webnovel

CHAPTER 15

Chapter Fifteen

SMOKE AND MAKEUP

WARNING!!! VIOLENT SCENES AHEAD!

—READ AT YOUR OWN RISK OR SKIP THIS CHAPTER—

[ARCHI]

MATAPOS ANG pagsabog ng kung ano sa basement ay nagsitakbuhan ang mga babae kaya sinundan namin silang lahat. Kaming apat ni Gino, Tristan, at Paulo ay naghiwa-hiwalay upang mahanap ang iba dahil paniguradong gagamitin itong oportunidad ng killer para patayin din sila.

I run inside the forest kung saan ko huling nakita sila Helen at Win. Malapit na sana ako makalabas ng gubat nang madapa ako at kamalas-malasan nga naman ay may barbed wires dahilan para impit akong mapasigaw sa sakit nang bumaom ang mga pako nito.

"Arghh!"napakasakit nito at dahan-dahan akong tumayo. Mabuti na lang at paa ko sa kanan lang ang napuruhan pero kahit na gano'n ay masakit ito.

Tumayo ako at dahan-dahang hinugot ang nakabaong pako ng barbed wires. Masakit at mahapdi kaya dinahan-dahan ko hanggang sa tuluyan ko itong maalis.

Nang maalis ko ito ay iika-ika akong tumakbo papuntang pangpang at isang itim na tila anino ng tao ang namataan ko. Nakasuot ito ng itim na tshirt at pantalon habang may kung ano itong itinaas at hawak.

Nanlaki ang aking mga mata nang humarap ito sa akin. Ang killer! Humarap ito habang nakataas ang kutsilyo na hawak nito pero imbes na tumakbo sa direksyon ko ay pumasok ito sa gubat.

'di pa rin ako makapaniwala sa gulat na nakita ko pero nang magtagal ay naalala ko sila Helen at Win kaya napatakbo ako sa parte ng isla na maaari nilang puntahan. Ang bangin.

Namataan kong pababa sila mula sa may bangin ng kweba kaya iika-ika akong tumakbo papalapit sa kanila at sinalubong sila.

"Archi!"halata mula sa mata nilang dalawa ang sobrang pag-iyak dahil sa pamumula nito. They run towards me at niyakap ako.

"N-nakita ka ba nung k-killer?"Win asked at napansin ni Helen ang kanan kong paa kaya sinipat nya ito at nakita ang mga sugat ko dala ng pagkadapa ko sa barbed wires.

"Anong nangyari dito Archi?"tanong ni Helen matapos makita ang aking sugat. Tumayo sya at saka ko sinagot ang tanong nila.

"Nadapa ako sa barbed wires kanina sa gubat kaya natusok ang kanang paa ko. About sa killer, nakita ko sya at nakita nya din ako pero tumakbo sya sa papasok ng gubat kaya nag-aalala ako sa iba pa. They are in danger!"takot kong saad. 'di ko man sabihin at nakakabawas man sa pagkalalaki na aminin ay kahit ako ay natatakot para sa aming mga buhay.

Patay na si Rina. Pati ang matalik kong kaibigan na si Akashi ay wala na. Nawawala pa ang iba at nagkahiwa-hiwalay kami dahilan para malagay ang bawat isa sa amin sa panganib. Ang malala pa, wala kaming mahingan ng tulong dahil sa gabi na.

"S-si Agnes. Si Agnes natagpuan ko na. She's already dead at mukang nahulog sya sa bangin,"paliwanag ni Win. Ipinadaan ko ang palad ko sa aking buhok. Masyado ng lumalala ang lahat.

Napagpasyahan naming hanapin ang iba dahil tulad namin ay may posibilidad na sila na ang sumunod na mawala. Nakaakbay ako kela Helen at Win habang naglalakad kami papasok ng gubat.

Nasa parte kami ng isla sa likod kaya maaaring paglabas namin mula sa gubat ay ang sementeryo ang padatnan namin.

Kahit hirap ako sa paglalakad ay tinulungan ako nila Win at Helen. We entered the forest at 'di kami gumawa ng sigaw dahil maaaring nasa paligid lang ang killer. Hangga't maaari rin ay sana hindi din nag-iingay ang iba at sana ay nakatago sila. Sana ay may kasama din sila para sa kanilang kaligtasan.

Nasa loob na kami ng gubat at tinatahak namin ang ito para marating ang sementeryo.

Hindi ko talaga maipaliwanag ang hiwaga ng gubat. Kakaiba ito sa mga gubat dahil sa madilim ito. Sa umaga at tanghali ay nagagawa namang tumagos ng mga sinag ng araw pero sa pagsapit ng gabi ay ni maliit na sinag ng buwan ay 'di nakakalagpas sa matatayog at malagong gubat.

Madilim dito. Malamig ang hangin. Tanging insekto lang ang aming naririnig kasabay ng aming pag-apak sa kung ano mang dahon o kahoy na maaaring parte ng puno.

Matapos ang ilang lakaran ay narating namin ang pamilyar na nakakatakot na sementeryo. Ang sementeryong puno ng estatwa ng iba't-ibang demonyo.

May naaninagan akong tatlong tao kaya lumapit kami sa kanila.

"Win! Helen!"Venice exclaimed and walked towards us. Napansin din kami ng mga kasama nya na si Gino at Selene kung kaya't lumapit sila sa akin. Win and Helen passed me to Gino at si Gino ang umakay sa akin para mapunta sa isang estatwa.

Nang makaupo ako ay doon ko lang napansin ang pag-iyak ni Venice at Selene. Si Gino ay nakayuko lang habang nanlalaki ang mga mata nila Helen at Win dahilan para tignan ko ang kanilang tinitignan.

Naramdaman ko ang pagkasuka sa aking nakita. Sa katapat naming dalawang estatwa ay may mga nakataling katawan at parte ng katawan.

Halos umikot ang aking sikmura at 'di ko napigilang masuka sa damuhan ng sementeryo.

Sa isang estatwa ay nakita ko ang katawan nila Luis at Anica na parehong walang damit sa katawan. Malamang ay may ginawa silang kababalaghan pero ang mas nakakabahala ay ang nakatarak sa kanilang dibdib na matulis na bakal na nakatusok din sa estatwa. Mistulang para silang nakatayong hubad pero kung titignang mabuti ay patay na sila at ang bakal na nakatusok sa kanilang katawan at sa estatwa ang dahilan ng kanilang pagtayo.

Sa kabilang estatwa naman nalagay ang pira-pirasong katawan ni Rudolf. Ang katawan nito ay nasa baba ng estatwa ngunit ang parte nito tulad ng braso, paa, braso at maselang parte ay nakadikit sa estatwa gamit ang isang tali.

Sa kamay ni Anica ay nakita ko ang isang camera recorder.

"May camera!"I said pointing the camera Anica has holding. Tumayo si Gino at lumapit sa bangkay ni Anica at kinuha ang camera.

We played the last video caught by this at tama nga ang hinala ko. Gumawa ng kababalaghan ang tatlo hanggang malapit ng matapos ang video ay doon na nangyari ang karahasan sa kanila.

Someone with the ghostface mask pierced their body using a metal rod. Nagtagal pa ang video hanggang sa makuha ng killer ang camera at ipinwesto sa pwesto na kinalalagyan namin at pinakita kung paano nga pinatayong itinusok ang kabilang dulo ng metal sa estatwa at kung paano nya itinali ang bawat parte ni Rudolf sa isa pang estatwa.

Natapos ang video na wala kaming alam sa kung sino ang killer. Kung sino nga ba sya.

"G-grabe,"nauutal na wika ni Selene. Lahat naman kami ay 'di makapaniwala eh. Lahat kami.

Hindi ko aakalaing dadating sa puntong maglalagas kami. 'di ko inakala na huling hantungan na pala namin ang islang ito.

"Katherin..."napatingin ako kay Win. She uttered Kath's name. Napakunot kami at naisip ko na iisa lang din ang iniisip namin.

Na maaaring si Kath ang killer pero bakit? Wala naman akong natandaan na pinag-awayan namin at kung meron man ay inaayos namin ito. Pero sa gan'tong patayan? I don't want to believe but Kath has the ability to do that.

Yes, Kath can kill. Napatingin ako kay Helen, kay Gino, at huling tinitigan si Venice. Malamang ay iisa lang din ang teyoryang iniisip namin. Na talagang si Kath ang killer.

"H-hindi pwede,"mahinang naibulalas ni Helen. Napayakap na lang ito sa kanyang sarili at napaupo sa damuhan habang humahagulgol. Hindi nga ba pwede?

"Pero matagal na syang magaling sasakit nya!"saad ni Venice dahilan para makuha ang atensyon ni Win.

"Anong pinag-uusapan nyo?"tanong ni Selene sa amin kasabay no'n ay ang pagtatanong din ni Win tungkol sa aming gustong sabihin o iparating.

"Anong ibig nyong sabihin?"may bahid ng pagtatanong ang kanyang boses. Halata ang pagtataka sa muka nila Win at Selene. Wala silang alam sa sikreto naming magkakaibigan kaya kailangan nyang maliwanagan. Napatingin ako kay Gino para bigyan sya ng hudyat na ipaalam kay Win ang nasa isip namin kaya tumango ito at sinaad ang kanyang nalalaman.

"Kath had a psychopathy when she was a kid. 'di nya nagagawang pumatay ng tao pero nasubukan na nya sa mga alaga nya. Kadalasan nyang pinaghihiwa-hiwalay ang parte ng kanyang aso at lagi syang naliligo sa dugo. Dahil tatakbong presidente ang kanyang ama nung mga panahong 'yon ay kinailangan syang gamutin sa ibang bansa kahit labag sa loob nya bago pa lumala ang kanyang karamdaman sa pag-iisip. Sa totoo lang ay ngayong school year lang uli namin nakita si Kath matapos ang ilang taon nyang gamutan kaya isa lang ang naiisip namin sa ngayon... Na maaaring si Kath ang killer sa likod nito,"paliwanag ni Gino. Napahinga ako ng malalim.

Halos 'di naman maipinta sa muka ni Win ang kanyang ekspresyon. 'di ko sya mabasa. 'di ko alam kung nagulat ba sya o natatakot dahil sa mga nalaman nya.

"H-hindi pwede,"matapos ang katahimikan ay 'yan lang ang nasabi nya. Alam ko. Pati naman kaming nga kaibigan ni Kath ay 'di makapaniwala pero suspetya pa lang naman ito 'di ba? Maaaring hindi sya pero malakas ang kutob namin na sya.

Napaiyak na lang din si Win tulad ni Helen. Alam kong walang magagawa ang iyak nila pero magulo ang sitwasyon namin. Sobrang gulo na ng lahat at 'di na namin maintindihan ang mga nangyayari. Maaaring ito na ang huling gabi namin at 'di na kami sikatan bukas pero ayoko pang mamatay. Isa pa, kailangan ng mga kaibigan ko ng hustisya. Kailangan namin ng hustisya sa mga nangyayaring ito.

Napatayo si Gino at napasabunot sa kanyang sariling buhok. Tulad ko ay naguguluhan na din sya. Lahat kami ay naguguluhan na din.

Dahil sa sobrang gulo ng mga pangyayari ay hinayaan ko muna sila Helen at Win na umiyak hanggang sa mapagod sila. Sila Venice at Gino ay tulala lang.

Anong iniisip namin? Na sana matapos na ito at sana ay sikatan pa kami ng araw.

"Ahhh!"napatayo at napabalik kami sa aming ulirat nang makarinig ng sigaw. Parang sigaw ni...

"Si Grace!"saad ni Venice dahilan para mapatayo kami. Muka nasa panganib si Grace.

Tumayo si Venice at ngayon ko lang napansin ang shoulder bag nya. Tumalikod ito sa amin at binuksan ang bag at may kinalkal.

"Gino... Ba't nasa bag ko ang vape mo?"tanong ni Venice at iniabot ang vape kay Gino. Tumayo na sila Helen at Win at muli ko silang inakbayan.

Napansin ko ang pag-abot ni Gino sa kanyang vape at agad na inilapat ito sa kanyang bibig.

Lumapit din sa akin si Selene habang napansin namin ang pag-aayos ni Venice.

"Halina kayo,"saad ni Selene at naunang maglakad. Paika-ika rin ako sa paglakad at pasalamat na lang din kela Helen at Win dahil may tumutulong sa akin.

Nakailang hakbang pa lang kami nang may maamoy kaming usok na mula siguro sa vape ni Gino pero 'di namin inaasahan ang pagsabog.

Napaulo kami sa lakas ng pagsabog at tila umuulan ng pulang likido. Napatingin kami sa pwesto nila Venice at Gino at napasinghap ako sa kanilang kalagayan.

"Venice!"napasigaw si Helen nang makita ang bumubulang bibig ni Venice habang ang katawan naman nito ay nangingisay.

"Gino!"nagcrack ang boses ni Win pero napasigaw pa rin ito sa kalagayan ni Gino. Wala ng ulo ito at tanging katawan na lang. Dala ng malakas na pagsabog ay biglaang bumagsak ang ulo ni Gino na duguan.

Muli, may namatay na naman sa amin. Napaatras ako at napatayo.

"K-kailangan na natin tulungan si Grace. W-wala na tayong magagawa kela Gino at Venice,"saad ko. Labag iyon sa kalooban ko! Labag sa akin na iwanan sila pero wala na! Wala na sila! Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa nangyari.

Unti-unti na kaming nauubos. Unti-unti na kaming nababawasan at namamatay. Gan'to ba talaga kami mamamatay?

Pumasok kami sa gubat at ako ang nangunguna. 'di na ako nagpatulong pa kila Win o Helen sa paglalakad. Dala ng galit ay nagawa kong makalalad ng maayos habang iniinda ang sakit ng aking sugat.

Nasa likuran ko sila Helen, Win, at Selene habang tinatahak namin ang daan pabalik sa mansyon kung saan namin narinig ang tili ni Sarah.

[CHAPTER FIFTEEN]