng vows. Hindi pa ako tapos, e.

"Galit ka?"

"Hindi, bakit?"

"Wala lang."

Natahimik ulit.

"Sonny!"

"Ano nga?"

"Sonny… 'yong brand ng TV."

What the fuck! Kung hindi ko lang mahal 'tong babaeng 'to, matagal ko nang binigwasan 'to sa sobrang corny ng mga jokes.

"Sonny!"

This time, hindi ko na pinansin ang tawag niya.

"Sonny! Tingin ka sa 'kin."

"Ano nga sabi?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa phone.

"Tingin ka sabi sa 'kin."

Pinadaan ko muna ang isang segundo bago ako lumingon sa kaniya.

Tss, kailan pa marunong magpa-cute ang babaeng ito?

"Sonny…"

"Oh?"

"Sonny… I love you."

~THE END :)

CLOUDED FEELINGS HAS ALREADY REACHED ITS CONCLUSION. THANK YOU TO ALL SILENT READERS WHO TOOK THEIR TIME READING THIS STORY. I HIGHLY APPRECIATE IT. STAY SAFE AND NEGATIVE FROM THE VIRUS, EVERYONE!

_doravellacreators' thoughts