webnovel

CHAPTER 14

Chapter Fourteen

CHAOS

[WIN]

NAKASIKSIK AKO sa gilid ng sofa. If I would face a mirror, I'm surely see that my eyes were swollen already. Kanina pa ako umiiyak at ni isa sa amin ay 'du nag-abalang kumain matapos ang aming nakita.

It's already evening yet we can see clearly the faces of Rina and Akashi. Hanggang ngayon ay klaro pa sa aming isipan ang kanilang pagkamatay.

Walang nag-abala na mag-alis sa mga bangkay. Ako? May nakuha lang ako na dalawang ballpen mula sa kamay nila Rina at Akashi. 'di ko alam kung makakatulong ang ballpen na nakuha ko pero pakiramdam ko ay may ibigsabihin ito.

"H-hindi ko na kaya 'to,"Venice stood up and made her to the door but Archi held her hand to stop her.

"Venice, sa'n ka pupunta?"tanong ni Archi habang binabawi ni Venice ang kanyang kamay.

Galit na humarap si Venice kay Archi. Binawi nya ang kamay nya mula kay Archi at saka sumagot ng pasigaw.

"Aalis na ako! Aalis na ako dito! 'di ko na kaya ang mga nangyayari!"sigaw ni Venice. Akmang aalis sya nang bigla akong tumayo at hinigit din ang kamay nya. Iniharap ko sya sa akin saka ko sya sinampal.

"Win!"Katherin exclaimed. Lahat sila nagulat nang sampalin ko si Venice.

"Walang aalis dito! Tsaka ba't ka aalis?! Ikaw siguro ang killer 'no?!"pasigaw kong tanong. Nanlaki ang mata nya sa gulat kaya bigla nya akong tinulak.

"Napakawalang hiya mo! How dare you slap me!"sinipa nya ako sa nay tyan at napadaing ako sa sakit.

"Venice!"

"Win!"

Tumakbo na sa amin ang mga kasama namin. Inaawat na nila kami mula sa pag-aaway pero 'di ako nagpaawat. Tumayo ako at hinawakan na ako sa braso ni Tristan at Helen.

"Bakit?! Totoo ba?! Baka totoong ikaw ang killer!"sigaw ko. Hinawakan na din ni Archi at Katherin sa braso si Venice.

"Wala akong pinatay!"sigaw uli ni Venice. Sa sobrang galit ko ay nakawala ako sa pagkakahawak sa akin at naabot ang buhok ni Venice.

Walang katumbas ang pagkakaibigan ko kay Rina. I treasured Rina and Helen over everyone here at masakit na namatay na sya.

Sinabunutan ko si Venice at hinihila na ako ng kung sino man para magkahiwalay kami.

"Saan mo dinala sila James? Si Agnes? Sila Luis at Anica? Si Rudolf?"sunod-sunod ko tanong kasabay ng pagsabunot ni Venice. Kaninang hapon lang namin nalaman na nawawala sila Rudolf, Luis, at Anica.

Isang matulis na bagay ang tumama sa tyan ko. Muli akong sinipa ni Venice at tumama sa tyan ko ang mahaba nyang heels. Napaatras ako at napabitaw sa kanya.

Hinila ako palayo uli at gano'n din si Venice na nanlalaban din at binabalak na gumanti.

"Ano ba Win?! Hindi lang naman ikaw ang namatayan kaya 'wag kang basta-basta!"sigaw ni Archi dahilan para mapatahimik ang lahat.

"Bakit Archi? Ikaw ba ang killer kaya ka nagkakaganyan? Magkasama ba kayo ni Venice na pinatay at itinago ang iba?"alam kong nababaliw na ako sa mga tinatanong ko pero wala silang magagawa dahil masakit. Masakit pa din sa aking puso. Ang kirot ng nawalan ng kaibigan.

"No!"depensa ni Archi at kasabay no'n ang paglapit ni Venice. Akala ko ay sasaktan nya ako pero galit na idinuro nya ang kanyang daliri sa akin.

"Baka naman ikaw ang KILLER WIN?"at talagang ipinagdiinan nya pa ang salitang 'killer' at pangalan ko habang dinuduro ako.

"Ano ba?! 'wag na nga kayong magturuan!"sigaw ni Grace pero 'di kami nagpatinag Venice.

"Why would I kill my friend Venice? Eh mas malinis pa nga yata ang bituka ni Rina kesa sa muka mong nilagyan mo ng kolorete! Muka ka kayang clown,"saad ko dahilan para lalong magalit si Venice kaya nakatanggap ako ng sampal pero 'di ako gumanti.

"'di ba transferee ka? Baka kaya ka lumipat para patayin kami kasi naiingit ka sa pera namin? Mayaman kami at MAHIRAP ka lang,"tulad kanina ay ini-emphasize nya ang salita para magkaroon ng dating sa akin pero baliwala. Ba't ako matatamaan kung hindi naman iyon totoo?

Sinampal ko din sya bilang ganti sa sampal nya sa akin kanina." Transferee rin naman si Paulo ah,"saad ko dahilan para malipat kay Paulo ang tingin nila. I didn't mean na ituro si Paulo bilang killer pero totoo namang transferee lang din sya tulad namin ni Rina.

"Itigil nyo na 'yan Venice! Win!"sigaw ni Sarah. Nakarinig kami ng ingay. Ingay na parany may binabasag na babasagin kaya natahimik kami.

Dahan-dahan akong napatingin sa likod ko. Nasa likuran ko ang pinto ng basement kaya tulad ko ay sa pinto ng basement din nagawi ang tingin namin kung saan namin naririnig ang pagkalampag ng kung ano.

Maya-maya ay napaatras kami nila Helen nang makitang gumagalaw ang doorknob at may kumakatok mula sa pinto. Humarap ang mga lalaki at sa pangunguna ni Paulo ay dahan-dahan silang lumapit sa pinto.

Bago nila mabuksan ang pinto ay nawala ang pagkatok at pagpihit ng kung sino man mula sa kabilang parte ng pinto.

"Guys mag-ingat kayo,"bulong ni Katherin pero sapat para marinig ng lahat. Ano ba ang nasa likod ng pinto? Sino? Ang killer ba? O baka ang mga nawawalang sila Rudolf, Anica, Luis, James, o Agnes?

"1... 2... 3... Go!"pagkatapos banggitin ni Tristan ang hudyat at pagkatapos nilang ihanda ang kanilang pamalo ay binuksan ang pinto at lumabas ang killer na nasa likod ng maskara ni Ghostface.

Napatili kami at akmang tatakbo nang bumagsak ito. Nilapitan nila Tristan at Archi ang natumbang tao at sinipat ito.

Tinanggal nila ang maskara ang duguang muka ni James anf nakita namin.

"James!"Selene exclaimed at nilapitan si James. Nang hubarin nila Archi ang damit ni James ay do'n na namin nakita ang napakaraming saksak sa bawat katawan nito.

Muli na namang tumulo ang aking luha at gano'n din ang iba sa amin. Napaikot ang tingin ko. Hindi na kami kompleto at napansin kong pati si Manong Pete ay 'di rin namin kasama. Nasaan sila? Buhay pa ba sila?

Nakarinig kaming muli ng ingay mula sa basement. Parang may mga natutumba na mga gamit doon kaya ihinanda nila Tristan ang kahoy na kanilang nakita para pamalo.

Nakailang hakbang pa lang sila nang mamatay ang ilaw at mga pagsabog sa baba ang sumunod na narinig namin dahilan para magtakbuhan kami sa labas. Helen and I held hands and run out from the mansion same with the others.

'di ko na alam kung nasaan ang iba basta ang alam ko lang ay makatakbo kami ni Helen.

Takbo-lakad na ang ginawa ko hanggang sa makalabas kami ng gubat at dumating sa pangpang. Pinuntahan ko ang kweba kung saan ko nakita ang bangka pero wala na ito.

"Saan tayo pupunta Win?"takang tanong ni Helen. Hinarap ko sya at hinawakan ang kamay.

"Kailangan nating makahingi na ng tulong Helen. Palala na ng palala ang mga nangyayari!"saad ko at hinatak sya sa kung saan.

Hinatak ko lang sya kung hanggang saan ako dalhin ng paa ko. Nagpahatak sya pero tinatanong nya pa din ako.

"Saan ba tayo pupunta Win? 'di natin sila pwedeng iwan,"saad nya. Nag-aalala rin naman ako sa iba pero 'di ko masisiguro na lahat sila ay mababait. Maaaring isa sa kanila ang killer at nagpapanggap lang na kasamahan namin o 'di kaya ay pwede ring yung mga nawawala.

Sa ngayon, si James pa lang ang aming natatagpuan. Ngunit kahit natagpuan na namin sya ay 'di maikakailang isa ng malamig na bangkay si James at namatay dahil sa kanyang mga natamong saksak.

Napaluha na lang ako at biglang nadapa." Win!"itinayo ako ni Helen pero 'di ko na kaya.

"Win!"umiiyak na din si Helen. Masaya at maayos naman kaming pumunta dito ah. Ba't nagkakaganito? Ano bang nagawa namin para may mawala at mamatay na isa sa amin?

Pinunasan ni Helen ang aking mga luha pero patuloy lang 'yon sa pagtulo. Naguguluhan na ako. 'di ko na alam kung ano ang gagawin ko. 'di ko na alam kung ano ba ang nagawa naming mali. Naguguluhan na ako at puno na ng tanong ang aking isipan. Ba't si Akashi? Ba't si James? Bakit si Rina? Ano bang nagawa sa kanila nung killer para patayin sila?

"'d-di ko na kaya Helen. N-naguguluhan na ako,"nauutal kong saad sa gitna ng aking paghikbi. Mabilis na umiling si Helen.

"Win, kaya natin 'to. Makakaya natin 'to,"saad nya at tinulungan akong tumayo. Sa pagtayo namin ay napatingin ako sa likod ni Helen at biglang nanlaki ang mata ko.

Ang k-killer!

Nakasuot ito ng damit na tulad ng aming karakter sa palabas. Ang damit na dinesenyo ni James at ang maskara nito ay ang parehong maskara ni Ghostface.

Nakatayo lang ito mula sa malayo at saka nito dahan-dahang inilabas ang kanyang kutsilyo.

"Helen!"sa pagsigaw ko ay mabilis kaming tumakbo ni Helen. Tumakbo kami hanggang sa mawala sa aking paningin ang killer.

Lumayo pa ang aming tinakbo dahilan para marating namin ang bangin. Ang bangin na prinank ako na ihuhulog nila Katherin.

Hinihingal kaming huminto nang masigurong hindi nakasunod ang killer. Napahawak ako sa bibig ko nang maramdamang nasusuka ako.

Bigla akong napalapit sa bangin at sinuka ang gusto kong isuka. Napapikit ako at nagulat nang idilat ko ang mata ko.

"S-si Agnes!"dahil doon ay napatingin din sa baba si Helen. Natagpuan namin ang duguang muka ni Agnes na sa tingin ko ay nahulog sya sa banging ito at namatay.

[CHAPTER FOURTEEN]