webnovel

CHAPTER 16

Chapter Sixteen

SUSPICIONS

[WIN]

MUKANG WALA ng luha pa ang lalabas pa sa aking mata. Unti-unti ko ng nare-realize na paubos na kaming mga nasa isla at hindi pa namin nakikilala ang killer maliban sa suspetya namin na si Katherin ay maaaring ang killer na pumapatay sa bawat isa.

Maraming basehan kung bakit sya ang naging suspetya namin. Unang-una, ang islang kinatatayuan namin. Pagmamay-ari ito ng pamilyang Manalo at isang Manalo si Katherin.

Pangalawa, ang kanyang saglitang pagkawala. 'di ko man ito masabi sa kahit kanino pero napansin kong nawawala si Katherin sa ilang mga bagay. No'ng oras na nawawala si James, lumabas si Katherin ng mansyon. Nang umulan ng malakas at nawala si Agnes, nando'n sa mansyon si Katherin pero ilang oras lang din ay muli itong lumabas. Nang sunod-sunod na mamatay sina Rina at Akashi, parang bigla syang lumabas ng mansyon at saka lamang bumalik nang hinahanap na sya.

Pangatlo pang basehan, ang kanyang sakit na ngayon ko lang nalaman. Nagkaroon pala noon ng Psychopathy si Katherin. Isang sakit kung saan nagkakaroon ng misbehaviour ang isang tao at nagiging bayolente. Saad ni Gino ay nagamot na daw ito pero maaari ring hindi at umarteng nagamot lang si Katherin.

Masayang kasama si Katherin. Mahilig syang manggulat at mangprank pero 'di ko inaakalang dadating sa puntong sya na ang pinagsususpetyahan namin dahil sa mga pagpatay dito sa isla.

Pero may mali sa mga pangyayari. Ang narecord na video. Sinasabi noon na maaaring hindi si Katherin ang killer.

Base sa nakita kong hubog ng katawan ng killer mula sa video at sa nakita ko kanina ay mas maniniwala pa akong lalaki ang nasa likod ng maskara ni ghostface.

Mapayat lamang na babae si Katherin pero may magandang hubog ang katawan nito. Maliit ang muka at may mahabang buhok ito. 'yan ang deskripsyon ni Katherin.

Habang ang deskripsyon sa nakita kong killer, may gupit ito na tulad kela Gino, Paulo, Tristan, at Archi. May katawang katulad din nila ng hubog. May malalaking muscles at braso na dahilan para magmukang lalaki ang killer.

Napasulyap ako kay Archi na syang nangunguna sa amin dito sa gubat. Ayaw ko mang maniwala pero mas maniniwala pa ako kung sya ang killer kesa kay Kath.

Pero mabait si Archi! At alam kong 'di nya kayang patayin si Akashi. Wala akong matibay na basehan para pagsuspetyahan si Archi pero pakiramdam ko ay rin hindi si Katherin ang gagawa ng karumal-dumal na pagpatay. Pero sa ngayon, wala akong magagawa kun' 'di ang pagsuspetyahan ang lahat.

Hindi ko sila totoong kilala. 'di ko pa lubusang kilala si Archi. 'di kami gano'n ka close ni Paulo. Si Helen ay kaibigan ko pero maaaring may mga bagay syang tinatago sa akin. Si Selene ay mula sa Theater Club at wala akong alam sa kanya. Si Tristan na bise-presidente ng Drama Club ay nakikilala ko lang dahil sa kanyang posisyon. Si Grace at Sarah ay magkaibigang tunay at wala akong ibang nalalaman tungkol sa kanila. 'di ko pa lubusang nakikilala si Katherin. Si Amelia ay isa rin sa 'di ko kilala maliban sa parte sya ng Drama Club. Si Manong Pete na hanggang ngayon ay nawawala ay tanging taga-alaga lang ng mansyon ang pagkakakilala ko.

See? Ni isa 'di ko lubusang kilala kahit na ilang linggo ko pa lang silang nakasama. 'di nyo maitatanggi na kahit sino sa kanila ay maaari kong pagdudahan dahil sa wala akong alam sa tunay nilang katauhan. Ang alam ko lang ay maaaring posisyon nila sa club, business ng pamilya nila, o 'di kaya ay ang kanilang mga ginagawa.

Nakalabas kami ng gubat at nasa likod na kami ng mansyon. 'di ko alam pero may kung ano akong naapakan kaya ako napahinto. Naunang lumakad sa akin sila Selene habang nakatitig lang sa akin si Helen na nakatayo sa harap ko.

"May problema ba Win?"dahil sa kanyang tanong ay napaharap din sa akin sila Selene at Archi.

Gamit ang paa ko ay kinatok ko ang inaapakan ko at 'di ito simpleng bato o lupa. Natatabunan man ito ng lupa ay naramdaman ko pa din.

Lumapit sa akin si Helen at 'di inaasahang nahulog kami pababa sa kung ano mang iyon.

"Ahhh!"napasigaw ako dahil sa takot. Nahulog kami ni Helen mula sa taas na pinagpwestuhan namin. Madilim ang lugar at maluwag.

"Helen! Win!"sigaw nila Selene at Archi at lumunod sila at sinilip kami. Tinangka nilang abutin kami at sinubukan din naming abutin ang kanilang kamay pero masyadong malalim ang pinagbagsakan namin.

"Mauna na kayo Archi, makakaalis kami dito,"saad ko dahilan para mahinto sila sa kanilang ginagawa ni Selene.

"No! 'di namin kayo iiwan!"sigaw ni Selene. Halata na iiyak na sya dahil sa namumuong likido sa kanyang mga mata.

"Okay lang kami Selene! Archi! Mauna na kayo!"sigaw ni Helen. Okay lang naman talaga kami. Kung may hindi okay sa sitwasyon, si Archi 'yon dahil sa mga sugat nya sa paa.

"Hindi pwede!"sigaw ni Archi pabalik. Inilibot ko ang paningin ko at malawak na lugar ang napuntahan namin.

"Mauna na kayo please,"saad ko sa kanila at hinila ko na si Helen. Hindi na namin pinansin ang mga pagtawag nila dahil kailangan na nilang umalis.

"Ang dilim,"bulong ni Helen. Tama sya. Madilim nga. Wala kaming nakikita at kinakapa-kapa lang ang paligid.

Base sa pakiramdam ko ay may kung ano ang mga nakatago dito. Dahan-dahan kaming lumakad habang naglalakad.

"Ah!"bahagya akong napasigaw nang may masipa akong kung ano. Tumalsik ito at gumawa ng malakas na tunog.

"Nasaktan ka ba?"tanong ni Helen sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak namin sa aming mga kamay at tanging tibok lang ng puso ko ang aking naririnig sa mga oras na ito.

"H-hindi. Okay lang ako,"saad ko. Maya-maya ay napahinto sya dahilan para huminto din ako. May kinapa sya sa kung saan at binuksan iyon.

Isang flashlight. Itinapat namin iyon sa harapan namin at do'n namin narealize kung nasaan kami. Ang misteryosong basement. Malaki pala talaga ang basement pero pinagbawalan kaming gumala ni Katherin dito.

Sinuri namin ang mga bagay sa paligid. May mga nakatalukbong do'n na gamit at inalis namin ni Helen 'yon para malaman kung ba't parang may tinatago si Katherin kaya ayaw nya kaming palayuin sa t'wing nandito kami sa basement.

"Drugs?"napatingin ako kay Helen. Tama sya. Mga droga. Maraming pakete ng droga ang aming namataan sa bawat kahon na nakatalukbong.

"Nag-iimbak sila ng droga?"'di ko makapaniwalang tanong. May iba't-ibang mga droga doon na ni isa 'di ko alam ang tawag o pangalan.

May iba't-ibang kulay. May dahon at may mga hugis gamot.

Ni isa ay wala kaming hinawakan. Droga 'yon at ayaw naming mapahamak dahil doon. Ayaw naming may mangyari sa amin dahil doon.

"Ahhh!"nakarinig na naman kami ng panibagong tili dahilan para itigil namin ni Helen ang ginagawa namin at tulungan ang kung sino mang tumili na iyon.

Nilakad namin hanggang sa marating namin ang hagdanan paakyat ng mansyon pero nahinto ako nang mahagip ng mata ko ang isang bagay na nakita kong hawak ni Manong Pete nung isang araw.

Ang dyaryo na nakita kong binabasa ni Manong Pete nung nakaraang araw.

"Helen saglit,"saad ko at huminto kami ni Helen. Lumuhod ako para pulutin ang nilamukos na dyaryo. Hindi ko alam pero may nag-uudyok sa akin na basahin ito.

"Ano 'yan Win?"tanong nito. Tanging bulong lang ang aming nagagawa. Hindi kami maaaring sumigaw ng malakas dahil maaaring nasa paligid lang ang killer.

Lumuhod din sya at itinapat ang ilaw ng kanyang flashlight sa hawak ko dyaryo. Nang maiayos ko ang dyaryo ay agad kong nakita ang balitang napanood at narinig ko na noon.

***

DRUG MASSACRE

UMAABOT HANGGANG LIMANG DAAN HANGGANG PITONG DAANG KATAO ANG NAPATAY NG ISANG ANONYMOUS O 'DI KILALANG KILLER.

ANG KILLER AY SINASABING PUMAPATAY NG MGA TAONG MAY KONEKSYON SA MGA ILLEGAL NA DROGA. ANG SIGNATURE NG KILLER AY ANG PAG-IIWAN NG CLUE SA KAMAY NG MGA KANYANG NAPASLANG.

WALANG KAHIT NA ANONG IMPORMASYON ANG NALALAMAN NG MGA PULIS PERO MAY NAKALAP NA LITRATO MULA SA CCTV FOOTAGE NG BARANGAY SI DETECTIVE HERALD.

SINASABING ANG KILLER AY MAY MAHABANG PEKLAT SA LIKOD AT GANO'N DIN SA KALIWANG MATA.

***

Matapos mabasa ang isang balita mula sa dyaryo ay napuno ng ideya ang aking isip. Mula sa mga nakita naming droga kanina. Ang krimeng nangyari nung nakaraan. Ang pag-iiwan ng kung ano sa kamay ng mga namatay. Naiisip ko na baka ang killer ng massacre at ang pumapatay sa aming mg kaibigan ay pareho pero bakit?

Napaharap ako kay Helen. Naalala ko ang mga sinabi nya sa akin nung nakaraan. Yung kanyang hiling na 'di ko pinayagan.

"Helen, 'di ba sabi mo business partners ang mga magulang nyo?"tanong ko. Biglang kumunot ang kanyang noo at bahagyang tumango.

"Bakit naman Win?"tanong nito sa akin.

"Helen, alam kong maaaring nakakaoffend ang tanong ko pero may alam ka ba na koneksyon ng mga ama nyo sa droga? Or are they part of a drug syndicate?"sa pagtatanong ko ay biglang nagbago ang ekspresyon nya. 'di ko sinasadya pero gusto kong malaman.

"H-hindi. Hindi ko alam. Walang nasabi sa akin si Papa pero napansin kong lagi syang may kausap sa telepono. It's about shipping things that I don't know what,"akala ko ay magagalit sya pero bigla syang ngumiti." May nalaman ka?"tanong nya dahilan para mapatango ako.

"Look Helen,"saad ko at hinawakan ang kanyang dalawang balikat oara iharap sa akin." Let's clear our suspicions on Katherin. Hindi sya ang killer. Look at this..."I pointed at the newspaper. Pinabasa ko sa kanya ang mga nakasulat doon habang sinasabi ko ang mga suspetya ko.

"Yung video na nakuha natin? Halata pa lang na lalaki ang killer dahil sa matikas at malaki nitong katawan. Kung napansin ko 'yon sana napansin mo din na hindi 'yon katawan ng isang babae. Ni kulay nga eh hindi maputi dahil lahat tayong mga babae dito ay maputi except sa mga lalaki,"saad ko dahilan para kumunot ang noo nya habang binabasa ang dyaryo.

"Ang killer ay nag-iiwan ng clue sa kamay ng kanyang biktima. Look at Rina and Akashi's hand, anong nakita natin? Ballpen, it could be a clue. Ang camera recorder sa kamay ni Anica, another clue. Ang kailangan lang natin ay malaman ang ibigsabihin ng mga clue,"dagdag ko. What made me think was what is the meaning of the ballpen? Bakit ballpen? Anong meron sa ballpen? Paano namin malalaman ang killer gamit ang ballpen?

"Last one, the back scar. Sa mga lalaki, tatlo lang ang nakita kong may mahabang peklat sa likod,"matapos basahin ni Helen ang balita sa dyaryo ay napatingin sya sa akin.

"Ibigsabihin..."'di nya muna itinuloy ang kanyang sasabihin. Alam kong pinag-iisipan nya din ang mga bagay-bagay at ang aming mga nakuhang impormasyon.

"Ibigsabihin, isa kela Paulo, Tristan, o Archi ang maaaring killer at ang dahilan ay droga. Nakita mo naman yung nga droga kanina 'di ba?"dahan-dahan syang napatango. Kahit naman ako ay ayaw maniwala pero 'yon ang itinuturo ng mga nakalap naming impormasyon.

Silang tatlo ang tinuturo na maaaring isa sa kanila ang killer.

[CHAPTER SIXTEEN]