webnovel

Definition

"Ma'am Kyla!" , tawag ng isa pa naming kasambahay na si yaya Fe.

"Yes?" , sagot ko habang pinatutuyo ang buhok ko sa hair blower.

"Ma'am." salita nito habang papalapit sa akin.

"Ma'am andiyan po si Ma'am Quintonette." , aniya nang makadating sa aking kinauupuan.

"Si Mommy?!" , tanong ko't dali-daling lumabas mula sa aking kwarto. I saw her at the gate carrying her luggage.

A sudden tear streamed down onto my cheek.

"Mommy!" , I called and took more steps nigher.

"Ky!" she responded and gave me an impenetrable hug.

After those inseparable moments, we went inside to pellucid my prying. I told her about what I already knew and asked her more about the reason.

"Nak, pasensiya ka na." , sambit niya ng may malumbay na tono kasabay ng pagdetalye niya sa katotohanan.

"We just want you to have a comfortable life without any hesitations bothering you dahil bata ka pa noon. Your step-dad Dhayzon Tarazona is my legal husband. As I told you before, maayos ayos naman ang buhay namin noon, hanggang sa mabalitaan kong nalulong na pala sa ilegal na droga ang daddy Dhayzon mo at inubos lang ang perang pinapadala ko galing sa Scotland dahil din pala sa kakasugal niya. Ni hindi ko alam kung may panahon pa siya sa mga kuya mo na napakabata at maliliit pa lamang noon. Ni hindi ko nga alam kung nakakakain sila ng maayos, nakakatulog, o kung ano mang pakiramdam nila habang wala ako sa piling nila. Wala akong magawa dahil hindi rin ako makauwi ng Pilipinas dahil wala akong sapat na pera, lahat ng pera ko, ipinapadala ko sa kanila na napupunta lang pala sa maling kamay. Galit na galit ako sa sarili ko noon dahil wala man lang akong magawa. That night, inimbita ako ng kaibigang nakilala ko doon sa Scotland na Pilipina din, hinikayat niya akong maglibang muna kahit papano para mabawasan ang sakit at pag-aalala na nararamdaman ko sa mga panahon na 'yon. Pumayag ako, at nang dahil sa kalasingan, nakagawa ako ng kasalanan. Nagising na lang ako sa isang kwarto, kasama ang totoo mong ama na si Cameron Nailor. Tumakas ako dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko-"

Bigla na lamang bumuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata kaya hinaplos ko ang likod ng aking ina. I thought I was prepared to hear these words but as my mom said them out loud, the reality became more vivid, I felt more sinister. The numbness in my heart and the lump in my throat made it impossible for me to speak a single word.

"-hindi ko alam ang sasabihin ko sa step-dad mo habang papalaki ng papalaki ang tiyan ko. Bente-tres pa lamang ako non. Patawarin mo 'ko anak, sinubukan kitang ilaglag sa mga panahon na 'yon nang dahil sa takot, pero naalala ko ang tinig ng mga kuya mo na may kagustuhang magkaroon ng kapatid na babae. Nang makapag-ipon ako ng sapat na pera, pinaayos ko sa pinagkakatiwalaan kong tao ang mga dokumento, papeles at pasaporte ng mga kuya mo at pinawalang-bisa ang pagkakakulong ng step-dad mo. Kasabay non, pinapunta ko sila sa Scotland para doon na lang magsimula ng bagong buhay kasama ka. Tinanggap ka ni Dhayzon bilang anak lalo na't nagkasala siya bilang ama at hindi nagampanan ang tungkulin niya sa mga kuya mo noong napasama siya sa masamang bisyo. Sa ganoong paraan, bumawi siya at minahal niya tayo lahat ng todo, at upang mapatunayan 'yon, nagsumikap din siya hanggang sa makapag-ipon siya ng napakalaking pera upang maitayo ang paaralan niyo, ang Tarazona Trespaderne Academy & College."

After my mom said those words, para akong nabunutan ng tinik. Kinuwento ko din kay mommy ang mga sinabi sa akin ni Andy.

"Sa pagkakaalam ko, matagal ng wala si Cameron."

"Ano hong wala?" , tanong ko kay mommy.

"Naaksidente siya, eight years ago from now."

I felt too much shock after mom uncorked that sentence from her mouth. D-does that mean Andy was just lying to me all of the time? What was her real intention? W-why does she keep ruining my life for no reason? Or maybe she had, but still not telling me . . . . .

...

Shockzzz, I really need to go in the comfort room right now! Fortunately, there was a comfort room near this floor that I'm actually standing onto.

WHAT.

THE.

F*CKING.

HECK.

Meron ako ngayon?! Napaaga yata. My period should be on 24, pero 15 pa lang ngayon?! Sh*t, anong gagawin ko? Wala akong dalang extrang napkin. The store is on the ground floor, pero 'pag naglakad ako papunta don, baka matagusan ako! The heck, I'm stucked here inside this cubicle on the 4th Floor! Wait, I must call ate Ulkushi, baka pwede niya akong pagdalhan dito.

"We're sorry; you have reached a number that has been disconnected or is no longer in service. If you feel you have reached this recording in error, please check the number and try your call again."

Argh. Anong gagawin ko?! How if i-call ko na lang si kuya Khenjie?

"Hello." , sagot ni kuya sa tawag ko.

"Kuya, please please please as in super duper mega ultimate please, dalhan mo 'ko ng napkin sa 4th floor comfort room, pang-huling cubicle." , pabulong kong sabi sa kaniya.

"Sorry, prinsesa ko, nasa guidance room kase ako ngayon kasama sina Klai tsaka Von, may inaayos lang. Hindi kami pupwedeng tumakas dito. May task kami na ipinangako kay Mrs. McAdams, kung gusto mo, i-text ko nalang number ni Y, hindi naman busy 'yon."

"T-te-teka kuya, huwag na! 'Wag na 'wag, please!!! Nakakahiya!!! Please lang!!! Hello? hello? Kuya? Hoy, hello?!" , at tuluyan niya na pala akong binabaan ng telepono. This time, I have no choice than to call him. As I saw his number appeared from my brother's text, I could feel my heartbeat bounce out loud.

"Hello?" , then there was him, he answered my number even if it is unknown. I was wondering if papayag siya. But I really really really need to do this.

"Y? Si Kyla 'to." , lakas-loob kong pilit na pagsasalita.

"Hmm? Napatawag ka?" , sagot niya. As I hear his perfect voice, it made me more even nervous to say a word or to face him.

"Ano kase eh, si kuya may inaasikaso that's why he gave your number to me. Alam kong nakaka-ilang pero, I really need napkin pad right now."

F*ck, sinasabi ko ba talaga 'to sa kaniya?! Sobrang awkward nito besh! Pero kailangan ko talaga eh. After I told him what was it about, I didn't expect his response.

"Sige, sige. Saan ka ba?"

My heartbeat bounce louder.

"4th floor comfort room, the last cubicle." , sagot ko.

...

"Kyla?" , tinig mula sa isang tao na pumukaw ng pandinig ko.

It's Y. He bought me a napkin pad and even enter the ladies' comfort room for me. He handled the pad above the cubicle's door and heard his steps as he went outside to wait for me.

"Thank you ulet, Y." , pasasalamat ko habang kami'y naglalakad na sa may hagdanan.

"Always welcome, baby."

What?! Did I just hear him call me baby or do I have a hearing problem?

"B-baby?" , tanong ko.

"Masanay ka na, baby face ka kase. Makinis, sexy, tsaka maganda." , sambit niya tsaka hinawi ang buhok ko mula sa tainga.

"Y, I'm begging you please. Stop kidding."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." , sagot niya at ngumiti.