webnovel

Chapter 16: Workshop Day Part 2

Date: May 18, 2020

Time: 5:00 P.M.

"Siya ba 'yung Jin? 'Yung kakapasok lang sa C.R.?" tanong ni Julian dahil may nakita siyang pumasok na lalaki sa CR na hindi niya kilala at hindi nila kasama sa Midnight Hall.

Napatigil silang dalawa saglit, at mula sa pagbabasa ng text ni Jin, napatingin si Chris sa C.R., "Hmm? Nasaan? Wala naman?" tanong ni Chris dahil wala siyang nakita pagkatingin niya sa pintuan ng C.R.

"Ahh wala, baka namalik mata lang ako." sagot ni Julian at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Meanwhile, nasa loob na ng isang cubicle sa C.R.  ng Midnight Hall si Jin, dahil tinatawag na siya ng kalikasan. Ito rin ang pinakamalapit na venue na may C.R. na nakita niya habang hinahanap sila Chris.

"Hmmm, pagkakaalam ko nandito sila sa Midnight hall. Sakto pala na dito na ko dinatnan! Buti na lang din walang masyadong tao sa C.R." bulong ni Jin habang natatawa siya sa kanyang sarili.

Habang nagda-download si Jin sa isang cubicle, may boses siyang narinig kaya tumahimik siya saglit, "Hmmm? Teka, may naririnig ako, sa katabi kong cubicle may tao?" nasa isip niya.

Habang nasa loob ng cubicle ay may narinig siyang isang pamilyar na boses. Narinig niya ulit ang boses ng lalaking naghu-humming na tila sobrang lamig sa pakiramdam at pinapagaan ang kanyang loob 'pag napapakinggan ito.

"Sandali, narinig ko na 'to! Siya 'yung may magandang boses na narinig ko noong nagpapahinga ako sa rooftop noong isang araw! Ibig sabihin nandito rin siya? Nasa katabing cubicle ko lang siya, kaya naririnig ko kahit hinihinaan niya lang. Nahihiya kaya siya? Sabihin ko kaya na ang galing niya? Kaso baka mamaya tumigil siya, tsaka mahirapan siya mag download. Sige, papakinggan ko na lang muna siya." nasa isip ni Jin habang tuwang-tuwa siya dahil maririnig niya na na naman ulit ang boses na hinahanap niya.

Nakapikit lang si Jin  habang pinapakinggan ang boses na kanyang naririnig hanggang sa humina na ito paunti-unti.

Nang tumigil na ang lalaking naghu-hum sa katabing cubicle ni Jin, napadilat siya at nagayos na siya ng kanyang sarili. Paglabas niya ng cubicle ay may nakita siyang tao na naghuhugas ng kamay, at nag-aayos ng kanyang sarili sa harap ng salamin.

"Siya kaya yung naririnig ko? Wala naman ibang tao dito, baka siya nga 'yun. Sabihin ko kaya na maganda boses niya? Kaso wag na, baka awkward lang 'yun para sa aming dalawa. Pero ang ganda ng boses niya at ang sarap sa pakiramdam, parang hinahawakan ang puso ko at pinapakalma 'to." nasa isip ni Jin.

Tumayo siya malapit sa lalaking nakita niya na nag-aayos ng buhok nito sa CR. Tinitingnan siya ng lalaki na ito habang naghuhugas siya ng kamay. Si Julian pala ito na nagaayos ng sarili sa harap ng salamin.

"Siya kaya 'yung Jin? Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko naman siya nakita na kasama ng mga coordinators, o baka pumasok lang siya para mag C.R.? Pero kung siya nga, oo, gwapo nga siya at mukhang mahihirapan ako kalabanin ito." nasa isip ni Julian habang palihim niyang sinusulyapan si Jin sa salamin.

Pagkatapos mag hugas ni Jin ng kamay, ay tiningnan niya ang tao na kasama niya sa C.R.p at nginitian niya ito saglit at lumabas na rin.

"Salamat sa maganda mong boses. Sana marinig ko ulit kaso nakakahiya 'pag nag request ako. Hmm, nasaan na kaya sila Chris?" nasa isip ni Jin.

Lumabas na si Jin ng C.R. at nagmamasid upang hanapin kung nasaan sina Luna at Chris. Habang tinitingnan niya ang paligid at nakatayo lamang siya, may nakita siyang isang babae na kumakaway sa kanya sa di kalayuang pwesto at tumatalon upang mapansin siya.

 "Jin! Nandito kami! Tara dito!" Kinakawayan ni Luna at tinatawag si Jin, upang lumapit sa kanilang pwesto habang nagpapahinga.

Nang makita ni Jin sina Jade at Luna, ay lumapit na siya at umupo sa tabi ng dalawang babae.

"Jin! Namiss kita! So anong balita? Kamusta ang laban niyo?" tanong ni Luna kay Jin.

"Hmmm, mamaya ko sasabihin 'pag nandito na si Chris, tsaka may ibibigay ako sa kanya eh." hirit ni Jin.

"Nako! Talagang hihintayin pa ah? Ay, speaking of Chris, may isusumbong kami! Buti nandito ka na, at wala pa yung isang epal na sunod ng sunod kay Chris! Nako talaga, Jin! Marami kaming bad news sa'yo!" nag aalala na  sinabi ni Jade kay Jin.

"Ano naman 'yan? Parang andaming nangyari, nawala lang ako ah?" natatawang sinabi ni Jin.

"Oo, Jin! Nag join forces na nga kami ni Ms. Jade, kaso naiisahan kami lagi nitong tao na 'to!" hirit naman ni Luna.

"Teka, close na kayo agad? Ms. Jade? Luna?" pabirong tanong ni Jin sa dalawa.

"Bakit? Para na nga kaming magkapatid, kasi pareho kami ng takbo ng isip." sinabi ni Jade kay Jin.

"Kayo pa talaga nagsama dalawa! Buti kinaya kayo ni Chris? Paano kayo natiis ni Chris?" tanong ni Jin.

"Nako! Kung alam mo lang, si Chris ang savior namin dito! Kung hindi dahil sa kanya, nasalo na namin lahat ng punishments!" hirit ni Jade.

"Oo nga Jin, buti na lang talaga super galing ng friend natin na 'yun, kaso may isang tao na ginagamit siya! Tine-take advantage yung baby boy natin!" hirit naman ni Luna.

"Oh? Bakit kayo nagsusumbong sa akin? Parang may magagawa naman ako?" natatawang hirit ni Jin.

"Oo! ikaw lang makakatalo sa kanya! Hirap na hirap na kami ni Luna na pagkaisahan siya!" sinabi ni Jade.

"Lagi niya kami naiisahan! My gosh, Jin! Kung alam mo lang!" hirit ni Luna.

"Teka teka, natatawa ako sa inyong dalawa. Talagang nag team up pa kayo para lang sa tao na 'to? Sino ba siya?" tanong ni Jin na natatawa ngunit nag aalala ng palihim.

"Kasama namin din siya sa contest, taga Research and Development team siya." sinabi ni Jade.

"Ahh, kalaban namin sila kanina ah? Oh ano naman mayroon sa kanya?" tanong ni Jin.

"Kasi nilalandi niya si Chris! Sinusundan niya kahit saan pumunta si Chris!" hirit ni Luna.

"Baka naman bagong friend lang? Ayaw niyo ba magkaroon ng bagong friend si Chris?" biro ni Jin.

"Mayroon bang friend na humahawak agad sa likod at kamay ng bagong friend niya?" tanong ni Jade.

Nang marinig ni Jin ang sinabi ni Jade, tila nag pintig ang kanyang mga tainga at nainis ngunit hindi niya ito pinakita, at dinaan na lamang sa biro, "Baka hindi naman sinasadya at nagkataon lang."

"Basta! Mamaya makikita mo pagdating nila ikaw ang humusga! 'Wag kang aalis! Hintayin mo kami matapos! Ikaw ang magbantay kay Chris, kasi kaming dalawa wala kaming laban sa kanya!" hirit ni Luna.

"Oo nga Jin, dahil nandito ka na mas makakampante na kami ni Luna ngayon!" nag aalala na sinabi ni Jade.

"Pero natatawa talaga ako sa inyo, salitan talaga kayong dalawa ng mga saloobin niyo. Parang iisa lang talaga takbo ng utak niyo!" pabirong sinabi ni Jin.

Habang nag-uusap usap sina Jin, Jade at Luna, ay biglang may tao na tumayo sa likod ni Jin at tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang dalawang kamay ng taong ito.

"Hulaan mo kung sino 'to." tanong ng nagtakip sa mga mata niya.

"Kamay mo pa lang, Chris, alam na alam ko na. 'Wag mo muna tanggalin sa mga mata ko. D'yan lang muna 'yan. Namiss ko 'tong lambot na 'to at nakakarelax pagkatapos ng nakakapagod na match." nasa isip ni Jin.

"Ummm Sino kaya 'to? Hindi ko kilala. Sino 'to?" pabirong tanong ni Jin.

Habang pinapanood nila Luna at Jade ang dalawa, ay napa-eye roll na lamang sila dahil nagseselos sila and at the same time naiinis sila dahil ang cheesy din ng mga ito para sa kanila. Naiisip nila na sana ay may gumagawa din sa kanila ng ganoon.

"Nakakainis talaga! Sana all talaga, mayroon tayong ginaganyan!" malungkot na hirit ni Jade at niyakap naman siya ni Luna, "I feel you Ms. Jade! Nakakainggit! Pero natutuwa ako sa kanilang dalawa."

"Galing akong C.R." hirit ni Chris.

Nang marinig ito ni Jin, ay agad niyang tinanggal ang kamay ni Chris, kahit na gustong gusto niya pang damhin ang lambot nito.

"Grabe ka Chris! Nawala lang ako, marunong ka na maging bully ah? Sino nagturo sa'yo niyan? Si Ms. Jade ba o si Luna?"

Habang kausap ni Jin ang tatlo, napansin niya na nakatayo sa likod ni Chris ang lalaking nakasabay niya sa C.R., kaya naman kinausap niya ito. "'Di ba ikaw yung nasa C.R. kanina? Ako pala si Jin." nakangiting bati ni Jin.

"Hi, I'm Julian, nice to meet you." nakangiting bati ni Julian ngunit sa loob niya ay naiinis siya.

Binulungan ni Jade si Jin, "Siya yung sinasabi namin sa'yo Jin! 'Yung sunod ng sunod kay Chris!"

"Oo bantayan mo mabuti 'yan, mukha lang 'yang nakangiti at nagbabait-baitan, pero feeling ko may masamang balak 'yan!" bulong naman ni Luna.

Kinilatis ni Jin ang buong katawan ni Julian mula ulo hanggang paa, ngunit hindi niya ito pinahalata at nginitian niya lamang ito. Pagkatapos niya tingnan si Julian ay bigla niya naalala na may ibibigay siya kay Chris at kinuha niya ito mula sa kanyang bag.

"Chris, may ibibigay pala ko sa'yo. Nakita ko kasi sa may mga tinayo na stalls kanina na may Candy Corner, kaya naisip ko na bilhan ka." nakangiting sinabi ni Jin habang inaabot niya ang 100 grams na Sour Apple Tapes na nasa loob ng Candy Corner na plastic bag.

Kinuha ito ni Chris at labis ang kanyang tuwa nang makita niya ito at napansin ni Julian ito.

"Mahilig pala si Chris sa ganito, okay! Marami pala ako matututunan sa Jin na ito. Kakaibiganin ko siya para sa kanya ako kukuha ng information tungkol kay Chris." nasa isip ni Julian habang pinagmamasdan niya si Chris na tuwang tuwa habang kumakain ng Sour Apple Tapes.

"Thank you Jin! Ay oo nga pala, ano nangyari sa match niyo? Sino nanalo?" tanong ni Chris habang nangangasim ang mukha niya sa kanyang kinakain.

"Siempre, Operations Team!" masayang binalita ni Jin.

Tuwang tuwa sina Jade at Chris dahil nanalo ang team nila, at nakaadvance sila sa elimination round.

"Bukas, after ng match ulit namin, pwede bang manood sa inyo?" tanong ni Jin.

"Feeling ko oo, photoshoot lang bukas kaya pwede ka manood. Isa pa, para makita mo naman si Chris at pag nakita ka niya, maganda yung ngiti niya sa pics! Love love love!" hirit ni Jade habang nagha-heart sign.

Habang naguusap-usap sina Chris, biglang napadaan si Will sa harap nila at tila may namumukhaan siyang tao.

"Jin? Ikaw ba yan?" tinanong ni Will si Jin.

"Ako po to Mr. Will. Kamusta na po kayo? Hindi na po ba masakit ung likod niyo?" tanong naman ni Jin.

Nagtaka sina Jade dahil kilala ni Will si Jin.

"Magkakilala kayo ni Jin, Mr. Will?" tanong ni Jade.

"Oo, kanina kasi ang dami kong dala papunta dito sa Midnight Hall. Tapos, biglang sumakit ang likod ko, lahat ng dinala ko nalaglag! Buti na lang, may poging tumulong sa akin noong nakita niyang nalaglag 'yung mga dala ko. Kaya ayun, thank you pala ulit, Jin." paliwanag ni Will.

"Nako, Mr. Will, wala 'yun! Magaan lang naman 'yung binuhat ko. Ay oo nga pala, pwede ako makinood pag may rehearsals kayo?" hirit ni Jin.

"Ay oo sure no problem, basta ikaw! Friends mo din ba sila Jade, Chris, Luna at Julian?" tanong ni Will kay Jin.

"Yes po. Pumunta ako para suportahan silang lahat." nakangiting sinabi ni Jin.

"Aba naman talaga! Pogi na, matulungin at supportive pa! Ang sarap naman maging friend nito ni Jin. Swerte magiging partner in life mo niyan! Ayieee mayroon na ba?"  tanong ni Will habang kinikilig siya.

Hindi makasagot si Jin at nangingiti lang siya sa hiya, kaya sina Luna at Jade ang sumagot para sa kanya.

"Mr. Will, hindi mo ba alam, siya na lang hinihintay ng magiging partner niya! Wala siyang kaalam-alam!" pabirong sinabi ni Jade.

"Yes, Mr. Will, actually pareho silang naghi-hintayan! Sila na lang din hinihintay namin umamin sa isa't isa, my gosh!" hirit ni Luna.

"OMG Sino to? Pero hayaan niyo na silang dalawa. Bigyan natin sila ng time. Pangit pag minamadali, alam niyo 'yan." natatawang sinabi ni Will.

Biglang nagsalita si Julian, "Wala ka pang girlfriend, Jin?"

Nagulat si Jin nang bigla siyang tanungin ni Julian at napakamot na lang siya ng ulo, nangiti at sabay sumagot,  "Wala pa. Ikaw ba mayroon na?"

"Wala pa rin. Pero noong sumali ako dito, hindi girlfriend ang nahanap ko eh. Soon-to-be boyfriend ang nakita ko." nakangiting sinabi ni Julian na tila pino-provoke si Jin.

Nag ngitian lang silang dalawa, at habang pinagmamasdan sila nina Jade, Luna, Will at Chris, ay tila parang may nakikita silang mga kuryente na dumadaloy sa mata ng dalawa kahit nangngingitian lang sila. Pakiramdam nila ay parang may away na magaganap. Binulungan ni Jade si Luna na tila kinakabahan, "Girl, nakita mo na ba magalit si Jin ng sobra? Kasi one time nag kwento ako ng tungkol kay Chris, nabali niya 'yung ballpen ng isang kamay!"

"Oo, Ms. Jade, pero one time lang. Ayaw ko nang makita 'yun! Kalmado lang si Jin, pero sa oras na sumabog siya sa galit, baka masira yung Midnight Hall kung sakali!" bulong ni Luna habang naaalala niya ang isang pagkakataon na nakita niyang galit na galit si Jin noong college sila.

Nagsalita na si Will nang mapansin niya na baka magkaroon na ng away, "Okay, bago pa magkaroon ng gulo sa Midnight Hall, simulan na ulit natin ang ating last activity for today! Baka may dumanak na dugo pa dito!"

"Oo Mr. Will, tara, na simulan mo na! Tawagin ko na rin sila!" hirit ni Jade.

"Oo ito na! Tara na!" Umalis na si Will at tinawag niya na ang lahat para bumalik sa kani-kanilang pwesto.

Si Julian at Jin ay nakangiti pa rin sa isa't isa at hindi matinag, pero sa likod nito ay may mga sarili silang saloobin na salungat sa kanilang mga ngiti.

"Hindi ako magpapatalo sa'yo Jin! Sa akin mapupunta si Chris. Ako ang magugustuhan niya at ako ang pipiliin niya!" nasa isip ni Julian.

"Kumag to ah? Bakit kaya bigla nagtanong 'to kung may partner na ko o wala? Tsaka, soon-to-be boyfriend ba kamo? Wag mo sabihing si Chris 'yan?" nasa isip naman ni Jin.

Habang nakangiti sa isa't isa sina Jin at Julian, ay nagpaalam muna si Chris kay Jin  na aalis muna siya para bumalik sa pwesto nila.

"Jin, mauuna na muna ako! Babalik na ako sa pwesto ko."

Tumingin si Jin saglit kay Chris para kausapin ito, "Sige! dito lang ako, hintayin ko kayo matapos." at bumalik siya ng tingin kay Julian na nakatayo sa harap niya at pinag-patuloy ang kanilang paligsahan sa pag ngiti.

"Hala, okay lang sa'yo? Hindi namin alam kung anong oras kami matatapos." nag aalala na tanong ni Chris.

"Okay lang, wala naman akong gagawin sa bahay." sagot ni Jin habang nakangiti pa rin siya kay Julian.

"Basta pag nagutom ka Jin, may extra akong snacks sa bag ko kunin mo na lang."

"Okay thank you! Sige na, tinatawag na kayo ni Mr. Will."

Umalis na si Chris at sumunod na si Julian, ngunit habang papunta na siya sa kanyang pwesto ay tinitingnan niya pa rin si Jin hanggang sa maka-upo na siya sa pwesto niya at tumigil na rin sila sa pagtitig at pag ngiti sa isa't isa.

"Tama lang siguro na pumunta ako dito, mukhang kailangan araw araw ata nandito ako." Bulong ni Jin sa kanyang sarili habang tinitingnan niya sina Chris sa di kalayuang pwesto.

Habang nagsasalita si Will, ay sinisilip ni Chris si Jin  kung nandoon pa ito at kung okay pa ba ang lagay nito at napansin siya ni Julian kaya kinausap siya nito.

"Hindi aalis 'yun, Chris, d'yan lang siya. Mamaya mahuli ka pa ni Mr. Will na tingin ng tingin kay Jin, sabihin hindi ka nagfo-focus. 'Wag mo na siya tignan, dito ka lang mag-focus sa workshop natin."

"Ay oo nga pala, sorry. Sige sige." nahihiyang sagot ni Chris.

Habang nanonood si Jin ng activity nila Chris, ay bigla siyang nagutom. Kaya naisip niya na kunin ang snacks na sinasabi ni Chris sa bag nito kung sakaling magutom siya.

Nang makuha na ni Jin ang sinasabing snacks ni Chris sa bag, "Iba talaga ang snacks ng mga mayayaman! Snacks bang maituturing 'to? Ikaw talaga Chris!" bulong ni Jin sa kanyang sarili habang binubuksan ang malaking bag ng Lays na chips.

Habang kumakain si Jin at nanonood lang sa mga nagaganap, nakatanggap siya ng text mula kay Jon at binasa ito.

Jon: Saan ka? 6:15 p.m. na, anong oras ka uuwi?

Jin:  Mamaya pa po papa! Haha!

Jon: Sinong papa mo? >:(

Jin: Bakit mo tinatanong kung nasaan ako at anong oras ako uuwi? Para namang hindi mo alam kung nasaan ako ngayon.

Jon: Basta, bantayan mo lang si Chris. 'Yun lang!

Jin: Ano ibig mo sabihin?

Jon: May sunod ba ng sunod kay Chris ngayon?

Napaisip si Jin bigla  at napatingin siya kay Julian.

Jin: Oo, sabi ni Ms. Jade tsaka Luna, sunod daw sa kanya ng sunod tong Julian na 'to!

Jon: Okay, basta wag mo iwanan si Chris. Tsaka ikaw bantayan mo sarili mo! Ingat pauwi!

Jin: Anong ibig mong sabihin? :o

Hindi na nagreply si Jon at nagtaka si Jin sa kung ano ang ipinahihiwatig nito, kaya inobserve niya ang mga kilos ni Julian sa malayo.

Napansin niya na tila hindi nakikinig si Julian kay Will at nakatingin lamang ito kay Chris, habang si Chris naman ay seryosong nakikinig.

Huminga ng malalim si Jin at tumayo sa kanyang pwesto. 

"Okay."

Nagsimula na lumakad si Jin dala dala ang Lays na kanyang kinakain at umupo sa pagitan nina Chris at Julian.

Napansin ito nina Jade at Luna kaya naman tuwang-tuwa ang dalawa at pareho silang nakataas ang isang kilay at nakangisi.

"Ito na, nagsisimula na ata si Jin, girl!" bulong ni Jade kay Luna.

"Yes! Kanina pa kasi nakatitig si Julian kay Chris, nainis siguro si Jin!" pabulong na hirit ni Luna habang natatawa.

Si Chris naman ay nabigla sa pag-upo ni Jin sa tabi niya at napatitig siya rito. Sumenyas si Jin kay Chris na kay Mr. Will lang ang focus nito at wag siyang pansinin.

Pinagmamasdan lamang ni Julian si Jin na nasa kanyang tabi at nanliliit na ang kanyang mga mata dahil sa inis. Tiningnan naman siya ni Jin pabalik habang kumakain ng Lays at nakangiti lamang sa kanya.

"Bakit sa akin ka nakatingin? 'Di ka ba nakikinig kay Mr. Will? Nag e-explain siya oh? Hindi ako ang trainer, Julian." pabulong na sinabi ni Jin kay Julian habang kumakain ng Lays.

Palihim na nagtatawanan sina Jade at Luna sa mga nakikita nila na kaaya-aya sa kanilang paningin. Dahil sa ginagawa ni Jin, feeling nila ay unti-unti na nilang nababawian si Julian.

Sa tuwing titingin si Julian kay Chris, sinasadya ni Jin na harangan ang kanyang view gamit ang ulo nito. Si Julian na ang naga-adjust para lang masulyapan si Chris ngunit patuloy pa rin humaharang ang ulo ni Jin.

Naiinis na rin si Jin sa kakulitan ni Julian ngunit hindi niya pa rin ito pinapahalata at nginigingian niya pa rin ito.

Lalong nanliit ang mga mata ni Julian dahil sa pagkairita habang tinitingnan niya si Jin na nakangiti sa kanya. Magsasalita na dapat siya nang bigla siyang sinubuan ni Jin ng isang malaking piraso ng potato chip.

"Sabi ko sa'yo, makinig ka kay Mr. Will, 'wag ka sa akin tumingin." bulong ni Jin kay Julian.

"Girl, di ko inakala na makikita ko 'tong scene nilang dalawa! Buti na lang nandito si Jin!" bulong ni Jade.

"Pero aminin mo Ms. Jade, medyo bagay silang dalawa." bulong ni Luna at tila nakakaramdam siya ng kilig kina Jin at Julian.

Pinagmasdan ni Jade ang dalawa, "Oo nga no? May spark! Kaso parehas Alpha Male! Sino ang magpapatalo?" hirit ni Jade.

"Pwede naman 'yan! Si Julian ang magpapaubaya. Pero, wag tayo malinlang, Ms. Jade. Jin-Chris pa rin tayo!" sagot naman ni Luna.

Pinapakain lang ng pinapakain ni Jin si Julian sa tuwing titingin ito kay Chris. Kaya naman itinigil ni Julian ang pagsilip kay Chris at binulungan niya na si Jin.

"Ano ba problema mo? Bakit mo ba ko sinusubuan?" naiinis na pabulong ni Julian.

"Ako? Wala naman. Baka nagugutom ka lang, kaya sinusubuan kita." pang-iinis ni Jin.

"Hindi ako nagugutom! Tsaka hindi ko kailangan ng taga subo! Kaya ko sumubo mag-isa, okay?" sagot ni Julian at hinablot niya ang hawak na Lays ni Jin at siya naman ang kumain.

Habang nagbubulungan ang dalawa at tila may sarili silang usapan, napansin ito ni Will at biglang nagsalita.

"Aba! May hindi ata makapaghintay dito, at tila nagmamadali na ah? Masyadong sweet itong dalawang to! Nagbubulungan at magkalapit pa ang mga mukha at nagsusubuan ng Lays, hindi makapaghintay? Jin at Julian?  Gusto na magkiss?" nakangiting hirit ni Will, ngunit galit na siya dahil sa panggugulo ng dalawa.

Habang magkatingan sina Jin at Julian sa isa't isa, nagulat sila nang banggitin ang kanilang mga pangalan at nanlaki ang mga mata nila. Sabay sila tumingin ng dahan-dahan kay Will at lahat ng mga participants ay sa kanila nakatingin at natatawa.

Hiyang hiya na ang dalawa nang mapunta sa kanila ang attention ng lahat, kaya nagsalita ulit si Will.

"Dahil may sobrang sweet dito at magkaututang-dila AT hindi nakikinig, tandaan niyo na mahilig ako sa punishments! Julian, face the wall! Jin, ikaw din! Kahit love kita, face the wall at magkahawak kayo ng kamay at hindi niyo pwedeng tanggalin yan! 30 Minutes kayo dyan! Go!"

Gusto ni Jin ang punishment na binigay sa kanila ni Will dahil matitigil si Julian sa kakatingin kay Chris, habang si Julian naman ay lalong nairita kay Jin.

Kinuha ni Jin ang Lays na hinablot sa kanya ni Julian at patuloy siyang kumain. Tumayo na rin sa Julian nang makuha na ni Jin ang Lays at tumungo na sa wall kung saan sila pinapapunta ni Will.

Tuwang tuwa naman sina Jade at Luna sa nakita nila, tila nakaganti na din sila at nakahinga na ng maluwag kahit napagalitan si Jin.

Binigay ni Jin ang Lays na hawak niya kay Chris at sumunod na rin siya kay Julian at tinabihan niya ito pagkatapos.

Nang makatabi na si Jin kay Julian, humarap lang siya sa wall at hinawakan niya na rin ang kamay nito, na siya namang hinihigpitan ni Julian dahil sa inis.

"May gusto ka ba kay Chris?" biglang tinanong ni Julian si Jin.

Napatiningin si Jin sa mga mata ni Julian, at hinigpitan niya rin ang paghawak sa kamay nito.

"Ikaw ba mayroon?" seryosong tanong ni Jin.

"Oo may gusto kay Chris." Nakatitig si Julian kay Jin nang sinabi niya ito.

Napatingin si Jin kay Chris saglit, at pagkatapos ay bumalik siya ng tingin kay Julian.

"Liligawan ko si Chris..." dagdag ni Julian

Hindi makasagot si Jin at hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Hindi rin niya maamin sa kanyang sarili ang tunay na nararamdaman para kay Chris, dahil para sa kanya, hindi pa siya handa.

"Ba't hindi ka makasagot Jin? Takot ka ba? Hindi mo ba kaya magtapat kay Chris?" hirit ni Julian.

"Hindi ko alam kung anong isasagot ko talaga. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko kay Chris. Pero ayokong mapunta sa kanya si Chris. Ang tanging magagawa ko na lang muna ay... mag-bluff" nasa isip ni Jin. Nginitian niya si Julian at niluwagan ang pagkakakapit sa kamay nito.

"Bakit ka nakangiti? Baliw ka na ba?" tanong ni Julian.

"Tingin mo magugustuhan ka ni Chris?" nakangiting tanong ni Jin.

"Oo! Lahat gagawin ko magustuhan lang ako ni Chris! Sa akin siya mapupunta!" naiinis na sinabi ni Julian.

"Tingin mo ba, gusto ni Chris ang mga tulad mo?"

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Julian.

"I mean, liligawan mo si Chris? Hindi mo nga alam kung anong gusto niya, kung anong type niya o baka mamaya hindi naman siya pumapatol sa lalaki."

Napatingin si Julian kay Chris at nagsalita muli si Jin. "Tingnan mo mabuti, mukha ba na mahilig si Chris sa lalaki? Hindi mo nga alam baka ang type niyan si Ms. Jade eh. Hindi mo naman siya kasama sa office, ako ang kasama niya. Hindi mo alam baka may girlfriend na siya at baka si Luna 'yun, kaya ayaw sayo ni Luna?" dagdag ni Jin habang nag bu-bluff siya kay Julian.

Nagdalawang-isip si Julian bigla nang masabi ni Jin sa kanya iyon. "Nawala nga sa isip ko, sa sobrang cute ni Chris, akala ko hindi siya straight. Pero, hindi parin ako titigil at malalaman ko rin ang totoo! At pag nasigurado ko na may pag-asa ako, wala ng makakapigil sa akin" nasa isip ni Julian.

Huminga ng malalim si Julian at muling tumingin kay Jin ng seryoso.

"Okay, sige panalo ka. Pero sa oras na malaman ko ang totoo kay Chris, humanda ka! Kapag nalaman ko na gawa gawa mo lang yan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" paalala ni Julian.

"Sige po. Abangan ko yan, Sir Julian! Nandito lang ako 'pag kailangan mo ko at tawagin mo lang ako, pupuntahan kita agad. Nanginginig pa." pabirong sinabi ni Jin. Tinanggal niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak kay Julian at inakbayan niya ito, na agad namang tinanggal ni Julian na parang diring-diri sa kanya.

Nangisi na lang si Jin dahil natatawa siya sa reaction ni Julian.

Tumingin na lamang si Julian sa wall ulit, at inaabot niya ang kamay niya kay Jin para hawakan ito.

"Ano, gusto mo pa ba na madagdagan 'yung oras natin dito?  'Pag tayo nahuli na hindi magkahawak ng kamay, kasalanan mo to!" hirit ni Julian.

"Ito na nga oh, hahawakan na, nanginginig pa!" nakangiting hirit naman ni Jin at hinawakan niya na ang kamay ni Julian.

"Nakaligtas ako doon ah? Pero hindi pa ito tapos. Tingin lalo niyang babantayan si Chris. Kailangan ko din maging alerto. Hindi namin kilala 'tong Julian na 'to. Sabi nga ni Jin Tanda, bantayan ko daw ang sarili ko pati si Chris. Siya kaya yung tinutukoy niya talaga?" nasa isip ni Jin.

Natapos na ang 30 minutes at pinabalik na sina Jin at Julian. Hindi na tumabi si Jin kina Chris, at bumalik na siya sa pwesto kung saan nakalagay ang bag nila Chris.

Hinintay niya lang matapos ang activity at naglaro lang siya sa kanyang phone habang nag hihintay.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Okay guys! That's it for today! Palakpakan niyo ang mga sarili niyo! Mag prepare na kayo for tomorrow for the photoshoot! Good night and ingat kayo sa pag-uwi!" nakangiting sinabi ni Will sa lahat ng participants.

Tumayo na ang lahat at nag-unat at nagsipuntahan na sa kani-kanilang mga gamit upang kunin na ito para makauwi.

Lumapit na sina Chris kay Jin at kinuha ang mga gamit sa kanilang bag para makapag ayos muna ng kani-kanilang sarili at mag retouch.

Nag C.R. muna sina Luna at Jade para mag re-touch, habang si Chris naman ay nag C.R. din para maghilamos. Naiwang magkasama sina Julian at Jin sa pwesto para bantayan ang naiwang bag ng mga kasama nila.

Hindi nag-uusap ang dalawa at medyo awkward sila sa isa't isa. Naunang bumalik sina Jade at Luna para balikan ang mga gamit nila.

"Jin, mauuna na ko ah? Thank you sa pagbabantay ng gamit namin. Kita kita na lang ulit bukas. Congrats pala sa laro niyo kanina!" paalam ni Jade.

"Ako rin Jin, mauuna na me, kasi traffic sa dadaanan ko. Nag paalam na kami kay Chris kaya go go go na kami ni Ms. Jade. Pareho kami ng dadaanan, kaya sabay na kami." paalam naman ni Luna

"Okay! Ingat kayo! Ay, sila pala mag ingat sa inyong dalawa!" pabirong sinabi ni Jin, sabay nag eye-roll ang dalawang babae at inirapan si Jin at umalis na rin. Pagkaalis ng dalawang babae, ay nandoon pa rin si Julian at bigla siyang kinausap ni Jin. "Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? sinong hinihintay mo?" tanong ni Jin.

"Wala! Uuwi na nga ko. Ito na kukunin ko na bag ko oh? Mag lalakad na ko palabas oh?" naiiritang sinabi ni Julian habang papaalis siya sa pwesto at palayo na kay Jin.

Nang makaalis na si Julian sa Midnight Hall, ay hinintay na lang ni Jin si Chris na nag aayos ng kanyang sarili sa C.R. Halos wala ng tao ngunit si Chris ay hindi pa rin lumalabas ng C.R. Nabored na si Jin kakahintay, kaya pinuntahan niya si Chris dahil nag aalala na rin siya at kanina pa ito sa C.R.

Pagpasok niya sa C.R., nakita niya si Chris na nakatalikod at nakahubad ang t-shirt. Natulala siya at dahan dahan niyang nilapitan si Chris. Habang naglalakad siya, nilalapit niya ang kanyang kanang kamay sa likod ni Chris para haplusin ito. Nang makalapit na siya, hinawakan niya ang likod nito at dahan dahan itong hinaplos.

"Hindi na ba 'to masakit, Chris?" tanong si Jin.

Nagulat si Chris na nasa likod niya pala si Jin, at tinanong niya kung ano yung tinutukoy nito na  masakit.

Hinahaplos lang ni Jin ang  mga bakas ng sugat at latay sa likod ni Chris, gawa noong araw na pinagalitan siya ng papa nito.

"Itong nasa likod mo. Yung mga latay sa likod mo, hindi na ba masakit?"

"Aahh. Ayan ba? Hindi na. Gumaling na rin sila, kaya lang nag-iwan ng marka."

Nalungkot si Jin nang makita niya ito,  dahil naalala niya na siya ang may gawa nito kaya nagkaroon ng mga bakas ng sugat sa likod ni Chris. Naalala niya rin na labis na nasaktan si Chris dahil sa kagagawan niya.

"Chris? Sorry ulit ah? Dahil sa akin—"

"Huh? Anong dahil sa'yo?"

"Oo nga pala, hindi alam ni Chris na alam ko na kung saan niya nakuha ang mga sugat na 'to." biglang naalala ni Jin sa sa kanyang isip.

"Wala. Pero buti magaling na to at di na gaanong masakit." sagot ni Jin.

"Oo nga eh. Pero okay lang naman. Wala naman titingin nitong likod ko." natatawang sagot ni Chris.

"Mas okay pa na masaktan ako, kaysa mapahamak ka ng dahil sa akin, Jin. Kaya 'wag ka magalala, habang nandito ako, hindi ka magagalaw ni Papa. Alam ko, kilala ka na niya at hindi na ko nagtataka doon. Darating din yung araw na magtatagpo sila. Pero sa ngayon, hayaan ko muna habang wala pang masamang nangyayari." nasa isip ni Chris.

Nag-bihis na ng tshirt si Chris at inayos niya kaunti ang kanyang buhok sa salamin. Habang nakatingin siya sa salamin, napansin niya na dala ni Jin ang kanyang bag at nakasuot ito.

Kukunin na sana ni Chris ang bag niya na suot ni Jin, ngunit hindi nito binigay ang bag sa kanya.

"Jin!"

"Oh, 'wag ka ng umangal. Kanina ka pa pagod, hayaan mo na na lang ako na magbuhat ng bag mo. Magaan lang naman." nakangiti hirit ni Jin at wala nang nagawa si Chris dahil alam niyang hindi niya na ito mapipigilan.

Nang makalabas na sila ng C.R., ay wala ng tao at naiwan na lang ang bag ni Jin at pinuntahan nila ito.

Nakita nilang nakabukas ito nang malapitan na nila ang bag at nagtaka si Jin dahil iniwan niya ito na nakasara.

"Iniwan ko 'tong nakasara, tapos babalikan ko ng nakabukas? Nakakatawa naman! Wala siguro napala yung nag bukas sa bag ko. Wala siyang makikita kundi puro basang damit tsaka towel!" sinabi ni Jin habang sinasara niya ang kanyang bag at sinuot naman ito sa kanyang likod, dahil suot niya sa harap ng katawan niya ang bag ni Chris.

Si Chris naman ay nagalala dahil baka may nakuha sa gamit kay Jin. Ngunit, nang malaman niya na wala namang mahalagang gamit dito, ay gumaan ang kanyang loob.

Umalis na rin sa Midnight hall sina Jin at Chris, at lumabas na rin sila ng office building. Paglabas ng building ay natuwa silang dalawa sa kanilang nadatnan.

"Wow! Di ko inakala, may paganito pala sila! Ang ganda!" Manghang mangha si Jin sa nakita niya.

"Oo nga akala ko walang ganap dito lalo na pag gabi!" Pati na rin si Chris ay nagulat sa naabutan nila.

Nakita nila na punong puno ng mga stalls sa labas ng kanilang building. Iba't ibang mga tindahan ng food, souvenirs, games, clothes, shoes at marami pang iba. Dahil next week na ang company anniversary, the week before pa lang ay nag cecelebrate na agad ang company at bukas na para sa lahat ng mga employees ang mga stalls na pwede nilang puntahan.

Sa dami ng mga stalls na nakikita nila habang naglalakad, ay hindi nila alam kung saan sila unang pupunta.

Habang nagiikot sina Jin, nakita nila sina Luna at Jade sa isang stall na nagsusukat ng mga shoes na akala nila ay umuwi na.

Pinuntahan nina Jin ang dalawang babae at ginulat ang mga ito.

"Akala ko ba uuwi na kayo? Bat andito pa kayo ha?" tanong ni Jin kina Luna at Jade.

"Nako! Paglabas namin siempre naabutan namin na bukas na 'yung mga stalls, kaya eto kami ready for shopping bago umuwi." sinabi ni Jade habang naghahanap at namimili ng sapatos.

"Oh eh kayo? Ba't di pa kayo umuuwi ni Chris huh?" tanong ni Luna kay Jin habang nagsusukat siya ng sapatos.

"Eh nagulat kami sa nakita namin. Paglabas namin ni Chris ng building, ito na yung bumungad sa amin. Tiningan muna namin kung anong pwedeng puntahan dito." paliwanag ni Jin.

Habang nagsusukat ang dalawang babae ng sapatos, napalingon si Jin kay Chris at napansin niya na nakatingin si ito sa labas. Nakita niya na tila may pinagmamasdan si Chris na isang stall na puro painting.

Naramdaman ni Jin na gusto itong puntahan ni Chris, kaya naman ay nagpaalam na muna siya kina Jade at Luna.

"Dadalhin ko lang si Chris dun sa isang stall. Kanina pa siya nakatitig dun eh."

"Go! Mag date na kayo sayang ang gabi!" sabi ni Luna.

"Oo nga naman! Sige na dali at baka may asungot pa na sumingit, 'di ba Luna?" hirit naman ni Jade habang natatawa siya.

Lumapit na si Jin at hinawakan ang kanang kamay ni Chris na siyang ikinagulat nito. Tumungo sila sa stall na kanina pa tinititigan ni Chris.

"Kanina mo pa tinitingnan eh, kaya dadalhin na kita doon" nakangiting sinabi ni Jin.

Nang makarating sila sa labas ng stall, ay tiningnan nila ang mga artworks na naka-display. Puro painting ng mga tao ang nasa portraits. Habang tinitingnan ni Jin ang mga portraits, ay nagpaalam saglit si Chris na may titingnan lang ito sa loob saglit at wag siyang aalis sa kinatatayuan niya.

"Okay, dito lang ako. Naka stuck na 'yung paa ko sa sahig. Matatanggal lang to pagbalik mo." pabiro ni Jin.

 Pumasok na rin si Chris sa loob ng stall at nilapitan na niya ang painter ng stall na pinuntahan nila, "Excuse po, kayo po ba yung nagpa-paint ng mga artworks?" tanong ni Chris.

"Oo, ako nga. May gusto ka bang bilin sa mga artworks na nakadisplay?" tanong sa kanya ng painter.

"Ahhmm. Wala po." nahihiyang sagot ni Chris, "Pero, okay lang po ba kung magpagawa po ako sa inyo? Babayaran ko po kayo."

"Sure, walang problema! Ano ba ang gusto mong i-paint ko?"

May kinuha si Chris sa kanyang wallet at may inabot na picture sa painter. Nang makita ito ng painter ay napatingin ito sa kanya.

"Gaano kalaki or size ng canvas ang gusto mo para dito?"

"Pwede po bang 18"x24"?"

"Okay sige, tama lang para sa picture na to. Pero bakit naisipan mo na ipapaint ito?"

"May pagbibigyan po kasi ako."  nakangiting sagot ni Chris.

"Okay sige, bibigay ko sayo yung number ko para kung may gusto kang ipadagdag na details, ay macontact mo ako. Tsaka pahingi din ako ng number mo para macontact kita pag natapos ko na."

Nagpalitan na ng number si Chris at ang painter. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, ay lumabas na siya at pinuntahan si Jin at nakita niya na nandoon pa rin ito nakatayo sa kanyang pwesto at hindi umalis.

"Anong ginawa mo doon, Chris? Nagpa-paint ka ba?" tanong ni Jin.

"Oo, may pinapaint ako, pero binayaran ko na siya. I-text niya na lang ako pag tapos na. Tara, tingin muna tayo sa ibang mga stalls?"

"Tara! Doon tayo sa mga pagkain! Gusto ko matikman 'yung mga pagkain dito." request ni Jin.

Naglibot-libot ang dalawa at pumunta sa mga stalls ng mga food, at tumikim ng iba't ibang mga delicacies.

Habang nasa isang stall sila at kumakain ng kwek kwek at lumpia, ay napansin ni Chris na parang may sumusunod at sumisilip sa kanila, kaya tinanong niya si Jin.

"Jin, hindi mo ba napapansin, parang may sumusunod sa atin kanina pa?"

"Ha? Napapansin mo pa yan sa dami ng tao na nandito? Wala akong napansin. Baka namamalikmata ka lang?"

"Siguro nga. Pero pakiramdam ko talaga, may sumusunod sa atin."

"Hayaan mo na 'yun. Kung mayroon man, mapapagod 'yun kakasunod sa atin kasi kung saan saan tayong food stalls naglilibot."

Nagpatuloy sina Jin at Chris sa paglilibot, pagkatapos kumain ay pumunta sila sa stalls kung saan pwede sila maglaro ng basketball.

"Tara Chris, paramihan tayo ng masho-shoot! Game ka ba?" tanong ni Jin.

"Game ako dyan!" nakangiting sagot ni Chris, "Akala mo magpapatalo ako? Siempre hindi!" 

"Okay, pag ako ang nanalo lahat ng utos ko gagawin mo. Eh pag ikaw ang nanalo?" Tanong ni Jin.

"Umm. Ang price is... mamaya ko sasabihin pag nanalo ako." nahihiyang sinabi ni Chris.

"Nahihiya akong yayain si Jin sa date voucher na nakuha ko! Pero, Ito na siguro yung chance para mayaya ko siya, kung sakaling manalo ako!" nasa isip ni Chris.

"G ako! Mag ready ka na sa mga utos ko Chris ah?"

"'Wag ka muna papakasiguro." natatawang hirit ni Chris.

Dahil dalawa ang basketball machine, tumayo na silang dalawa sa kani-kanilang posts at binaba muna ni Jin ang bag nilang dalawa. Pagkatapos ay pareho na nilang ipinasok ang coin sa machine.

Nagsimula na ang dalawa na maglaro. Hindi nagpapatalo si Jin at tuloy-tuloy lang siya sa pag shoot dahil gusto niyang manalo sa deal nila kahit alam niya na hindi naglalaro si Chris ng basketball.

"Marami na 'kong nakahandang utos para kay Chris. Alam ko hindi siya naglalaro ng basketball, kaya tingin ko ay mananalo ako. Unang una kong i-uutos sa kanya, gusto ko, lagi siyang mag-uupdate every 20 minutes ng gagawin niya, sa akin! Haha! Sa susunod na 'yung iba." nasa isip ni Jin habang naglalaro siya.

Times up!

Proud na proud si Jin sa kanyang score, at pagkatapos ay kinausap si Chris na pawis na pawis dahil kakatapos lang din nito maglaro.

"Chris, Sorry. Hindi ko sineryoso to, pero naka 51 points ako. Baka mamaya hindi  mo maabutan—"

Napatigil si Jin nang makita niya ang points ni Chris. Nakangiti lang sa kanya ito at natutuwa habang nagpupunas ng pawis.

"Paanong? Paanong mas mataas ka sa akin ng 10 points!" gulat na sinabi ni Jin.

Tinatawanan lang siya ni Chris dahil natalo siya nito.

"Bakit hindi ka sumali sa amin sa basketball ha? Magaling ka pala magshoot!" pabiro ni Jin.

"Dito lang sa basketball machine, na-master ko na kasi 'to. Dati kasi pag nag-aarcade ako, may kasama ako noon, may kalaro ako noong bata pa ako. Lagi kami nagpapaligsahan sa basketball machine tuwing Saturday. Doon kasi ako dinadala ni mama 'pag walang pasok. Ayun, hanggang sa every Saturday naglalaro kami ng bata na 'yun, tapos lagi akong talo sa kanya. Dahil madalas kami maglaro at magpadamihan ng bola na mashoot, na-master ko din kung paano 'yung strategy. Kaso nung na-master ko na 'yung game, hindi na kami nakapaglaro. Hindi ko na siya nakakasabay sa arcade isang araw. Hindi ko na tuloy siya natalo. Hindi ako magaling mag basketball, dito lang."

"Ahhh, kaya pala! So paano ba yan, ano 'yung price mo?" tanong ni Jin.

"Hmmm. 'Yung price na gusto ko—"

Nakangiti lang si Jin habang hinihintay niya na magsalita si Chris.

Pinuntahan ni Chris ang kanyang bag at kinuha ang date voucher na napanalunan niya sa workshop. Tinago niya muna ito sa kanyang likod at humarap na siya kay Jin.

"Ano kasi, ummm, yayayain sana kita, Jin. Pero, kung hindi ka pwede, okay lang naman sa akin. Hindi naman kita pinipilit. Nasayo naman yun kung—" Naputol ang sinasabi ni Chris dahil biglang hinablot ni Jin ang tinatago ni Chris sa likod nito.

Nang makuha ni Jin ang tinatago ni Chris, binasa niya ito at tiningnan.

Napalunok na lang si Chris at nahihiya. Napapansin niya na habang tinitingnan ni Jin ang date voucher, ay tumataas ang isang kilay nito at seryoso ang mukha.

"Mukhang hindi masaya si Jin! Hindi siguro siya papayag, lalo na 'Date Voucher' 'yun! Baka tanggihan niya lang." nasa isip ni Chris habang unti-unti na siyang nalulungkot.

Inabot ni Jin ang date voucher sa kanya at nadismaya siya, dahil ang nasa isip niya na ay tinanggihan na ito.

"Sabi ko na, dapat hindi na lang 'to 'yung prize na ginawa ko. Nakakahiya tuloy." nalulungkot na sinabi ni Chris sa kanyang isip.

Inaabot na sa kanya ni Jin ang dalawang date voucher, hudyat na hindi ito pumapayag. Nang mahawakan niya na ang dalawang date voucher at kinukuha na ito mula sa pagkakahawak ni Jin, ay bigla ito nag salita.

"Oh, bakit dalawa kinukuha mo? Ayaw mo ba kong sumama?" hirit ni Jin at nakangiti ito kay Chris.

Nanlaki ang mga mata ni Chris at nagulat ito sa biglang sinabi ni Jin. Nagtataka siya kung anong nais ipahiwatig nito.

"Yayayain mo ba ko dito, Chris?" tanong ni Jin.

"Oo, kaso, nahihiya ako, baka kasi, hindi ka pumayag, kasi 'Date Voucher' 'to " nahihiyang sinabi ni Chris.

Biglang tumawa si Jin ng malakas na siyang ipinagtataka lalo ni Chris. "Chris, nakita ko palang 'tong 'eat-all-you can' sa voucher, nakuha na ko agad dito eh! Tapos, samahan mo pa ng spa/massage tapos movies pa, sino may ayaw nito! Chris, 'yung totoo, ikaw ba 'yung nanalo o ako?" natatawang sinabi ni Jin.

"Ito kasi yung naisip ko na prize, sayang kung hindi magagamit, tsaka, ikaw naisip ko na isama. Okay lang ba?" nahihiyang tanong ni Chris habang nakayuko ang ulo niya pero ang mata niya ay nakatingin kay Jin.

"Anong tanong 'yan Chris? Anong okay lang ba? Ang tanong, kailan ba 'to? Gusto mo ba sa Sunday para wala na tayong ibang gagawin?" suggestion ni Jin.

Tumango ng mabilis si Chris na nagpapahiwatig na payag siya sa araw na sinabi ni Jin.

"Niyaya ba ko ni Chris makipag-date?" nasa isip ni Jin at natatawa siya sa kanyang sarili.

"Sorry, Jin, parang niyaya kita makipag date nito, nakakahiya!" hirit ni Chris.

"Bakit ka naman mahihiya? Ako nga dapat 'tong mahiya kasi wala naman akong ambag tapos ako pa 'yung naisip mong isama." sagot ni Jin habang nagkakamot ng ulo.

"Okay lang, Jin. Wag ka mag-alala, akong bahala sa lahat, sa sasakyan natin, papunta, pauwi, basta ang dadalhin mo lang sarili mo."

"Aba aba! Gumaganyan ka na Chris ah? Kanino mo natutunan 'yan? Kila Luna at Ms. Jade ba? Sila lang naman kasama mo buong araw." pabiro ni Jin.

Natawa si Chris at pagkatapos ay sumagot siya, "Hindi, hindi ko alam, masaya lang ako. Tsaka pakiramdam ko, ang laking tulong sa akin ng ginagawa ko ngayon para sa Mr. and Ms. Star of the Night. Parang unti-unti, mas lumalakas 'yung loob ko." nakangiting sagot ni Chris.

"Good. Mukhang unti-unti ng lumalabas si Chris. Sana malaking tulong 'yung pagsali niya sa contest na 'yun at mas maging confident pa siya sa sarili niya. 'Di ko rin inaasahan na yayayain ako makipag-date ni Chris!" nasa isip ni Jin habang tinitingnan niya si Chris na nakangiti sa kanya.

End of Chapter 16

Siguiente capítulo