webnovel

Chapter 10

" Delikado na talaga ang panahon ngayon, noh? Hindi mo na alam kung may ligtas na lugar pa ba." Naabutan kong pinag-uusapan nina Maui at Nica ang nangyari kahapon.

"Good morning Reign!" Bati ni Maui ng mapansin ako. Ganun din si Nica. Binati ko rin sila pabalik tsaka nilapag ang bag ko sa upuan. Sumenyas naman si Nica na lumapit ako sa kanila.

"Upo ka." Tinapik niya ang katabing upuan. "Ano pinag-uusapan niyo?" Kunwaring walang alam na tanong ko.

" 'Yong nangyari kahapon sa amusement park."

"Buti nga walang casualties sa nangyari." Nakapanghalumbaba na usal ni Maui.

"Pero weird noh?" Tiningnan namin siya ng may pagtataka. "Bat mo naman nasabi?" Tanong ko kay Maui. Naghihintay naman ng sagot si Nica.

"Kasi dapat may sinaktan sila 'don. Hindi ko naman hiniling na dapat talaga mangyari 'yon. Pero kasi parang naglalaro lang sila." Mukha namang interesado si Nica sa sinasabi ni Maui

"Alam mo 'yon, gagawa ka lang ng gulo. Para ano? Para magpapansin. Ah basta weird. Kahit nga si ate Kairene nagtataka rin eh." Mahabang paliwanag niya.

"Ano bang sabi ni ate Kairene?" Curious na tanong ni Nica.

"Sabi niya, malabong wala silang plano. Kasi raw imposibleng magpaputok sila ng baril sa publiko na walang sasaktan. Kung ito pa 'yong tipo ng kaso, paniguradong magpipresinta si ate na ihandle 'to."

"Ano bang trabaho ng ate mo?" Tiningnan naman ako ni Nica ng hindi makapaniwalang tingin.

"Seryeso hindi mo alam?" Nagtataka naman ako sa tanong niya. "Oo."

"Sabi sa'yo, may hindi pa rin talaga nakakakilala kay ate."

"Ano ngang trabaho niya? Model?" Panghuhula ko pero sabay silang umiling ni Maui. Mas oa nga lang kay Nica.

"She's a lawyer." Nagulat naman ako sa sinagot niya.

"Not just a lawyer but she's a top notcher lawyer. Lahat ng kasong hinandle niya, lahat naipanalo niya 'yon." Pagbibida ni Nica. Parang mas siya pa ang kapatid dahil sa tono ng boses niya.

"Kaya nga minsan, nag-aalala ako kay ate." Hinampas naman siya ni Nica.

"Bakit naman, ha? Na baka isang araw matalo siya sa kaso? Sus, malabong mangyari 'yon."

"Hindi gano'n. Nag-aalala ako sa pwedeng gawin ng mga nakakalaban niya. Lately kasi, 'ylng mga kasong tinatanggap niya ay delikado. About sa mga politika, at illegal doings."

"Tama ka. Nakakapag-alala nga kapag ganiya . Kasi maaaring gumanti sila sa maruming paraan. Dapat laging mag-iingat ang ate mo." Pagsang-ayon ko sa kaniya.

" 'Yon nga ang laging bilin namin nina mommy sa kaniya. Sabi niya naman, lagi raw siyang nag-iingat. Pero----"

" 'Yon naman pala. Kaya huwag ka ng masyadong magworry diyan." Napabuntong hininga nalang si Maui at hindi na nagsalita pa.

Naiintindihan ko 'yong nararamdaman niya. Kaya hindi ko siya masisisi. Sana nga lang walang masamang mangyari sa ate niya. Huwag niya lang talagang pakikialam ang mga grupo na 'yon. Tiyak akong hindi magiging payapa ang buhay

ng ate niya gaya ko.

'Dismiss.'

Nagsitayuan na kami para lumabas. Naglalakad kami ngayon sa hallway.

"Attention to all students of Flame University. I hereby announce that there's no classes this afternoon. You can go home now. No one student should be left here in University at exactly 1."

Maraming natuwa sa announcement pero may nagtataka rin, kagaya naming tatlo.

"Bakit kaya biglaan? Hindi pa sinabi ang dahilan." Nakahawak ang dalawang kamay ni Nica sa strap ng bag niya.

"Madalas naman sinasabi nila." Dagdag ni Maui.

"Baka masiyadong private kaya gano'n." Kibit-balikat na aniya ko.

Bumuntong hininga nalang si Maui at hindi na nagsalita pa si Nica.

"Wala kayong practice?" Tanong ni Maui sa pinsan niya ng makasalubong namin sila.

"Wala. Postpone muna."

Nagpaalam na ako sa kanila. Sumakay na ako ng jeep at dumiritso sa bahay. Kasalukuyan akong nanonood ng palabas nang mag-message si Mimi.

/"Reign, pasuyo ako mamaya pag-uwi mo. Dumaan ka muna sa Sweet Cafe. Hanapin mo si Ms. Kleya Juarez. May sadya kasi siya sa'kin, importante raw kaso nga lang pinag-oovertime kami ni Boss."/

/"Pwede bang ngayon ko nalang puntahan mi?"/

/"Mamaya na pag-uwi mo."/

/"Nasa bahay na ako. Wala kaming pasok mamayang hapon."/

/"Gano'n ba.? Tanungin ko muna si Ms. Kleya kung nasa cafe na ba siya. Message na lang kita."/

Hindi na ako nagreply pa at binalik ang pansin sa panonood.

/"Nasa cafe na raw si Ms. Juarez. Sinabihan ko na rin siya na ikaw ang pupunta."/

/"Okay mi. On the way na 'ko."/

Nagbihis lang ako ng high waist jeans and plain white T-shirt.

"Kuya Jon, saan punta mo?" Kapitbahay namin si Kuya Jon.

"Magdedeliver sa metro Reign." Si ate Aya na ang sumagot na kalalabas lang ng gate. Asawa siya ni Kuya Jon.

"Saan punta mo?" Tanong ni ate Aya nang makalapit ako.

"Sa sweet cafe lang po. May kakausapin lang."

"Sabay ka na sa amin Reign. Madadaanan lang naman namin 'yon." Alok ni Kuya Jon nang makasakay sa driver seat.

"Hindi na ako natatanggi diyan kuya Jon." Tinulungan ko namang makasakay si Ate Aya. Sumakay naman ako sa lingkod.

"Sino ba kikitain mo do'n?" Pang-iintriga ni ate Aya. Nagmamaneho lang si Kuya Jon at nakikinig.

"Ms. Kleya Juarez ate. 'Yong may-ari mismo ng cafe." Hindi siya agad nakasagot sa sagot ah.

"Famous 'yon. Mahalaga siguro pag-uusapan niyo. Ayaw kasi no'n makipag-usapan kung hindi importante."

"Kilala mo ate Aya."

"Dating amo ko." Dama ko naman ang alanganin sa boses niya. Parang hindi siya komportable sa usapan.

Hindi nalang ako sumagot. Hindi na rin siya nagsalita pa. Halos isang oras ang inabot bago kami nakarating sa sweet cafe.

"Salamat ate Aya, Kuya Jon sa paghatid."

"Mauna na kami. Mag-ingat ka." Kumaway nalang ako sa kanila bago pumasok.

"Good afternoon. Is Ms. Kleya Juarez here?" Tanong ko sa isang babaeng nagbabantay sa counter

"Good afternoon po ma'am. Pasensiya na po pero wala pa po si Ms. Kleya." Napaangat naman ang kilay ko. Akala ko ba nandito na siya?

"Anong oras siya pupunta rito?"

"Mamayang 3:30 pa po." Tiningnan ko ang orasan. Alas tres pa lang. Ibig sabihin maghihintay ako ng kalahating oras.

"Salamat. Pa order nalang ako ng best seller niyo."

"Dine in po?"

"Oo."

"Do'n nalang po muna kayo mag-hintay ma'am." Tumango naman ako bilang sagot.

Tinungo ko na ang tinuro niya. Habang hinihintay ang order nilibot ko naman ang tingin sa buong cafe. Maganda 'yong mga design na at marami rin silang customer kahit hapon pa lang.

"Excuse me ma'am, ito na po ang order niyo." Nilapag niya naman ito sa harap ko. Aalis na sana siya ng pigilan ko. "Pwede pakisabihan ako kung dumating na si Ms. Juarez?"

"Walang problema po ma'am ."

"Salamat!" Umalis na siya at bumalik sa puwesto niya.

/"Gaano ba ka-importante ang sasabihin niya mi?"/

Hindi ko maiwasang 'di magtanong kay Mimi.

/"Hindi ko rin alam. Malalaman mo rin. Malapit ka na?"/

/Opo mi./

Ayaw ko munang sabihing nandito na ako at hinihintay si Ms. Juarez. Ang alam pa naman niya ay nandito na 'yon dito.

Hindi na nakapag-reply si Mimi. Busy na ata. Kakaubos lang ng kape ko ng may lumapit na staff.

"Excuse me po ma'am. Kayo po ba 'yong inaanak ni Mrs. Beatrice Verosa." Tumango naman ako bilang sagot.

"Hinihintay na po kayo ni Ms. Kleya sa office niya." Tumayo naman ako at sinundan siya paakyat. Kung saan nakapuwesto ang opisina ni Ms. Kleya.

Kumatok muna si ate girl bago niya binuksan. "Ms. Kleya nandito na po ang inaanak ni Mrs. Verosa."

"Let her in."

Nagpasalamat na muna ako bago pumasok.

"Good afternoon Ms. Juarez." I offer my hand for shake hands at tinanggap niya naman ito.

"Good afternoon. Take your seat." Umupo naman ako sa harap nito.

"You must be Reign? Inaanak ni Beatrice, right?" I just nodded.

"Sorry for making you wait."

"It's nothing Ms. Kleya."

May tinawagan naman siya para magdala ng meryenda rito.

"Matagal ko na talagang balak na kausapin si Ms. Beatrice pero nahihirapan akong humanap ng tiyempo. Madalas hindi nagtutugma ang schedule namin. Akala ko nga ngayon ay mapo-postpone dahil hectic ang schedule niya. Pero sinabi niya naman na ikaw ang darating in behalf of her.

"Gano'n nga po. Sabi kasi ni tita ay may mahalaga raw po kayong sasabihin. Ano po 'yon?" Sasagot na sana siya kaso may kumatok.

"Come in." Pumasok naman ang isang staff niya na may dala dalawang tray. Isa sa akin at isa rin sa kaniya.

"I suggest mas maganda kong magkape muna tayo habang nag-uusap."

"Thank you but no thanks ma'am. Katatapos ko lang magkape. " Tanggi ko sa alok niya.

"Ah okay." Sumimsim muna siya ng kape bago nagsalita.

"You can keep a secret naman di'ba? You can only tell it to Beatrice."

"Oo naman po. You can trust me. I'll keep secret." Seryosong sagot ko naman. Para yatang napaka-importante ng sasabihin niya.

"It's all about to her best friend Prosecutor Grace." Nakuha naman nito ang atensyon ko. "I guess, you know her?"

"Oo naman po. How do you know her?" Curious na tanong ko.

"Sabihin na natin na we are workmates. We work in same fields. Parang buddy's na rin."

Hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa mga sasabihin niya.

"I know that she's a great prosecutor in our field. Halos lahat ng kasong hinawakan niya, kaya niyang ipanalo. Kaya nga mga mabibigat na kaso ang napupunta sa kaniya. Hindi siya natatakot sa mga banta ng mga nakakalaban niya. Hindi niya hinahayaan na madungisan 'yong pangalang inalagaan niya. Kaya naman kilalang-kilala siya sa aming field."

"Pero sa huling kasong hinawakan niya bago siya mamatay, alam niyang sasapitan niya talaga 'yon. Mas malaking tao at makapangyarihan ang nakabangga niya. Binalaan na siya ng mga ito na itigil ang kaso para sa kapayapaan niya. Pero hindi siya nakinig. Gusto niyang makamit ang hustisya para sa kliyente niya."

"Tungkol lang dapat 'yon sa isang krimen. Pero sa paghahanap niya ng matibay na ebidensiya, mas nalagay sa alanganin ang buhay niya. Natuklasan niya ang mga bagay na hindi dapat. Mga bagay na nagdala sa kaniya sa kamatayan."

"Dapat noon ko pa ito sinabi kay Beatrice pero bigla nalang siyang nawala pagkatapos ng burol ni prosecutor."

Hinawakan niya ang kamay ko at mas nilapit ng kaunti ang mukha sa akin.

"May sasabihin ako sa'yong mahalagang bagay. Maaaring sabihin mo ito kay Beatrice o hindi. It's up to you. Pero mas mabuti nalang sana kung hindi para 'di na siya madamay pa."

"Pero sa sasabihin ko sa'yo, maaaring malagay sa alanganin ang buhay mo. Handa ka ba sa kung anong mangyayari?"

Hindi ko alam ang isasagot. Hindi naman kasi ako sigurado kung dapat ko bang pagkatiwalaan 'tong babaeng 'to. Hindi ko siya kilala. Kailanman hindi ko narinig ang pangalan niya. Pero wala naman sigurong masama kung pakikinggan ko ang sasabihin niya.

Tiningnan niya lang ako at naghihintay sa magiging sagot ko.

"Handa po ako." Bumuntong hininga naman siya. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalangan kung itutuloy niya pa ba ang sasabihin niya o huwag nalang. Masyadong halata ang expresyon niya.

"Ito ang dahilan kung bakit umalis ako sa profession ko. Nagpakalayo-layo at piniling manahimik. Pero hindi na ako pinapatahimik ng konsensya ko."

"Alam kong anak ka ni Prosecutor Menice Grace Mendez. Kaya ipagkakatiwala ko sa'yo ang alam ko."

"Makinig kang mabuti Reign. Dapat mong puntahan at kausapin si-------"

Naputol ang sasabihin niya ng may kumatok. Nanginginig na bumitaw siya sa'kin at nilagay sa ilalim ng mesa ang kamay niya bago sumagot.

"Come in."

"Ms. Kleya may naghahanap pong lalaki sa inyo sa baba. Kamag-anak niyo raw po."

"Susunod ako." Tumikhim muna siya bago binaling ulit ang tingin sa akin. "Pupuntahan ko muna 'yon. Pakihintay ako saglit."

"Wala pong problema."

Inayos niya ang sarili niya bago lumabas. Naiwan naman akong mag-isa sa loob. Tumayo ako at nilibot ang tingin sa opisina niya. Napako naman ang tingin ko sa isang frame. Nakatalikod ito kaya hindi ko agad nakita.

Ayaw ko sanang maki-alam pero parang may nag-udyok sa akin para tingnan ito. Kinuha ko at hinarap sa akin. Muntik ko pang mabitawan ng makita kung sino ang nasa larawan.