webnovel

Seven Days Before the Temptation ; Being Emotional To Him

Interviews, movies, and film-makings went smoothly good. Except for this thing that I sacrify the most just to survive.

"It's kinakatakutan! Not kinananatuka!" , pa-ulit ulit kong turo kay Uichi.

"Ok, fine. Kitatanakunat." , sagot niya.

Dalawang oras na akong nag-tututor sa Mr. Masungit na 'to pero sakit lang ng ulo ang nakukuha ko.

"Argh. Let's just move forward to the next word." , I insisted.

"Say, kaakit-akit." , dugtong ko.

"Kaakit-akit."

"Good." , puri ko. Hay salamat, nagkaroon din siya ng tamang pagbigkas.

"What does that mean?", tanong niya.

"It means attractive." , I answered.

"Kaakit-akit ka, Kyla." , banggit niya na ikinagulat ko. Alam niya pala ang meaning ng "ka", hm?

"Kaakit-akit ka sa kabaligtaran.", dugtong niya. Sh*t, 'pag tinuturuan ko parang walang alam, tapos 'pag dating sa kalokohan mukha nang makata. Tsk.

"If you keep showing that annoying attitude, I'll quit for this!" , reklamo ko.

"Go ahead, no one is missing you." , pang-aasar nito na naging puno't dulo ng aming satsatan at bangayan maghapon.

...

"Oh ba't nakabusangot ka diyan?" , tanong ni kuya Khenjie.

"Eh kase naman, kuya! Ba't ba kase ibang iba ang ugali ng Uichi na 'yon kay ate Ulkushi, hah?"

"Oh, relax ka lang Ky. Heto, inom ka muna ulit ng gin ko para ma knock down ka at makalimutan mo 'yang problema mo." biro ni kuya Klaimoz na inilapag ang gin sa lamesa na nasa harapan ko.

"Tumigil ka nga diyan Klai, sira-ulo ka talaga. Ha-ha-ha." , sambit ni kuya Kivon na inalis sa harap ko ang gin na inilagay ni kuya Klaimoz.

"Tsaka, under age ka pa, Ky. Bawal na bawal 'yan sa'yo." , pangangaral ni kuya Khenjie.

"Ehem. Hindi na 'ko magiging under age noh. 7 days na lang before my birthday at isa na 'kong ganap na—"

"Hoy, hoy, hoy, babae. Tumigil ka diyan, kahit na maging 18 ka na o maging gurang ka pa, hinding-hindi ka iinom o titikim ng kahit anong alak. Kababae mong tao, aba." , pamumutol ni kuya Khenjie sa aking pananalita.

"Naksss, d'best kuya, ah?" biro ni kuya Klaimoz kasabay ng aming pagtawa.

"Do you know laughing too much can be bad for health?", dada ni kuya Kivon.

"Do you know too much intellegence can be a cause of death?" , birong muli ni kuya Klaimoz.

Wala nang mas sasaya pa tuwing kasama ko sila; the laugh, the love, the care, the joy, and the integrity.

...

Today is a relief, Andy is absent today. Finally, wala ng bruhang pumuputak sa 'kin para sa mga walang-kwenta niyang dada dito sa TTAC. As a matter of fact, hindi ako sanay na wala akong tinataasan ng kilay, tinatarayan, at inaaway na Andy Rymer ngayon. Tsaka isa pa, gusto ko siyang kuwestyunin tungkol sa pagsisinungaling niya sa 'kin. What's her real motive? though whatever it is, I'm not afraid on you, freak.

Thus, all I've been doing today is thinking about Y. Speaking of him, there he was--walking closer to reach me.

"Hi, baby." , tawag nito sa akin. Really? Is he officially calling me baby now?

"Y, please stop. Baka akala nila may malisya." , sagot ko.

But he just stared at me.

"Please, I'm dead serious." , dugtong ko.

Suddenly, he pressed me gently but unexpectedly against the wall resulting him leaning closer with his musky scent getting more intoxicating.

"Y, ano bang—"

"Shhh." , pamumutol niya sa pananalita ko. Ano bang nakain nito?! The sexy imagination of what's going to happen next engulfed my thoughts. For some reason, my heart started thumping wildly against my chest.

"Huwag kang gagalaw, may ipis sa ulo mo." , sambit niya.

"Ipis?!?!" , tanong ko at biglang sumigaw at tumalon-talon nang dahil sa takot.

"Hey. Chill. I'm just joking. Ha-ha-ha." he said and laugh.

"Ang cute mo palang matakot, 'noh?" , he stated again that's why I pushed him on his chest.

"Nakakainis ka! Hindi talaga kita isasama sa 18 Roses sa debut ko! Tsk."

"Edi isama mo na lang ako sa mundo mo.", banat niya.

"Tumigil ka nga diyan! Hindi mo alam kung gaano ako kiligin kapag nakikita at nakakasama kita. Tapos ngayon?! Bigla kang hihirit ng mga ganyang salita? And lately! Tinawag mo pa akong baby! Hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa kokote mo simula nung biglaan mo 'kong tinawag na ganun! Tapos ano?! Hinikayat mo 'kong sumama sa lakad niyo nina kuya! Pinagdalhan mo pa 'ko ng napkin! Pinahiram mo pa sa 'kin 'yung hoodie mo noong isang araw! Pinagtanggol mo 'ko sa mga ungas na pinag-tripan ako noon! Ikaw ang dahilan ng pagngiti ko! Boses mo pa lang, nanginginig na ako! Ano, masaya ka na ba?! Kase nalaman mo na lahat ng 'to! Ikaw laman ng utak ko bago ako matulog at kahit pa sa paggising ko! See? I'm f*cking dead serious and I mean it! Kaya please! Tumigil ka na sa pagbibigay mo ng motibo sa salita man o sa gawa mo kase alam kong hindi ako 'yung gusto mo! Tapos 'pag lalo akong nahulog sa kabaitan at kagwapuhan mo, hindi mo din naman ako sasaluhin 'di ba? Kaya please stop making me blush when you know at the end I don't even matter to you! Walang tayo, Y! So don't you give me those moves and hits when you know to your self that you were just making fun of me!" , sagot ko nang dahil sa bugso ng aking damdamin. Palagi na lang siyang ganiyan, papakiligin ako bigla and this time! I can't handle this anymore! Punong-puno na ako ng mga katanungan. Alam ko naman na hindi ako 'yung gusto niya. In fact, wala akong karapatang magreklamo but I don't want to be stupid like before, gusto kong maging handa. After I said those words, I don't want to see how will he react. I don't want to see how will he reject me. I don't want to see how he will be turned off by my manner. I don't want to see what will be his respond, and I don't want to see him staring at me with my ridiculousness. As a result, I ran away from him.

Tell me, am I weak for being a coward in rejection and in pain? Or courageous enough for exhaling what I really feel to him?

oR aM I bEinG crAzY?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

-being crazy in love with him.