Interlude
PSYCHOPATHY
2001, DECEMBER 18. Kapanganakan ng isang babaeng pinangalanang Katherin, anak ng mga Manalo na kilala sa politika. Ang ama ni Katherin ay isang presidente ng mga panahong iyon at ang kanyang ina ay isang mapagmahal na ina at asawa.
"D-dada,"nanlaki ang mata ng kanyang ina nang bigkasin ni Katherin ang imbis na 'Papa' ay sinabi nya ay 'Dada'. Masaya nya itong sinabi sa kanyang asawa at ipinagmalaki ang kanilang supling.
Isang dugong pilipina ang bata pero kakaiba ang kanyang katangian sa mga normal na pilipino. Muka na nga itong banyaga at dahil iyon sa magandang katangian ng kanyang ina.
Katherin was born with a pair of light brown eyes. May mahabang pilikmata at magandang kilay. May kulay rosas na labi at pisngi. Maputi at kahit saang tignan na anggulo ay 'di maitatanggi ang kanyang ganda.
Hilig syang magustuhan ng mga tao dahil sa gandang hindi mahanap kahit pa sa mga matatanda na. Bata pa lamang ito ay angkin na nito ang pagiging Reyna. May ganda at angking talino ngunit may kakaiba pala itong itinatago.
Katherin had a mental disorder. Nalaman ito ng kanyang magulang nang unang beses na pumatay si Katherin ng hayop.
"Baby Kath, here is your puppy. What would you name him?"tanong ng ina nito habang inaabot ang kulay kayumangging tuta sa batang si Katherin. Wala ang kanyang ama dahil sa tungkulin nito bilang presidente na naiintindihan naman ni Katherin.
"Blood po mommy,"kinuha nito ang tuta sa kanyang ina at niyakap ito. Ngumiti ang kanyang ina at nagpaalam na mamalengke kung kaya't ang batang si Katherin ang maiiwan muna kasama ang mga katulong sa kanilang mansyon.
Pumasok si Katherin sa kanyang kwarto dala-dala ang kanyang tuta. Hindi nya pinag-isipan ang kanyang isinagot sa kanyang ina at ito ang una nyang naisip.
Blood. Dugo ang una nyang naisip nang makita ang aso.
Inilapag ng batang si Katherin ang maliit na tuta sa kama. Nagsimula syang tumayo at hinanap ang kanyang bag. Pagkahanap nya dito ay agad nya itong binuksan at nakuha ang isang matulis na gunting.
Lumapit ang batang si Katherin sa nahihimbing na tuta at wala sya sa kanyang sarili nung oras na iyon. Hindi maitatanggi na sa likod ng kanyang gandang hindi mapapantayan ay may pagkukulang din ito.
"I want you dead and I want to use your blood as my red paint,"mahinhin na wika ni Katherin. Ipinusisyon nya ang gunting at hinawakan ang mahabang tenga ng tuta.
Mabilis at sa isang kurap ay naputol ng matulis na gunting ang tenga ng tuta dahilan upang mag-ingay ito sa kanyang kwarto.
Nang mga oras na iyon ay abala sa pagdidilig sa labas ng mansyon ang mga katulong kung kaya't wala silang kaalam-alam sa lagim na ginawa ng batang si Katherin.
Gamit ang isang matulis at bagong tasa na lapis ay sinaksak nya ang tuta. Nag-ingay ang tuta at rinig na rinig ito sa mansyon ngunit walang nakakarinig dito dahil ang kanyang mga kasama ay nasa labas ng mansyon.
Nag-ingay pa ang tuta nang dagdagan ni Katherin ang mga butas sa katawan ng kawawang tuta. Pahina ng pahina ang naging tahol ng tuta hanggang sa mawalan na ito ng buhay.
Ang dugo ng kaawa-awang tuta ay tumulo sa magandang puting kama ni Katherin at dahil sa balak nito na gamitin ang dugo sa pagpipinta ay agad syang kumuha ng lalagyan at kinuha nya ang isang tabo mula sa cr ng kanyang kwarto.
Hinawakan ng dalawang kamay ni Katherin ang duguan at malamig na bangkay ng tuta hanggang sa madala nya ito sa cr. Tumulo sa sahig at nadungisan ng pulang likido ng tuta ang kanyang kwarto.
Nang mapiga na ang dugo ng tuta ay basta nya na lang ito inilagay sa inidoro at 'di na nag-abalang tignan kung gaano kapangit sa paningin ang kanyang ginawa.
Naglabas si Katherin ng isang canvas at kinuha ang iba pang gamit sa pagpinta. Nagsimula nitong pininta ang isang nakakatakot na imahe. Ang imahe ng tuta na duguan.
Karamihan sa imaheng kanyang ipininta ay may kulay itim at pula kung saan ang pula ay ang dugo ng tuta.
Matapos ang ilang minuto ay nakadating na din ang ina ni Katherin at mabilis nitong tinungo ang kwarto ng kanyang anak.
"Baby Kather—Katherin!"nagulantang ito nang makita na duguan ang buong kwarto.
Lahat ay nabahiran ng dugo at hindi ito maitatago dahil sa puti ang paligid. Puti ang pader, puti ang pinto, puti ang kama, puti ang unan, at pati ang ibang gamit ay puti ngunit ang puting kulay ng lahat ng gamit ay nabahiran ng dugo ng isang tuta na walang awang pinaslang ng batang si Katherin.
"Mom! Look at my painting oh! The puppy helped me!"nakangiti at may pagmamalaking saad ng batang si Katherin habang halos himatayin na ang kanyang ina sa kanyang mga nakita.
Nalaman ng mga katulong ang nangyari at pinapalitan ang buong kwarto ni Katherin. Inilibing ng maayos ang tuta pero kahit na gano'n ay hindi maitatanggi na grabe at nakakatakot ang gumawa no'n dahil sa mga malalaking buhat sa katawan ng tuta at sa hati-hati nitong katawad tulad ng pugot na ulo at ginupit na mga daliri sa paa.
Ang akala ng ina ni Katherin ay aksidente lang iyon. Nalaman ng ama ni Katherin ang nangyari at sa tingin nila ay maaaring inatake ng tuta ang bata kaya ito gumanti pero 'di nila alam na walang ginagawa ang tuta at tahimik itong nahihimbing nang paslangin ito ni Katherin.
Matapos ang pangyayari ay 'di na binalak pang regaluhan ng alaga si Katherin dahil saad ng bata ay hindi nya gusto ang tulad nila at sinunod nila ito.
Gabi at kasagsagan ng bagyo. Nasa mansyon ang ina ni Katherin at natutulog sa sariling kwarto. Si Katherin naman ay gising pa kahit hatinggabi na. Karamihan sa mga bata ay natatakot sa kulog at kidlat pero si Katherin ay hindi natatakot dito sa halip ay pakiramdam nya ay kaibigan nya ito. Kaibigan nya ang panahon kung kaya't naisipan nyang lumabas ng kanyang kwarto hanggang sa makalabas sya ng kanilang mansyon.
Dahil sa panahon noon ng bagyo ay malakas na hangin na may dalang ulan ang sumalubong kay Katherin nang lumabas ito.
Nabasa ang munting bata ng ulan. Nagtagal si Katherin ng ilang minuto sa labas upang magpabasa pa sa ulan pero parang balewala sa kanya ang lamig.
Nakarinig sya ng tahol sa katabing bahay at agad nya iyong tinungo. Sarado at madilim na din ang bahay na katabi nila dahil sa bagyo.
Ang basang-basa na si Katherin ay umakyat sa gate ng kanilang kapitbahay at namataan ang bahay ng dalawang malaking aso.
Kung ang normal na bata ay natatakot sa gan'tong mababagsik na aso ay ibahin nyo si Katherin. Walang takot at walang emosyon itong lumakad papunta sa likod ng bahay at parang hindi naririnig ang malalakas na tahol ng aso.
Pagdating sa likod ng bahay ay isang pinto ang kanyang nakita at sa kabutihang palad ay bukas ito at hindi nakakandado.
Pinihit nya ang doorknob at nakita ang malaking bahay na madilim at tahimik. Hindi ito tulad ng kanilang mansyon at mahirap ang nakatira dito. Kung ano-anong wire ang nakita nya at agad nya iyong pinutol gamit ang kutsilyo. Nakapatay ang kuryente ng bahay kung kaya't hindi nakukuryente ang batang si Katherin.
Ang nasa isip nya lang noon ay ang kaibigan nyang kidlat. Ang imahinasyon nyang kaibigan na binibigyan sya ng ideya sa pagpatay.
Binalikan ni Katherin ang mga aso at hindi ito natakot nang magtatatahol uli ito. Walang takot at walang pangamba nyang itinali ang mga wires sa leeg ng dalawang aso. Nagkaroon sya ng mga sugat dahil sa kalmot ng mga aso ngunit wala lang ito sa kanya.
Nang tuluyang maitali ang mga aso ay hinanap nito ang circuit breaker ng bahay at binuhay ang kuryente. Tanging malalakas na impit na tahol ng mga aso ang kanyang narinig hanggang sa wala na itong marinig kun' 'di ang malakas na hangin at ulan na lang.
Ipinatay ny uli ang kuryente at bumalik sa pwesto ng mga aso. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang makita ang mga aso na bahagya pang nanginginig. Ang kutsilyo na nakita nya kanina ay kanyang ginamit upang patayin ng tuluyan ang dalawang aso.
Pinagsasaksak nya ito sa ulo at hindi hinahayaan na hindi tumagos ang talim ng kutsilyo sa kabila. Nang matapos paglaruan ang ulo ng mga aso ay inundayan nya ng saksak ang katawan nito. Ipinadaan nya ang malamig na talim ng bakal sa katawan ng mga aso at binuklat ito dahilan para makita nya ang mga laman loob ng isang aso.
Manghang-mangha sya sa mga nakikitang laman-loob na tila nag-aaral ng anatomy ng hayop na aso.
Nang magsawa ay saka sya bumalik sa kanilang tahanan at natulog na parang walang nangyari.
Kinabukasan ng araw na iyon nang mabalitaan ng barangay ang nangyari. Naalerto ang lahat at sinasabing aswang ang gumawa no'n. Walang trace ng kung sino ang killer o sa'n pumunta ang killer matapos gawin ang krimen dahil sa nabura ng ulan ang lahat ng ebidensya.
Nang malaman iyon ng ina ni Katherin ay nabahala sya kay tinignan nya ang kwarto ng kanyang anak at doon natunghayan kung gaani kadungis ang anak at balot ng dugo ang suot nitong pantulog.
Naalarma ang ina ni Katherin at agad itong sinabi sa asawa. Inilipat sa pangangalaga ng istriktig ama si Katherin. Hindi na nito nakasama ang ina dahil sa takot ng ina sa kanyang anak. Ang ama naman nito ay ipinangakong hindi na gagawa ng ganong krimen ang batang si Katherin ngunit nagkamali ito.
Isang unggoy ang nawawala sa isang zoo malapit sa tinitirahan ng mag-amang Manolo.
Nasa sariling kwarto si Katherin habang nasa loob ng bag nya ang unggoy na nawawala. Maaaring buhay pa ang ungoy pero hindi na. Binasag ni Katherin ang bungo nito gamit ang martilyo na malakas nyang ihinampas sa ulo ng unggoy.
Pumasok si Katherin sa kanyang kwarto at inihanda ang kanyang mg gamit sa pananahi. Isang unan din ang sinira nya upang lumabas ang foam sa loob nito.
Sinimulang buklatin ni Katherin ang dibdib hanggang tyan ng unggoy gamit ang isang kutsilyo. Nang mabuksan ito ay maingat na inialis ang mga laman at itinapon na lang sa kung saan sa kwarto.
Hindi man kaaya-aya ang kanyang ginagawa ay ito ang nagbibigay sa kanya ng saya. Ang pagkita sa dugo ay nagbibigay buhay sa kanya.
Inisa-isa nyang hinugot ang mga buto at iningatang hindi mapunit ang balat ng unggoy.
Nagtagal ng ilang oras ang kanyang ginagawa hanggang sa tanging balat na lang ng unggoy ang tuluyang natira. Ang mga buto at laman-loob nito ay nagkalat sa buong kwarto kasama ng mga dugo na nagsitalsikan at dugong kumalat. Naliligo sa dugo ang batang si Katherin ngunit wala syang pake dito.
Maingat nyang ipinasok ang foam sa loob ng balat ng unggoy hanggang sa maging tulad na ito ng unggoy na stuff toy sa Manila Zoo. Tinahi nya din iyo upang hindi lumabas ang foam sa loob.
Kinaumagahan nang makita ng dalawang mata ng ama ni Katherin ang nakakasukang ayos ng kwartong ito. Ang batang si Katherin naman ay mahimbing na natutulog habang hawak-hawak ang ungoy na tinanggalan ng mga laman-loob at buto.
Nang araw na ding iyon ay napagdesisyunan na na ipakonsulta sa doktor ang kanyang anak. Nababahala na ito sa mga nangyayari. Ginagamot sa lokal na mental insitute si Katherin ngunit kinailangan itong ilipat sa ospital sa ibang bansa matapos akmang patayin ang ibang pasyente sa pamamagitan ng paglason sa kanilang mga pagkain at inumin.
Isang sikreto iyon ng Manalo na tanging si ang pamilya lang nila ang may alam. Wala ng nakaalam nito at ang mga kasambahay naman ay kinalimutan na lang ang nangyari dahil sa takot na baka si Katherin ang pumatay sa kanila. Isang malaking dagok sa pamilyang Manolo ito. Isang problema na sa likod ng maganda at perpektong anak na si Katherin ay malagim itong sikreto na nalaman lang ng kanyang mga kaibigan nang magsilaki na sila.
[PSYCHOPATHY]