Sawi si Leila nang mahagip ng mata niya ang isang website kung saan pwedeng umupa ng boyfriend, depende kung hanggang kailan gusto basta kaya nilang magbayad. Ang kaso, hindi lang sawi si Leila, butas din ang bulsa niya at ang afford niya lang ay hanggang isang araw. Kaya ayun, pumili siya ng isang mukhang prinsipe at nagbayad. Ang hindi niya alam, hindi tao ang makakasama niya buong araw.