webnovel

Chapter 21 - Endless Night

Date: May 26, 2020

Time: 9:30 A.M.

Kakarating lang ni Jin sa kanilang Office room na tagaktak ang pawis. Kakapasok pa lang niya pero pakiramdam niya ay pauwi na ang nararamdaman niyang pagod. Paika-ika ang kanyang lakad at may nakalagay pa rin na cast sa kanyang braso dahil sa pilay na natamo niya sa basketball finals. Papunta na siya ng kanyang desk nang napansin niya na  punong puno ng gamit ang desk ni Chris nang madaan siya dito. Dahil wala pa si Chris, ay tiningnan niya ang mga gamit na nakatambak sa desk ni Chris at laking gulat niya nang matuklasan kung ano-ano ang mga gamit na ito.

"Whaaat! Totoo ba 'tong nakikita ko? Bakit ang dami!"

Nagulat si Jin sa nakita niyang  kumpol na mga regalo sa desk ni Chris. Halo-halo ang mga nakalagay at may inumin, foods, snacks, pabango at mga letters.

"Sikat ka na pala ngayon Chris? Kahapon lang nagsimula lahat, iba ka talaga!" natatawa na sinabi ni Jin habang pinagmamasdan ang mga regalo, "Pero, bakit parang—" tiningnan ni Jin ang mga nakasulat sa mga gift na bigay kay Chris, "'Sana magustuhan mo 'to Chris, from Jack', 'Ang cute mo, from Paul', 'Sana akin ka na lang, from Mark'. Ano 'to? Bakit puro lalaki!" naiinis na sinabi ni Jin.

Pagkatapos niyang tingnan ang mga regalo ay padabog niya itong inilapag sa desk ni Chris at tumungo na siya sa kanyang desk, upang ayusin ang kanyang mga gamit at para hintayin na rin si Chris na dumating. Gusto niya makita kung ano ang magiging reaction ni Chris sa oras na makita nito ang mga regalo na desk.

Naunang dumating si Jade, at napadaan din siya sa desk ni Chris. Nagulat siya sa kanyang nakita, kaya agad siyang lumapit kay Jin.

"Nakita mo ba 'yun, Jin? Ang daming regalo ni Chris! Halo-halo, pero parang mas maraming boys ang nagbigay ng mga regalo sa kanya! Ayie! Nakakatuwa naman, sikat na si Chris!" kinikilig na sinabi ni Jade.

"Ano naman nakakatuwa doon, Ms. Jade? Sus! Lahat ng binigay nila, hindi naman gusto ni Chris 'yun! Hmmp!" naiinis na sinabi ni Jin.

"Oy? Bakit ka naiinis? Ha? I smell jealousy in this room and the scent is too strong! Ang sangsang!" asar ni Jade.

"Hala? Bakit ako magseselos, Ms. Jade! Sino ba sila?" natatawa na sinabi ni Jin.

"Hmmm. 'Wag ako Jin! Ikaw rin, 'pag hindi ka gumawa ng moves d'yan at hindi mo pa pinapakita na sa'yo lang si Chris, baka may ibang umangkin sa kanya! Sige ka, sikat na si Chris ngayon and hindi malabong maraming manligaw sa kanya at suyuin siya!" patuloy na asar ni Jade.

Wala nang nasabi si Jin at napabuntong-hininga na lang siya at napailing.

Kakarating lang ni Chris at pumasok na siya sa Operations Room. Dumiretso na siya sa kanyang desk, at nagulat siya sa nadatnan niyang mga regalo.

Nakangiti si Chris nang makita niya ang mga ito at tiningnan niya isa isa kung kanino galing ang mga natanggap niyang mga regalo.

"Jack, Mark, Paul, Steven, Larry... Jerry. Bakit, puro lalaki?" natatawa na sinabi ni Chris sa kanyang sarili.

Pinagmamasdan lang siya ni Jin na nakasimangot at nakakunot ang noo, dahil nakikita niya na tila natutuwa si Chris sa mga regalo na nakita nito.

"Oh tingnan mo 'yan? Ngayon mo sabihin na hindi ka naiinis? Look at your kilay! Malapit na magsalubong! Nagseselos ka, Jin! 'Wag ako at wala kang maloloko dito kaya please lang!" hirit ni Jade  habang nirerelax niya ng kanyang index finger ang nakakunot na noo ni Jin.

Pagkatapos makita ni Chris ang mga regalo, ay iniwan niya muna ito sa kanyang desk at pinuntahan si Jin para kamustahin.

"Jin, kamusta na 'yung braso mo? Masakit pa rin ba?" nag-aalalang tanong ni Chris.

Ang biglang nakasimangot na si Jin ay biglang ngumiti ngunit nagsasakit-sakitan.

"Medyo masakit lang 'pag ginagalaw ko 'yung braso ko." malungkot na sagot ni Jin at pinapakita niya kay Chris na masakit pa ang pilay niya, "Aray, ang sakit, parang hindi ko na yata kaya gumalaw pa."

Si Jade naman ay nakatingin kay Jin, natatawa ng palihim at biglang napa eye-roll dahil sa ginagawang pagkukunwari nito.

"Jin, Pakipot ka talaga 'no? Gusto mo lang ikaw 'yung mas pansinin ni Chris, kaysa sa mga nagreregalo sa kanya! Nagsasakit-sakitan pa  talaga! Iba ka din!" nasa isip ni Jade habang pinapantay niya ang kanyang lipstick sa harap ng salamin na nasa ibabaw ng desk niya.

"Gusto mo samahan kita mamaya, Jin? May alam kong magandang hospital na mas matitingnan 'yung pilay mo para gumaling agad" nag-aalala na sinabi ni Chris.

Nanlaki ang mata ni Jin dahil umaaarte lang naman siya at tinotoo bigla ni Chris.

"Ah hindi na, Chris, 'wag na, okay lang ako. Mawawala din 'to ipahinga ko lang daw tsaka binigyan naman na ko ng gamot." sagot naman ni Jin.

"Sure ka, Jin?" tanong ni Chris habang naaawa siyang tinitingnan ang braso ni Jin na may cast.

"Nako, Chris, dalhin mo na 'yan sa hospital at baka nabagok na ang ulo niyan ni Jin!" sabat naman ni Jade habang naka focus pa rin siya sa pagme-makeup at tinatawanan si Jin.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa cafeteria sina Jin  at Chris at magkaharap sila ng upuan. Habang kumakain silang dalawa ng kanilang lunch, pinagmamasdan ni Chris si Jin  dahil hirap na hirap itong kumain dahil isang kamay lang ang ginagamit nito.

"Jin, gusto mo tulungan kita sa pagkain mo?" nakangiting tanong ni Chris.

"Ha? Paanong tulungan? Tsaka kaya ko 'to, Chris!" confident na sinabi ni Jin kahit hirap na hirap siya sumubo.

Napailing si Chris habang pinagmamasdan na nahihirapan si Jin, kaya naman kinuha niya ang spoon na hawak nito. Gamit ang spoon ni Jin, ay kumuha siya ng food sa plate at sinusubuan niya ito.

Namula si Jin sa hiya at tinitingnan ang paligid dahil baka may mga nakakakita sa kanilang dalawa.

"Chris, 'wag, baka mamaya makita ka nila na sinusubuan mo ko." nag-aalala at nahihiyang bulong ni Jin.

"Ano naman? Tsaka, hindi ka makakain ng maayos, sila pa ba iisipin ko?" nakangiting sagot ni Chris.

"Okay na talaga, Chris. Kaya ko na 'to." nahihiyang sagot ni Jin.

Habang nakatapat ang spoon sa bibig ni Jin dahil gusto  siyang subuan ni Chris, ay may biglang dumating na lalaki at lumapit sa kanila. Matangkad, maganda ang pangangatawan, maputi at gwapo ang lalaking lumapit sa kanila at kinausap si Chris.

"Umm, kayo po ba si Chris sa Operations team 'yung nanalo kahapon?" nakangiting sinabi ng lalaki kay Chris.

Nakatingin ng masama si Jin sa lalaking kumakausap kay Chris at tila nanliliit na ang kanyang mga mata sa galit.

"Ako nga po. Bakit po?" seryosong tanong ni Chris.

"My name is Mark. Ang cute mo kasi, Chris. Tsaka ang galing mo din kumanta sobra! Gusto sana kasi kitang kaibiganin. Okay lang ba? Tsaka pwede ba mahingi 'yung number mo?" tanong ni Mark habang nakangiti siya kay Chris.

Nahiya si Chris at nag-alangan na ibigay ang kanyang number, kaya naman biglang nagsalita si Jin para sa kanya.

"Ehem! Chris, nagugutom na ko. Hindi mo pa ba ako susubuan? Kanina ko pa hinihintay 'yung food." biglang hirit ni Jin habang tinitingnan niya ng masama si Mark.

Nakita ni Mark na masama ang tingin sa kanya ni Jin, ngunit hinayaan niya ito at nakangiti pa rin siya at nakatingin kay Chris.

Sinubuan na ni Chris si Jin, at nang makain na nito ang  food, nginitian nito si Mark at kinausap.

"Walang cellphone si Chris kaya wala siyang number na mabibigay sa'yo. 'Di ba Chris?" hirit ni Jin.

"Umm oo, Mark, sorry. Nawala kasi 'yung phone ko. Sorry talaga." palusot ni Chris.

"Okay lang! Messenger or FB?" hirit ni Mark.

"Deactivated ang Messenger at FB niya." sabat ni Jin.

"Viber?" hirit ulit ni Mark.

"Wala nga siyang phone at number ngayon, paano siya gagamit ng viber?" naiirita na sagot ni Jin.

Nagbuntong hininga si Mark at umalis na lang bigla. Napangiti naman  si Jin at ngumisi nang makaalis na si Mark sa kanilang pwesto. Na-guilty si Chris sa ginawa nila, kaya tinanong niya si Jin.

"Hindi ba parang pinapaalis natin siya?" nag aalala na tanong ni Chris.

"Hindi parang! Oo, pinapaalis natin siya! Sige na, subuan mo na ko at nagugutom na ko." pakiusap ni Jin  at tila nagmamakaawa.

Nang isusubo na ni Chris ang food sa bibig ni Jin, ay tila napansin niya na pinagtitinginan sila ng ibang mga nasa cafeteria. Napatigil siya saglit kaya naman nagtaka si Jin. Tinanong niya si Chris kung bakit siya tumigil, ngunit hindi sumagot si Chris.

Dahil sa pagtataka ni Jin, tumingin siya sa paligid at nakita niya na pinaguusapan silang dalawa ng mga tao at kinukuhaan din ng picture.

"Whaaat! pinagtitinginan na kami ni Chris ngayon! Baka mamaya kung anong masabi sa kanya. Kung sa akin lang, okay lang. Pero ibang usapan pagdating kay Chris. Kailangan makaalis kami dito, kung hindi baka maging usap-usapan si Chris ng mga tao!" nasa isip ni Jin.

"Chris, hindi na ko nagugutom. Gusto mo lumipat muna tayo ng lugar?" bulong ni Jin.

"Ha? Saan naman? Sure ka na hindi ka na nagugutom? Hindi ka pa gaanong nakakakain ng maayos."

"Hayaan mo na! Tara, sa rooftop."

Iniwan na lang nila ang food na hindi masyadong nagalaw sa table. Nauna na si Chris tumayo at lumabas ng Cafeteria. Bago naman umalis sa cafeteria si Jin, uminom muna siya ng painkiller at sumunod na kay Chris  papunta ng rooftop.

Pagdating nila sa rooftop, umupo sina Jin at Chris sa swing na pangdalawahang tao para magpahinga muna. Pinapakiramdaman lang nila ang simoy ng hangin na humahaplos sa kanilang katawan habang dumuduyan sila sa swing.

"Chris, pwede ka bang mag hum ulit?" pakiusap ni Jin.

"Okay, sige." nakangiting sagot ni Chris.

Pumikit si Jin at nag simula na mag-hum si Chris. Nang marinig ito ni Jin, nakaramdam na naman siya ng gaan ng loob at tila ayaw niyang tumigil si Chris sa pagkanta.

Habang pinapakinggan si Chris, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili.

Kusang gumagalaw ang isang kamay ni Jin at tila hindi niya na ito mapigilan.

Papalapit ito nang papalapit sa kamay ni Chris na nakapatong sa right leg nito, hanggang sa maipatong niya ang kamay niya kay Chris.

Naramdaman ni Chris ang mainit na kamay ni Jin kaya  napatigil siya sa pagkanta.

Nang hindi na narinig ni Jin na kumakanta si Chris, ay dumilat siya at napatingin. Tinanong niya si Chris ng mahinahon at nakangiti.

"Bakit ka tumigil?"

Hindi makasagot si Chris dahil gulat pa siya sa paghawak ni Jin sa kanyang kamay at nakatingin lang sila sa mga mata ng isa't isa.

Hindi makagalaw si Chris at tila nakatigil na lamang siya at nakatingin kay Jin.

Mula sa pagkakahawak sa kamay ni Chris, ay inilipat ni Jin ang kamay niya at dahan dahan itong inilalapit sa left cheek ni Chris hanggang sa mahaplos niya ito.

Nakatingin lang si Chris sa kanya at hindi pa rin gumagalaw.

Dahan dahang inilapit ni Jin ang kanyang mukha kay Chris. Hindi niya na din mapigil ang kanyang sarili, kaya tuloy tuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

Nang malapit na magtagpo ang kanilang mga labi, ay biglang napapikit si Chris at kanyang mga kamay ay nakasara at tila naninigas dahil sobrang lapit na ng kanilang mga labi sa isa't isa.

Hindi na mapigilan ni Jin ang kanyang sarili, at sobrang bilis na ng tibok ng puso niya at ganoon din si Chris.

"Totoo ba 'to? Nag-iinit ang katawan ko, hindi ko alam kung bakit. Gusto ko maramdaman 'yung halik ni Jin, kaso natatakot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." nasa isip ni Chris habang nakapikit siya at nararamdaman niya ang init ng hininga na nanggagaling kay Jin.

Kaunti na lang at maglalapat na ang kanilang mga labi, nang biglang may nagsara ng pinto ng rooftop at tila binalibag ito.

Biglang natauhan si Jin at inilayo niya kaagad ang kanyang mukha kay Chris, at tumayo na lamang.

"Jin! Anong ginagawa mo! Bakit mo hahalikan si Chris? Nasa matinong pag-iisip ka pa ba? Argh! Nakita kaya ng pumasok 'yung nangyari?" nasa isip ni Jin habang naka facepalm siya.

Si Chris ay nakapikit pa rin at hindi gumagalaw sa kanyang pwesto, habang si Jin naman ay tiningnan kung may tao sa pintuan ng rooftop dahil bigla itong nagsara ng malakas.

"Chris..." Biglang dumilat si Chris at tinanong si Jin kung bakit siya nito tinawag, "Bumukas 'yung pintuan pero wala namang tao. Tingin mo, hangin lang 'yun?" tanong ni Jin.

"Baka hangin lang 'yun, Jin."

Tila malungkot si Chris, ngunit hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya—malungkot ba siya dahil hindi natuloy ang inaasahan niya o malungkot siya dahil natatakot siya sa maaaring mangyari sa oras na matuloy ang kanilang halikan.

Niyaya na ni Jin na bumaba na lang sila ni Chris at bumalik na ng Operations room dahil matatapos na din ang lunch nila.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Napapansin ni Jade na parang wala sa sarili sina Chris at Jin simula nang matapos ang kanilang lunch, kaya tinanong niya si Jin na nasa tabi niya lamang at nakasandal ang ulo sa swivel chair at nakatingala sa ceiling.

"Jin, bakit parang wala ka sa sarili? Tsaka bakit parang mapungay ata 'yung mga mata mo? I don't know if it's gloomy or groggy ka ba sa gamot na ininom mo kaninang lunch? Nahihilo ka ba?"

"Huh? Hindi, Ms. Jade, baka inaantok lang ako siguro." sagot ni Jin habang nakatingala pa rin siya.

"May gumugulo ba sa isip mo?"

"Wala, Ms. Jade."

Hindi na tinanong ni Jade si Jin dahil alam niya na wala siyang makukuha dito. Kaya naman ay nilapitan niya si Chris sa desk nito upang kausapin at alamin kung may nangyari ba sa kanilang dalawa.

Nang makarating na si Jade sa pwesto ni Chris, dahil wala si Mike, ay agad siyang umupo sa chair nito na siyang ikinagulat ni Chris.

"Ms. Jade! Bakit po kayo nandito?" nakangiting tanong ni Chris.

"Chris, tapatin mo ko. What happened between you and Mr. MVP?"

"Nangyari po saan?" nagtatakang tanong ni Chris.

"Bago mag lunch okay pa kayong dalawa ni Jin. Tapos, after ng lunch parang wala na kayo sa mga sarili niyo! Ayoko kayong nakikitang ganito, hindi ako mapapalagay!"

"Umm..."

Nahihiya si Chris na sabihin kay Jade ang nangyari dahil hindi niya alam kung paano ito ilalahad.

"Sabihin mo sa akin Chris, kasi I can't go home like this knowing na hindi kayo in good terms ni Jin! Hindi ako makakatulog!" nagmamakaawang request ni Jade habang nakahawak na siya sa dalawang balikat ni Chris.

"Hindi ko po alam kung saan o paano sisimulan, Ms. Jade." nahihiyang sagot ni Chris.

"Alam mo naman na alam ko 'yung secret mo 'di ba? Pwede mo siya sabihin in any way you like, ako ang bahalang mag digest nito sa utak ko. Tsaka sabi ko support ako sa inyong dalawa, and mga babies ko kayong dalawa ni Jin." nakangiting sinabi ni Jade.

"Ganito po kasi Ms. Jade—" Nagaabang si Jade ng iku-kwento ni Chris, "—nasa rooftop po kasi kami kanina ni Jin. Pinakanta niya ko kasi gusto niya raw marinig ang boses ko. Ayon, habang kumakanta ako, biglang hinawakan niya 'yung kamay ko kaya nagulat ako at napatigil sa pagkanta. Tapos tinanong niya ko kung bakit daw ako tumigil. After no'n, hindi ko na alam at hindi ko na din maintindihan sarili ko, kasi muntik na kaming mag kiss ni Jin. Sobrang lapit na ng mga lips namin sa isa't isa. Kaso, biglang nagbukas 'yung pintuan sa rooftop. Kaya lumayo siya agad, kinabahan at nagtataka na baka may nakakita." malungkot na ikinuwento ni Chris.

"Oh my freakin' gosh! Did I just hear Chris saying na he and Jin almost kissed? Jin, I need to borrow your expression... Whaaaaaat!" sigaw ni Jade sa kanyang isip. "Hala, Chris? Totoo 'to? Muntik na kayo mag kiss? For real?" pilit na hinihinaan ni Jade ang boses niya dahil baka may makarinig sa usapan nila.

"Opo, Ms. Jade. Pero hindi ko alam 'yung mararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kasi gusto ko pero natatakot ako." nag aalala na sinabi ni Chris.

"Hmm. Siguro 'pag ready na kayong dalawa, Chris. Pero sa ngayon, feeling ko malabo pa. Pareho po pa kayong naalangan sa isa't isa. Although naamin mo na sa kanya yung feelings mo, ano bang kinatatakot mo talaga, Chris?" tanong ni Jade.

"Natatakot ako, kasi baka mapahamak si Jin dahil sa akin." malungkot na sinabi ni Chris.

"Huh? Anong mapapahamak? Hindi ko gets." nagtataka na sinabi ni Jade.

"Hindi ko din po alam kung anong pwedeng mangayri, pero 'pag nalaman ni papa ang tungkol kay Jin, baka hindi na kami makapagkita." nalulungkot na sinabi ni Chris habang nakatingin siya kay Jin sa malayo.

Naawa si Jade at nginitian niya na lang si Chris upang medyo gumaan ang loob nito, at ipinakita na walang dapat ikabahala.

"Wag ka mag alala, Chris! Malalampasan niyo din 'yan.  Kung sobrang personal ang reason mo na 'yan, hindi ko alam kung anong paraan pwede kong maitulong sa'yo. Pero sabi ko nga, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako ha? Hindi lang bilang senior mo kung hindi kaibigan mo na rin, Chris. 'Wag mo itago 'yan sa sarili mo. Ilabas mo 'yan pag ready ka na and makikinig ako."

"Thank you po, Ms. Jade." nakangiting sagot ni Chris.

"Oh sige na!  Babalik na ko sa desk ko, Chris. Kaya mo 'yan! Laban lang!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Sabay naglalakad sina Jin at Chris pauwi, ngunit hindi sila gaanong nag-uusap. Tila malalim ang iniisip ng dalawa sa bawat hakbang nila.

Biglang tumigil maglakad si Chris nang mapansin niya na nasa tapat na pala sila ng bahay niya, habang si Jin ay patuloy pa rin sa paglalakad.

"Jin!" sumigaw si Chris.

Napalingon si Jin at nagulat siya, dahil hindi niya napansin na nasa tapat ng bahay na sila ni Chris.

"Gusto mo ba muna mag stay dito sa amin?" tanong ni Chris.

Lumapit bigla si Jin kay Chris ngunit hindi siya kumikibo at pumunta siya sa tapat ng gate nila Chris at pinindot ang doorbell.

"Jin, okay ka lang?" tanong ni Chris.

"Oo, Chris. Okay lang ako." seryosong sagot ni Jin.

"Jin, parang namumutla ka ata? Sigurado ka bang okay ka lang?" nag-aalala na tanong ni Chris.

"Okay lang ako, Chris." Ngumiti si Jin kay Chris ngunit parang anytime ay babagsak na siya.

Biglang bumukas ang gate at nang makita ni Jin na nagbukas ang gate ng tuluyan, nakita niya ang isang taong nakatayo lamang at seryoso ang tingin sa kanya at kinausap niya ito.

"Nandito na po si Chris... nakauwi—"

Biglang tumumba si Jin at nawalan ng malay dahil sa hilo at sa nararamdaman niya sa pag inom ng painkillers. Bago sila umalis ni Chris ng cafeteria ay hindi gaanong nakakain si Jin ngunit ininom niya pa rin ang painkiller.

Nagulat si Chris nang makita niyang bumagsak ang katawan ni Jin at nilapitan niya ito agad upang buhatin, ngunit hindi niya kaya ang bigat ni Jin para sa kanyang katawan at lakas.

"Pa, sorry po! Kaibigan ko po, si Jin. Pwede po ba siyang pumasok muna sa atin?"

Tinanong ni Chris ang papa niya na nakatayo lang at nakatingin sa bumagsak na katawan ni Jin habang seryoso ang mukha nito at tila walang pakialam.

Tinitingan lang ni Mr. A. sins Chris at Jin. Habang nakatitig siya sa dalawa, ay tinawag niya si Mr. Jill upang buhatin si Jin para ipasok sa loob ng bahay nila.

Pagkarating ni Mr. Jill ay kinausap siya ni Mr. A. kaagad.

"Dalhin mo 'yung bumagsak na kaibigan ni Chris sa guest room." utos ni Mr. A.

"Sa kwarto ko na lang po, papa, Mr. Jill." nagmamakaawa na pakiusap ni Chris.

Tumalikod na si Mr. A. at pumasok na siya sa loob ng bahay, hindi na nagsalita at iniwan na sila Chris.

"Mr. Jill, pakibuhat po si Jin papunta sa kwarto ko."

"Sige, Sir Chris."

Pagkarating nila sa kwarto ni Chris, ay inihiga nila si Jin sa kama. Tinanong ni Mr. Jill kung ano ang nangyari.

"Sir Chris, ano nangyari kay Sir Jin? Bakit nawalan siya ng malay?"

"Uminom po siya ng painkillers ng hindi pa gaanong kumakain. Hindi ata kinaya ng katawan niya."  nag-aalala na sagot ni Chris, "Pwede mo na kami iwan, Mr. Jill, ako na po bahala dito. Thank you po."

"Sige, Sir Chris, dadalhan ko na lang kayo ng pagkain para makakain na kayong dalawa ni Sir Jin pagkagising niya."

Pagkaalis ni Mr. Jill ay nalapitan ni Chris si Jin na nakahiga sa kanyang kama. Hinaplos niya ang forehead at leeg nito upang maramdaman kung mainit ba ito o hindi. Nang maramdaman niya na normal lang ang temperature nito, ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

Pagkawahawak niya sa forehead ni Jin, naramdaman niya ang pawis nito, kaya naman nilakasan ni Chris ang aircon at kumuha siya ng tuyong towel at pinunasan ang mga pawis ni Jin.

Habang pinupunasan ni Chris si Jin, bigla siyang hinawakan nito sa kanyang kamay  na  siyang ikinagulat at ipinagtaka niya.

"Jin, okay ka na ba?" nag aalala na tanong ni Chris.

"Okay na ako, Chris, basta nasa tabi kita."

Medyo mahina ang boses ni Jin at tila wala siya sa control ng katawan niya.

Biglang hinatak ni Jin si Chris papalapit sa kanyang katawan hanggang sa mapahiga ito sa tabi niya.

Pagkahatak ni Jin, napasandal ang mukha ni Chris sa kanyang dibdib.

Nanlaki ang mga mata ni Chris nang mahiga siya at matabi sa katawan ni Jin. Pinipilit niya na umalis mula sa pagkakahiga ng kanyang ulo sa dibdib ni Jin, ngunit pinipigilan siya nito.

"Pwede ba na dito ka lang muna sa tabi ko, gusto ko mayakap ka, Chris." biglang sinabi ni Jin habang nakapikit at dinadamdam ang init na nanggagaling sa katawan ni Chris na nasa tabi niya.

Napatigil si Chris at pumikit na lang din. Dinadamdam niya ang init ng katawan ni Jin, at hinayaan niya na lang ang sarili niya sa puntong iyon.

Dahil pilay ang isang braso ni Jin, ay ginamit niya ang isa niyang kamay at dahan dahan niyang niyakap si Chris papalapit sa kanya at hinigpitan ito.

Biglang naalala ni Chris na hindi makontrol ni Jin ang sarili nito kapag may sakit o hindi magandang nararamdaman. At isa pa, mas malala ito kaysa kapag nakainom ng alak.

"Chris, dito ka lang. 'Wag ka aalis ah? Sa akin ka lang..." binulong ni Jin kay Chris.

"Hindi talaga ako makakaalis dito. Sa lakas ng yakap mo kahit 'yung isang braso mo may pilay." pabiro ni Chris. Habang nakayakap si Jin sa katawan niya, ay niyakap niya na rin ang katawan nito pabalik.

Magkayakap lang silang dalawa at nakasandal lang ang ulo ni Chris sa dibdib ni Jin.

Tumingala si Chris at tiningnan ang mukha ni Jin na nakapikit at nakangiti. Dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ni Jin, na siya namang ang sinandalan nito.

Nang maramdaman ni Jin ang malambot na kamay ni Chris, hinayaan niya lang na hinahaplos nito ang kanyang pinsgi.

"Chris, Alam mo ba, gustong gusto ko 'yung mga kamay mo, sobrang lambot kasi. Pwede ba na sandalan ko na lang 'to palagi? O kaya pwede bang hawakan ko na lang palagi? Bakit lahat ng parte ng katawan mo malambot? Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hawakan ka. 'Wag kang magagalit sa akin, Chris, hindi ko sinasadya." nanghihinang sinabi ni Jin.

Napangiti na lang si Chris sa kanyang narinig at hindi tinanggal ang kanyang kamay sa pisngi ni Jin, at marahan niyang hinahaplos ang mainit na mukha nito.

"Magiging selfish ako 'pag sinabi ko sa'yo 'to Jin, pero sana lagi ka na lang may sakit. Sorry, Jin." pabirong sinabi ni Chris habang binubulong niya ito.

"Ako din, gusto ko may sakit ako palagi. Sinadya ko talaga na inumin 'yung painkiller para magkasakit ako." bulong ni Jin.

"Baliw ka talaga, Jin! Alam mo bang masama 'yang ginagawa mo? 'Wag mo na uulitin 'yun!"

Biglang tinanggal ni Chris ang kamay niya sa pisngi ni Jin. Ngunit, biglang kinuha ni Jin ang kamay niya agad at inalagay ulit sa pisngi nito at hinayaan niya lang.

"Masama, pero masarap. Sa tuwing nagkakasakit ako, ikaw lang hinahanap ko. Gustong gusto kitang yakapin, Chris. Mas gumagaan ang pakiramdam ko." bulong ni Jin at niyakap niya ng mahigpit si Chris.

Dumikit pa ng kaunti si Chris sa katawan ni Jin upang mas mayakap siya nito ng mas maayos.

"Sana ganito na lang palagi, Jin. 'Pag wala ka ng sakit at normal ka na ulit, hindi ko na 'to mararamdaman. Pwede bang ganito lang tayo hanggang matapos ang gabi?" bulong at pakiusap ni Chris.

Medyo malungkot si Chris, dahil alam niya na matatapos din ang gabi na iyon. At kapag bumalik na si Jin sa wisyo, ay babalik na rin siya sa kanyang sarili. Pero masaya siya dahil kahit papaano ay naramdaman niya ang mainit na yakap ni Jin na matagal niya na hinahangad.

"Ako din, gusto ko ganito na lang, Chris. Sorry, ang hina ko kasi. Sana lagi na lang akong may sakit para mas malakas 'yung loob ko. Sorry pala kanina sa ginawa ko kanina." sinabi ni Jin.

"Alin doon? Sa rooftop ba?" tanong ni Chris.

"Oo, Chris, sorry. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pero gusto ko halikan 'yung mga malalambot mong labi. Alam ko mali, pero sorry talaga. Hindi ko mapigilan" paliwanag ni Jin.

"Jin... nahihirapan ka ba dahil sa akin?"

"Mahihirapan saan? Paano ako mahihirapan sa'yo, eh ako nga ang nagpapahirap sa'yo"

"Kasi alam ko na litong lito ka na, 'yung nararamdaman mo para sa akin at sa sarili mo. Nakikita ko kasi sa mga kilos mo, hindi ko lang sinasabi. Gusto ko kasi na manggaling sa'yo." seryosong sinabi ni Chris.

"Oo. Nahihirapan at nalilito ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang pigilan 'yung nararamdaman ko o dapat bang hayaan ko na lang ang puso ko. Pero pag hinayaan ko ito, alam ko maraming problemang dadating. Pero kapag pinigilan ko naman 'to, mahihirapan ako at baka mawala ka sa akin." sagot ni Jin.

"Jin, nandito ako. Kasama mo ko. Parehas nating haharapin 'yung mga problemang 'yun. Basta para sa'yo, Jin, Kahit 'yung buhay ko ang kapalit, gagawin ko." sagot ni Chris.

Pinalo ni Jin ang ulo ni Chris ng mahina.

"Sinong may sabing dapat may magsakripisyo? Baliw ka ba? Gusto mo ba malungkot ako habambuhay?"

Napangiti na lang si Chris, pumikit at nilapit niya ang kanyang ulo para sumandal sa balikat ni Jin.

"Tingin mo ba Chris, magiging masaya ako 'pag nawala ka? Alam mo ba gagawin ko 'pag nangyari 'yun?"

"Anong gagawin mo, Jin?" tanong ni Chris habang nakapikit siya at nakangiti na nakahiga sa balikat ni Jin.

"Babalik ako sa oras, Chris, para hanapin ka. Para hindi ka mawala. Babaguhin ko lahat ng mangyayari, maligtas ka lang."

Nilapit ni Jin ang mga labi niya sa forehead ni Chris ng marahan at hinalikan niya ito.

Hindi maipaliwanag ni Chris ang init na nararamdaman niya dahil sa mainit na labi ni Jin nang mahalikan siya nito. Nadama niya sa kanyang buong katawan ang init na nanggangaling kay Jin. Sa oras na iyon, ay niyakap niya ng mahigpit si Jin na para bang ayaw niya na humiwalay dito.

Pagkatapos mahalikan ni Jin si Chris sa forehead, ay nakatulog na silang dalawa na mahigpit ang mga yakap at tila ayaw na nilang bitawan ang isa't isa sa gabing iyon.

Habang natutulog sina Jin, ay may nagbukas ng pintuan sa kwarto ni Chris at nakitang magkayap silang dalawa. Pumasok ang taong ito sa kwarto ni Chris, at lumapit sa kama kung saan natutulog ang dalawa na magkayakap. Tiningnan niya lang ang dalawa na magkayakap at napansin niya na nakangiti si Chris at mahimbing sa pagkakatulog. Pagkatapos niyang tingnan ang dalawa, ay pinatay niya na ang ilaw, at tumayo malapit sa pintuan ng kwarto at tiningnan si Jin .

"Siya pala si Jin." bulong ni Mr. A. bago siya umalis sa kwarto ni Chris at may mga tingin na labis ang poot ngunit may lungkot.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: May 27, 2020

Time: 5:30 A.M.

Nagising si Jin at napansin niya na okay na ulit ang kanyang pakiramdam. Minulat niya lang ang kanyang mga mata ngunit hindi pa siya kumikilos o gumagalaw. Nang bumalik na siya sa wisyo, ay nadama niya na parang may mabigat na nakapatong sa isang braso niya.

Pagkatingin niya sa kanyang braso, nakita niya ang mukha ni Chris na nakaharap sa kanya na natutulog ng mahimbing na nakahiga at nakayakap sa kanya.

"Whaaaaat! Bakit nandito si Chris sa tabi ko! Bakit nakahiga siya sa akin? Bakit masyadong magkalapit kami ni Chris? Bakit nakayakap siya sa akin? Anong ginawa namin? Anong ginawa ko!" sigaw ni Jin sa kanyang isip.

Ginalaw ni Jin ang kanyang buong braso upang tanggalin ito mula sa pagkakayap kay Chris. Ngunit, gumalaw rin si Chris at mas lumapit sa katawan niya at hinigpitan ang yakap.

"Ang lamig, pahingi ng kumot." biglang sinabi ni Chris habang natutulog.

Hindi na nilayo ni Jin ang kanyang katawan, at niyakap niya na lang ulit si Chris, dahil nakita niya na comfortable si Chris sa tabi niya.

Napangiti naman si Jin nang tingnan niya ang mukha ni Chris habang natutulog ito at nakahiga sa kanyang braso.

"Chris, kung ano man 'yung nasabi ko kagabi sa'yo, kalimutan mo na 'yun ah? Nakakahiya siguro." bulong ni Jin.

Ginalaw ni Jin ang kanyang kaliwang kamay upang tingnaan ang oras sa kanyang relo,

"Umaga na pala. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito ng hindi nagigising si Chris. Baka malate din ako mamaya." nasa isip ni Jin.

Biglang nagsalita si Chris habang nakapikit, "Jin, umaga na. Umuwi ka na sa inyo, baka malate ka pa. Puntahan mo si Mr. Jill, siya bahala sa'yo."

"Paano mo nalaman Chris? Naiisip mo ba naiisip ko?" bulong ni Jin.

Hindi na sumagot si Chris at dahan dahan niyang inusog ang kanyang katawan para hindi magising si Chris. Inalis niya rin ang kamay ni Chris na nakahawak sa kanyang dibdib, at inusog ang ulo na nakahiga sa kanyang braso at inilipat ito sa unan.

Nang makatayo na si Jin nang maayos, inayos niya ang higa ni Chris at inayos ang kumot nito. Hinaplos niya ang buhok ni Chris saglit at kinuha na rin ang gamit niya pagkatapos.

Lumabas si Jin sa kwarto ni Chris upang hanapin si Mr. Jill para umuwi na rin. Pagkababa niya at pagpasok sa dining area, nakita niya na nakaupo si Mr. A. at nagkakape habang nagbabasa ng libro.

Nang makita ni Jin si Mr. A., nag-init ang buong katawan niya at tila hindi alam ang gagawin dahil natatakot at naiilang siya dito.

"Good morning po, pasensya na po sa istorbo." kabadong bati ni Jin 

Tinigil ni Mr. A. ang pagbabasa ng libro at napatingin siya kay Jin.

"Upo ka." biglang sinabi ni Mr. A. ng mahinanon at may seryosong mukha.

"Sige po." nahihiyang sinabi ni Jin habang nakayuko.

Nang makaupo na si Jin ay kinausap siya ni Mr. A.

"Kaibigan mo anak ko?"

"Opo, Mr. A."

"'Wag ka nang makipagkaibigan kay Chris." Walang emosyon si Mr. A. nang sinabi niya ito kay Jin.

Nagulat si Jin sa sinabi ni Mr. A. dahil sa kagustuhan nitong wag nang makipagkaibigan sa kanyang anak. Napatingin na lang siya  kay Mr. A., nagtataka at hindi alam kung anong gagawin, kaya tinanong niya ito.

"Bakit po? Ano pong problema sa akin, Mr. A.?"

"Hindi ko gustong kasama mo ang anak ko. Hindi ka makakabuti sa kanya. Si Chris ang magmamana ng lahat ng business ko. Hindi ko gusto na umaaligid ang isang tulad mo sa kanya. Isa pa, hindi ko pinalaking nagkakagusto sa lalake ang anak ko." seryosong sinabi ni Mr. A. habang umiinom ng kape at nakatingin kay Jin.

"Hindi po, Mr. A., mali po kayo ng iniisip. Wala pong gusto sa akin si Chris. Wala pong namamagitan sa aming dalawa. Magkaibigan lang po kami" paliwanag ni Jin.

"Ikaw ang may gusto kay Chris?"

"Kapatid po ang turing ko kay Chris."

Napatigil sa paginom si Mr. A. sa kanyang kape.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko, Mr. Jin. Hindi mo kilala kung sinong kaharap mo, at kung anong kaya kong gawin!" sinabi ni Mr. A. na tila tumataas na ang tono at nagsisimula nang magalit.

Gustong lumaban ni Jin, ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili, dahil baka pag ginawa niya 'yun, ay lumala lang ang mangyayari.

"Kung gusto mo na walang mangyaring masama kay Chris, lumayo ka sa kanya." dagdag ni Mr. A.

Nakatingin lang si Jin at pinipigilan ang kanyang sarili na magsabi ng hindi maganda. Nakatago ang isang kamay niya sa kanyang bulsa na nanginginig na sa galit, ngunit hindi niya pwede hayaan ang kanyang sarili na mawalan ng kontrol at sumabog.

Tinawag ni Mr. A. si Mr. Jill upang ihatid na si Jin pauwi.

"Mr. Jill, ihatid niyo na si Mr. Jin sa bahay nila. Siguraduhin niyong hindi na siya makakabalik ng bahay ko."

Nagulat si Mr. Jill sa kanyang narinig, at naawa siya para kay Jin, ngunit wala siyang magawa.

Tumayo si Jin sa kanyang inuupuan at sumagot kay Mr. A., "'Wag po kayo mag-alala, Mr. A. Hindi ko na po lalapitan si Chris. Pero isa lang po ang sasabihin ko. 'Wag niyo po hayaan na si Chris ang lumayo sa inyo. Ikaw na lang po ang mayroon siya, pero pakiramdam niya wala na din siyang tatay. Ayokong maramdaman ni Chris 'yung pakiramdam ng walang magulang. 'Wag niyo pong hayaan na maramdaman 'yun ni Chris habang nandito pa kayo."

"Umalis ka sa harap ko!" Galit na galit si Mr. A. at binato ang kanyang mug.

Hindi nagpatinag si Jin at nakatingin ito ng diretso kay Mr. A.

"Aalis na po ako. Thank you po sa pagpapatuloy sa akin dito."  Nag-bow si Jin pagkatapos niya kausapin si Mr. A., at lumabas na siya ng bahay.

Nagulat si Mr. Jill sa mga nangyari, at hinabol si Jin upang ihatid siya pauwi.

"Ang lakas ng loob ng batang 'yun! Pare-pareho lang kayong lahat! Kung nabubuhay lang ang mga magulang mo, hindi 'to mangyayari!" sinabi ni Mr. A. habang nanginginig sa galit.

Habang nasa kotse na sina Jin at Mr. Jill, hindi napigilan na magsalita ni Mr. Jill at kausapin si Jin.

"Sir Jin, 'wag mo na lang masyadong pansinin ang sinabi ni Mr. A. Alam mo naman ang ugali niya."

"Mr. Jill, hindi po siya ang inaalala ko, si Chris po, baka kasi kung anong gawin niya kay Chris." nag-aalala na sinabi ni Jin.

"Ako ang bahala kay Sir Chris, 'wag ka mag alala, Sir Jin. Ako ang magbabalita sa'yo, pero magpagaling ka muna para kay Sir Chris."

"Hindi ko maintindihan, Mr. Jill? Bakit hindi niya gusto na kaibiganin ko si Chris?"

Hindi makasagot si Mr. Jill, dahil hindi niya din alam kung bakit galit na galit si Mr. A. kay Jin.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nakarating na rin sila sa tapat ng bahay ni Jin.

"Nandito na tayo sa bahay niyo, Sir Jin"

Nang mapansin ni Jin na nakauwi na siya, ay kinuha niya na ang kanyang gamit, nagpaalam kay Mr. Jill at pumasok na sa loob ng kanyang bahay.

Bago siya pumasok sa loob ng bahay, nagtext si Chris sa kanya.

"Jin, nakauwi ka na ba? KAmusta ka na? NAkauWi kA ba ng maaYos? sana hindi ka na nahihirapan at hindi ka na din mahihirapan."

Napaisip si Jin sa text ni Chris at nag reply siya,

"Oo, Chris. Nakauwi na ko. Pasensya ka na sa istorbo. Matulog ka muna ulit. Thank you!"

Pagpasok niya sa loob ng bahay, nakita niya si Jon na nakaupo sa sofa at nagbabasa lamang ng mga article sa kanyang phone.

Tinabihan ni Jin si Jon sa sofa at kinausap ito.

"Anong binabasa mo? Lagi ka na lang may binabasa." tanong ni Jin.

"Wala, nagbabasa lang ako tungkol sa mga articles ng pag time travel." paliwanag ni Jon habang patuloy ito na nagbabasa.

"Alam mo ba kung bakit galit sa atin si Mr. A.?" tanong ni Jin na siya namang ikinagulat ni Jon at napatigil sa pagbabasa.

"Bakit? Nagkita ba kayo?"

"Oo, kanina nag-usap kami..."

"Anong sabi niya?"

"'Wag ko na daw kaibiganin si Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit?"

"Hindi maganda 'to! Napaaga ang mga nangyayari! Hindi pa kami nagkikita ni Mr. A. ng mga ganitong panahon!" pangangamba sa isip ni Jon.

"'Wag ka muna lumapit kay Chris, Jin. 'Wag mo muna siya puntahan." payo ni Jon at nag-aalala na siya sa mga nangyayari.

"Hindi ko maintindihan? Sabihin mo, bakit?" naiinis na tono ni Jin.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nalaman. Basta ang alam ko lang ayaw niyang lumapit ako kay Chris. 'Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Pero hindi ko nakuha ang sagot." paliwanag ni Jon.

"Kung hindi mo alam ang sagot, ako ang maghahanap ng sagot. Aalamin ko kung bakit." seryosong sinabi ni Jin.

"Wag ka muna gumawa ng kung ano ano, Jin, at baka mapahamak si Chris." hirit ni Jon.

"Mag aayos na ako ng gamit ko."

Hindi na sinagot ni Jin si Jon at pumasok na lamang siya sa kanyang kwarto upang mag prepare.

"Hanggang ngayon, hindi ko din alam kung bakit nga ba? Dahil ba ito sa kung anong mayroon sa amin ni Chris, o bukod pa doon at may alam si Mr. A. na hindi sinasabi sa amin?" nasa isip ni Jon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Fast Forward

Date: June 1, 2020

Time: 9:30 A.M.

Nakaupo si Jin sa kanyang desk at nakatingin lang siya sa pintuan at hinihintay na dumating si Chris. Habang diretso ang tingin at hindi kumukurap, tumayo sa harap niya si Jade at hinarangan ang kanyang view upang kausapin siya.

"Jin! Papasok pa ba si Chris? My gosh, 1 week na since hindi pumasok si Chris! What day is it today? It's the first of June pero wala pa rin siya? Anong nangyari?" tanong ni Jade.

Tahimik lang si Jin na nakatingin sa pintuan at hindi kumikibo. Tiningnan siya ni Jade at naawa ito para sa kanya.

"Ano na kaya nangyari sa dalawa? Ito ba 'yung kinakatakot nila? Papaano kaya 'to? Hindi ko din alam gagawin ko. Mukhang kailangan malaman ni Luna 'to." nasa isip ni Jade.

Lumapit si Mike sa pwesto nila Jin at Jade at tinanong ang dalawa kung nasaan si Chris dahil isang linggo na ito hindi pumapasok.

Hindi sumasagot si Jin at diretso pa rin ang tingin nito sa pintuan, kaya naman si Jade na lang ang sumagot para kay Jin.

Tumayo si Jin at lumabas muna saglit at tumungo ng rooftop. Habang naglalakad ay nilabas niya  ang kanyang phone at tinatawagan si Chris, ngunit hindi ito sumasagot. Nag message din siya sa messenger at viber ngunit hindi pa ito nakikita rin ni Chris.

"Saan ka ba nagpunta Chris? Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko or 'yung messages ko? May nangyari na ba sa'yo?  May ginawa ba si Mr. A. sa'yo?" balisa na sinabi ni Jin.

Naisip niyang tawagan si Mr. Jill para alamin kung anong nangyari kay Chris.

Tinatawagan niya si Mr. Jill ngunit hindi ito sumasagot, kaya nag message na lang siya at nagbabakasali na mamaya ay sasagot din ito.

Hinintay ni Jin ang reply ni Jin ang reply ni Mr. Jill sa message niya, ngunit hanggang end of shift niya ay hindi pa rin ito sumasagot sa kanya, kaya naman naglakas loob siya na pumunta sa bahay ni Chris upang hanapin ito.

Ngunit nang nasa harap na siya ng bahay nila Chris, ay naalala niya ang bilin ni Mr. A. Kaya naman ay nagtago muna siya sa likod ng puno sa tapat ng bahay nila Chris. Nagbakasali siya at tinawagan niya ulit si Mr. Jill, at sa pagkakataong ito ay sumagot na ito.

"Sir Jin?"

"Mr. Jill, nasaan po si Chris? Isang linggo na po kasi siya hindi pumapasok"

"Umm, kasi..."

"Ano po nangyari, Mr. Jill, please po!" nagmamakaawa na si Jin.

"Sa totoo lang, hindi ko din alam kung nasaan si Sir Chris ngayon. Pagkatapos kitang ihatid sa inyo, pagbalik ko, tumakas daw siya."

"Huh? Saan siya pumunta?"

"'Yun ang hindi namin alam, Sir Jin. Hindi ko masagot kanina ang tawag mo, at hindi ko rin masagot ang messages mo kasi hindi ko alam kung paano ito sa'yo sasabihin. Hinahanap namin siya, ngunit hindi niya din dala 'yung phone niya."

"Kaya pala hindi siya sumasagot sa tawag ko! Ano kaya nangyari?"

"Sir Jin, tulungan mo kami na hanapin si Sir Chris." nag aalala na sinabi ni Mr. Jill.

"Sige po, Mr. Jill, gagawin ko po lahat. Sasabihin ko po sa inyo pag natagpuan ko na si Chris."

"Maraming salamat, Sir Jin. Pasensya ka na hindi ko agad sinabi sa'yo."

Binaba na ni Jin ang phone at iniisip niya na kung saan pwedeng pumunta si Chris. Habang nag iisip siya ay napansin niya na bumukas ang gate nila Chris. Nakita niya lumabas si Rjay ng gate nila Chris.

"Oh, si Rjay na naman? 'Di ba pumunta siya dito noong isang araw, pero hindi alam ni Chris? Baka pinapunta ulit siya ni Mr. A. dito. Para saan? Para hanapin si Chris? Tawagan ko nga si Rjay."

Tinawagan ni Jin si Rjay sa phone habang nagtatago pa rin siya sa likod ng puno.

"Jin? Napatawag ka?"

"Nasaan ka ngayon?"

"Ako? Nasa bahay ako. Gusto mo ba pumunta?"

"Wala ka naman sa bahay niyo ah? Bakit ka nagsinungaling?" nasa isip ni Jin. "Ahh. Hindi hindi. Tatanungin ko lang kung nakita mo si Chris, isang linggo na kasi siya hindi pumapasok"

Biglang nainis ang tono ni Rjay nang ipasok ni Jin sa usapan si Chris.

"Hindi ko alam..."

"Okay, sige pag nakita mo siya pakisabi sa akin ah?"

"Okay..."

Binaba na ni Jin ang phone, at hinihintay niya makaalis si Rjay. Tila parang may tinataguan ito, aligaga at  nagmamadali maglakad.

"Anong mayroon kay Rjay, bakit niya sinabing nasa bahay siya at wala sa bahay nila Chris? May tinatago ba siya sa amin na hindi namin dapat malaman? hmmm." bulong ni Jin habang nagtatago pa rin siya sa likod ng puno.

Dumiretso na ng uwi si Jin at kinausap niya si Jon pagdating sa bahay.

"Alam mo ba kung nasaan si Chris?" Tanong ni Jin na tila aligaga.

"Huh? Bakit? Nawawala ba siya?" nagtatakang tanong ni Jon at biglang kinabahan.

"Oo, isang linggo na hindi pumapasok si Chris!"

"Huh? Pinuntahan mo siya sa bahay nila?"

"Sinubukan ko, pero tinawagan ko na lang si Mr. Jill. Hindi din daw nila alam kung nasaan si Chris. Ikaw alam mo ba kung nasaan siya?"

"Hmmmm... Isipin ko kung anong mga lugar ang pwedeng puntahan ni Chris."

"Pero nakita ko si Rjay kanina, lumabas ng bahay ni Chris. Tinanong ko kung nasaan siya, pero 'di niya sinabi ang totoo. Anong mayroon kay Rjay?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Hmmm. Hindi ko din alam. Hindi ko nakikita si Rjay na pumupunta sa bahay nila Chris pag hindi kami magkasama sa panahon ko." paliwanag ni Jon. "Masama ito! Kung ano ano na nangyayari na salungat sa mga dapat na mangyari!" nababahalang isip ni Jon. "Jin, tutulungan kita hanapin si Chris! 'Wag ka magalala."

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan, ngunit hindi pa rin nila nakikita si Chris. Hindi rin ito nagpaparamdam sa kanila. Naghahanap pa rin si Jon ng mga pwedeng puntahan ni Chris.

"Ano, Jin Tanda? Alam mo na ba kung saan pwedeng pumunta si Chris?" tanong ni Jin.

"May isang lugar akong naalala na pinuntahan namin ni Chris, pero hindi ko masyadong matandaan 'yung pangalan."

"Saan!"

"Medyo malayo 'yun ang alam ko, kasi sinama niya ko doon para magbakasyon. Hindi ko maalala kung anong pangalan ng lugar, basta beach 'yun." paliwanag ni Jon.

"Beach? Hmmm?" napaisip si Jin kung anong beach ang mga alam niya na alam din ni Chris.

Nag-scroll si Jin ng mga messages nila Chris at nagbabakasakali na may nabanggit si Chris na lugar sa kanyang phone, ngunit bigo siyang makakita ng clue.

Hiniram ni Jon ang phone ni Jin, "Patingin nga ko ng phone mo, Jin, ako maghahanap."

Inabot ni Jin ang phone niya kay Jon at tiningnan nito ang mga messages, ngunit wala rin itong nakuhang impormasyon.

Napatingin na lang si Jon sa last message ni Chris noong pagkauwi ni Jin galing sa bahay nila Chris noong May 27, 2020

"Ito ba 'yung huling message sa'yo ni Chris ha?" tanong ni Jon.

"Oo, 'yan na ang huling message."

Tiningnan ni Jon ng mabuti ang last message ni Chris at iba pang message nito sa inbox ni Jin, at tila may napansin siyang kakaiba.

"Huh? Hindi kaya—" Biglang nasabi ni Jon at parang may napansin siyang iba sa mga messages ni Chris na nauna at kaiba sa pinakahuling message nito kay Jin.

"Ano 'yun? May nakita ka ba?" tanong ni Jin.

"Hindi ko alam kung tama ba ako, pero tiningnan ko kasi 'yung ibang mga messages ni Chris sa'yo. Pero itong huli, hindi ko alam kung bakit may mga letters na naka-capitalized. Samantalang 'yung ibang messages niya naman ay maayos ang format." paliwanag ni Jon.

"Huh? Patingin nga ko!"

Kinuha ni Jin ang kanyang phone at tiningnan ang last message ni Chris sa kanya.  Napansin niya nga na may mga letters na naka-capitalized. Tiningnan niya ang mga letter at binigkas ito, "'Yung una K. Tapos, A—" biglang sinabi ni Jin.

Kinuha ni Jon ang kanyang phone, upang isulat ang mga letters na babanggitin ni Jin.

"Pagkatapos N, A, W, A, Y. Kanaway? Ano 'yun?" tanong ni Jin.

Sinearch ni Jon ang "Kanaway" at nang lumabas ito, nagulat siya sa nakita niya at pinakita ito kay Jin.

Nang makita ni Jin ang picture, ay nanlaki ang mga mata niya at nagtinginan sila ni Jon.

Isang picture ng beach mula sa Quezon Province ang lumabas nang i-search ni Jon ang Kanaway.

"Humanda ka, Jin, pupuntahan natin si Chris ngayong disoras ng gabi." Biglang sinabi ni Jon.

"Anong oras tayo makakarating roon tingin mo?"

"Tingin ko, kung aalis na tayo ngayong mga 11:30 p.m., makakarating tayo doon ng mga bandang 5 a.m."

Sumangayon naman si Jin at agad na nagimpake upang punatahan si Chris.

End of Chapter 21

Siguiente capítulo