webnovel

Good Dream

Sumali ako sa contest ng mga writers at isinulat ko ang tungkol sa buhay ko. At naipasa ko naman yon ibig sabihin nanalo ako at ako ang 1st place. Ang saya ko sa araw na to. Umuwi ako para ipa-alam kay mama at kuya na nanalo ako sa contest of writers. Nang malaman nila ay tuwang tuwa sila at dumating sa punto na nagising ako kasi panaginip lang pala ang lahat! Sus maryosep!

Pagmulat ng mata ko ay mukha agad ni seph ang nakita ko nakayakap pa ako sakanya. Hindi ako gumalaw tinitigan ko lang siya dahil ang himbing ng tulog niya. Ano self? tititigan mo nalang ba siya? Hindi naman kayo mag jowa para yumakap ka. Hindi naman kayo close self.

Pero talagang ang gwapo niya kaya nakatitig pa din ako. Nang may marinig akong hagikgikan at tunog ng camera kaya napabalikwas ako ng bangon. Nakita kong nagtatawanan si shyra at ynah at nakatingin sa cellphone.

"Hoy ang ingay niyo" sabi ko sakanila sa mahinang boses at pinakita naman nila sakin yung picture namin ni seph ng natutulog habang nakakulong ako sa braso niya at yong kanina nung nakatitig ako sakanya. Gusto kong ngumiti kasi ang sweet tignan pero bakit ba ako ngingiti diba? tsk.

Pumunta na akong banyo para mag mumog at mag brush syempre may extra silang brush na bago ganon talaga. Kaya nag brush na din ako at naghilamos. Nang matapos ako ay dala ko yung brush na ginamit ko kasi ipapakita ko kay ynah na kumuha ako sa lalagyan nila dala ko pa yung baso na ginamit ko.

Paglabas ko ng banyo at nakarating ako sa may sala ay gising na si seph at nakatingin sakin ipinakita ko na kay ynah yung brush.

"Ynah kumuha ako sa lakagyan niyo ng brush ha?" sabi ko sakanya

"Oo sigeee mabuti naman kung ganon" sabi niya dahil alam nilang sanay na sanay na ako dito sakanila. Biglang tumayo si seph at kinuha yung baso at brush na hawak ko at pumuntang banyo. Tinignan ko pa ulit ng isang beses yung dalawang kamay ko na nawala yung hawak at tinignan sila ynah na naka nganga sakin.

"Teka gagamitin niya ba yung brush at baso mo?" gulat na tanong sakin ni shyra

"Siguro" sabi ko naman at umupo na sa may couch at nag cellphone muna

"Seryoso ka ipapagamit mo yung baso mo? at yung brush na galing sa bunganga mo?" tanong ulit ni shyra na hindi makapaniwala dahil hindi talaga ako nagpapagamit ng mga ginamit ko na.

"Oo kinuha na niya eh" sagot ko naman at hinahayaan na matuyo yung basa sa mukha ko.

Pero nagulat na lang ako ng may hawak ng twalya si seph na pinangpupunas niya sa mukha niya at lumapit sakin at pinunasan yung mukha ko. Shet na malagket! Kinikilig ba ako? ang lapit niya! Ang sweet niya shutek! Nakatulala lang ako sakanya at mas natulala ako nung hinalikan niya bigla yung noo ko. Ang init huhubarin ko na sana yung dam-- teka naka jacket pala ako? Tinignan ko yung jacket at hindi sakin to pang lalaki eh tapos pumunta akong salaminan at tinignan yung sa may likod ng jacket may nakalagay na Fuerte teka kay seph to ah. At bigla kong inalala kung pano niya ako suotan ng jacket kagabi napayakap nga pala ako sakanya. Nakakahiya umay!

Napatakip ako sa buong mukha ko dahil sa kahihiyan.

Lumabas na lang ako sa may balkonahe at umupo ng maalala ko nnmn yung panaginip ko. Try ko kaya sumali din? Malay ko manalo talaga hehehe.