webnovel

A Day With A Vampire

Sawi si Leila nang mahagip ng mata niya ang isang website kung saan pwedeng umupa ng boyfriend, depende kung hanggang kailan gusto basta kaya nilang magbayad. Ang kaso, hindi lang sawi si Leila, butas din ang bulsa niya at ang afford niya lang ay hanggang isang araw. Kaya ayun, pumili siya ng isang mukhang prinsipe at nagbayad. Ang hindi niya alam, hindi tao ang makakasama niya buong araw.

GeometAgape · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
9 Chs

Chapter 5

Isang oras bago sila magpaalam sa isa't isa, naisipan ni Leila na kantahan si Verion. Kahit sintonado siya, ginawa naman niya ang lahat.

Napatawa naman niya ang kasama so okay na din.

Kung iisipin, mas masaya ang date niya ngayon kaysa sa mga naging ex niyang cliché at 'di niya makasama sa library maghanap ng libro.

Ngayon naiintindihan niya na kung bakit in demand nga si Verion. Kung may ten star rating lang, baka ginawa niyang eleven para malaman ng lahat na satisfied na satisfied siya as consumer.

'Haha, consumer.'

Minarkahan niya pa ang araw nila para lang ma-celebrate niya kung sakaling mapatingin siya sa kalendaryo.

November 3.

Number three na ang special day niya.

Oo, naghanap siya ng date pagkatapos ng undas. Extension sana ng pagluluksa niya kung sakaling 'di niya nagustuhan 'yung date niya. Pero mukhang forever niyang maaalala ang pinagsamahan nila ngayon.

"Aalis ka na." malungkot na sabi niya.

"Oo, kailangan mag-report."

"Sige."

"Huwag ka ng malungkot, linis ka na lang ng bahay tapos matulog ka na."

"Mamimiss kita."

Napangiti naman ito. "Ako din, Leila."