webnovel

Chapter 9

"Mamamasyal tayo ngayon ma? Sure na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella kay Mimi. Nandito kami ngayon sa sala, katatapos lang namin kumain.

"Yes, sweetheart. Hindi ba matagal niyo na 'yung gustong gawin?" Marahang tanong ni Mimi. Napapagitnaan siya ng kambal ngayon habang nakaupo sa sofa. Nasa single sofa naman ako.

"Opo ma. Pero wala ba kayong trabaho ngayon ni papa?" Napangiti nalang kami ni Mimi sa pagiging maalalahanin ni Blast.

"Day off namin ngayon ng papa mo. Kaya magfa-family bonding tayo ngayon." Nagtatalon naman si Bella sa saya. Minsan lang kasi silang magbonding na kumpleto dahil sa hectic na schedule ni Tito.

"Kasama po si ate Reign?" Tinuro pa ako ni Blast.

"Oo naman noh, kasama ako. Wala kayong katulong na magbubuhat sa bibilhin niyo." Biro ko sa kanila. Tumawa nalang sila sa kalokohan ko.

"Dapat pala maglista na ako ng mga bibilhin ko ate." Napatawa nalang ako nang sabayan ni Bell ang kalokohan ko.

"Wala ka ng time para maglista. Aalis na tayo ngayon." Pang-aasar ko.

"Sa sasakyan nalang po ako maglilista habang nagbabiyahe." Palusot niya. Nilapitan ko naman siya at pinisil sa pisngi. "Nagiging matalino ka na sa kalokohan." She giggle.

"Magsibihis na nga lang kayo. Para makaalis na tayo ngayon." Nag-uunahan naman sa pag-akyat ang kambal. "Dahan-dahan lang."

"Ang kukulit."

"Sinabi mo pa." Sumunod naman kami sa kambal sa pag-akyat. "Kung sabagay, madalang din kasi kami magkaroon ng ganitong oras. Kaya siguro excited na sila."

"Hindi lang siguro mi. For sure 'yun." Napahinto naman kami sa harap ng kwarto nina Mimi. "Bihis lang din ako mi."

Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis. Buti nalang limang damit ang naiwan ko rito. Nagsuot lang ako ng jeans and plain t-shirt.

Tumunog ang phone, pagtingin ko nagreply na ang inaasahan ko, 'yong kakilala 'raw' ni mama.

/"Anong kailangan mo?"/

/"May itatanong lang ako./

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na siya nagreply pa.

"Tara na?" Tanong ni Mimi sa akin pagkababa ko. Nasa tabi niya na ang kambal. "Tara."

Sabay-sabay na kaming pumunta sa garage. Naghihintay na si Tito pagdating namin do'n

"Saan tayo pupunta ngayon pa?" Masayang tanong ni Bella habang kinakabitan ko sila ng seatbelt. Nasa back seat kaming tatlo habang nasa front naman si Mimi

"Kayo, saan niyo ba gustong pumunta?" Nag-umpisa ng magmaneho si Tito. "Amusement park." Sabay na sagot ng kambal.

"Okay then, sa amusement park tayo pumunta." Natuwa naman sila.

Tinotoo nga ni Bella ang sinabi niya kanina na maglilista sa biyahe. Kasi ngayon, 'yln ang ginagawa niya. Habang si Blast ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Sinilip ko pa ang inililista ni Bella. Hindi lang bibilhin niya ang inililista pati na rin kung saan pupunta.

"Wahhh amusement park." Patakbong pumasok sa loob si Bella. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak kay Mimi. "Huwag kang tumakbo." Suway sa kaniya ni Mimi. Hawak naman ni Tito si Blast. Sinundan ko naman si Bella ng hindi siya makinig sa saway ni Mimi.

"Huwag kang makulit." Sabi ko sa kaniya ng mahabol. "Hintayin natin sila Mimi." Lumingon naman siya kila Mimi. Medyo malayo rin ang distansiya naman sa kanila.

"Na excite ako eh." Nakangusong alibi niya. "Sus." 'Yon nalang ang nasabi ko.

Bumili muna ako ng cotton candy habang hinihintay sila Mimi na makalapit sa amin. Tutal ay nasa tabi lang naman namin ang nagtitinda.

"Dalawang cotton candy po." Inabot ko na kay Bella ang isa.

"Gusto niyo po mi?" Alok ko kila Mimi. Tumango naman sila maliban kay tito. "Dalawa po ulit."

"Saan tayo una?" Tanong ni Tito. "Sa rides." Na eexcite na sagot ni Bella. "Do'n tayo sa parang tower papa." Turo ni Blast sa tower rides.

Habang pumipila si Tito para sa tickets ay inubos na namin ang cotton candy. Katabi ni Tito si blast habang si Bella at Mimi naman. Katabi ko si ate girl na hindi ko kilala. Dahan-dahang umakyat ang rides. Malakas na sigaw ang pinakawalan ng katabi ko at ni Bella ng biglang bumaba ang rides.

"WAHHHHHHH!!"

"MAMAAAAAAA!"

Si Blast naman at mahina lang tumili. Sumisigaw din ang mga ibang sakay ng bumaba ang rides.

"AYOKO NAAAAAAAA..."

"OMY WAAHHHHHH..."

Sunod naman naming sinakyan ang roller coaster ride. Mas malakas ang naging tili ni Bella dito dahil medyo malakas ang takbo. Paikot-ikot pa. Neutral lang kami nila Mimi. Iba't ibang rides pa ang sinakyan namin bago napagdisisyon na kumain.

"Ayos ka lang ba sweetheart?" Marahang tanong ni Tito kay Bella ng mapansin na namumutla ito. "Namumutla ka Bella." Comment ko.

"Medyo nahilo lang po ako." Mahinang sagot niya. Nawala ang energetic voice niya. "Rides pa." Sabat ni Blast. "Hmmp."

"Ikain niyo nalang 'yan." Nagkwekwento lang si Bella habang kumakain kami. Unti-unti na ring bumabalik ang lakas niya at hindi na siya namumutla pa.

"Gusto kong pumunta do'n sa may mga games ma. Maganda 'yong mga prizes nila. Nakita ko 'don sa isang batang nadaanan natin. Gusto ko rin ng stuff toys." Pag-aaya niya.

"Hindi ba marami ka ng stuffy toys sa room?" Nakakatakang sabat ni Blast.

"Oo pero gusto kong dagdagan mga 'yon."

"Pagkatapos nating kumain, pupunta tayo do'n." Masaya namang kumain si Bella.

"Papa naiihi ako." Napahinto naman sina Mimi at Tito sa pagkain.

"Samahan na kita." Tumayo na sila ni Blast at pumunta sa cr. Pinagpatuloy na rin ni Mimi ang pagkain.

Hindi pa nakakabalik sila Tito ng makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Nagkagulo naman ang mga tao. Nagtago kami nina Mimi sa ilalim ng mesa. Ganun din ang ibang customers.

"Mama natatakot ako." Nanginginig ang boses ni Bella. Kunti nalang parang iiyak na siya. Niyakap siya ni Mimi. "Huwag kang matakot. Nandito lang kami ni ate Reign mo. Shhh!" Pagpapagaan niya ng kalooban. Hinagod niya pa ang likod nito.

Sinilip ko naman kung ano ang nangyayari sa labas. Hinila pa ni Mimi ang damit ko para makabalik ako sa ilalim ng mesa. "Huwag mo ng tingnan at delikado." Pero hindi ako nakinig.

May mga armadong lalaki sa gitna ng parang plaza. Sa tapat ng kinakainan namin. Pinapaputok ng parang leader nila ang baril niya pataas. "Reign." Tawag ni Mimi sa'kin para pataguin ako ulit. Bakas na rin sa boses niya ang pagkatakot.

Babalik na sana ako sa pagtatago ng may nahagip akong dalawang familiar na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sila 'yong dalawang lalaking sumusunod sa'kin noong isang araw.

Bumalik na ako sa ilalim ng mesa at nagtago. Nanginginig na yakap pa rin ni Mimi si Bella habang may ginagawa sa phone ang isa niyang kamay.

Nilabas ko ang phone at hinanap ang number nila. Buti nalang hindi lahat nabura.

/"Lantaran na ah. Hindi natatakot makilala?"/

Ilang minuto lang nagreply na.

/"That's the purpose, para magpakilala."/

Magrereply na sana ako nang maunahan nila ako.

/"Tago nalang muna kayo diyan. Wala naman kaming planong manakit --- SA NGAYON."/

Hindi na ako nagreply at binalik ang phone sa bulsa. Nang wala na akong narinig na ingay ay muli kong sinilip kung ano ang nangyayari.

"Mi, wala na." Pagbalita ko kay Mimi ng makitang umalis na sila. Tumayo na ako at inalalayan sila Mimi na tumayo. Nanginginig pa rin na yakap ni Mimi si Bella.

Nagsilabasan na rin ang mga taong nagtatago. "PAPA!" Sigaw niya ng matanaw sila Tito. "Ayos lang ba kayo?" Sinuri niya pa kami isa-isa.

"Natatakot po ako papa." Sumbong ni Bella. Niyakap naman siya Tito. "Hush na sweetheart. Huwag ka ng matakot. Nandito na si papa."

"Wala na sila Bella." Pagpapagaan ni Blast na nasa tabi ko.

"Ano bang nangyari?" Baling na tanong niya kay Mimi. Nakaupo na kami ngayon. Yakap pa rin ni Tito ni Bella, hindi na siya bumitaw pa sa pagkakayakap. Katabi ko na si Blast.

"May mga grupo po ng armado na bigla-bigla nalang nagpaputok diyan sa gitna." Turo ko pa sa pwesto nila kanina. Ako na ang sumagot, ako rin naman ang sumilip sa aming dalawa ni tita. Ako ang parang mas nakakaalam.

Nilibot ni Tito ang tingin niya sa labas. "Parang wala namang natamaan. Gumuwa lang talaga sila ng ingay?" Nagtatakang tanong ni Tito.

Ilang minuto na ang lumipas, bumabalik na rin ang mga tao sa ginagawa nila. "Ubusin niyo na 'yang pagkain niyo at uuwi na tayo pagkatapos." Saad ni Tito. Sinusubuan ni Mimi si Bella. Hindi kasi nito kayang kumain mag-isa dahil nanginginig pa rin ang maliliit nitong kamay.

Tahimik naman na bumalik sa pagkain si Blast. Panaka-naka ay tumitingin sa kakambal. Halata sa mukha niya ang pag-aalala sa kakambal.

Kandong ni Mimi si Bella pagsakay namin. Nakikinig naman ng music si Blast.

"Napaaga ang uwi niyo? Akala ko mamaya pa kayo." Gulat na salubong sa amin ng mama ni Mimi nang makita kami sa may pinto. Lumakad naman palapit ang kambal sa kaniya para magmano sa lola nila.

"Bakit namumutla ka Bella?" Hinawakan pa ni lola, 'yon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya, ang leeg at noo ni Bella. Para bang sinusuri kung may lagnat.

"Kwento ko nalang mamaya sa inyo ma. Hatid ko lang ang mga bata sa kwarto nila." Inakay na ni Mimi ang kambal papunta sa taas kasama si Tito.

Tiningnan naman ako ni lola. Sumenyas siya na umupo ako. "Ano bang nangyari sa bonding niyo?"

"Nagkaroon lang po ng gulo. May mga armado kasing lalaki na basta-basta nalang nagpaputok ng baril." Nagulat naman si lola sa sinabi ko.

"Kaya ba takot na takot ang apo ko?" Tumango naman ako. "May nasugatan ba sa nangyari?"

"Wala naman po." She feel relieve sa sagot ko.

"Magpahinga ka na rin. Sigurado akong napagod ka sa nangyari." Ngumiti ako at nagpaalam. Umakyat na ako sa taas. Nadaanan ko pa na bahagyang nakabukas ang kwarto ng kambal.

Sinilip ko naman sila. Nasa kama na sila at bahagyang nakahiga sa tabi ni Bella si Mimi habang binabasahan ito ng kwento. Pumipikit-pikit na nakikinig si Blast sa kabilang kama. Nang makita maayos sila ay pumanhik na ako sa kwarto.

Kinagabihan naging laman ng balita ang nangyari kanina sa amusement park. Luckily, wala talagang casualties ayun dito.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ng mga authority kung sino ang grupong gumawa ng gulo sa loob ng amusement park kanina."

"Ayon sa himpilan ng pulisya, nakikipag-ugnayan na sila sa iba't-ibang presinto. Sapagkat hindi lang daw sa amusement park nangyari ang ganitong klaseng pamamaril."

"Tinutukoy din ng mga pulisya kung may kaugnayan ba ang grupo na ito sa nangyaring pamamaril sa anak ni Senator De Silva. Nadiskubri kasi nila na pareho ang balang ginamit-----"

Natigil ang panonood ko ng pinatay ni Mimi ang tv. "Matulog ka na, maaga ka pa bukas at may pasok pa."

"Huwag kang manonood ng ganiyang balita. Hindi 'yan nakakabuti para sa'yo."