YUL
Naagaw sa akin ang bola at muntik na akong mapatid. Nawala ang konsentrasyon ko sa laro nang makitang magkasamang dumarating sina Jewel at Luigi. Parehas nakingiting nag-uusap habang papalapit sa bleachers. Nainis agad ako sa aking sekretarya. Ang tigas pa rin talaga ng ulo niya. How many times do I have to warn her about my cousin?
Pansamantala akong humingi ng break. Lumapit ako sa kanilang dalawa na panay kwentuhan pa rin. Jewel seems too comfortable already with him. Hindi kaya bunga rin ito ng pagkakakwento ko ng naging trahedya ni Luigi? Maybe she began feeling sympathetic towards him.
Nakalapit na ako sa kanila but they are oblivious with my presence. Tumikhim ako.
Jewel is surprised. "Ay sir! Good evening! Dala ko na po ang pipirmahan niyo."
"Give it to me. I'll sign it now," madiing sabi ko.
Binigay niya sa akin ang dokumento at mabilis ko itong pinirmahan. Ibinalik ko agad sa kanya.
Seryosong tumingin ako kay Luigi. "What are you doing here? Himala wala ka ata sa gimikan," ngisi ko.
"Nasa mood ako magpapawis. As far as I know I'm diligently paying my membership dues here. Siguro naman hindi masama kung pumunta ako dito." Tumingin siya sa court. "Okay lang bang sumali sa laro niyo?"
Hindi ako umimik sa halip ay tiningnan ko siya nang masama.
"Aren't you excited to play ball with me again?" ngisi niya.
I'm trying to fathom what's running inside his head. Napakatagal ko na siyang di nakakalaro. He lost all his old hobbies after his tragedy and playing basketball was one of them. But why am I seeing the enthusiasm in his eyes again as he stares at the court?
"Ba't di ka makasagot? Don't tell me you're threatened," may kayabangang tono niya.
Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Do you even remember how to play?"
"Then try me."
"Okay. You play with the opponent. I don't want a nuisance in my team," saad ko.
"Sir Luigi marunong ka rin bang maglaro ng basketball?" Jewel asked with brighter eyes.
"Basketball used to be my passion. Kaya nga gumaling yan si Yul eh dahil sa pakikipaglaro sa akin."
Salubong ang mga kilay na tiningnan ko ang aking sekretarya. "Why are you still here? Napirmahan ko na ang dapat kong pirmahan di ba? Pwede ka nang umalis."
"Ah-eh..."
"Lily please stay I need a cheerer," ani Luigi.
"Ah..." Papalit-palit siya ng tingin sa amin ni Luigi.
"Umuwi ka na. Kailangan mo nang magpahinga para makapagtrabaho nang mabuti bukas," I insisted. My blood is boiling everytime Luigi calls her with another name and she willingly responds to it.
"Lily ngayon lang ulit ako maglalaro nang basketball pagkatapos nang maraming taon. Are you going to deprive me of an inspiration?" nagpapakonsensiyang wika ni Luigi.
She looked at me confused and embarrassed. "Ah sir baka pwedeng hintayin ko na lang ho kayo? Wala ho kasi akong masasakyan palabas."
"Call Alfred now. He's at the parking. Magpahatid ka sa kanya."
"Eh sir baka naman pwede pa ho akong mag-stay kahit saglit. G-Gusto ko rin ho sanang mapanood si Sir Luigi."
Lumabas din sa bibig niya ang totoo. I am very disappointed! Akala ko ba manhid ang puso niya? Pero bakit mukhang nahuhulog na rin siya sa playboy kong pinsan?
Mahigpit pa sana akong tututol pero dumating si Stella. Mukhang tapos na ang kanyang yoga session.
"Hi Jewel! You're here!" she said with huge smile. Di maikakaila ang galak na makita ang taong kinaaliwang kasama.
"Ay hi Ma'am Stella!"
Nagbago ang reaksiyon niya nang makita ang aking pinsan. She looked at him in awe. "Hi Luigi!"
"Hi Stella," walang ganang bati ni Luigi.
"Parang nakakapanibago atang makita kita dito," she remarked.
"Don't worry you'll get use to it. Simula ngayon ay madalas mo na akong makikita dito."
"Well that's good to hear. You know, regular exercise helps us to have better outlook in life," she opined meaningfully.
Kumunot ang aking noo. Is he planning to annoy me too in my favorite hang out place? Mukhang hindi pa nakuntento sa mga pambubwisit niya sa akin sa kumpanya.
Stella returned her attention to Jewel. "Why are you here?" nakangiting tanong niya.
"May pinapirmahan lang ako kay sir. Paalis na rin ho ako. Pinapauwi na ako ni Sir Yul eh."
"Naku mamaya ka na umalis. Samahan mo muna ako dito. Let's watch them play."
Maamong tumingin sa akin si Jewel. "Sir okay lang po ba na samahan ko muna dito si Ma'am Stella?" ubod nang lumanay na wika niya. Napangisi ako sa isipan. Kunwari pa siya eh kitang-kita ko naman ang tuwa niya na nakahanap siya ng panangga.
"Okay no problem." Makakatutol pa ba ako sa kagustuhan ng girlfriend ko? "Come on, let's play," walang ganang aya ko kay Luigi.
Pinakilala ko si Luigi sa mga kalaro ko. As what we agreed, he joined the opponent's team. Nagkataong merong player sa kanila na gusto munang magpahinga kaya nakapaglaro agad siya.
"GO SIR LUIGI!"
Napalingon ako kay Jewel. She shouted before the game resumes. Tiningnan ko siya nang masama.
"G-Go Sir Yul!" mas mahinang sigaw niya at tila napipilitan pa.
"GO YUL!" Ngumiti ako nang marinig ang sigaw ni Stella.
Nag-umpisa kaming maglaro. Napunta agad sa akin ang bola at nakapagpashoot ako. Luigi got the ball too and scored easily.
He smirked at me right after he made it. Naalarma ang aking mga kakampi. They already sensed that my cousin plays well.
Napunta ulit sa akin ang bola pero naagaw niya ito. He attempted to shoot but I blocked it ngunit napunta pa rin sa kanila ang bola. The ball passed to him. He dribbled inside and attempted to shoot again. I fouled his wrist but the ball still got inside the ring.
I can hear the irritating scream of a woman from the bleacher.
He had a free throw but it didn't go inside. Na rebound ng kakampi ko ang bola. Pinasa sa akin at mabilis akong nagdribble patungo sa kabilang ring. Luigi is behind me but before he gets closer I make an attempt. Unfortunately, he blocked me. The ball went out of bound. He approached me and put his arms on my shoulders. "I told you not to underestimate me," he proudly whispered to my ear.
Napangisi lang ako at siniko siya papalayo sa akin but deep down inside I am surprised with his performance. I was wrong to think he lost his touches already. What he said to Jewel was true. Sa aming dalawa siya talaga ang mas mahilig dati sa basketball. He was more athletic and talented. Siya rin ang dahilan kung bakit natuto ako at nagkaroon ng hilig sa basketball. Too bad he gave up his passion after his tragedy. I became a well known varsity player pero inaamin kong halos lahat ng techniques ko ay natutunan ko sa kanya.
The game continued. Sa amin pa rin ang bola. Muli itong naipasa sa akin. Luigi isn't guarding me and I see a very good opportunity to shoot. Tumira ako ng tres at pumasok ito.
"GO YUL! THAT'S MY MAN!" napangiti ako nang marinig ang sigaw ni Stella. Lumingon ako sa bleacher. My girlfriend is clapping loudly habang ang sekretarya ko ay pumapalakpak nga pero wala namang tunog.
Sa pagkakalingat ko ay nakatira din pala ng tres si Luigi. Nag-init na naman ang aking tenga nang may marinig na hiyaw.
JEWEL
"Bakit mas malakas kang mag cheer kay Luigi kesa kay Yul?" dismayadong wika sa akin ni Ma'am Stella.
Asiwa akong ngumiti. "Nagchicheer din naman ho ako kay Sir Yul. Sinasadya ko lang hinaan kasi siyempre dapat mas malakas ang cheer niyo sa kanya," katwiran ko.
"You are so happy every time na nakakascore si Luigi? Yul is your boss. Why are you showing your loyalty to other player?" hindi pa rin kumbinsidong sabi niya.
"Laro lang naman ho ito. Kawawa naman si Sir Luigi kung walang papalakpak sa kanya," nakangiting paliwanag ko.
Honestly, it's sort of my birthday gift to him. It's not that much but I hope showing appreciation for his great job can make him feel better. Malay mo sa munting paraan kong ito ay may maiambag ako para ituloy-tuloy niya na ang pagpapakita ng kabutihan.
"Bahala ka na nga basta ako I'm rooting for my boyfriend to win."
"Ako rin naman ho. Kahit sino sa kanila ang manalo ay masaya ako."
Ibinalik namin ang atensiyon sa panonood. Napapanguso at napapangiwi si Ma'am Stella sa tuwing nagbabalyahan sina Sir Yul at Sir Luigi. Maaring sa mga mata niya ay nagkakainitan ang dalawa pero sa mga mata ko ay paraan yun ng paglalambingan ng magpinsan.
Natapos ang laro at nanalo ang team nina Sir Yul.
"See my boyfriend won," proud na proud na sabi ni Ma'am Stella.
Sumagot lamang ako ng ngiti. Pero kaya lang naman sila nanalo dahil late na sumali si Sir Luigi. Pero kung kasali siya mula umpisa, malamang ay team niya ang nanalo.
Naglakad ang magpinsan papalapit sa amin. Parehong nagpupunas ng pawis. Tumayo ako at humanda na para magpaalam. I'm sure they'll spend time in locker room first so I can take that chance upang magpahatid sa labasan kay Alfred. Sinalubong ko ang paglapit nila.
"Sir Yul, Sir Luigi uwi na po ako." I looked at my boss. "Sir pwede bang magpahatid ako saglit kay Alfred sa labasan?"
"Yan na nga ang sinabi ko sayo kanina pa di ba? Go ahead call Alfred now."
"Lily can you stay for few more minutes. Ako na ang maghahatid sayo." Sir Luigi said when I was about to call the driver.
"Ay huwag na po Sir Luigi isinabay niyo na nga ako kanina dito. Sobra-sobra na ho kung magpapahatid pa ako sa inyo ngayon."
"Gabi na't delikadong umuwing mag-isa. Ihahatid na kita hanggang inyo. Sige na pumayag ka na," he insisted.
"Mas delikado kung ihahatid mo siya," hirit ni Sir Yul. "She's here because of work, it's not your obligation to drop her home. Kaya kung iutos yan sa driver ko."
Naguluhan naman ako sa isasagot ko. Parang ang hirap kasing tanggihan ni Sir Luigi sa araw na to. I don't want to disheartened him lalo't katatapos lang ng birthday niya na hanggang ngayon ay tila wala pa ring nakakaalala sa mga malalapit sa kanya. No one knows what he truly feels. Baka ang totoo ay lihim siyang nalulungkot that's why he's longing for companionship at the moment.
Dama kong excuse niya lang yung offer niya na paghahatid. Marahil ang totoo ay gusto niya lang nang may makasama at makausap pa nang kaunti oras.
"Eh sir medyo istrikta ho ang mommy ko. Ayaw na ayaw nung malaman na nagpapahatid ako sa lalaki. Pag nalaman nun naku tiyak ilang araw yung magbubunganga sa akin." napipilitang pagsisinungaling ko. Si Sir Yul kasi ang sama kung makatingin sa akin.
"Eh di ibaba kita malapit sa inyo kung saan hindi makikita ng mommy mo."
"Bakit mo ba pinipilit? Ayaw ngang magpahatid sayo di ba?" madiing salita ni Sir Yul.
Ma'am Stella approached his grim boyfriend. Malambing siyang kumapit sa braso nito. "Love let Luigi do her that favor tutal halos mamaos naman si Jewel sa kakacheer sa kanya," inirapan niya ako pero alam ko namang biro niya lang yun. "Saka Love let Jewel stay for few more minutes at least may makakasama ako sa paghihintay sayo."
Hindi nakaimik si Sir Yul. I guess it's time to tell what I really want to say. "Sige po Sir Luigi hihintayin ko na lang po kayo," mahinang sabi ko.
My boss' jaws clenched so I decided to avoid his gaze. Alam kong tutol pa rin siya ngunit di lang makontra si Ma'am Stella.
Naupo ulit kami ni Ma'am Stella sa bleachers. I watch the cousins as they walk towards the men's locker room.
"Siguraduhin mong ligtas siyang makakauwi sa bahay nila ha," ika ni Sir Yul.
"If I brought her home safely, will I get a reward?"
He pushed Sir Luigi. "Tigas ng mukha mo! Kung ako kaya manghingi ng reward sa lahat ng mga kalokohan mong inareglo ko."
Sir Luigi laughed.
Napapangiti ako sa aking nakikita at nauulinigan. Sana simula sa araw na ito ay unti-unti nang bumalik ang closeness nilang dalawa.
"Jewel what's the final plan about Cebu's event. Sino- sino na ang sasama?" tanong ni Ma'am Stella sanhi para mabalik sa kanya ang aking atensiyon.
"Mukhang malabong makasama si Ma'am Nora kasi kailangan niya pang magpagaling ng mabuti. Sabi ni sir baka kami na lang ni Lorraine."
Ngumiti siya nang malapad. "Wow! Really! Mabuti naman at makakasama ka. Ngayon ay sigurado na akong hindi ako mababagot dun."
Namilog ang aking mga mata. "Kasama rin ho kayo?" ngiti ko.
"Sshhh... huwag kang maingay. Yul doesn't know about it. Surpresa ko yan sa kanya. Alam mo kasi matagal- tagal na rin kaming hindi nakakabyaheng magkasama. Dapat nga sana sa Macau kaso hindi naman siya nakasama."
"Promise ho hindi ko sasabihin," excited na sabi ko. Nakikini-kinita ko na ang magiging reaksiyon ni Sir Yul. Actually mas gusto ko nang nakakasama namin si Ma'am Stella dahil nababawas-bawasan ang kahigpitan ng amo ko. Naguguluhan na rin ako sa ugali ni Sir Yul. Minsan mabait, maalalahanin at parang kaibigan lang ang turing sayo pero may mga pagkakataong bigla na lang magiging sobrang istrikto at de numero ang galaw mo. Yun bang wala kang karapatang magkaroon ng personal na desisyon pag nasa paligid mo lamang siya.
"Pero Ma'am magkasama naman kayo ni Sir so I don't think na mabobored kayo."
"We can only be together during his free time. Hindi naman pwede bubuntot-buntot ako sa kanya sa mga work schedules niya."
Ngumuso ako. "Eh paano yun Ma'am? Hindi ko rin ho kayo masasamahan kailangan kong bumuntot-buntot kay sir sa lahat ng schedules niya."
Ngumiwi siya. "Ay oo nga no? Pero di bale na basta masaya ako na kasama ka sa Cebu."
Naging masaya ang kwentuhan namin ni Ma'am Stella. Pomormal lang ulit ako nang bumalik ang magpinsan. Of course it's because of Sir Yul na seryoso pa rin kapag tumitingin sa akin.
"Let's go Lily," ani Sir Luigi.
Tumayo agad ako. Di na makapaghintay na makalayo sa mapanghusgang mga mata. "Sir, Ma'am, alis na po ako."
"Bye Jewel. Luigi take good care of her," ngiti at kaway ni Ma'am Stella.
"Ingatan mo yung dokumento. And don't be late tomorrow," mahigpit na bilin ni Sir Yul. Ang sarap lang sabihin sa harap niya na simula nang pumasok ako sa CGC ay di pa ako na- late ni isang beses pero di ko na mabilang kong ilang beses akong nag-overtime. Ang lakas niyang mag remind ha!
"Do you want to have dinner first? Baka nagugutom ka," ani Sir Luigi habang papalabas kami ng Lux Club.
"Hindi na po. Sasabayan ko na lang si Mommy baka hindi pa kumakain yun at hinihintay ako."
"You're a mama's girl," tatawa-tawang komento niya.
"Hindi naman ho."
"Napansin ko lang na madalas ay lagi mo siyang nirereconsider kahit sa mga maliliit na bagay na gagawin mo. How about your Dad? Are you close to him too?"
"Matagal na hong patay ang Daddy ko."
"Uh I'm sorry," biglang tamlay na wika niya.
"Okay lang ho," ngiti ko. "I'm not really a mama's girl. Solong anak lang kasi ako at kaming dalawa na lang ang magkasama sa since my father passed away. As much as possible binibigyan ko pa rin siya ng time pag may pagkakataon to make her feel secure that she'll never be alone."
"You're such a good daughter. Parehas pala tayong only child. Pero siyempre hindi ako kasing bait na anak na gaya mo," he kidded.
"Ikaw kasi sir eh. Masyado ho ata kayong pasaway," ngiwi ko.
He just laughed and didn't bother to defend himself from my remark.
Pagdating sa sasakyan ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. He even tried to buckle my seatbelt.
"Ako na po sir." Malapit na akong malula sa sobrang pagiging gentleman niya.
"Saan ang bahay mo?" he asked when he began driving.
"Sa San Juan po. Kayo po saan nakatira? Baka masyado kayong mapapalayo."
"Kahit sa probinsiya ka pa nakatira, ihahatid kita. Dito man lang ay makabawi ako sa tulong mo kagabi at sa oras na ibinigay mo sa akin ngayon."
Napangiti ako. Marunong din naman pala siyang mag-appreciate nang maliliit na bagay. He's not a total spoiled brat after all. Kung ganun ay sincere pala talaga siya dun sa bulaklak na pinadala niya at hindi para makapagpasikat lamang.
"Sorry if I requested you to stay in the sport complex. I just wanted to be assured na may kakampi ako. Alam mo naman yang pinsan ko, gaganun-ganun lang yun pero ang tindi mang-intimidate nun. I hope you didn't get bored."
"Naku naman sir paano ako mabobored eh ang lakas-lakas nga ng tili ko sainyo," I said with bigger eyes while trying to replay the game inside my head. "Ang galing niyo naman palang magbasketball. Ang lagay na yun ay matagal pa kayong di naglalaro, paano pa kaya kung kasing dalas kayo ni Sir Yul maglaro."
Tumawa siya. "I told you he learned from me. I'm glad that you enjoyed." Tumikhim siya. "Ibig bang sabihin niyan ay may chance na mag- eenjoy ka na ring kasama ako?"
Tumingin ako sa taas at nag-isip. Well actually nag-eenjoy ako sa pagdiscover ng magagandang side niya. That's all.
"Sort of," maiksing sagot ko.
"Kung ganun pwede na ba kita yayain paminsan-minsan sa mga lakad ko?"
Nag-isip ulit ako. I want to refuse but I don't have the heart to disappoint him. "P-Pwede naman siguro basta ba hindi ako busy. Pero basta sasama lang ako kapag mga wholesome na lugar lang ang pupuntahan niyo."
He chuckled. "Huwag kang mag-alala starting today I'll only go to wholesome places."
"Talaga? Promise niyo yan?"
"Yes. If I keep this promise, papayag ka na rin bang manligaw ako sayo nang seryoso?"
Di ako nakaimik. Unti-unti akong kinabahan. Am I being deceived? Palabas niya nga lang ba ang lahat ng ito dahil meron siyang ibang intensiyon? Is Sir Yul being vindicated?
Tumingin siya sa akin at pagkuway biglang tumawa nang malakas. "I'm just kidding. Look at you. Namumutla ka na!"
Bigla ko siyang nahampas sa braso habang tawa pa rin siya nang tawa. "Grabe ka Sir Luigi! Pinakaba mo ako dun ha!"
He won't stop laughing while I keep sighing with great relief. Buti na naman at nagbibiro lamang siya dahil kung totoo yun, I don't think I can continue getting closer with him.
I won't allow any man to fall for me nor allow myself to fall for any man unless my annulment with Sir Yul is resolved. I'm yet to find the right person who will accept this hidden past of mine. Yung taong sa umpisa pa lang ay alam na agad ang buong katotohanan sa akin upang sa bandang huli ay walang may masasaktan nang dahil dito. Hindi ako magmamadali. Hihintayin ko ang tamang panahon at hihintayin ang tamang lalaki para sa akin.