Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.
Isang sulat para sayo, Chris.
Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamahal mo?
Oo, masakit at mas pipiliin mong mawala na lang din kaysa mabuhay ng hindi siya kasama.
Pero, paano kung mayroong paraan, Chris? Paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka ba na harapin at isugal ang buhay mo para sa taong mahal mo mabuhay lang siya muli?
Para sa akin, hindi ko inakala na hahantong ako sa ganitong sitwasyon, na hahamakin ko ang lahat para sa pagmamahal. Kahit pa kalaban ko ang oras at ang panahon, makasama ka lang.
Gaya ng lagi kong sinasabi, ako ang bahala sa'yo.
Matagal tagal na panahon na rin ng huli kitang makasama. Sa oras na mabasa mo itong sulat ko, tandaan mo na lagi akong nandito para sa'yo.
Kahit saan.
Kahit anong oras.
Kahit anong panahon.
Alam ko hindi pa huli ang lahat, Chris. Ang pagmamahal ko sa'yo, walang hanggan. Naniniwala ako, magkikita pa tayo ulit. Hindi ko man alam kung paano, pero gagawa ako ng paraan.
Isang araw, mababasa mo rin itong sulat ko, at pag nangyari 'yun, ibig sabihin ay nagtagumpay ako at kung matagpuan mo man itong sulat ko at wala ako sa tabi mo, 'wag ka mag alala, Chris.
Sabay nating hanapin ang isa't isa.
Jin Torres
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Date: March 21, 2021
Time: 10:30 PM
"Nasaan ka na, Chris? 10:30 p.m. na pero hindi ka pa dumarating. Kanina pa ako naghihintay dito." Antok at walang gana na pagkakasabi ni Jin habang nakatitig lamang siya sa T.V. na nasa kanyang harapan.
T.V. noises on Background.
Nakaupo si Jin sa sahig habang nakasandal sa kanyang kama sa isang unit sa Eastwood Hotel. Madilim at ang tanging liwanag lang na nanggagaling sa buong kwarto ay ang ilaw mula sa TV na nakabukas.
Yakap niya ang isang bote ng beer na wala ng laman habang nakatitig siya sa TV, ngunit papikit-pikit na ang kanyang mga mata dahil sa antok gawa ng beer. Pinipilit niya na lamang ang kanyang sarili na magising dahil may hinihintay siyang isang tao—si Chris.
Ngunit dahil sa paghihintay at gawa na rin ng antok, kalaunan ay hindi niya na napigilan ang kanyang sarili, napapikit at nakatulog na siya.
Phone in bag ringing continuously.
Tuluyan na nakatulog si Jin at hindi niya na napansin ang phone na nag-ring sa kanyang bag. Dahil sa palalim ng palalim ang kanyang tulog, bigla niyang nabitawan ang yakap na beer at bumagsak ito sa sahig.
Crash!
Tila nagising siya dahil dito at agad tiningnan ang relo na nakasuot sa kanyang kanang kamay, para alamin kung anong oras na.
"Huh? Anong oras na? Sandali, 12:45 a.m. na pala? Hindi na kaya darating si Chris? Sabi niya nandito na siya sa unit pagkatapos ng client meeting ko. Hindi naman sumipot." Antok na pagkakasabi ni Jin sa kanyang sarili.
Ang usapan nilang dalawa ni Chris, pagkatapos ng client meeting niya ay nasa unit na ito. Ngunit pagdating sa unit ng mga bandang 6 a.m., nadatnan niyang wala pang tao at wala rin ang mga gamit ni Chris.
Tumayo na si Jin, binuksan ang ilaw sa unit, at nag-ayos ng kanyang sarili. Hinayaan lang niya na nakabukas ang TV dahil ayaw niya ng masyadong tahimik. At isa pa, nabobored din siya dahil mag-isa lang siya sa unit sa Eastwood Hotel na binook ni Chris para sa kanya.
Malungkot at balisa si Jin habang nag-iimpake ng kanyang mga gamit at inilalagay ito sa kanyang bag. Napagdesisyunan niya na umuwi na lamang sa kanyang bahay sa Sta. Mesa, dahil naisip niya na hindi na rin darating si Chris at masyado ng late.
"Ano kaya nangyari kay Chris? Bakit kaya hindi siya nakarating? Hmm, makauwi na nga lang pagkatapos ko mag-ayos ng gamit pati na rin magbihis! Wala naman na akong gagawin pa dito."
Habang nagbibihis at nagpapalit si Jin ng kanyang damit, nakatingin lang siya sa TV at nanonood ng isang cooking show nang biglang pinalabas sa TV ang isang news flash report.
News flash intro on TV!
Agad niyang sinuot ang kanyang t-shirt at tumigil saglit para panoorin at pakinggan ang news flash. Naintriga siya dahil nakita niya na sa Sta. Mesa ang lugar na nasa balita.
"News report! Isang lalaki, 21 years old, nasa 5'5 ang laki at nagngangalang 'Chris', ay natagpuang patay malapit sa isang bakuran sa Sta. Mesa bandang 1 a.m. ng March 22, 2021. Napag-alaman na ang biktima ay kinidnap ng mga di kilalang tao na nakasakay sa isang black na van, at may plate number na GMZ 8790 ayon sa isang witness. Dinala na ang biktima sa U.E.R.M at pinaghahanap na rin ng mga pulis ang nasabing van."
Natahimik, naluluha, nalulungkot at natatawa na parang ayaw maniwala ni Jin sa balita na kanyang nasilayan at nang marinig ang pangalan na binanggit sa balita.
Binuksan niya ang bag na nasa kanyang tabi at aligagang hinahanap ang kanyang phone upang tawagan sana si Chris. Naniniwala siya na buhay pa ito at nagbabakasakali na ibang tao ang nasa balita. Pagkabukas niya ang kanyang phone, laking gulat niya dahil tumambad ang mga missed calls na galing kay Chris—10 Missed Calls March 22, 2021 11:02 p.m. and 1 Voicemail received March 21,2021 11:58 p.m.
Pinakinggan ni Jin ang voicemail na sinend sa kanya ni Chris.
"Hello? Jin? Hindi kita ma-contact kaya nag-iwan na lang ako ng voice message. May kumuha sa akin pero hindi ko kilala kung sino. Pagkagising ko na lang, nandito na ako sa may isang bakanteng building. Sinubukan kong tumakas pero hindi ko alam kung saan ang palabas! Kanina pa ako tumatakbo! Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin sa oras na matanggap mo 'to. Pero, habang kaya ko pa, gusto ko lang sabihin na hinding hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Salamat and sorry kung hindi ko man nasabi habang may oras pa ko. Gusto ko lang sabihin na—" naputol ang sasabihin ni Chris nang may biglang sumingit na boses ng isang lalaki sa background ng Voicemail "NANDITO KA LANG PALA! TATAKAS KA PA AH?"
GUNSHOT!
Blip!
Natahimik at natulala si Jin nang marinig niya ang naghihingalong boses ni Chris, at ang tunog ng baril bago natapos ang voicemail. Labis na pagkalungkot at galit sa sarili ang kanyang nararamdaman, dahil hindi man lamang niya nasagot ang tawag ni Chris sa mga panahong kailangan siya nito. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at madali niyang pinasok ang lahat ng gamit niya sa bag, at agad tumungo sa hospital kung saan si Chris dinala.
Pagkarating ni Jin sa hospital at sa room kung saan dinala si Chris, nakita niya na lang ang katawan nito na nakabalot na sa isang malinis na puting kumot, nakahiga at walang malay. Labis ang lungkot na nadama niya habang naglalakad siya papalapit sa kama ni Chris. Dahan dahan niyang tinanggal ang kumot na nagtatakip sa mukha ni Chris, at nang makita niya ito, hindi niya na napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
Sobrang nadurog ang puso ni Jin nang makita niya ang mukha ni Chris na dati'y napakalinis at laging nakangiti, ngayo'y madungis, duguan at wala ng emosyon. Bigla na lang siya nanghina at napaupo sa sahig sa tabi ng kama ni Chris. Hinawakan niya ang malamig na kamay ni Chris, at sinandal niya ang maputlang kamay nito sa kanyang pisngi. Hindi niya pa rin mapigilan ang maluha at tinatanong ang kanyang sarili.
"Bakit nangyari sa'yo to, Chris? Anong gagawin ko?"
Habang kinakausap ang kanyang sarili na bakit at paano nangyari lahat, isang familiar na tunog ang kanyang narinig—ang ringtone ng phone ni Chris.
Nagulat si Jin sa kanyang narinig kaya agad niyang hinanap kung saan nakatago ang phone ni Chris. Tinanggal niya ang puting kumot na bumabalot sa katawan nito at narinig niya ang phone na nasa bulsa ng pants nito at kanyang kinuha. Nakita niya ang phone ni Chris na nagri-ring ngunit mula sa isang unknown number. Sasagutin niya na sana ang call, nang bigla itong tumigil sa pag ring.
Sinubukan niyang tawagan ang number kaya inunlock niya ang phone ni Chris. May kakayahan si Jin na buksan ang phone ni Chris, dahil naka-register ang fingerprint niya dito.
Pagka-unlock ng phone, bumungad sa kanya ang Gallery app at nakita niya ang mga pictures na naka-save dito. Tiningnan niya isa-isa ang mga latest pictures na naka-save sa Gallery ng phone ni Chris. Nakita niya ang mga pictures ng lugar kung saan dinala si Chris. Hindi niya maaninag kung saan ang lugar na nasa pictures dahil madilim ang background at walang masyadong gamit.
Pagkatapos tingnan ni Jin ang mga pictures, muli siyang napatingin sa nakahimlay na katawan ni Chris at iniisip kung bakit ganito ang sinapit niya. Hinaplos niya ang dibdib ni Chris at dinadamdam ang lambot ng katawan nito sa huling sandali.
Habang hinahaplos niya ang dibdib ni Chris, may nakapa siyang isang piece ng sticky note na tila nakatago sa shirt pocket sa may left part ng chest nito. Tiningnan niya kung may papel nga sa loob nito at laking gulat niya nang makita niya na may nakatago nga dito. May nakita siyang sticky note na ang nakasulat ay—March 21, 2021 306 St. Sta. Mesa, Manila.
Sinubukang hanapin ni Jin ang lugar na nakalagay sa papel at sinearch ito sa Maps ng kanyang phone, ngunit hindi ito lumalabas. Pinuntahan din niya ang lugar kung saan natagpuan si Chris at nagtanong-tanong sa mga tao sa paligid kung alam nila ang 306 St. Sta. Mesa, Manila na nakalagay sa note. Ngunit hindi rin alam ng mga tao na nandoon ang lugar na tinanong ni Jin, at sinabing walang gano'ng street na malapit sa kanila.
"March 21, 2021? Ano nga ba nangyari sa araw na 'to? Alam ko nagkita pa kami ni Chris at ni-reserve niya ko ng hotel sa Eastwood dahil sa client meeting ko. Pero, 'di ko na alam kung ano pang mga sumunod na nangyari." Nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili at iniisip kung ano nga ba ang mayroon sa araw na nakalagay sa note.
Nag-isip si Jin ng mga paraan upang malutas kung paano niya matutuklasan kung saan ang lugar na nasa nakalagay papel, at ano ang nangyari sa date na March 21, 2021. Naalala niya bigla na may isa silang project na tinatapos sa company nila, which is ang time machine na kanyang pinaglalaanan ng oras na matapos. Naisip rin niya na iyon ang magiging sagot upang malaman ang nangyari, at iligtas si Chris sa kapahamakan kung matapos ito at maging successful. Matutuklasan rin niya kung ano ang nangyari noong March 21, 2021, ano ang dahilan ng pagkamatay ni Chris at magkaroon siya ng pagkakataong iligtas ito mula sa di inaasahang pagkamatay. Kahit walang kasiguraduhan na ito'y magiging successful, pinursigi ni Jin at determinado siya na mabubuo ang time machine.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
6 Years Later
Jin's POV
6 years later, Sa tulong ng aking mga co-workers, sa wakas ay napagtagumpayan namin na mabuo ang time machine, at oras na para subukan kung ito'y gagana.
Sa mga oras na ito, September 21, 2027 4:50 p.m., ako na lamang ang mag-isa at ang tanging naiwan sa loob ng laboratory, which is located sa likod ng bahay ko sa Sta. Mesa. Nakatingin lamang ako sa time machine at natutuwa dahil nasa harap ko na ang sagot na makakatulong sa aming dalawa ni Chris..
"All right! It's time! Sigurado ako na gumagana itong time machine! Chris, hintayin mo ko, ililigtas kita."
Anim na taon na ang nakalipas, ngunit wala pa rin nakakaalam kung bakit at paano namatay si Chris. Tila, parang lahat ng nangyari ay pinag-walang bahala na lamang at hindi na binigyan ng pansin. Kaya naman, desidido ako na malaman ang mga sagot tungkol sa pagkamatay ni Chris. Gusto ko malaman kung bakit kinuha siya ng mga 'di kilalang tao, bakit siya nandoon sa building na walang laman, at kung sino ang nagpapatay at ang pumatay sa kanya.
Kinuha ko ang lahat ng gamit na kailangan ko para sa aking pagbabalik. Dala ko ang aking bag na may laman nitong mga mahahalagang gamit ko, ang phone ko at ni Chris at pati ang sticky note kung saan nakasaad ang '306 St. Sta. Mesa'.
Inayos ko na ang settings ng time machine pabalik sa araw na gusto kong puntahan at inilagay ito sa date na March 21 2021. Pagkatapos kong i-set ang date sa configuration control box ng machine ay pumasok na ako sa loob ng transporter nito na may kasamang matinding kaba para sa aking sarili. Hindi ako mapakali, dahil sa oras na makabalik ako, alam ko na nakasalalay ang buhay naming dalawa ni Chris dito. Kapag nabigo ako at maaaring mamatay, mauuwi sa wala ang lahat.
Habang nakatayo ako sa loob ng transporter, huminga muna ako ng malalim at tumingin sa transparent glass cover ng transporter at pinagmasdan ang panahon na iiwanan ko pansamantala. Biglang nagkaroon ng liwanag sa loob ng transporter at patindi ito ng patindi hanggang sa napapikit na lang ako dahil sa liwanag na bumabalot sa aking paningin. Nang nakapikit na ang aking mga mata dahil sa tindi ng pagkasilaw, may narinig akong ingay na mula sa pinto ng laboratory. Minulat ko ng kaunti ang aking mga mata para makita kung ano ang ingay na narinig ko.
Nakita kong nakabukas ang pinto at nakapasok ang alaga kong kulay gray na persian cat na si Bullet. Lumapit ito sa configuration control box at tumalon sa kung saan nababago ang date ng machine. Huli na ang lahat nang makita kong tumalon si Bullet dahil bigla na lang akong naglaho sa kasalukuyan at naiwan na lamang si Bullet sa laboratory.
Para sa akin, tila tumigil ang galaw ng mundo panandalian, at biglang nagbago ang nakikita ko. Bigla na lang akong nagulat dahil nasa isang open space na lugar na ako napadpad. Tiningnan ko ang paligid at pamilyar sa akin ang lugar. Alam ko na malapit ako sa aking bahay.
"Whaaaatt! Bakit nandito ako sa sa likod ng bahay ko? Bakit wala ako sa laboratory? Sandali, 'wag mo sabihing—"
Labis akong akong nagtaka dahil ang pagkakaalam ko, makakabalik dapat ako sa laboratory sa likod ng bahay ko. Pero ano ito! Bakit open space lang ang nandito?
Naglakad-lakad ako sa street malapit sa aking bahay upang magtanong sa mga tao kung anong araw at taon na dahil hindi ako sigurado kung saang panahon ako napadpad.
"'Yun may tao! Makapagtanong nga." Naglakad ako papalit sa isang matandang lalaki na may dalang supot ng barbeque at isaw, "Sir, pwede po magtanong? Ano pong araw at taon ngayon?"
"Boy, may amnesia ka ba? Bakit 'di mo alam kung anong taon na? Galing ka ba sa ibang panahon? March 21, 2020 ngayon!" Nagtatakang sagot sa akin ng matanda at nagmadaling umalis.
"Akala niya siguro baliw na ako, pero pakiramdam ko mababaliw na nga talaga ako dahil bakit nasa 2020 ako nakarating! Nagkamali ba ako ng na-set na date? Bakit napunta ako sa 2020? Dahil ata kay Bullet! Kapag minamalas ka nga naman! Anong gagawin ko ngayon? Kung bumalik kaya ako sa time machine para maayos ko ulit?"
Tumungo akong muli sa lugar kung saan ako dinala ng time machine para hanapin ito, ngunit wala akong makitang kahit anong sign ng time machine!
"Whaaaatt?"
Sobra na ang aking kaba dahil isang malawak na open space lamang ang nakikita ko sa likod ng aking bahay! Pumasok na lamang ako ng aking bahay habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Napa-facepalm na lamang ako habang nakatayo sa aking living room. Wala akong magawa dahil wala ang laboratory at wala rin ang time machine!
"Ano na! Bakit nga ba pati 'yung laboratory wala din?"
Paikot-ikot lamang ako sa aking living room habang nag-iisip kung bakit hindi maayos ang lahat ng nangyayari sa akin.
"March 21, 2020? Arghh! Hindi pa nagagawa ang laboratory ng mga panahon na 'to at June 2020 ko pa pala 'yun pinagawa? So, ibig sabihin hindi ako makakaalis sa oras na 'to kung hindi pa nagagawa ang time machine? Paano na to! Hindi ko naman alam na magkakaganito!"
Ang buong akala ko, kasama ko ang time machine kahit saan ako pumunta!
"Ugh!"
Lugmok na lugmok at napaupo na lamang ako sa sahig ng aking living room dahil hindi na ko na rin talaga alam ang gagawin.
"Hindi pa rin pala perfect ang pagkakagawa sa time machine? Kung ganito ang kinalabasan, ibig sabihin isang taon ang hihintayin ko para mailigtas si Chris, at 6 years pagkatapos bago ako makabalik sa panahon ko?"
Habang nakaupo ako sa sahig at mangiyak-ngiyak kakaisip kung paano na ang magiging buhay ko nito, naging alerto ako bigla dahil narinig ko na parang may nagbubukas ng pintuan ng bahay ko.
Door squeak!
Hindi na ako makagalaw ng maayos dahil sa mga pangyayari. Nang makapasok na ang taong nagbubukas ng pinto ng aking bahay, bigla siyang sumigaw ng malakas nang makita niya ako.
"Aahhhhhhhh sino ka? Ba't ka nasa loob ng bahay ko? Magnanakaw ka ba? Akyat bahay?" Sigaw ng taong nagbukas ng pinto ng aking bahay at tila pareho kaming gulat na gulat.
Bigla akong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya, sa batang Jin na mula sa taong 2020z at tinakpan ko ang bibig niya at binulungan ko siya.
"'Wag kang maingay! 'Wag ka magugulat, pero iisa lang tayong dalawa. Ako si Jin, Ikaw ay ako at galing ako sa future 7 years from now. Nagkamali lang ako ng araw na nabalikan, naiintindihan mo ba?"
Tinanggal ng batang Jin ang aking kamay na nagtatakip sa kanyang bibig at tila galit na galit siya sa akin dahil nanliliit ang kanyang mga mata. Sa puntong ito, hindi ko alam kung magugulat ako sa kaba o matutuwa na makita ang sarili ko mula sa taong 2020.
"Huh? Iisa lang tayong dalawa? Ikaw ay ako? 7 Years from now? Galing sa future?" Gulat at nagtataka na tanong ng batang Jin sa akin at tila hindi siya naniniwala.
Nagtitinginan lang kaming dalawa at parehas na may mga sinasabi sa aming mga utak.
"Patay! Mukhang hindi maganda 'to! Paano siya maniniwala na iisa lang kami? Akala niya pa magnanakaw ako!" nasa isip ko.
Habang tinitingnan ko ang batang Jin, alam ko na may masama na siyang iniisip sa akin.
"Anong sabi mo? Ikaw ay ako? Saang teleserye mo nakuha yan? Anong drama? Anong comics? Baliw ka! Ano ka nag time machine?" sigaw ng batang Jin at kinuha niya ang kanyang phone at tila may balak siyang tawagan. "Aalis ka o tatawag ako ng pulis?"
End of Chapter 1