webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The End

"Can I snatch you for a while?"

Bumalatay ang gulat sa aking mukha nang makita ko ang pagmumukha niya na agad sinundan ng mala-kulog niyang boses.

He sighed at dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

"I just want to talk to you," dagdag niya.

"Sige na, girl, kami nang bahala sa mga pinamili mo." Narinig kong sabi ni Sia mula sa likuran ko.

"Marami pa tayong kailangang bilhin, Ayla. And baka naghihintay na sina Tita Judy sa kotse."

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi ni Chard. Seryoso ang boses niya at kahit hindi ko siya lingunin ngayon, alam kong seryoso rin ang paraan ng kaniyang tingin.

"Richard, ano ba. Kailangan nilang mag-usap. Hayaan na natin sila."

"Ano bang pag-uusapan nila? As far as I know, wala silang dapat na pag-usapan. Kung meron man, he should have done it yesterday. He has time to talk to Ayla. Why now na alam niyang masiyadong busy sa bahay nila ngayon."

Mapapasapo na lang talaga ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasabi ni Chard. Hindi ko naman mapigilan ang bibig niya kasi may point naman siya. Pero! Pero hindi ko alam.

Tiningnan ko si Sonny kung anong magiging reaksiyon niya sa mga sinabi ni Chard. For sure naman narinig niya 'yon kasi nasa malapit lang naman siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa harapan niya at kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Isang senyales na may pinipigilan siya sa sarili niya.

May parte sa akin na gustong makipag-usap sa kaniya at klaruhin ang lahat nang mabawi ko na ang anak ko. May parte rin sa akin na 'wag muna, hindi ko pa kaya, kasi natatakot pa ako sa kahihinatnan ng lahat. At saka, mag-f-focus muna ako kay Nanay 'di ba?

"Sige, mag-usap na lang tayo kung kailan ka may pakialam sa anak mo."

What?!

Akma siyang aalis kaya hinablot ko ang braso niya para muli siyang humarap sa akin. Kumulo bigla ang dugo ko sa sinabi niya, e. Parang may mali.

"So sinasabi mong wala akong pakialam sa anak ko?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya.

Nilabanan niya ang tingin ko at maangas niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Bakit? Meron ba?"

What the?!

"You don't know how much I care for my son, Sonny. You don't have the right to invalidate my feelings for him," nanggagaliting sabi ko, walang pakialam kung marinig man ng lahat ng taong nasa paligid namin ngayon, na halatang nakatingin na rin sa amin.

"It looks like you don't."

Ganoon?

I was left hanging with what he said. Kung hindi lang ako hinablot ni Sia para makaalis na kami sa palengke, baka hindi ako magigising sa pagkagulat na naramdaman ko.

Mas lalong gumulo ang utak ko dahil sa sinabi ni Sonny. Ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Bakit bigla-bigla na lang siyang magpapakita at sasabihin sa akin 'yon. Tama 'yong sinabi ni Chard kanina, kung gusto niya talagang makipag-usap, sana ginawa niya kahapon no'ng magkita kami. Ang daming oras no'n, puwede ko pa nga'ng lapitan ang anak ko no'n pero bumahag lang talaga ang buntot ko dahil sa ginawa ng anak ko sa akin.

Halos hindi gumana ang utak ko nang makarating ako sa bahay. Maka-ilang beses akong napapatulala dahil sa dami ng iniisip. Makalipas talaga ng limang taon, binabagabag niya pa rin ang buong pagkatao ko.

Laking pasasalamat ko na lang talaga sa mga taong nandito, kahit papaano'y nadi-distract ako sa pakikipag-usap sa kanila at sa pagtulong sa mga dapat itulong dito. Malaki rin ang pasasalamat ko sa dalawang kaibigan ko na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa tabi ko at handa akong tulungan. Given na si Sia dahil pinsan ko naman talaga siya pero ang presensiya talaga ni Chard at Chandy ang nakatulong sa akin na malagpasan ang kalungkutang nararamdaman ko.

Sa huling gabi ni Nanay sa bahay, may prayer meeting ulit. Taimtim lang din akong nakinig and quite disappointed that he's not around. Handa na sana akong kausapin siya. Handa na sana akong questionin ang lahat pero hindi naman siya pumunta, sila ng anak ko.

Ilang araw na akong walang tamang pahinga. Pagod na pagod na ako. Kaya siguro hindi ako masiyadong makapag-isip dahil magulo na nga ang utak ko, wala pa akong pahinga.

"Magpahinga ka kaya muna? You look so tired."

Napalingon ako kay Chard nang kausapin niya ako matapos ang prayer meeting. Ngumiti ako sa kaniya at in-assure sa kaniyang hindi ko kailangan ng pahinga.

"Ang dami pang kailangang i-prepare para bukas. Mamaya na lang ako matutulog," sagot ko naman at dinama ang marahang haplos na ginawa niya nang ilagay niya ang takas na buhok sa likuran ng aking tenga.

Kusa akong napapangiti kapag ginagawa niya 'yon kasi napaka-kumportable lang sa pakiramdam. Nasasanay na rin ako kasi madalas niyang ginagawa 'to, lalo na kapag alam niyang malungkot ako.

I am so blessed to have a friend like him. God knows and he knows na bukambibig ko lang si Aye noong nasa NZ pa lang kami. Ultimo mga kuwento ko kay Chandy ay puro Aye pero nakakatuwang hindi man lang siyang nagreklamo sa paulit-ulit kong kuwento. Nakikinig pa rin siya sa tuwing sinasabi ko ang mga experiences ko noong kasama ko pa si Aye. He is, indeed, a true friend that needed to be treasured.

"Thank you," I said out of nowhere habang nakatingin sa kaniya.

Nagulat siya sa sinabi ko at halatang natigilan talaga. Mahina akong natawa dahil ang cute niya kapag natitigilan siya.

"For what?"

Umayos siya sa pagkakaupo niya at umiwas na rin ng tingin.

"For... everything. For what you did when I was still starting a life in NZ. Alam mo na 'yon."

Bago pa man tumagal ang pagkakatitig ko sa kaniya, ako na mismo ang unang umiwas para gawin ang mga dapat gawin.

Dumami ang mga nakiramay ngayong gabi. Paniguradong 'yong iba sa kanila ay mga ka-Sitio namin at mga kapitbahay. Napansin ko no'ng pagdating ko rito sa Sitio namin, may iilan ng bahay sa paligid. Dati wala pa 'yon, puro katubohan pa ang meron doon. Pero ngayon, may iilan ng bahay na nakatayo sa paligid ng bahay namin.

"Ayla, may bisita ka."

"Sino?"

Imbes na sumagot kung sino ba 'yong bisita ko, ngumiwi si Sia at halatang hindi niya gusto kung sino man 'yong nasa labas.

I'm quite expecting Sonny to be here, kanina pa, pero iba 'yong dumating.

Nang makita ko ang pagmumukha nila at nang makita nila ako, agad na lumapit sa akin ang babae at dinambahan ako ng yakap. Sa sobrang gulat ko, muntik pa kaming dalawa matumba. I can't even hug her back because of mixed emotions.

"Ayla! Miss na miss na kita! I'm so happy na nandito ka na!" I didn't hug her back hanggang sa kumalas na siya sa yakap. "Kailan ka pa bumalik? Grabe, five years tayong hindi nagkita. Ang tagal na nating hindi nagkita tapos ngayong nakauwi ka na, hindi mo man lang ako sinabihan. Sana nasundo kita sa airport o 'di kaya'y napuntahan kita agad dito sa inyo," dagdag na sabi niya.

Anong klaseng palabas 'to? Akala ba niya ay hindi ako nakakalimot? Akala niya ba wala na sa akin ang nangyari noon? At saka may gana pa talaga siyang bumati sa akin nang ganoon kahit na nasa mismong harapan lang namin ang burol ni Nanay. And the audacity of her to blame me for not telling her of my whereabouts. Isa lang talaga ang masasabi ko... ang kapal ng mukha niya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang braso ko at pagak siyang nginitian. Pa-simple ko na ring iginala ang tingin ko sa paligid. Gaya ng inaasahan, nakatingin na nga halos lahat ng taong nandito sa aming dalawa... ay mali, tatlo pala.

Out of respect, ngumiti ako sa kaniya.

"Condolence nga pala, Ayla. Ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa Nanay mo kaya ngayon lang kami nakabisita ni Zubby."

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Grabe, limang taon na ang nakakalipas pero nandito pa rin 'yong sama ng loob ko sa kanila, pati 'yong inis sa mga ginawa nila noon sa akin ay nandito pa.

Nag-tiim bagang ako at pinigilan ang sariling sumabog dahil sa inis.

"Oo nga pala, girl, condolence. Matanda na rin naman si Tita, paniguradong nasa mabuting kalagayan na siya kung nasaan man siya ngayon."

Valedictorian ka sa pagiging kalmado, Ayla, kaya kung maaari ay panatilihin mo lang 'yan.

"Woy, Ayla, we have a lot of catching up to do. Upo muna tayo."

"Hindi ba muna kayo titingin sa kabaong ni Nanay?" Tanong ko sa kanila nang napansing ako lang yata ang pinunta nila rito.

Walang galang. Bastos. Hindi ko talaga ma-imagine kung bakit, once in my life, naging kaibigan ko ang mag-pinsang ito.

"Nag-pray na ako kanina nang makarating kami rito, at saka, nasa tapat lang tayo ng kabaong ni Tita, o. Okay na 'yon. And we also brought flowers nga rin pala."

Hindi ko alam kung anong trip sa buhay ng dalawang 'to but I want to exclude my self from this kind of narrative. I hate it. Ang dami ko nang iniisip, dadagdag pa ang dalawang kumag na 'to?

"Car, pakihanap sila ng puwesto sa labas. I-chi-check ko muna si Chandy sa loob ng kuwarto." Tinawag ko 'yong nakababatang pinsan ko na nasa kusina lang at ipinasa na ang mag-pinsan sa kanila.

Ngumiti ako sa kanila at tatalikod na sana nang pigilan na naman ako ni Zubby.

"Wait. Chandy? Siya ba 'yong second child mo? At saka, wala namang tao rito sa salas n'yo, dito na lang tayo mag-catching up."

Second child? Anak ng baboy? Anong klaseng... Kalmahin mo pa ang sarili mo, Ayla, kaonting pasensiya pa.

"Hindi. Sa labas na lang, mas presko ang hangin doon," huling sinabi ko bago ako tumalikod para tuluyang makatakas sa kanilang dalawa. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo silang nandito. Ako nang bahalang magpa-alis sa kanila," salubong na sabi sa akin ni Sia nang makarating ako sa kusina.

Marahas akong umupo sa dining chair at hinilot ang sentido ko. Binibigyan talaga ako ng sakit ng ulo ng dalawang 'yon.

"Paano ba sila nakapunta rito? Paano ba nila nalaman ang tungkol sa pag-uwi ko?" Pala-isipang tanong ko sa kawalan.

"Heller, dear cousin... alam nga ng mga kamag-anak mo, 'yong chismosang si Zubby pa kaya ang hindi? Hindi mo ba alam na 'yang kaibigan mo ay isa nang certified chismosa ng bayan? Naku, girl, lahat ng chismis sa bayang ito, alam na alam niya at mukhang ang iba ay galing mismo sa kaniya. Pinag-chismis-an ka rin n'yan. Kung ano-anong mga chismis na pinagkakalat daw n'yan tungkol sa 'yo."

Kung ako naiinis sa presensiya no'ng dalawa, itong pinsan kong 'to, evident talaga ang galit sa kanila.

"Sa'n mo na naman nalaman 'yang mga pinagsasabi mo?"

"Sinabi sa akin nina Astro at Kano. Nag-die down naman agad 'yong chismis tungkol sa 'yo kaya hindi ko na ginawang big deal. At kung itatanong mo naman sa akin kung bakit agad nag-die down, 'yon ang hindi ko alam."

Umismid ako sa sinabi ni Sia.

"Teka, Zubby? Si Zubby at Fabio 'yon? 'Yong dati mong kaibigan? Akala ko ba not in good terms kayo simula no'ng umalis ka ng Pilipinas? Bakit sila nandito? Nagkabati ba kayo?"

"Really, Chard? Magtatanong ba ako kung bakit sila nandito kung nagkabati na kami?"

Nagkibit-balikat lang siya at wala ring naisagot kaya binalewala ko na lang 'yong mga pinagsasasabi niya.

"Mga kaibigan mo ba 'yong bagong dating, Ayla?" Biglang pumasok si Tatay sa kusina kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila no'n at mas mabuting pauwiin mo na sila bago pa man sila abutan ni Sonny dito."

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka sa huling sinabi ni Tatay.

"Bakit naman 'Tay? Ano naman ngayon kay Sonny kung nandito sila?"

"Kung gusto mong maging payapa ang huling gabi ng Nanay mo, mas maiging pauwiin mo na sila."

Tumango ako sa sinabi ni Tatay at saka nilingon si Sia para bigyan siya ng hudyat sa gusto niyang mangyari sa kaniya.

Hinayaan ko siyang harapin sila at gumawa ng kahit anong alibi.

There are relationships that doesn't need healing. The toxicity of it urges you to just leave it behind without closure.

Oo, matagal nga kaming naging magkaibigan ni Zubby pero our friendship was tested by a circumstances that eventually revealed her own color. Malaki ang utang na loob ko kay Zubby pero hindi no'n mapapantayan ang lahat ng ginawa niya sa akin noon, lalong-lalo na no'ng mga panahong kinakailangan ko ang isang kaibigan.

You cannot befriend a person na kaya ka pa ring saktan kahit na alam niyang buntis ka. Hindi lang isang beses, kundi paulit-ulit na. That's toxic.

And the thing about Fabio... yes, I knew. Nang dahil din kay Callie, nalaman ko ang lahat ng ito, and some of it were from his own friend... Astro.

Naaalala n'yo pa 'yong panahong siya 'yong nalapitan ko nang magkahiwalay kami ni Sonny? 'Yong muntik na nila akong masagasaan na dalawa ni Astro sa ilalim ng ulan? 'Yong gabing dahilan kung bakit nawala sa akin mundo ko? That night? Was the worst of it all.

Hindi sinsero ang pag-aalalang ginawa niya noon. He knew na umalis ako ng Manor nang gabing iyon. Paano niya nalaman? Matapos ang binyag, isinama niya si Astro para matyagan ako sa labas ng Manor. Nakipag-conspire silang dalawang mag-pinsan kay Beatrix Gallardo para gawin ang lahat mabawi lang niya si Sonny at mabawi lang ako ni Fabio. Hindi totoong buntis si Beatrix nang mga panahong iyon. Oo, totoong meron silang sex videos and that last video was also legit. But Beatrix could've been silent for the rest of her life... kung hindi lang binalubog no'ng mag-pinsan.

Akala ni Fabio magtatagumpay siya sa plano niya, na babalik ako sa kaniya nang tuluyan. He has this act pa na willing siyang tanggapin ang anak ko para lang bumalik sa kaniya. And what he did was bullshit. Total bullshit.

Nagtagumpay sila sa planong ginawa nila. Congrats to them, anyway. Pero ang hindi ko lang matanggap ay 'yong fact na nadamay ang anak ko sa kagaguhan nila. Okay lang sana kung ako lang 'yong nasaktan no'n, e, pero 'yong nadamay ang bata? Walang kasing sama 'yon. Kung hindi dahil sa ginawa nila, hindi sana magkaka-ganoon ang anak ko.

Nalaman ko rin na totoo talagang may credit card na kasama ang lecheng sulat na iyon ni Sonny. At alam n'yo kung sa'n napunta 'yong credit card? Kay Fabio. Paano ko nalaman? I used mine and Callie's few connections in the Philippines para pa-imbestigahan ang nawawala kong credit card. I have the other details kaya mas madaling nahanap ang card. And what surprised me the most ay nalaman kong siya 'yong gumagamit. I am not after the money, after all, pero nakakagago lang kasi. I asked him about it, he said no, hindi niya raw alam kung saan at in-insist niya pang walang kasamang credit card ang sulat. Hindi ako bobo, pero putang ina, nakakabobo ang rason niya, sila ng pinsan niya.

So... I'm fine being treating them a stranger. I can't imagine my life again being friends with them. Hindi na sila 'yong dati kong kilala. I guess adulthood really hit them that hard.

"We are gathered here today to lay our sister-in-Christ, Helena Gabriella Abeles Encarquez to rest..."

Nasa sementeryo na kami. Nakatayo ako habang walang buhay na nakatitig sa panchon kung saan ilalagay si Nanay. Mas pinili naming dito siya ilagak sa public cemetery, sa ibabaw mismo ng puntod ni Ate, para kahit papaano ay magkatabi naman silang dalawa.

Huling hantungan na. Last day. Dead end. Pag-uwi ko mamaya sa bahay, hindi ko na makikita ang kabaong ni Nanay. Hindi ko na mararamdaman ang invisible presence na nararamdaman ko sa tuwing hinahaplos ko ang kabaong niya. The house will be empty for sure, now that the light of our home is gone.

Hinayaan ko ang sarili kong lunurin sa luha and at the same time ay nakaalalay lang kay Tatay. I still have the right to cry kahit na kailangan kong magpakatatag sa mata ng ibang tao. Anak din ako na nawalan ng ina and those who invalidate my feelings are hypocrites.

Oo, masakit mawalan ng mahal sa buhay. Dalawang beses na kaming nawalan ng mahal sa buhay ni Tatay. Kahit paulit-ulit mong maranasan ang sakit sa buhay mo, hinding-hindi ka talaga ma-i-immune dito. Kasi alam n'yo 'yon, iba-iba palagi ang klase ng sakit na nararanasan ng bawat taong nandito sa mundo. Kahit na sabihin mong you've been there and you've experienced that kind of pain, masasaktan at masasaktan ka pa rin talaga kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mong kakayanin mo na ito sa susunod na mangyayari ito sa buhay mo.

Losing Nanay brought me to a different kind of state. Napaisip tuloy ako kung saka-sakaling may malay na ang anak ko nang magkalayo kaming dalawa, ganito rin ba ang mararamdaman niya? Masasaktan din ba siya kapag nagkalayo kaming dalawa? Iiyak din ba siya na animo'y hindi na kami magkikita na dalawa?

I choose to stay even if everyone left. Hinayaan ako nina Tatay at ng mga kaibigan ko na manatili roon.

"Hindi, sasamahan na kita. Si Olesia na ang bahala kay Chandy. Kailangan kitang samahan. Wala kang masasakyan pag-uwi at saka malapit na ring dumilim. Delikado na sa daan."

But Chard insisted na samahan niya ako.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya.

"Ihatid mo muna sila sa bahay. Balikan mo na lang ako mamaya. Gusto ko ring mapag-isa," request ko.

Sinenyasan siya ni Sia na hayaan na ako sa gusto ko kaya tumango na lang siya at sinunod ang gusto kong mangyari.

Pinagmasdan ko silang umalis lahat at nang malamang ako na lang ang naiwan, bigla akong natumba dahil sa panghihina habang nakatingin sa kasasarang panchon ni Nanay. Nanginginig ko itong hinawakan habang patuloy sa pabagsak ang mga luha kong ilang araw ko ring pinigilan.

Mag-isa sa lugar na ito, doon ko napagtanto kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay. Alam ng Diyos na mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Hindi ko man naipakita at naiparamdam sa kanila pero alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko sila at kung mawala man sila sa mundong ito, baka ikamatay ko.

Sobrang sakit lang nitong pagkawala ni Nanay kasi habang nasa NZ ako, sa mga panahon ding iyon mas napalapit ako sa mga magulang ko. I may rarely talk to them that time pero sa tuwing mag-uusap kami, lahat sinasabi ko na sa kanila. Doon ko naramdaman na anak nga nila ako.

Oo, naging malupit sa akin ang panahon noong bata pa ako pero hindi ako magiging ganito katatag kung hindi dahil sa mga pinagdaanan ko noon. Hindi ako nagtanim ng galit nang ako ang sisihin nila sa pagkamatay ni Ate. Naiintindihan ko ang galit nila kaya nga hanggang sa lumaki na ako, mahal ko pa rin sila nang walang sama ng loob.

Tahimik kong iniyak ang lahat at tahimik na nanalangin ng pasasalamat sa lahat ng sakripisyong ginawa niya noong nabubuhay pa lang siya. Surely I'll miss Nanay but the void she left will always be filled with her unconditional love towards this family. Lumaki siyang walang-wala sa buhay at nang mapakasalan si Tatay at nang mailabas kaming dalawa ni Ate, feeling niya nasa kaniya na ang buong mundo. She may start with nothing but the assurance that she has everything she needs before she died made me at peace.

You will be missed, Nanay. Pakisabi na lang din kay Ate d'yan, kung nasaan man kayo, na miss na miss na namin siya. We will see each other soon and please guide us as we continue this life here on earth.

Huminga akong malalim nang maramdamang natuyo na ang mga luhang iniyak ko kanina. Inayos ko ang sarili ko at tumayo na para ayusin naman ang pag-alis ko.

Matagal-tagal din pala akong nanatili magmula no'ng matapos ang libing kanina. Papalubog na pala ang araw.

Marahan kong hinaplos ang panchon ni Nanay at ngumiti.

"Salamat sa lahat, 'Nay. Mahal na mahal kita," bulong ko sa hangin.

Pangako, pagkatapos ng araw na ito, maglalakas-loob na akong lapitan ang anak ko. Kahit anong mangyari, kahit magsampahan kami ng kaso, babawiin ko ang anak ko.

Huling sulyap sa huling hantungan ni Nanay, pumihit ako patalikod para maglakad na palabas ng sementeryo. Nakayuko pa ako para tingnan ang nilalakaran ko since nagpatong-patong na ang mga panchon ng patay ang nandito sa pampublikong sementeryong ito. Kinailangan mo talagang lakaran ang mga panchon ng ibang patay kasi walang konkretong daan sa bawat panchon na nandito kaya pasintabi na lang talaga sa mga patay na nalakaran ko ang sakramentong panchon nila.

Natigilan ako sa paglalakad nang may nakita akong isang pares ng sapatos sa harapan ko. Nakapatong ito sa isang panchon na puti at nasa lupa naman ako kaya nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino ang may ari ng sapatos na iyon.

Anak ng baboy! Putang ina!

Maka-ilang beses akong napakurap ng mata at napalunok sa sarili kong laway nang makita kung sino itong nasa harapan ko. Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko. At talagang literal na natigilan ako dahil sa gulat.

Ang plano ko, bukas ko pa sana gagawin, pero bakit binibigyan na ako ng pagkakataong gawin ito ngayon. This isn't the appropriate place for that. Sementeryo ito, for God's sake!

Umihip ang medyo malakas na hangin na dala ng dapit-hapon. Nilipad nito ang iilang hibla ng aking buhok habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Pinigilan ko ang nilipad kong buhok habang naghihintay sa susunod na mangyayari.

Gusto ko mang lumayo muna at umuwi na, sa tingin ko ngayon na ang tamang pagkakataon para sa lahat. Nandito kaming tatlo, magkaharapan na.

Dahan-dahan niyang inilapag si Aye sa kinatatayuan niyang panchon at bumaba na rin siya dahilan para kahit papaano ay na-level sa paningin ko ang magagandang mata ng anak ko na sa tingin ko ay namana niya sa mga Lizares.

Ngumiti ako sa kaniya. Pinipigilan ang sariling yakapin siya ng mahigpit 'cause I don't want to freak him out.

Patuloy pa rin ang pag-ihip ng medyo malamig na hangin at patuloy din ako sa pagpigil ng iilang hibla ng aking buhok.

"H-Hi, Solano," I'm your Mama... bati ko sa kaniya kahit na nanginginig na ang boses ko kakaisip na hindi alam ng anak ko na ako ang ina niya. Kung puwede lang talagang sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin, na ako ang ina niya, diniretso ko na sana siya.

Tumitig sa akin ang bata at biglang nagtago sa likuran ni Sonny habang nakahawak siya sa braso nito.

"D-Dad, let's go home. I can't..."

Parang binombahan ang puso ko nang marinig kong magsalita ang anak ko at 'yon ang sinabi.

Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita kung paanong nanggilid ang luha ko dahil sa simpleng sinabi niya.

Iniintindi ko ang bawat situwasiyon. Paniguradong pagod na 'yong bata kaya nag-aaya nang umuwi. Intindihin mo, Ayla. Anak mo 'yan at bata lang siya.

"S-Sige na, baka pagod na siya. Let him rest. Bakit mo naman kasi dinala rito 'yong bata." Pa-simple kong pinahiran ang nag-iisang luhang pumatak bago ako humarap sa kanila para sabihin 'yon.

Kinarga ni Sonny si Aye at simpleng tumango sa akin. He even didn't supress any emotion when he look at me.

"Sa susunod na lang," simpleng sagot niya. Nothing more, nothing less.

Kahit nabitin sa sinabi niya, tumango na lang ako.

Pinagmasdan ko ulit silang dalawa na tumalikod at maglakad palayo sa akin. Nadudurog na naman ang puso ko just by seeing this kind of sight... Them walking away from me.

Pumatak na naman ang mga luha na pasensiyosa kong pinahiran nang matigil na. Sobrang sakit lang isipin kung paano ko ba mapapalapit sa akin ang anak ko. Paano ko siya mababawi kung ang simpleng paglapit lang sa akin ay ayaw niya. Paano ko ipakikilala ang sarili ko kung ganoon siya kung umasta kapag nandito ako.

Tama ba ang naging desisyon ko dati? Na hinayaan silang makaalis? Na hindi sila agad sinundan? Kapag ba sinundan ko sila, magiging ganito kaya ang situwasiyon namin? Magkakaroon kaya ng buong pamilya ang anak ko? Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag 'yon ang ginawa ko. Gusto kong magsisi.

Mariin akong pumikit para pigilan ang mga luhang may balak na namang bumagsak.

No'ng nagpaulan ng sakit si Lord, nagtatampisaw ako sa dagat at malugod na tinanggap ang lahat ng pagsubok sa buhay na magdadala sa akin ng sakit. Walang araw sa buhay ko na nadama ko ang bawat pagsubok sa buhay. The only time I remembered being happy was when I had Solano... and Sonny. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan ko, 'yon ang gusto kong pagdaanan nang paulit-ulit sa buhay ko. Solano Ylaedi was my blessing from all the pain I felt in the past. He is my blessing. Kaya itong sakit na nararamdaman ko sa pag-i-ignora lang niya? Hindi ko yata malalampasan 'to. I do understand why he's acting like that. I'm not present almost his life. And that what made the pain worst. Ngayong nagdaan na ang lahat, wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

Nagmulat ako ng mata and quite expecting na mag-isa na lang ako sa tahimik na sementeryong ito pero nang makita kong patakbong pumunta si Aye sa akin, biglang nabuhayan ang buong loob ko.

He was spreading his arms like aiming for a hug when he came near me. Medyo kinabahan ako nang tumalon-talon siya sa mga panchon palapit sa akin.

Nang tuluyang makalapit, ni-level ko ang height niya at tinanggap ang mainit niyang yakap. Bumagsak ulit ang luhang nawala na kanina.

"Mommy, I miss you. I love you so much, Mommy. I'm so sorry, please come home."

Finally, under this clouded feelings, my son recognized me.

~