webnovel

Chapter VII: Misery

Chapter VII:

It was a Saturday morning. Halos hindi ako makatulog kakaisip sa ginawa at sinabi ni freya hanggang ngayon. Para akong ewan na bangang kakaisip lalo na nung h-inali... ugh. Never mind. M-may session pa kami ngayong araw para sa music battle and I need to get some focus.

I took a bath, pack my things and eat breakfast. It was 5:00 a.m hindi ko na ginising si mama. Nagsimula na kong umalis at nakarating ako sa school for about 30 minutes away. 5:30 na exactly nakita ko na din ang iba na nag uusap usap malapit sa isang luxury bus. Totoo. Parang double decked bus na makikita sa london kaso itim.

Halos kumpleto na kami. Hinihintay nalang namin sina Xershie, zoe at yung kambal na sina luna at sola.

"Hey! good mo'nin" bugad na bati ni Xershie. Ngumiti ako at binati ko din siya. sa totoo lang jolly at makulit din tong si xershie, parang si fre... erase, erase, erase.

Ilang sandali pa nagsidatingan na din yung mga hinihintay namin. Bumaba sila mula sa kanilang itim na mga sasakyan. Iba talaga pag mamayayaman. Mahilig sa itim. Haha.

Sa totoo lang hindi ko pa sila kilala lahat kaya mukha mukha lang muna.

"alright we are complete?! So tara na kela president" at nagsisakayan naman kami. Pinauna ko na silang sumakay hanggang sa sumakay na din ako.

Ang lamig. Agad akong gininaw pagsakay palang. Napansin ko yung bus na sobrang spacious. Napunan na agad yung front seats kaya sa dulo ako umupo. Mag isa. Nilagay ko yung bag ko sa gilid ng upuan ko. Sa may bintana kasi ako pumuwesto. Grabe ang lamig talaga.

Naramdaman kong inistart na yung bus. Halos nangangatog na ko sa lamig, dapat pala nagdala ako ng jacket man lang. Sa totoo lang hinahanap ko yung parang maliit na electric fan sa ulunan ko kaso wala. Centralized yung aircon kaya wala akong magawa. Kakainis. Kahit anong kiskis ko sa kamay ko ayaw mag apoy este mag init. Feeling ko magkakahypothermia ko nito.

"too cold?" napatingin naman ako sa nagsalita. Si max na nakagray t-shirt at maigsing shorts. Yung jacket niya nakapalupot sa may bewang niya. Di ba nilalamig tong babaeng to?

Napatango nalang ako sa sinabi niya as I try to smile. Inantangled naman niya yung jacket niya sa bewang niya at inabot sakin. "here use mine" huh?!

"a-aahh... o-ok lang ako" nanginginig kong sabi. Dahil ba to sa lamig o hiya?

"I insist" pilit niya sakin. "can I seat besides you?" uhmm... bakit parang pakiramdam ko... ay di bale nalang...

Tumango ako sabay yung gamit ko nilagay ko sa paanan ko. Ganun din yung ginawa niya. "You know what ethan, dont be to bashful katulad sa mga ganitong sitwasyon" uhmm...

Let me remind you Vice president ka ng Music Club, Nasa scarlet class ka tapos ako nasa brown class. ibig sabihin mayaman ka, mahirap ako in short. Nakakahiya para sa isang tulad ko na gumamit ng gamit ng iba lalo nat sa isang mayaman pa.

"gamitin mo na. Its alright" ngumiti siya sakin sabay nilabas niya yung parang comporter ata to. Ang laki e. Binalot niya sa katawan niya. "ayan meron na din ako. So okay na?! Kaya sige na gamitin mo na yan" napahawak nalang ako sa jacket niya na nasa lap ko. Sa totoo lang nakakahiya padin. Pero ginamit ko na din. Mga ilang segundo lang halos mawala yung pakiramdam kong malamig dahil sa kapal at lambot ng yari nito. parang galing ata to sa balihibo ng polar bears e.

"May I ask you something?"

"sure. A-ano yun?"

"do you have a girlfriend?" para naman akong nabulunan sa sinabi niya na yun. H-huh?! B-bigla namang nag pop up yung mga sinabi ni Freya kahapon sakin. Uhmm...

"h-huh?! W-wala... wala akong g-girlfriend. Bakit mo naman naitanong?" bigla bigla nalang kasing nagtatanong ng ganito. Di ako prepared oy!

"that's great. Gusto kasi kita..." what!!

Freya POV

It was already 6:00 a.m of Saturday and I cant think of myself na nasabi ko lahat yun sa kanya. OMG!!!

Ano bang pumasok sa isip ko at nag confess ako ng wala sa oras! Nakakahiya! But it was a relief kasi atleast he knows na but... hayy... Freya Chloe Its a blessing in disguise bakit? Una dahil kung magiging kayo di kana ipipilit sa mark na yun. pangalawa, matagal mo ng kilala si ethan kaya yung lovelife natin si masigla. Haha arott!. Pangatlo, his lips are all mine. Speaking of...

As I touch my lips. Fudge cake choco buns. Totoo bang h-hinalikan ko siya?! Kyaaa!!! Ang sharap..

"Sweety are you alright?! Tili ka ng tili jan? Is there something wrong?" as mom knocking on my door. I stopped rolling myself in bed at sumagot

"n-no mom, I'm Okay! D-dont worry"

"Alright sweety. Breakfast is ready. Get down yourself okay?!" narinig kong umalis na rin siya. Ugh! P-paano to. A-anong dapat kong gawin?! Baliw ka kasi Freya ee. Aamin amin ka tapos ngayon aarte arte ka. UGH! Naiinis ako sa sarili ko.

Pero seryoso ano ba kasing pumasok sa utak ko at sinabi ko yung mga yun?!

Yesterday...

"Sweetheart me and your dad talk about you" napakunot naman ako. Huh?! About me? for what?

"para saan po?" I ask. Habang kumakain kami ng umagahan.

"about your future" f-future? Halos nabulunan ako sa sinabi ni mom.

"f-future k-ko?" I tried to compose myself. Kailangan ba talaga sa tuwing kakain ganito ang usapan talaga? Mom? Dad?. Seriously?

"yes sweetheart" mom replied. Para siyang nagaalala or what dahil sa reaksyon niya sa mga sinasabi din niya and its weird.

"Anak diba we talk about ethan right?" Dad join. O ano problema nila kay mahal? Di ba nila gusto si ethan ko para sakin? E panay magaganda naman sinasabi ko tungkol sa kanya ah!

I simply nod to them. "gusto mo ba talaga siya?" syempre. Since grade 3 pa kaya.

I nod to them as my answer to their questions. Sa totoo lang kasi hindi ko naman sa kanila sasabihin kung hindi ko talaga mahal si ethan ee. "well, we all know na you are already 15 and three months from now you will be already a 16 year old teenager" ay! Oo nga no. Tatlong buwan nalang pala. Halos masasabay sa vacation.

"freya anak. Sana maintindihan mo na this is for your own good" teka... teka... why am I feeling na there is something going on. Why is there something na odd about what they are trying to say.

"spill it mom" naiinip kong sabi. Nagtinginan naman sila bago si mom sumagot.

"we decided na baka si Mark is for you..." what! As I dropped my spoon on my plate.

"sweety anak its..."

"mom you decided for what my future is? And mark? That stupid..." as my dad cut me off. Nakakainis.

"dont ever say that. Mark is for you and that golddigger charlie is not for you" Ugh! Totoo ba tong mga naririnig ko mula sa kanila? They are deciding for what my future is? This is completely unfair.

Nakaka sira ng araw. All this time kaya pala they critized ethan everytime I opened up. Hindi ko alam ang sasabihin ko from what they are now. Im too dissapointed. Akala ko magiging maayos bago ko ipakilala si charlie pero nagkamali ako...

"I'm getting late now" nasabi ko nalang. Gusto kong magalit sa kanila dahil they are deciding for me. sila ang nagdedesisyon sa kung anong gusto nila para sakin. Nakakainis. Nakakainis talaga sobra.

As I walked out from dining at sumakay na sa kotse. Nakakainis. Hindi ko lubos maisip na kaya pala they always putting me away from ethan ay dahil kay mark.

Si mark na walang kwenta ang gusto nila for me. yung walang kwentang yun. Tsk. Ni wala nga siya sa kalingkingan ni ethan in terms of attitude. Oo he is wealthy. Fudgy cupcake wealthy pero hindi nababayaran ang pagibig ko. Wala sakin ang pera. Pinamulat nila ako sa ganun pero sa totoo katulad din pala sila ng ibang mga mayayabang na pera ang basehan ng lahat. Pera ang nagpapatakbo ng isang tao.

"ma'am. A-ayos lang po kayo?" Mang carlos tried to talk pero di ko siya sinagot. Im not on the mood. "ma'am sorry po pero ang masasabi ko lang po. Hindi sa lahat ng oras sinusunod ang isip, kailangan din natin paganahin ang damdamin upang matimbang natin ang tunay na kahalagahan ng isang bagay. Wala sa yaman o hirap, nasa kung paano natin ito tatanggapin" yup. Tama ka mang carlos. Kaya nga tayo binigyan ng damdamin upang bumalanse sa bawat mabigat na desisyon sa ating buhay.

"kaya po ma'am ngumiti na po kayo. Ilang sandali nalang po andyan na yung mahal niyo" napatingin ako sa rear view kung saan kahit papaano napangiti niya ko. Mas mainam pa atang si Mang carlos nalang naging tatay ko.

"Salamat" I mouthed

"walang anuman po ma'am" he replied happily. As we reach the school ay bumaba na ko at naglakad. Naisip ko na hintayin ko nalang siya dito para sabay na kaming pumasok. Ganitong oras kasi siya pumapasok kaya I'm sure mas nauna ko sa kanya ngayon. Marami rami na ding mga student ang nagdadaan sa harap ko hanggang sa...

"Problema mo?" nagulat ako sa sinabi niya. As I composed myself ngumiti ako at itinago ko lahat ng posibleng bakas ng kung ano man ang iniisip ko. Magaling kasi tong umalam ng problema. Daig pa ang babae sa paghinala at duda. Kinunutan ko siya ng noo at umiling as I replied. Napakamot nalang siya ng ulo.

Ayaw kong masira ang araw niya kaya hindi ko nalang sasabihin. Although lahat kasi ng problema ko siya ang takbuhan ko kaya sanay na din akong sabihin lahat pero this time I wont.

"tara sabay na tayong pumasok?... pero daan muna tayo sa locker may kukunin ako" yung couple ring na two years ko na atang tinatago don. At ngayon, ngayon ko na ibibigay sa kanya. Yes. Aamin na ko sa kanya. I know maybe its too early pero I have no choice. Kung hindi ko to gagawin hindi titigil sila mom na ipilit sakin yung walang kwentang yun.

Now we are on our way and suddenly a group of sweaty varsities are coming. Iww. They are all sweaty. Ang aga aga. Minabuting gumilid na kami ni ethan. They are scarlet class at ayaw na namin ng gulo. Pero mukhang sila gusto...

"Are you blind?! Huh?!" a same height as ethan. Nakagilid na siya pero binunggo pa din. Mga walang utak. Lalapit na sana ako baka kung anong mangyare sa kanya pero isang sira tutok ang humarang sakin.

"Alam mo sakin ka nalang miss" sabay kindat ng lalakeng to sakin. Blegh! Gusto ko masuka sa sinabi nito. nagpapatawa ata? Im not cheap katulad ng iba. Mandiri nga to sa mga sinasabi niya. parang tanga. Katulad ng team nila na balbal.

Iniripan ko yung lalake sabay nagtawanan yung mga lalake na to. Ano bang mga trip nito? miya miya nagulat ako sa ginawa nung lalakeng bumunggo kay ethan my loves sa isang lalakeng barkada niyang uto.

"Dont ever say that stup** word again. Bastard!" sabay tulak niya sa balikat at galit na naglakad sila palayo. Parang mga tanga to.

But wait...

Agad kong nilapitan si ethan. Baka may ginawa yung mga mokong na yun sa kanya. "A-ayos ka lang ba?". Napakunot naman siya sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko at napapakunot siya ng noo?

Tumango naman siya sabay pat ng ulo ko. Ano ko pusa? Yyiiee pero nakakakilig tong ginagawa niya hihi. "ayos lang ako" sabay alis namin.

After our morning class ay agad ko ng ginayak yung babaunan ko para sabay na kaming kumain. My favorite time in a day. Having lunch together with him.

"hoy! Babae ano na naman kinikilig kilig mo jan? Para kang tanga. Pupunta ka na naman siguro kay ethan noh? Asus" pambubuwiset ni melody. Eto talagang babaeng to panira ng moment ee.

"ee ano naman ngayon? Inggit ka lang e." Sabi ko Psh. Palibhasa kasi wala tong lovelife kaya naiinggit sakin.

"bakit naman ako maiinggit sa isang one-sided love? Aber?" pagyayabang nito. aba! Nakakainis na to ah. Naisahan niya ko ah.

"e-eh! Ano naman. M-mamaya magc-confess na ko sa kanya at magiging kami" ooppss...

"ayon, tayo na nagf-first move teh?" napakunot naman ako ng noo. Iiihh.. kainis.

"makaalis na nga... Tabi" asar kong umalis. Nakakainis talaga to kahit kelan. Minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko talaga to o ano e. Pero bago ko makaalis ng room namin isang salita niya ang nagpabawi sa kanya.

"Goodluck" hindi nalang ako lumingon sa kanya pero sa totoo lang napangiti niya ko. Ewan ko ba. Pero sana maging successful ako sa gagawin ko..