***
So, heto at J.S. Prom' na namin. Pero may sense pa ba ang pagpunta ko dito? Haays!
5:30 PM na nang nakarating ako sa venue. Wala pa rin akong gana habang naglalakad ako papasok sa loob. Pagkarating ko sa entrance ay nakita kong naghahanda pa lamang ang mga dancers para sa 'cotillion dance'. Hindi ko lang sila inintindi, at dumiretso lamang ako patungo sa upuang nakalaan para sa mga Juniors.
Sa kabilang banda ay may isang tao pa ring hinahanap ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan pero ay gusto ko pa rin siyang makita. Sapagkat nagbabakasakali kasi pa rin ako na kapag nangyari iyon ay babalik ang sigla ko sa pagkakataong iyon.
Saan kaya siya nakaupo? Umattend pa kaya siya?
Sa kabilang dako naman, pakiramdam ko'y parang nasa loob ako ng isang kastilyo dahil tila nagpalit-anyo ang lahat sa pagiging mga prinsesa at prinsepe. Ang gaganda ng mga girls sa suot nilang elegant gowns at sa kanilang attractive glittering masks. Samantala'y ang popogi naman ng mga boys sa kanilang coat and tie na get up. Maging ang decoration ng venue ay talaga nga namang nakakamangha.
"Masquerade" ang napiling tema ng mga organizers para sa Prom' night na ito. Isang simpleng "zorro" style eye-mask ang ginamit ko ngunit ay wala nga lang akong sombrero na suot.
Nginingitian ako ng bawat nakakasalubong ko na malamang ay taga ibang sections. Pero pilitin ko man ang aking sarili ay hindi ko magawa ang ngumiti rin sa kanila.
"Break!" tila bigla akong natauhan mula sa pagtawag na iyon sa aking apilyido. "Hoy, Break! Nandito ka na pala. Ba't di mo na sinasagot ang mga tawag ko sa'yo?" ang humahangos na wika ni Raw pagkalapit niya sa akin. Isa rin siya sa mga close friends ko.
"Ha? Ah, eh, naiwan ko kasi ang cellphone ko sa bahay eh. Bakit?"
Damn! Ang totoo? After nung sinabi ko na iyon ay doon ko lang na-realized na masyado na nga akong affected sa nangyayari sa akin, sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na nalimutan kong dalhin ang isa sa importanteng bagay sa isang estudyanteng katulad ko ngayon --- ang cellphone.
"Ah ganun ba? Sumama ka sa'kin bilis. Kanina ka pa kasi hinahanap ni ma'am Stred." ang sabi pa ni Raw.
"Ha? At bakit naman?" ang pagtataka ko.
Hinila na lang niyang bigla ang kamay ko.
"'Wag ka nang marami pang tanong diyan!"
At huminto kami sa noo'y naghahanda na sa kanilang formation na mga dancers para sa cotillion.
"Te-Teka, hindi na ako kasali sa inyo di ba?" I tried to complain.
"Mr. Break, we really need your help now. P'wede mo ba kaming matulungan?" si Ma'am Stred pala ang nagsalita nang aking balingan. Siya ang cotillion instructor namin bago pa man ako nag-decide na hindi na tumuloy bilang isa sa mga dancers.
Ilang sandali muna akong hindi nakapagsalita.
"Ano po ba 'yon?" hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtanong.
"Naisip ko kasi na alam mo na naman ang lahat ng steps at routines para sa cotillion, 'di ba? Kaya, kung okay lang sana sa'yo ay ikaw lang muna ang pumalit bilang bagong kapareha ng dancer namin na wala na ring kapareha. Eto siya . . ."
Isang babae ang dahan-dahang lumabas mula sa mga naka-formation na dancers. Parang nahihiya pa siya at nakayuko. Bagamat nakasuot siya ng glittering mask sa mukha ay batid ko pa rin ang lungkot mula sa kanya. Well, eh ikaw ba naman ang mawalan ng partner sa ganitong okasyon ay talaga ngang malulungkot ka. Kagaya ko na lang!
"M-Mr. Break, mapagbibigyan mo ba ako?" ang tanong ni ma'am Stred.
"Ye-yes po, why not ma'am." hindi man ako nakatanggi ay nandoon pa rin sa akin ang pag-aalinlangan.
"Wow! Salamat talaga ng marami Break! You're so great! OK-OK, formation na tayo guys! Dali na! Dali!" she instructed.
***~~~***
Nag-umpisa nang tumugtog ang waltz at isa-isa na ring pumupunta sa gitna ang magkakaparehang dancers. Binalingan ko ang babae sa aking tabi.
"Kinakabahan ka ba?" ang tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at wala lang imik.
"Kung ako ang tatanungin mo? Oo eh!" ang sabi ko pa, ngunit ay hindi pa rin siya nagsalita.
Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Tumingin muna siya sa akin at sa kamay ko. Pagkaraa'y ipinatong na rin niya ang kanyang kamay sa kamay ko nang may pagdadalawang isip. At naramdaman ko ang malamig niyang palad.
"Kinakabahan ka nga." ang aking puna.
Hindi siya nagpahalata pero hindi niya alam na napansin kong bahagya siyang natawa doon sa sinabi ko.
Patuloy pa din sa pagtugtog ang waltz.
Isang pares na lang at pagkatapos niyon ay kami na ang susunod na pupunta sa gitna. Sa pagkakataong iyon ay bahagya na akong nakaramdam ng kaba dahil ilang araw na din akong hindi nakapag-ensayo pagkatapos kong magback-out.
At biglang hindi ko naiwasan ang malungkot sapagkat bumalik-tanaw ulit sa isipan ko 'yong mga araw na parati kaming magkasamang nag-eensayo ni Jemmi --- ang kapareha ko sana.
But I tried to get back of myself. At i-finocus ko muna ang aking sarili sa aking ginagawa.
Ilang sandali lang ay nag-umpisa na kaming mag-waltz papunta sa gitna. Until we got the formation. We faced each other. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't-isa behind those masks covering our identities. Her left hand on top of my shoulder. Nakapatong naman ang isa niya pang kamay sa palad ko. While I was so hesitant to put my hand on her hip.
"Are you . . . comfortable?" sinusubukan ko pa rin siyang kausapin.
I still failed. Hindi pa rin niya ako kinibo. Okey fine, "proxy" lang naman ako dito . . . dakilang "proxy" again!
The waltz continued . . .
This time, we have to do the next formation which was the exchanging of partners. But as it happens ay para bang namamalikmata ako dahil sa paningin ko ay biglang si "Jemmi" ang pumapalit na kapareha ko sa pagsayaw.
I slightly shook my head. At nang suriin ko ay hindi naman pala siya. Sandali akong nawala sa aking concentration. I tried to get rid of the feeling. Kung kaya't isinara ko ang aking mga mata.
"Okey ka lang?"
Kaagad kong binuksan ang aking mga mata. Naguguluhan ma'y napangiti ako.
"A-Ang akala ko talaga ay hindi ka na nagsasalita." ang biro ko sa kanya. "Y-Yes, I'm alright."
"Huh! Wala lang ako sa mood."
Bahagya akong natawa doon sa sinabi niya.
Ginawa ulit namin ang circle formation sa saliw pa din ng waltz. Ngunit sa isang banda ay may bigla akong napansin na talaga nga namang ikinagulat ko. Damn! My heart skipped a beat suddenly. Bagama't may glittering mask siyang suot, I know and I could feel it na siya yun. Si Jemmi ang nakita kong mag-isang nakaupo sa naroong mesa at pinapanood kami habang nagsasayaw!
But I was on my routine at na-timing na napatalikod na ako mula sa nakita kong si Jemmi. Gusto ko na ngang madaliin ang steps ko eh, at tapusin na ang lahat. Subalit nang nakabalik na ako sa dati kong posisyon kanina ay wala na siya doon sa mesa kung sa'n ko siya huling nakita. At nang aking pansinin, she was already walking away.
***~~~***
Pagkatapos ng cotillion dance ay mabilis akong pumunta sa labas ng venue upang sundan si Jemmi. At pagkarating ko'y nakita kong may kinakausap siya sa cellphone. Hindi ako lumapit sa kanya pero ramdam ko ang labis na pagkatuwa. Para sa akin, makita ko lang siya ay buo na ang araw ko. At dininig din ni God ang dalangin ko na makita ko siya kahit na hindi na kami at wala na sa isa't-isa!
_________
"Mula sa araw na 'to ay 'wag mo na akong kakausapin. Wag mo na akong lalapitan. Iwasan mo na ako. At higit sa lahat ay kalimutan mo na ako!" at sa huli ay nagtatakbo na siya palayo sa akin.
_________
Pero nang maalala ko ang eksenang iyon ay para bang pinagsakluban ulit ako ng langit at lupa!
"Hey!"
Kaagad akong napabaling sa likuran ko upang alamin kung sino ang taong tumawag sa aking atensyon. Nagulat ako dahil sinundan pala ako nung girl na prinoxihan kong maging partner niya kanina.
"I-Ikaw pala." I softly said. Hindi ko na nga namalayang malungkot na pala ang tono ng aking boses.
"Oh bakit?" ang natatawa niyang sabi sa akin.
"H-Ha? Anong "bakit"?" ang tanong ko.
"Ano ba ang nangyari sa'yo at ganyan na ang itsura mo?"
"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"
Napasulyap siya kay Jemmi na noo'y may kinakausap pa rin sa cellphone nito mula sa 'di kalayuan.
"Siya ba 'yun?" ang bigla niyang tanong sa akin na siyang ikinagulat ko.
Hindi ako nakasagot kaagad.
"Siya ang "Ex" mo, right?" ang tanong pa niya.
"A-Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Tara na nga sa loob!"
"Hay naku! Guys are so pretentious nga naman. Kahit hindi mo naman aminin eh, mababasa diyan sa mga mata mo ang iyong pagiging . . . broken-hearted. At kaya nasabi ko yun dahil . . . dahil hindi ka magiging ganun ka-excited kanina nang nakita mo siya habang nagsasayaw pa tayo. Akala mo ba ay hindi ko nahalata? And I'm pretty sure na hindi mo din siya susundan dito ng wala lang dahilan."
Natigilan ako sa kanyang mga sinabi. Sapul na sapul niya ang lahat!
"Oh! I-I'm . . . sorry ha kung naka-isturbo ako sa plans mo. Hindi ko naman sinasadya. G-Gusto ko lang naman kasing personal na mag-thank you sayo para sa pag-proxy mo bilang partner ko this grand ball night. Alam mo bang naging masaya ako ngayon kahit papa'no?"
Halos ay wala akong masabi sa kanya.
"Ah, w-wala 'yun. Si ma'am Stred ang dapat na pasalamatan mo."
"Okey, I think I have to go." at tumalikod na siya upang umalis.
"Wait!" bigla akong napahawak sa kamay niya. Napatingin naman siya sa kamay ko, and then way up to my face. Napabitaw naman ako kaagad. "S-Sorry. P-P'wede mo bang tanggalin ang mask mo? Para at least 'pag nakita kita sa campus ay makikilala kita. We're acquainted at one another na naman eh." ang pahabol ko.
"Ah, oo nga pala. Okay..." Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang suot na mask.
At ikinagulat ko ng husto nang tumambad na sa aking harapan ang kanyang pagkakakilanlan.
Siya pala si Merlyn Thompson, ang girlfriend ni Evo na hiningan nito ng pabor na ipasabi sa aking break na silang dalawa six months ago!
"It would be fair if you will uncover your mask too." Aniya.
Parang natakot akong bigla, dahilan upang maging hesitant ako sa naging request niya. Subalit ay wala akong magagawa 'pagkat magiging unfair kung hindi ko 'yon gagawin.
Dahan-dahan ay tinanggal ko na rin ang aking eye-mask.
"I-Ikaw?" gulat na gulat siya nang nakilala niya ako.
***
Hi! This story is also available in Wattpad.
https://www.wattpad.com/user/SecondHandBoyFriend
See you there!