Juliet
"Binibini, umuwi na po si Ginoong Tomas." Sabi ni Perla na kasama ko rito sa pagamutan ni Angelito Custodio.
"Ah, sige. Nabigyan ko naman na siya ng mga gamot na kailangan niya." Sagot ko at inayos ang mga ginamit ko kanina sa paggamot ng lalaking nakaapak ng stick, jusko.
Pagkakuha ko ng basket, naglakad na ako papunta sa lalagyan ng mga gamit at nakita si Angelito Custodio na nakikipagduel na naman ng eskrima o arnis. Tumigil ako sandali sa paglalakad at nanood.
Iba talaga 'tong si Angelito Custodio. Matalino na, physically fit pa. Magaling talaga siya sa eskrima at ibang klase ang bilis at lakas niya. Mas bata ang kalaban niya kaysa kaniya pero 'di mapagkakailang mas maliksi siya rito kaya naman siya ang nananalo.
Nagulat ako nang pagkatapos nilang magdwelo ay tumingin sa akin si Angelito Custodio. Nang magtama ang mga tingin namin ay naglakad siya palapit sa direksyon ko kaya hindi ko alam kung tutuloy na ba ako sa dapat kong gawin o hintayin siyang makalapit dahil mukhang sa akin siya patungo.
"Nais mo bang matuto, binibini?" Tanong niya nang makarating sa tapat ko.
"A-Ah... hindi na po, ginoo." Sagot ko at magpapaalam na sana umalis nang magsalita ulit siya.
"Minsan kailangan mo ring malaman kung paano ipagtanggol ang iyong sarili dahil hindi sa lahat ng oras ay may darating upang tulungan ka."
Humarap ulit ako sa kaniya. "Sa susunod nalang po siguro, ginoo. Mauna na po ako." Sagot ko at nagpatuloy na papunta sa lalagyan ng mga gamit dito.
Phew! Ewan ko ba bakit sobrang kinakabahan ako kay Angelito Custodio. Siguro dahil nakakaintimidate siya? I mean, isa siyang doktor, gwapo, matalino, at maginoo kaya siguro nakakakaba talaga siyang kausapin.
Ilang oras pa akong nag-asikaso ng mga pasyente at dumating na rin si Niño. Lagi akong sinusundo ni Niño pagkatapos ng trabaho ko at minsan naman ay si Caden dahil busy rin minsan si Niño. Minsan kailangan pa niyang pumunta sa ibang bayan kaya kinaumagahan na siya nakakauwi o kaya kapag pinipilit niyang umuwi ng San Sebastian ay madaling araw na siya nakakarating.
"Magandang gabi, binibini." Nakangiting bati ni Niño nang makalapit na ako sa kaniya. Nandito pala siya naghintay sa may terrace sa second floor ng pagamutan.
"Inimbitahan nga pala kami ni Don Horacio na maghapunan sa inyong tahanan at nakasalubong ko na rin sila Ama kanina na papunta na sa inyo." Sabi niya.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ko.
"Bakit, binibini? Ayaw mo bang kumain kasama ang ating mga pamilya?" Tanong niya.
"Hindi naman sa ganun." Sagot ko pero ghad! Hindi man lang ako nakapag-ayos ng sarili ko kanina huhu tapos haharap ako sa pamilya Enriquez na ganito ang itsura ko? No way!
"Ah, Niño... magpapalit lang ako ah? Sandali lang talaga!" Paalam ko at tumakbo na papunta sa silid ko rito sa pagamutan. May sariling kwarto ang mga doktor at may damit naman akong maganda sa lalagyan ko roon kaya 'yun nalang ang isusuot ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong naghanap ng magandang damit at nakita ang puti at itim na baro't sayang dinala ko rito. Phew! Buti nalang talaga't parang naging pangalawang bahay ko na 'tong pagamutan!
Nagpalit ako atsaka inayos naman kahit papaano ang mukha at buhok ko atsaka bumalik sa terrace pero wala na si Niño.
Omygosh, iniwan ba niya ako?!
Tumakbo ako pababa papunta sa labas ng pagamutan at tatakbo na sana pauwi nang mapansin kong nasa labas pa ng pagamutan ang karwahe ng mga Enriquez na ginagamit ni Niño. Edi... hindi pa siya umalis? Pero nasaan siya?
Bumalik ako sa loob at naglibot-libot. Saan naman pupunta 'yun si Niño? Naihi kaya siya kaya naghanap ng CR?
Nang makarating ako sa part kung saan laging nakikipag-eskrima si Angelito Custodio, napatigil ako sandali dahil ang daming taong nakapalibot dito.
May naglalaban kayang magaling?
Sumingit ako para makichismis at laking gulat ko nang makita ang lalaking nakaputing uniporme na nakikipaglaban kay Angelito Custodio.
"Nino?!" Nasigaw ko bigla dahil sa gulat kaya napatingin ang lahat sa akin kasama na 'yung naglalaban.
Omygosh, ang eskandalosa talaga ng bibig ko kahit kailan huhu.
Dahil na-off guard si Niño ay nakapuntos si Angelito. Nagulat si Niño pero mukhang wala naman siyang pakialam roon at ibinalik ang atensyon sa akin.
"Maaari ko ba muna itong tapusin, binibini?" Paalam pa niya.
Ghad, nakakahiya! Bakit ba siya nagpapaalam sa akin? Nakatingin tuloy lahat ng tao sa akin. Ang sama ko naman kung hindi ko siya papayagan kaya um-oo na ako at naglaban ulit sila.
Nagulat ako nang makitang mahusay din pala si Niño sa eskrima dahil nakakapuntos siya kay Angelito pero siyempre, si Angelito pa rin ang nanalo. Pagkatapos ay nagkamayan sina Niño at Angelito at dumiretso na rin kami sa karwahe.
"Magaling ka pala sa eskrima." Compliment ko sa kay Niño at nakita ko naman ang unti-unting pagpula ng tenga niya kasabay ng pagcurve ng mga labi niya.
"Hindi naman, binibini." Kamot niya sa ulo niya na para bang nahihiya.
Pabebe talaga 'tong si Niño eh.
"Pasensiya na pala binibini at pinaghintay kita." Paghingi niya ng paumanhin.
"Oo nga pala, nagpalit lang ako tapos bigla kang napunta doon. Ano bang nangyari?" Tanong ko.
"Sa katunayan ay sinubukan kitang hanapin ngunit nakita kong naglalaban si Angelito at ang estudyante niya kaya manonood sana ako sandali pero nang makita ako ng iba pang mga nanonood ay niyaya nila akong makipag-duwelo kay Angelito." Explain niya.
"Ah..." Nalang ang nasagot ko at ibabaling na sana sa iba ang atensyon ko nang magsalita siya ulit.
"Pupuntahan ulit kita mamayang gabi, binibini."
Oo nga pala, simula nang mapag-usapan ang kasal namin ay lagi na rin akong tumatakas sa gabi para makipagkita kay Niño. Bakit? Kasi trip lang namin HAHAHA! Joke!
Kapag umaga kasi siyempre may kani-kaniya kaming trabaho tapos kapag sinusundo naman niya ako sa pagamutan at ihahatid sa bahay ay 'yung time lang namin sa karwahe ang meron kami eh high maintenance 'tong si Niño. Kailangan ng at least 2 hours alone time with bae, ganern.
Nang makarating kami sa bahay ay nandoon na nga sina Don Luis, Doña Isabela, at Padre Ernesto. Mukhang nagchichikahan 'yung mga thunders samantalang nakikinig lang sila Caden at Padre Ernesto.