Juliet
"Niño, gising na. Tanghali na oh." Sabi ko sa nakapikit pa rin na si Niño.
Tatlong araw na siyang nakahiga sa papag at ni isang kibo ay hindi pa niya nagagawa. Narinig ko mula kay Fernan na gustung-gustong pumunta ng mga Enriquez dito pero siyempre, pinigilan sila ni Fernan at in-assure nalang ni Fernan sa mga ito na ligtas si Niño para hindi na sila masyadong mag-alala.
"Hay, maglalaba muna ako ah. Dapat pagbalik ko gising ka na." Sabi ko sa nakahigang si Niño at kinuha na ang bayong na dala ko na may maduduming damit ng mga sundalo rito.
Narinig kong nagpipigil ng tawa 'yung ilang mga sundalong nag-aalmusal dito sa loob kaya tinarayan ko sila.
"Binibini, hindi naman gigising ang Heneral kahit pa araw-araw mo siyang ganyanin." Natatawang sabi nung isa.
"Che! At least ako may ginagawa 'no." Sagot ko pero tuloy lang sila sa pagtawa sa akin.
"At in-Ingles na naman tayo ng ating binibini." Saad ni Eduardo na laging inuutusan nila Fernan at Andong kaya kilala ko. Natawa nalang din ako dahil nawala na naman sa isip kong ayusin ang pananalita ko pero lumabas na rin ako para maglaba.
"Nais mo bang tulungan kita, binibini?" Biglang sulpot ni Andong sa likod ko habang naglalakad ako. Nakaputing shirt lang siya at uniporme na pambaba. Nakatsinelas din siya dahil nilinisan niya 'yung bota niya kani-kanina lang.
"Hindi na, ilang araw ko na rin naman 'tong ginagawa. Sanay na ako." Sagot ko.
Nagulat ako nang biglang may humablot ng bayong na hawak ko at nakita si Fernan na dala-dala na 'yung bayong at nauna na sa amin maglakad.
"Hoy! Fernan! Saan mo dadalhin 'yan?!" Angat ko ng saya ko at tumakbo papunta kay Fernan.
Natawa nalang si Andong at sumunod sa amin sabay sabi, "Hindi ka pa ba nasasanay kay Fernan, binibini? Hindi 'yan magtatanong kung maaari siyang tumulong dahil basta nalang siya tutulong."
Oo nga naman. Madalas bigla nalang tutulong si Fernan kahit na hindi mo sabihing kailangan mo. Bakit pa ba ako nagtataka?
Pagkarating namin sa sapa ay nagsimula na agad maglaba si Fernan kaya tinulungan namin siya ni Andong. Naka-angat 'yung pantalon nila para hindi mabasa kaya naman kita ko 'yung hairy nilang legs. Yikes!
"Fernan, umamin ka nga. Mahilig kang magtanim, mag-alaga ng mga halaman, magluto, at ngayon... maglaba! Mayroon ka bang pusong babae?" Biglang tanong ni Andong kaya naman hindi ko napigilan ang pagtawa ko kaya napalingon agad sa akin si Fernan pagka-alis niya ng tingin niya kay Andong.
"Hindi lang ako katulad mong barumbadong barako!" Tilamsik ni Fernan ng tubig kay Andong kaya mas lalo akong natawa sa kanila dahil mukhang sobrang shookt si Andong nang basain siya ni Fernan. Ang lamig pa naman ng tubig.
"Aba, namamasa ka ah!" Ganti ni Andong at hinampas ng basang pantalon si Fernan kaya nabasa nang bongga 'yung shirt ni Fernan na dahilan ng pagbakat ng katawan niya sa shirt niya. Oh my...
"Ang dumi-dumi niyan, kadiri ka!" Natatawang reklamo ni Fernan at hinagisan ng halos kulay putik nang damit si Andong sa mukha.
Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko sa kakulitan nilang dalawa kaya napatawa ako nang malakas. Napatingin sila pareho sa akin at I can sense trouble na huhu. Unti-unti silang lumapit sa akin with their playful smiles kaya naman unti-unti na akong lumayo.
"Andong... Fernan... malamig ang tub—" Hindi na nila ako pinatapos magsalita dahil pinaulanan na nila ako ng tubig galing sa sapa kaya no choice naman na ako. Basa na eh, kaya gumanti nalang din ako.
Tawang-tawa pa silang dalawa nang masalo ng buong mukha ko 'yung binatong maduming damit ni Andong. Mga itlog talagang 'to... gaganti ako!
Kinuha ko 'yung maduming pantalon kaya lang sobrang bigat pala nito kaya nabitawan ko nalang din sa sapa dahilan para mas lalong matawa 'yung dalawang itlog.
Sabay-sabay kaming napatigil tatlo nang makita si Eduardo na nanonood sa amin. Nakangiti siya habang pinagmamasdan kami na mukhang kani-kanina pa niya ginagawa. Nakita ko namang umayos agad ng tayo si Fernan at inayos ang sarili niya.
"Anong tinatayu-tayo mo riyan, Gomez? Tumulong ka nga sa amin maglaba! Ang dami-dami niyong maduduming damit!" Biglang sabi ni Fernan kaya naman pinigilan ko ang tawa ko.
Ibang klase rin umarte 'tong si Koronel Fernan eh. Mukhang natatawa na rin si Andong at Eduardo sa inasal ni Fernan dahil mukhang ayaw niyang nakikita siyang makulit ng mga sundalo nila.
"Tawagin mo ang iba roon at tulungan niyo kami rito! Hirap na hirap na nga kaming maglaba!" Arte pa ni Fernan kaya mas lalong lumaki ang butas ng ilong ni Eduardo dahil sa pagpipigil ng tawa.
"Sa katunayan... pumunta po ako rito upang ipaalam sa inyong gumising na ang heneral." Wika ni Eduardo na nakapagpataranta sa aming tatlo.
Gising na si Niño??!!
Agad na inayos nila Andong at Fernan 'yung mga damit at dali-daling pinasok ulit lahat sa bayong.
"Aba'y bakit ngayon mo lang sinabi?" Sabi ni Fernan habang umaahon kami sa sapa.
"Mukhang nagkakasiyahan po kayo eh..." Kamot ni Eduardo sa ulo niya at nilead na kami pabalik sa kubo.
Pagkarating na pagkarating namin sa harap ng kubo ay nagkukumpulan ang mga sundalo roon pero agad naman silang nagbigay-daan nang makita kami. Dire-diretso kaming pumasok at nakita si Niño na kinakausap ang ilang mga sundalo.
"Narito na po sila." Sabi ng isang sundalo na kausap ni Niño nang makita kami.
Nang lumingon sa amin si Niño, pakiramdam ko bumalik na ulit ang masiglang pagdaloy ng dugo sa circulatory system ko. Pakiramdam ko naging active na ulit ang mga ugat-ugat sa nervous system ko. Nang magtama ang mga tingin namin, nakita ko agad ang pagkurba ng mga labi niya na nakapagpatunaw na naman sa puso ko.
"Niño!" Yakap sana ni Andong kay Niño pero agad ko siyang hinarangan.
"Basa ka, Andong." Saway ko sa kaniya kaya napatingin nga sila ni Fernan sa katawan nila sabay tingin sa akin.
"Basa ka rin naman." Sagot ni Andong.
"B-Bigyan niyo ng pamatong... si Binibining... Juliet." Rinig kong saad ni Niño kaya naman agad na nag-unahan kumuha ng kahit anong damit 'yung mga sundalo rito at kani-kaniya ng patong sa akin.
"S-Salamat pero... magpapalit na rin naman ako." Sagot ko at lumapit kay Niño.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Niño?" Tanong ko at pinunas ang kamay ko roon sa pinagpapatong sa akin ng mga sundalo para matuyo ang kamay ko at mahawakan siya.
Tinignan ko 'yung sugat niya at mukha namang hindi na 'to masyadong malala. Pinagmasdan ko pa ulit ang mukha niya. Maputla pa rin siya pero gising na siya ngayon kaya naman medyo kampante na ako.
"Nahihilo ka ba? Nagugutom?" Tanong ko at hihipuin sana ang noo niya para pakiramdaman kung mainit ba siya pero pinigilan niya ako.
OMG. Galit pa rin ba siya?
Ilang segundong nasa ere ang kamay ko na papunta sana sa noo niya habang nakahawak ang kamay niya sa braso ko para pigilan 'yon sa pagdapo sa noo niya.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang awkward. Paano ako magre-react? Itutuloy ko ba ang gagawin ko o hindi at magso-sorry nalang?
Ibababa ko na sana ang kamay ko dahil sobrang awkward na pero nagulat ako nang padulasin niya ang braso ko sa kamay niya hanggang sa maabot niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin habang nakahawak sa kamay ko. Mas nagulat ako nang ilagay niya sa pisngi niya 'yung kamay ko.
Ghadd, 'yung puso ko hindi na magkamayaw sa pagtibok!
"Ikinagagalak kong makita kang muli, binibini." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko atsaka dumampi ang labi niya sa likod ng palad ko.
Nagniningning pa rin ang mga mata niya katulad ng dati.
Bumalik na nga ang heneral na nagmamay-ari ng puso ko.