YUL
May sinasabi sa akin si Stella but I have hard time understanding her words. Madalas ay napapatitig lang ako sa aking plato. Ayaw mawala sa isipan ko ang narinig kong pag-uusap nina Mr. Lee at Jewel. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ayaw na ayaw ni Jewel na makasal sa taong yun. He is such a disrespectful jerk towards her.
Naiipit ako ngayon sa gitna. Nahihirapang timbangin ang sitwasyon. Matagal na naming subcontractor ang Lee Con at naging maayos naman ang serbisyo nila maliban sa huling kapalpakan ng produkto nila. But if I were to continue our contract, Jewel will no longer be comfortable at work. Baka maulit din ang mga panghaharass at pananakot sa kanya ni Mr. Lee. Kung puputulin ko naman ang relasyon ng CGC at Lee Con, anong klase akong CEO na dinadamay ang negosyo sa personal na isyu ng empleyado niya?
One more thing to consider is Luigi. I already discovered that he's the one responsible for smashing Mr.Lee's car . Nag-imbistiga ako at nalamang kinutsaba niya ang isang tauhan sa security na idisable ang CCTV. This is an information that only the tops management knows and will remain secret forever. Para wala nang mas malalim pang pag-iimbistiga and to pacify Mr. Lee, kusa ko na lang na pinalitan nang parehas na model ang sasakyan niya. Ang inaalala ko na lang ay si Luigi. Knowing his stubborness baka bigla na lang niyang bugbugin si Mr. Lee kapag nagkita ulit sila.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging aksiyon ng pinsan ko. Kahit babaero siya, he never did crazy thing like this before. Ganito na ba katindi ang pagnanais niyang magpasikat sa babae ngayon? Mukhang palala na nang palala ang pagiging iresponsable niya.
"Love are you listening to me? Love!"
Nahinto ako sa paghihiwa ng steak. Tiningnan ko si Stella.
"What's wrong with you? Kanina pa ako nagsasalita dito pero lumilipad yang isip mo?" She seems very disappointed.
Nakangiting ibinalik ko ang buong atensiyon sa aking girlfriend. "Sorry Love, medyo may malaking desisyon lang akong pinag-iisipan ngayon."
"Ang daya mo naman. Akala ko ba may usapan tayong kakalimutan pansamantala ang trabaho kapag nagdi-date tayo. Gusto mo bang ganyan din ang gawin ko?" maktol niya.
"I know.I'm sorry. What were you saying again earlier?"
"I said my bestfriend in college is getting married soon. At kinuha niya akong maid of honor," muling excited na kuwento niya.
"I'm happy for her."
"Yeah me too. I can't believe she's marrying her first love. Alam mo bang napakaromantic ng kwento nila!"
"What's their love story?"
"College pa lang ay sobrang in love na yung friend ko sa mapapangasawa niya. At first it was a one sided love pero later on nadevelop din sa kanya ang guy. Back then, they almost had a thing pero naudlot yun nang biglang nag-abroad si guy at doon na nanirahan for good ang family nila. Etong friend ko matagal tong nakamove on kasi yung guy talaga ang first and one true love niya. But to make the story short, nakapag move on pa rin siya at tinanggap niyang hindi na sila muling magkikita. But just recently the guy came back to the Philippines and their path crossed again. Nagkataong single ang friend ko at single din si guy kaya ayun natuloy din ang naudlot nilang relasyon. Kanina lang ginulat niya ako sa balitang engage na sila. The wedding is rush dahil babalik na rin si guy sa America and the sad part on me ay susunod na rin ang friend ko sa Amerika para doon na rin manirahan. Kung gaano sila katagal nagkahiwalay ganun naman kabilis ang pagdedesisyon nilang magsama habambuhay."
Uminom ako ng wine. Nauhaw ako sa narinig kong kuwento. "Their story is sweet indeed."
Itinapat niya ang kanyang kamay sa mukha at tinitigan ito. "She showed me the picture of her engagement ring. It's so beautiful and it looks so good on her finger," she said admiringly while looking at her own fingers.
Muli akong napainom ng wine. Hindi naman ako manhid para di maramdaman kung ano ang gusto niyang iparating. I have no choice but to act clueless. Nahihirapan na rin ako na hindi ko maibigay ang bagay na matagal niya nang gustong mangyari. Ipinagdarasal ko na lamang na maayos namin ni Jewel ang problema sa lalong madaling panahon. Minsan ay natutukso na akong aminin ang totoo kay Stella. Hindi ako natatakot na iiwanan niya ako dahil alam kung sa bandang dulo ay maiintindihan niya rin ang sitwasyon ko. Ang kinatatakutan kong harapin ay ang makitang nasasaktan siya dahil sa nagawa kong pagkakamali.
"Love, meron akong dreas fitting this Saturday for that wedding. Pwede mo ba akong samahan?"
"Hmm... actually meron akong schedule na i-tour ang japanese client sa factory this Saturday pero subukan kong i-move ng Sunday."
"No way. Don't do that! Alam mo namang ayaw na ayaw kong magmumukha kang unprofessional sa ibang tao. Ano kaya kung yayain ko na lang si Jewel?" she said with brighter eyes.
My brows furrowed. "Why Jewel of all people? Wala ka bang mga kaibigan na pwede mong isama?"
She pouted. "Naku parang di mo naman kilala ang mga kaibigan ko. Magkikita lang kami ng mga yun pagmagpapayabangan ng mga bagong gamit. Besides, I like the personality of your secretary. Magaan siyang kasama. Less talkative but sensible. In fact, I really enjoy listening to her unique point of views in life. It is actually not bad being close to people from different class."
"Class? Like what class?" Medyo hindi ko nagustuhan ang ginamit niyang salita but I can't blame her. Lumaki naman talaga siyang puro mayayaman lang ang mga naging kaibigan.
"You know the ordinary people."
I shrugged. "Ikaw ang bahala. She has no work on Saturdays. Kung mapapayag mo siya, isama mo."
JEWEL
Ang bigat ng akap kong mga dokumento. Siyam na makakapal na folders ang pinakuha sa akin sa second floor. Ano bang meron dun ngayon sa floor na yun at parang aligaga ang mga empleyado? Wala man lang pumansin at kumausap sa akin sa kabila nang masiglang pagbati ko sa kanila.
Nakita ni Lorraine na di ko magamit ang aking mga kamay kaya pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Thanks."
Hinihingal pero maingat na nilapag ko ang mga documents sa table ni Ma'am Nora.
"Asan si Ma'am?" tanong ko. Pinapamadali niya ako kanina since she needs the documents as soon as possible.
"Nasa washroom. Mukhang masama ang pakiramdam," ani Joanna.
Bahagyang nalungkot ako sa aking narinig. Naapektuhan na rin siguro ang kalusugan ni Ma'am Nora sa dami ng kanyang mga ginagawa. Sinabayan pa nang madalas na pabago-bagong panaho. Mabuti na lang pala at sinisunod ko lagi ang payo ni Mommy na uminom araw-araw ng vitamins.
"Kumusta naman ang sitwasyon ngayon sa second floor?" Lorraine asked.
"Busy lahat ng tao. Wala nga akong makausap," kaswal na sagot ko. Bumalik ako sa aking mesa para mag dial sa telepono. I'll call the japanese restaurant to remind them of my reservation. Mamayang gabi na kasi ang meeting ni Sir Yul with Mr. Takakura.
"Sir Yul revoked the contract with Lee Con kaya siguradong matataranta nga lahat ng tao sa second floor sa paghahanap ng bagong manufacturers."
Di ko itinuloy ang pagtawag dahil sa nadining kong sinabi ni Joanna.
"Y-You mean Jonjie Lee is no longer connected with CGC?" namimilog ang mga matang usisa ko. Nagising bigla ang aking dugo. Mistulang nabalitaan kong nanalo ako sa lotto.
"Yes. Sir Yul released the memo this morning," Lorraine whispered. "Hindi sinasadyang nabasa ko nung binaba ko kanina sa second floor yung papel."
"But why did Sir Yul decide to end the contract?" tanong kong muli nang pabulong na rin.
"We have no idea too," bulong ni Joanna.
"Maybe the negotiation about Lee Con's request for price increase on their product was rejected," sabi ko. Hindi ako mahilig makipagtsismisan pero sa mga sandaling ito ay kating-kati ang dila ko na makipagkwentuhan.
"Baka nga. Poor Mr.Lee parang minamalas yata lately sa CGC," Joanna replied.
"Serves him right!" I exclaimed.
Napatingin sa akin ang aking mga kausap.
"Anong sabi mo? Natutuwa kang minamalas si Mr. Lee? May galit ka ba sa kanya?"
"Ha? Ah... ano ang sabi ko baka yung service nila isn't right. Tama!Baka napangitan na rin talaga si Sir Yul sa serbisyo nila. Ay oo nga pala may tatawagan pa ako!" Patay malisyang nag-dial ulit ako ng telepono. Ngingiti-ngiti habang hinihintay sagutin sa kabilang linya. Unti- unti na ring sinisingil ng karma ang mga Lee. I may be helpless now against them but it looks like fate has its own way to serve justice.
"Hello Ms Nadine," I said when finally someone picked up the phone. "It's me Jewel Gaviola from CGC. Ipapaalala ko lang ulit yung reservation namin mamayang 7pm. Thank you!"
Pagkababa ko ng telepono ay siyang balik ni Ma'am Nora sa mesa niya. Bahing siya nang bahing at namumula na rin ang ilong.
"Ma'am okay lang po kayo? Ikukuha ko po kayo ng gamot," nag-aalalang wika ko.
"I'm fine. Nakainom na ako ng gamot. Maya-maya lang wala na to." She got hoarse voice too.
"Ah Ma'am naremind ko na po pala ulit yung restaurant and okay na naman po. Mga 6:30 daw ay ready na yung isang private room nila."
"Good." Bumahing ulit siya.
Paano kaya kung lumala ang sitwasyon niya? May meeting pa naman.
Tumayo siya upang buhatin ang makakapal na folders na pinatong ko sa mesa niya.
"Ma'am ako na po!" sabi ko agad sabay tayo.
"C-Can you help me bring this to Sir Yul?"
"Sige Ma'am!" Ako na ang nagbuhat ng lahat ng mga folders. Sinamahan ko siya sa opisina ni Sir.
"Jewel put it there," turo niya sa centertable ng sofa set.
Inayos ko ang pagkakahilera ng mga folders sa naturang mesa.
"Sir Yul these are the profiles and proposals of other company na pwede nating ipalit sa Lee Con," she said to our boss.
Ah yun pala ang kinuha ko. I'm suddenly having fireworks display inside my head. Mukhang totoo nga na papalitan na ang Lee Con! Tuluy-tuloy pa rin ang tahimik na pagtatrabaho ko sa CGC.
"What's wrong with your face Nora? Are you sick?" puna ni Sir Yul.
"Wala to sir. Nakainom na rin ho ako ng gamot." She answered pero wala pang ilang segundo ay bigla siyang bumahing nang malakas.
"Uh-uh. You don't look good Nora. You better take a rest now. Umuwi ka na bago pa lumala yang sipon mo."
"Hindi pwede sir may meeting kayo mamaya kay Mr. Takakura. Kailangan samahan ko kayo," she strongly objected.
"Mas lalo namang hindi ako pwedeng magbitbit ng staff na maaring makahawa ng sakit sa napakaimportante nating kliyente."
Hindi nakaimik si Ma'am Nora.
Tumingin sa akin si Sir Yul. "You can speak Japanese, right?"
"Yes sir," sagot ko.
"Are you sure? How good are you in that language?" duda niya.
"I know the basic greetings and phrases they commonly use in daily lives."
"Kung ganun ikaw ang sumama sa akin mamaya."
"Ho?" Napanganga ako. Is he being serious? Isasama niya ako sa meeting ng VIP client? "Seryoso kayo sir?"
Istriktong tiningnan niya ako. "Mukha ba akong nagbibiro? I have no choice. The other two secretaries can't speak Japanese so you better be good at it. Huwag mo akong ipapahiya sa kliyente natin."
"Y-Yes sir."
Pagbalik sa mesa ko ay nanalamin agad ako. Nagmumura ang aking eye bags at dark circles dahil sa madalas na pagpupuyat. What shall I do? I'm not ready. Not even properly dressed. Simpleng brown slacks, blue long sleeve at flat shoes lang ang suot ko. I can't go to a very important meeting looking like this. I need the help of my mother!