webnovel

Chapter VIII: Party

Freya POV

As I walked down the corridor ng brown class ay marami rami na ring mga student ang naglisaw lisaw, Hanggang sa makarating ako sa room ni mahal.

Syempre bago ako tuluyang pumasok kailangan maganda muna ko sa paningin niya kaya inayos ko yung sarili ko at yung uniform ko hanggang sa tuluyan na kong pumasok. Pero...

"Freya nasa urgent meeting ng Music club si Ethan." Sabi ni greg na may pagkasomething yung boses niya habang kumakain.

Uhmmm... bakit wala man lang text sakin kung ganun? Sayang pa naman effort ko mag ayos. Ano ba yan.

Pero syempre as his future girlfriend dapat matuto na kong unawin siya kasi kung hindi lagi lang kami mag aaway at ayaw ko yung mangyari. Advance ako mag isip ee.

I want to text him pero baka mapagalitan siya kasi kaya mamaya na nga lang. Kaya minabuti ko nalang na dito na din kumain kahit wala siya kasi nakasanayan ko na din. Hmmm... tutal wala naman siya...

Tumabi na lang ako kay Greg na tila ilang saglit na pahinto at tinignan lang ako.

Ang lungkot pala pag di ko kasabay kumain si mahal pag andito ko sa room nila,

Hayy... bakit pa kasi nagpatawag ng meeting ee. Kainis. Ilang saglit lang ay hindi ko namalayang patapos na kaming dalawa ni Greg kumain, habang nagkukwentuhan ng kung ano lang.

Sa totoo lang okay din naman tong si Greg kasabay pero tila iba siya ngayon..

Dahil din ba wala si Sofie? Hmmm...

Nga pala kumain na kaya yun? Baka matagal meeting nun? Ibibili ko kaya ng lunch sa cafeteria? Pero paano kung wala nang lunch sa cafeteria dahil anong oras na? Edi baka magutom si Ethan my loves tapos himatayin tapos ano na susunod... Kyaah! No!!

I know na lang. Im just gonna text him for what I have done then titignan ko kung pinakain na sila dun. Pag hindi ako magpapakain kay mahal. Rawrr.

Uhmm... totoong pagkain ah! Hindi yung nasa isip mo. Syado..

::Ethan May meeting daw kayo kaya im sure kumain kana dyan.. I hope nabusog ka::

If he didnt reply ibig sabihin kumain na nga sila. Ganun lang kasimple. Pero sayang yung effort ko talaga ee. I gonna make him mine na kaso wala pa siya.

hmmm... paano kaya ako mag poprose este magsasabi sa kanya?

Sa bahay nila? No. Baka isipin ni tita marg agad agad na introduce to the family ang peg. Although kilala na naman ako ni tita kaso as friend lang.

E sa amin...

wrong idea.

Habang papauwi mamaya?

Hmmm... ni hindi nga ako makapagkwento pag naglalakad kami.

Sa rooftop?

Hmmm.... pwede. Pero paano?

Uhmm... alam ko na.

Kaya naman tinext ko na siya. I have my Plan. My greatest plan na parang isa talagang proposal hihi. Ewan ko nalang pag di pa naging kami...

::Can we talk after class? Kita tayo sa rooftop. Hihintayin kita::

Ayan para may time pa ko para mag rehearse ng mga sasabihin ko. Medyo may kaba but mas malakas pa rin yung urge na masabi ko sa kanya yung damdamin ko. I know that this is unusual pero sabi nga, kung mahal mo sabihin mo wag mo na patagalin pa. ganun din naman e. Hihi.

After our class ay agad na nagtungo ako sa may rooftop holding my kodigo ng lahat ng gusto kong sabihin. Medyo malakas ang hangin at papalubog na din ang araw. Buti wala pa siya kaya naghintay ako sa may rails para makakabisa pa ko ng kaunti ng biglang...

"Freya!" nagulat ako sa tawag niya at yung "kodigo ko..." napabulong ko nalang ng linipad sa hangin. Hala! P-paano na. Gosh! Ang haba pa naman nun. Freya o-ok relax kaya mo yan. Ang lakas lakas ng loob ko kanina na mag tatapat na ko tapos ngayon ganito. Para akong nakaramdam ng sobrang panlalamig. Nakakakaba.

Ang tibok ng puso ko sobra na parang ewan.

Ilang saglit lang naramdaman kong nasa likod ko na siya kaya naman mas lalo ang kaba ko pero dapat di niya mahalata.. nakakainis naman. Inayos ko ang buhok ko at inipit to sa tenga ko. Hindi ako lumingon sa kanya kasi baka mahalata niyang...

"Ethan, tignan mo yung paglubog ng araw. Ang ganda no" nasabi ko nalang bigla out of nowhere. Weh?! Di nga freya seryoso ka? Yung paglubog talaga ng araw yung unang sasabihin mo?

Nakita kong napakunot ng noo siya sakin. Ayan freya jan ka magaling e. May palubog lubog ka pa ng araw na nalalaman.

Sinulyapan ko siya kung baka naiinis na ata siya sa sinabi ko pero bigla siyang namula? At iniwasan ako ng tingin. Kinilig ba siya? Fudge! Ang kyut niya!

"masaya ka ba?" panunuya ko. Pero parang lalo pa ata siyang namula.

"o-oo naman" may pakunot pa siya kahit anong pilit niyang itago. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Pero teka nga ano ba tong ginagawa ko. Hayy.. freya focus. Sabihin mo na sakanya wag na magpaligoy ligoy pa.

Ilang saglit pa ay tila hinayaan ko na ang puso kong magsalit para sakin. Freya this is it. You can do it.

"ang romantic tignan no. Ang romantic ng ganitong set up. Pinanunuod ko yung pinakamagandang moment ng mundo sa tabi ng taong nagpapasaya ng bawat bagong umaga ko" di ko alam kung saan nanggagaling yun but that is what exactly I want to say to him.

"freya?!..." he was nervously ask. But I smile like all the things are in place. This world is ours now ethan.

My love..

"Ethan, we've been together since... we are 3rd grade school. Naaalala ko pa nun sa bawat insulto nila sakin na kulot salot at sa tuwing umiiyak ako, you are there, Protecting me..."

"...since then we start our friendship. Hanggang sa mag 7th grade tayo until now. You are here. Everytime I needed you. Everytime i said andito ka agad sa tabi ko..."

"...ethan, I know that we are bestfriends. Best buddies to be exact.."

"I know na yun lang ang tingin mo sakin but... para sakin we are more than friends, more than partners. For me, we are far more than that..."

"everytime you care for me, everytime you make me happy and for everytime na andito ka sa tabi ko. I feel secure..."

"comfortable in times na palagi kitang nakakasama lalo na sa lunch breaks..."

"Charlie Ethan Natividad... alam mo ba kung bakit hindi pa ko nagpapasagot ng iba kahit na palagi mong sinasabi na sagutin ko na sila?"

"dahil saiyo... Ethan. You were the one I would love to say Yes because... I-I like you." and at last I said it.

Charlie POV

"do you have a girlfriend?" para naman akong nabulunan sa sinabi niya na yun. H-huh?! B-bigla namang nag pop up yung mga sinabi ni Freya kahapon sakin. Uhmm...

"h-huh?! W-wala... wala akong g-girlfriend. Bakit mo naman naitanong?" bigla bigla nalang kasing nagtatanong ng ganito. Di ako prepared oy!

"that's great. Gusto kasi kita..." nanlaki agad ang mga mata ko sa mga narinig ko from her.

"...gusto kitang ilagay sa singing category. E kaduet mo ko, Baka kasi magselos girlfriend mo, buti nalang wala kaya its okay naman pala ee. So ano okay lang ba saiyo?" tila bumalik ako sa wisyo ko after hearing her statements. Ilang segundo pa ang lumipas bago mag sink in lahat. Natameme ako sa sinabi niya.

a-akala ko kasi... bakit ba ang weird ngayong araw.

I nodded kahit totally di ko na intindihan mga sinabi niya. "great" sabay ngiti naman siya then she thinks out habang nilabas niya yung ipod niya at earphones. She starts scrolling in her playlist habang ako tila di ko na naramdaman ang lamig dahil sa tanong niyang O.A ako mag isip. Hayy... bakit naman kasi e. Freya naman ano ba tong tinanim mo sa puso este...

As I looked in my phone wala pa siyang text. It was an unusual lalo nat Saturday ngayon. Although alam na naman niyang umalis ako pero... hayy... ewan...

Bakit ko nga ba hinahantay text niya??..

Ang weird talaga...

As a minute by napansin ko na sobrang tahimik talaga ng mga to. Karamihan nagkukwentuhan pero di ganun kalakas.

Medyo malayo layo daw kaya minabuti kong magheadset na lang. Napalingon ako kay Max at eto natutulog na pala. I lean my shoulders to be her pillow for the mean time. Halos mabali na kasi yung leeg ng babaeng to. Inayos ko at buti di ko nagising. Miya miya parang nagulat ako ng bigla niyang niyakap yung braso ko at inayos yung pagkakadantay niya. hala! Napagkamalan atang unan yung braso ko.

Hinayaan ko na baka magising pa. habang ako pinagmamasdan ko yung dinadaanan namin. Mala baguio ang lugar dahil mabangin? Nasan na ba kami at ganito ang daan kela president. Araw araw ba ganito ang dinadaanan niya?

Ilang oras pa ang lumipas ay nageenjoy na din ako sa mga playlist ko. The cab at maroon 5 ang mga soundtrack ng buhay ko. May pagkapunk pero pop culturist ata ako no!.

As the music of the Maroon 5 hits yung album nilang Song about Jane sobra kong feel talaga.. masasabi kong one of the best album.

Pinakabest song nila yung This Love.

Miya miya naramdaman kong huminto yung sinasakyan namin kaya napadilat ako. Ganun din si Max as she looked at me. later on narealize niya na she was embracing my whole arm. "S-sorry I-I didnt mean" agad inayos niya ang sarili at tila hiyang hiya. Naalimpungatan ata?

Hindi ko naman siya masabihan ng 'Its okay' kasi una baka isipin niya na sinamantala ko talaga yung pagkakaiglip niya which is hindi naman talaga, second is remember na isa siyang scarlet class kaya mas mataas padin siya sakin kaya naman ningitian ko nalang siya.

"Guys andito na tayo" As Fiora said na nasa harapan. Napantingin naman ako sa paligid hanggang sa nakita ko ang isang malaking gate sa harap sa gitna ng kagubatan? Yung totoo nasan na kami?

"Alright Musers pack your things. Susunduin daw tayo ni President" biglang sabi ni Max sabay tingin niya sa cellphone niya. kaya naman hinanda ko na yung mga gamit ko at kinandong ko. Isa isa na kaming nagsibabaan. Nag mouthed ulit si max sakin ng 'sorry daw' ngumiti ako at sinabihan ko siyang 'okay lang alam kong pagod ka'.

Pagkababa namin lahat ay nilibot ko ang mata ko sa paligid. Wala akong napansin kung hindi isang malaking hardwood two way gate may 10 feet ang taas, may maliit na pinto sa kanang bahagi and the rest panay puno na. May malawak ding pader na kung saan nababalutan ng mga vines na nagcompliment sa pagilid.

In short, parang yung gate lang na to ang nakatayo sa gitna ng gubat. Umalis na yung service na sinakyan namin at iniwan na kami rito. Medyo mainit init na yung pakiramdam ko...

Ay! Oo nga pala suot ko pa yung jacket ni Max. Hinubad ko ito at dali dali kong binigay kay Max.

"Max salamat ha!" nagtinginan naman samin yung iba na parang may kung ano. Napantingin di si Max sa kanila pero di nalang namin pinansin. Si Zayne at yung iba parang may mga ngiti na nakakaloko. May ano na naman ba?

"Your welcome" As she wrap it around on her waist at nagpunta sa maliit na pinto upang kumatok. Miya miya inakbayan ako ni Zayne sabay ngiti sakin.

"Well, you must be the luckiest Guy in our school now. Newbie" napakunot naman ako ng noo sa ibig niyang sabihin. "Pili lang ang nakakaclose niya kaya masuwerte ka, Nice" Pwede ko ba tong sikuhin sa mukha?

"Kung ano man yung tinutukoy mo hindi ako swerte okay?" sabay tanggal ko sa pagkakaakbay niya at nagmadaling maglakad dahil pinagbuksan na kami ng pinto.

Nang makapasok kami g-gubat padin yung sumalubong samin pero this time may tila cobblestone pathway at maraming lamp post sa bawat dadaanan ng mga golf cart na nakaparada sa gilid. Yung totoo gaano kalawak tong bahay ni President? O baka wala pa kami sa bahay? Kaya pala mag iisleep over dahil kung uwian kami madaming masasayang na oras sa byahe palang.

Maraming golf Cart ang ginamit namin dahil apatan lang to kasama driver. Seventeen lang kami kaya tatlo sa bawat cart hanggang sa kami ni Max ang natira sa huling cart. Siya yung nasa may harap ako yung nasa likod.

Yung mga Graduating class ay di na sumama dahil madami daw silang gagawin. Pinaubaya na naman daw nila kay President kaya alam nilang makakaya namin.

O diba sobrang Supportive..

Ilang minuto pa ang lumipas ng isang malawak na parang garden square yung hinintuan namin. Napahanga nalang ako sa sobrang lawak at laki ng harapang bahay ni President. Takte may malaking fountain pa at sa paligid naparang plaza, may mga halaman na ginagarden ng mga nasa 1,2,3,4,5,6... 20 na tao? Yung iba nagtatabas yung iba nagaayos ng mga bulaklak at yung iba nagwawalis. Wala na kong masabi sa yaman niya.

Lalo pa akong walang nasabi sa nakita kong bahay... mansion?... o parang palasyo? Sa sobrang laki at ganda nito. may mga tore pa at matataas na mga bintana at pillars. Nagtungo kami sa harap ng pintuan na parang gate sa laki. May mga nakahelera sa magkabilang gilid na tig pitong mga nakaitim na uniporme at puting apron. Dont tell me na mga maids ang lahat ng to?.

Sa gitna nila ay isang nasa 40's ang itsura at nakasuot ng suit and tie. Daddy siguro to ni President?!. "Welcome to Vallencourt's Manor. Master Ashley is waiting at the hall. Please follow me" bugad na bati ng lalake. Ganun din yung mga maid na yumuko habang dumadaan kami. Sila naman parang mga sanay na sanay na sa ganitong pagbati at tila mga senyor at senyora na naglakad papasok.

Ethan nagmumukha na naman tayong ignorante nito e.

As we enter the house. Okay guys pack up na nagkakalokohan na tayo sa laki ng mansion ni president. Napa 'wow' nalang ako nang pabulong dahil sobra na to. Pagpasok kasi namin it was a huge, vast lobby. May isang hagdanan na malaki na paakyat sa second floor tapos kakaunti ang mga furniture. Panay paintings and sculptures ang nakadisplay sa paligid.

Alam mo yung tipong dance hall sa mga fairytales? Wala yun dito..

Nakita naming bumababa si President as she was smiling at me... us, us sabi ko. Compliment na compliment siya dito sa bahay grabe. Kahit nakapambahay lang. T-shirt at short na may one inch above the knee. Napakapino ng lakad niya as she was stepping down. Parang prinsesa in modern times si president.

"Master Ashley nakahanda na po yung mga kwartong tutulugan ng mga kaibigan ninyo" nakayukong sabi nung lalakeng may suit and tie. Teka... master? So meaning hindi niya to tatay? Kasambahay din to pero kung makaporma. Trip nito sa buhay?

Nagulat ako ng biglang may kumuha ng bag ko sa kin. Aba! Importante to sakin. Nakita ko din na ganun din yung ginawa ng ibang maid sa kanila pero wala silang reklamo. Kaya naman binigay ko na din yung akin. Buti kaming dalawa lang ng maid na to ang nakakita.

Taee.. kahiya!

Pagkakuha naman niya ng bag ko ay sabay abot ng susi sakin. May number 251 na nakaukit sa hawakan. Hotel ba to? May paganito ee.

"Tiyak na nagutom kayo sa biyahe. Nagpahanda si Master ng makakain. Halika na po kayo sa dining hall" at sinundan na namin yung lalakeng nakasuit and tie hanggang sa...

"seryoso dining hall lang to?" napabulong ko sa sarili ko. E halos buong bahay na namin ang laki nito ah! Pagpasok namin isang mahabang lamesa na puno ng pagkain ang nakahain at maraming mga upuan kung saan mga nasa tig sampu magkabila tapos yung nasa gitna ay dalawa na mas malaki ng kaunti kesa sa sampung upuan. Parang ganito yung mga upuan ng mga hari at reyna sa pelikula e. May ganito din pala talaga sa totoong buhay?

May mga nakatayong maid din na sa bawat pagitan ng mga upuan at may mga kanya kanyang hawak.

Yung totoo ano bang klaseng yaman meron si president?!

Prinsesa ba to?