webnovel

Not In Uniform

Naalala kong lunes pala ngayon hindi ako naka dala ng uniform ko grrr!

"Seph tara na uwi na tayo wala tayong dalang uniform at yung bag ko nasa bahay" taranta kong sabi sakanya pero tinawanan niya lang ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Yung bag mo nasa may trunk ng kotse nilagay kagabi ni mommy tapos sabi niya wag ka na daw mag uniform kasi ipapaayos niya lahat ng uniform mo masyado kasing maikli" sabi niya sakin kaya napanganga ako gaano ba sila kaclose ni mama?

Lumabas ako at binuksan ang trunk ng kotse at totoo nga andun yung bag ko at may isa pang bag at meron pang dalawang paperbag dito tinignan ko ay may damit ako nung isa at yung isa damit nung kumag. So talagang naka civilian kami na papasok? grr! Kinuha ko na lang yung dalawang paper bag at pumasok ulit sa loob at ibinigay yung damit niya sakanya at hinila ko yung naka sabit na twalya sa may balikat niya at pumasok sa kwarto ni ynah pumasok ulit ako sa banyo ng kwarto niya. Maliligo na ako dito oo alam niya na dito ako maliligo kasi dito naman talaga ako naliligo tuwing andito ako sakanila.

Nang makaligo at makabihis na ay nakita kong nasa salaminan yung blower kaya lumabas muna ako at ibinigay kay seph yung twalya

"Maligo kana" at itinulak tulak ko pa siya sa banyo hindi sa kwarto ni ynah syempre sa kabilang banyo dapat siya kasi lalaki siya.

"Ynahhh, Shyraaa" tawag ko sakanila

"Bakit? andito kami hihi" sabi ni shyra at humagikgik. Lumingon ako sakanila at seryoso ba yan?! nasa may sulok sila kanina pa ata sila nanonood samin ni seph nung magkausap kami. Pinakita ko sakanila yung blower kasi nga mahaba yung buhok ko si shyra ang nag bloblower niyan kapag andito kami.

Kaya pumunta na kami sa kwarto ni ynah at pinatuyo ang buhok ko. Bihis na sila pareho at inaantay nalang nila kami infairness ang bilis kumilos netong mga to. Nang matapos ng matuyo buhok ko medyo messy pa din kasi ganon talaga kapag maganda. Charot! Paglabas namin sa sala naka bihis na din ang mokong at gusto kong matulala kasi ang gulo ng buhok niya at ang gwapo niyang tignan. Nakita kong dala na niya yung paperbag at may hawak siyang sumbrero kaya tumakbo ako at kinuha yon hehehe

"Pahiram muna" sabi ko at tumapat ako sa salamin at isinuot yon. Fitted white pants, white shoes, blue shirt and blue cap nays one! Nakalugay pa mahabang buhok ko at may kulang. Liptint. Pumunta ako sa likuran ni ynah at kinuha sa bag niya yung liptint niya kaya natawa sila sakin ni shyra. Bumalik ako sa salamin at nag liptint saglit.

Napansin ko din yung jacket na nasa may couch yung jacket ni seph kaya kinuha ko at itinali sa may bewang ko dahil white pants tong suot ko baka madumihan hehehe.

Nang ibabalik ko na kay ynah yung liptint napalingon ako kay seph na nakatitig sakin itinaas ko yung liptint at tinatanong kung gusto niya din at tumango siya. Red lips naman na siya bat gusto niya pa ng ganto? Lumapit ako sakanya at pinahidan ng liptint yung daliri ko at yon ang ipinahid sa lips niya. Unti lang inilagay ko dahil baka pagkamalan na siyang bakla kapag kinapalan ko.

Nagpaalam na kami at nakisakay na si shyra at ynah sa kotse ng kumag. Pagdating namin sa school ng gate ay pinapasok agad kami ni manong guard. Pero lahat ng estudyante nakatingin dahil ang may ari lang naman ng school na to ay dumating na. Tsk!

Nang makarating na kami sa parking lot ay bumaba na ako at inayos yung cap sa ulo ko at isinabit yung bag sa isang balikat ko.

Sabay sabay na kaming pumasok dahil iisang room lang naman ang papasukan namin kasi nga kaklase ko sila.

Pagdating namin ng room ay lahat nakatingin....sakin ay este sa suot ko.

"Hot pare"

"May boyfriend ba yan?"

"Oh My suot niya ang cap ni joseph myloves"

"Pati yung jacket"

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa may pinaka likuran malapit sa bintana dahil dun talaga ang gusto ko. Nilabas ko ang phone ko at nag earphone papikit pikit pa ako sa ganda ng music.

Nagulat na lang ako at napamulat ng may mag tanggal ng isang side ng earphone at inalis din yung cap na suot ko at umupo sa tabi ko.

"Kapag nasa room ka alisin mo cap na suot mo at kapag mag eearphone ka itira mo sakin yung left side" atsaka niya isinalpak sa tenga niya yung kabilang piece ng earphone. Nakatingin lang ako sakanya at siya naman ipinikit mata niya at sumandal sa upuan niya. Tumingin ako sa buong klase at samin lang nakatingin ang lahat at ang tahimik.