webnovel

Married But Complicated

Ciudad
En Curso · 238.7K Visitas
  • 25 Caps
    Contenido
  • 4.5
    54 valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Jewel impulsively married Yul, a guy she barely knew in order to escape the unwanted marriage arranged by her father. Few days after her secret wedding, she flew abroad leaving her random husband without a word. Ten years after, she met him as her boss and one of the hottest bachelor in the upper society. Yul has plan to propose to his long time girlfriend and he needs Jewel's cooperation to eliminate a single paper which is the existing proof of their ugly secret. She agreed to help without conditions as a way of paying her greatest mistake of using him.

Chapter 1CHAPTER 1

JEWEL

"Sobrang tagal ko nang gustong sabihin sayo to. P-pwede ba akong manligaw?" a shy voice asked me. The line wasn't new to my ear dahil halos linggo-linggo ay may nagsasabi sa akin niyon at linggo- linggo rin akong sumasagot ng "NO". I don't want to boast but my fellow college students referred me as the most beautiful sophomore.

I looked at the guy who barred me from heading to my next subject. Nagulat ako. He was Ulysses, the famous varsity basketball player who gained a lot of fans because of his skill and good looks. Hindi ako sanay na may nagcoconfess sa akin na kilalang tao sa school kung kaya't panandalian akong naasiwa at nalito kung ano nga ba ang isasagot ko...should I say no too? But he was adored by many at kapag kumalat na walang konsiderasyong binasted ko siya ay tiyak na magkakaroon ako nang napakaraming haters. Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Ang solusyon sa napakalaking problemang pinagdadaanan ko sa mga panahong iyon.

May ningning na ang mga mata na tumingin ulit ako sa kanya. Although he's a popular guy I never heard he dated anyone. He looked like a good person too so I thought he would be my safest refuge.

I mustered all my courage to say the most stupid thing he'd ever heard. batid kong imposible kong makuha ang gusto ko but nevertheless, I still tried my luck. "Okay. Ngayon din mismo ay sasagutin kita. I'll be your girlfriend right here and now..." lumunok ako nang malalim concealing my enormous nervousness. "In one condition, let's get married tomorrow."

Gaya ng aking inaasahan, napanganga ang aking kausap. He paused for a long time taking his blinking eyes off me. Ang matagal niyang di pag-imik ay sapat na para malaman ko ang sagot niya.

Ngumisi ako. "You can't do it, right? Then, I guess I have no choice but to reject you. I'm sorry. Right now, I'm looking for a husband not a suitor."

Tumalikod ako. Napakagat ako sa labi at gusto kong maglaho sa kahihiyan. Marahil ay naiisip niyang nawawala ako sa katinuan. My desperation was provoking me to act like crazy. Binilisan ko ang aking lakad not until someone gripped my wrist.

I looked back and saw Ulysses panting. "Okay let's get married tomorrow," he clearly said.

"JEWEL! JEWEL!" muntik ko nang mabitawan ang hinuhugasan kong pinggan dahil sa matinding pagkakayugyog ni Mommy sa balikat ko. Naglahong parang bula sa ere ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan.

"Ano ka ba kanina pa kita tinatawag. Natutulala ka na naman diyan?" Yung cellphone mo kanina pa nagriring." Mabilis akong nagbanlaw at nagmamadaling sinagot ang telepono. Bilang isang taong matagal nang naghahanap ng trabaho, ginto sa akin ang bawat tawag.

"Hello good morning. This is Jewel Gaviola speaking." Anim na buwan na akong naghahanap ng trabaho kaya naging habit ko na ang pagsagot ng pormal sa pag-asang tawag iyon galing sa mga inaapplayan ko.

"Good morning. This is Melvy from Cocos Group of Companies. I just want to inform you that you passed the preliminary screening. Do you have a pen with you now?"

"For a moment please." Tarantang sinenyasan ko si Mommy at mabilis naman niya akong nabigyan ng ballpen. "I have a pen now Ma'am."

"Please be at 21st floor of CGC building at 10am. You will have an interview with the Head Secretary. Thank you and good luck. Have a nice day!"

"Noted Ma'am. Thank you very much," I simply answered with a smile before hanging up.

"Tanggap ka na?!" excited na tanong ni Mommy.

"Hindi pa ho. Nakapasa na daw ako sa preliminary screening. Pinababalik ako sa Thursday para sa isa uling interview," kalmadong sagot ko.

"Naku sana tuloy-tuloy na! Sana matanggap ka na diyan. Masayang-masaya na ako kahit preliminary pa lang yan dahil bibihira lang na umabot ka sa next round."

I'm happy too like my Mom but I'm containing my happiness and excitement. I don't want to get high hopes especially with Cocos Group. Sila ang pinakamalaking kumpanya sa lahat ng mga inaplayan ko. I experienced outright ejections in the small companies kaya hindi ko inaasahang ang kagaya pa ng CGC ang posibleng tumanggap sa akin. Alam ko naman sa umpisa na napakaliit ng chance na matanggap nila ako, medyo nasilaw lang ako sa 60k salary nila for assistant secretary kaya nag try pa rin ako. Malay natin magkaroon ng himala. Ang buwanang halaga na yan ay napakalaking tulong na sa amin ni Mommy. Makakahulog na rin ako kahit interes sa pinagsanglaan namin ng condo.

"Anak kailangan mo nang makahanap ng trabaho. Dalawang buwan na lang na hindi tayo makabayad ng interes, palalayasin na tayo dito sa condo natin. Alam mo naman na pumirma ako ng kasunduan sa harap mismo ng baranggay natin."

Parang walang narinig na bumalik ako sa paghuhugas ng pinggan. I just received a good news so I won't allow negativities to rule me for a moment. Pagod na akong puro problema na lang ang iniisip.

Since my father died, I never live for my dream nor for myself. Being the only child means you're the sole heir of anything your parents had. Either it's a fortune or a mess. Mine is the second one. I grew up as a daughter of a wealthy businessman not until the day my father had a heart attack eight years ago. Kasabay ng pagkamatay niya ay ang paglutang ng katotohanang na lubog pala siya sa mga utang. More than half of our properties were seized by the debtors. At may ilan-ilan pa naman sanang mga natitira pero naibenta rin ang mga iyon ni Mommy. Wala siyang alam sa paghahanapbuhay dahil buhay reyna siya kay Daddy at nadagdagan pa nang pansamantalang malulong siya sa casino. Ang sugal ang naging takbuhan niya upang pansamantalang makalimutan ang pagkawala ni Daddy hanggang sa isang araw ay nagising na lamang kami na ang tanging natitirang pag-aari na lamang namin ay ang isang studio type condo na siyang kasalukuyang tinitirhan namin ngayon. Isinanla pa rin iyon ni Mommy para ipuhunan sa kanyang negosyong pagbebenta ng alahas pero sa bandang huli ay nalugi na naman. Simula nang nawalan ako ng trabaho ay hindi na kami nakapagbayad ng interes sa pinagsanglaan namin hanggang sa umabot na sa baranggayan.

I worked as documentation staff sa agency na nagpapaalis ng mga kasambahay sa ibang bansa pero simula ng nagkaissue ang Pilipinas sa Kuwait ay humina ang kita ng aming kumpanya hanggang sa isinara na lamang ito ng may-ari. Hirap akong matanggap sa mga inaapplayan ko dahil hindi ako nakapagtapos ng college. My father sent me to America in the middle of my sophomore year at doon ay umulit ako ng second year college. I lived in my aunt's place. I was in fourth year when I received the bad news about my father. Umuwi ako ng Pilipinas at hindi na ako nakabalik pa sa Amerika. Dulot ng sunud-sunod na problemang pinansiyal ay hindi na rin ako nakapagpatuloy ng pag-aaral. Because of my educational background, the company always said I'm over qualified for low-key positions pero kapag nag-apply naman ako ng medyo mataas na posisyon ay hindi rin naman ako qualified dahil wala akong diploma.

"Pagbutihan mong maigi ang pagsagot sa interview mo ha," paalala ni Mommy. "Hayst hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ka matanggap-tanggap. Nakapag-aral ka sa America tapos kung pleasing personality din lang ang pag-uusapan ay nangunguna ka na!"

Napailing ako. My mother really knows nothing about real world. "Mommy ang daming mga mas bata at mas magaganda sa akin na college graduate. They have a degree while I have none. Usually mas gusto nila ang mga bata pa dahil sa tingin nila ay mas fresh pa ang mga isip at mas madali pang itrain."

"Oh eh bata ka pa naman ah!"

I rolled my eyes. "I'm 28 and those new graduates are mostly 21 or 22."

"Seven years lang naman ang itinanda mo ah. Anong problema dun?"

"Seven years is a big deal already for them."

"Mag-aalay ako ng bulaklak sa simbahan simula mamaya. Ipagdadasal ko na matanggap ka na sa Huwebes." Lumapit siya sa lababo at tinulungan akong magpunas ng mga pinggan. "Ano bang posisyon ang inapplayan mo diyan?"

"Assistant Secretary."

"Assistant Secretary lang tapos ang haba ng proseso," ngiwi niya.

"Mommy CGC is a huge company and besides it's not just an assistant secretary of anybody. Lahat ng makukuha ay maa-assign sa opisina ng bawat board of directors."

"Ganun ba. Pero ba't ang mga sekretarya ng Daddy mo dati walang mga ganyan-ganyan. Karamihan nga referral lang ng mga kakilala natin."

"Eh hindi naman kasi kasing laki ng CGC ang kumpanya ni Daddy. Cocos Group is on a very different level. They are a billion peso company kaya bawat bagay sa kanila ay may tamang proseso dapat."

"Jewel kung hindi ka man matanggap diyan sa trabaho, sana naman ay makatagpo ka na diyan ng lalaking para sayo. Tutal malaking kumpanya yan siguro pwede ka nang maghanap-hanap ng lalaki diyan na may stable na income. Malapit ka nang mag 30 dapat nagmamadali ka na sa paghanap ng mapapangasawa."

Nagtitimpi ngunit may ngiting hinarap ko si Mommy. Namewang ako sabay tingin sa paligid ng aming maliit na condo. " Mommy sa kalagayan natin ngayon, sa tingin mo may time pa ako mag-isip tungkol sa pag-aasawa. I can't even handle the two of us tapos magdadagdag pa ako ng intindihin."

"Kaya nga ang sinasabi ko sayo ay maghanap ka na ng lalaking kaya saluhin ang mga problema mo."

"You mean, saluhin tayong dalawa? Pinapayuhan mo ba akong maging user?" di makapaniwalang sambit ko. Ang nanay ko talaga minsan basta na lang may masabi nang hindi iniintindi ang kalalabasan ng mga salita niya.

"Ang pinapayo ko lang naman ay maging praktikal ka. Isa pa huwag mo na akong alalahanin. Ang importante ay maisalba mo ang sarili mo sa lugmok na sitwasyong natin ito."

Sarkastikong tumawa ako. "And now you're also teaching me to become a bad daughter. Sa tingin mo ba kaya kitang pabayaan? Pwede ba mommy stop suggesting useless things. Walang ibang tutulong sa atin kundi tayo lamang, bear that in mind."

"Bahala ka na nga. Kanino mo kaya namana yang napakataaas na pride mo," she uttered in disappointment then walked towards the closet to choose the best outfit for my upcoming interview.

"Kung pumayag ka noon sa kagustuhan ni Daddy mo na magpakasal kay Jonjie Lee di sana buhay prinsesa ka pa rin ngayon."

Tinapos ko agad ang paghuhugas ng pinggan. Dinampot ko ang cellphone at nagsuot ng headset. Kunway nakinig ng music. I don't want to hear that terrible memory sapagkat dahil sa kasunduang pagpapakasal na yan kaya ako nakagawa ng malaking kagagahan. My mother didn' t know that I married a random guy just to obstruct my father's plan. I'd rather marry a stranger than to marry that ugly conceited fat Chinese! Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam si Mommy sa katangahang nagawa ko at hindi niya na kailangang malaman pa dahil naayos na rin naman ni Daddy ang lahat.

Nagkaroon kami ng matinding away ni Daddy nang ipakita ko sa kanya ang marriage certificate ko. Iyun din ang dahilan kung bakit bigla niya akong pinadala sa America. Sinabi niya sa akin na ipapawalang bisa niya ang kasal and knowing his character sigurado akong ginawa niya nga yun. Sinunod ko ang kagustuhan niyang lumayo dahil nangako naman siya na hindi gagambalain ang taong pinakasalan ko. Ang mahalaga lang naman sa akin noon ay huwag maikasal sa kinamumuhian kong intsik. When I was in America, I disabled all my social media accounts to run away from the mess I created hoping that everything would be just forgotten in due time. Simula nga noon ay wala na rin akong narinig o nabalitaan tungkol kay Ulysses. Marahil ay nagalit siya sa akin pero dama ko namang mabait at malawak ang pang-unawa niya kaya siguro ay naparatawad niya na rin ako at sana masaya siya sa kung anumang buhay meron siya ngayon.

También te puede interesar

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Ciudad
4.8
131 Chs