webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Zu wenig Bewertungen
165 Chs

Sasaktan Mo Lang Lalo Ang Sarili Mo

Nang magising si Lin Che kinabukasan ay parang sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Pilit niyang inalala kung ano ang nangyari kagabi pero nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa init ng araw at naramdaman niya ang ulo niya na nakaunan sa braso ng isang tao.

Medyo natandaan na niya ang mga nangyari at nang pumihit siya ay nakita niya si Gu Jingze na nakahiga sa tabi niya.

Nakatulog pala siya sa mga bisig nito…

Agad naman siyang napatingin sa kanyang damit at nakahinga nang maluwag nang mapansin niyang suot niya pa rin ang damit niya kahapon.

Pero, hindi pa niya maalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Samantala.

Dahan-dahang iminulat ni Gu Jingze ang mga mata.

Napasimangot siya kaagad dahil nagsisimula na namang maging malikot itong babaeng katabi niya.

Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi tapos ngayon, iistorbohin na naman siya nito. Hindi na maipinta ang kanyang mukha.

Nang maramdaman ni Lin Che na nakatingin sa kanya si Gu Jingze ay nagmamadali siyang bumangon at lumayo mula sa braso nito.

Napakamot siya ng ulo, at pagkanaka'y nagtanong, "Pasensya na. Lasing na naman ba ako kagabi?"

Tinitigan lang siya nito nang malalim. Parang sinagot na nito ang kanyang tanong sa pamamagitan ng pagtitig nito.

Nahihiyang tumayo si Lin Che, "Pasensya na talaga. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Wala naman akong ginawang hindi maganda kagabi, di ba…"

"Nakalimutan mo lahat?"

"Oo…" Totoong wala siyang natatandaan ngayon.

Wala siyang alam kung ano ang ininom niya kagabi. Matamis iyon pero matapang ang halong alcohol. Pagkatapos uminom nun ay wala na siyang ibang maalala.

Sumagot si Gu Jingze, "Hinila mo ako papunta rito at pinilit akong mahiga sa tabi mo. Gusto sana kitang iwan mag-isa rito pero nagagalit ka. Nang dahil sa'yo, nakatulog tuloy ako nang hindi pa nakakapaglinis ng sarili."

"Huh?" Hindi makapaniwalang napatingin si Lin Che kay Gu Jingze.

Kung titingnan ito ay parang wala naman siyang ibang ginawa. Nakaupo lang ito sa kama suot ang gusot-gusot na coat.

Namula ang kanyang mukha, "Sorry… Hindi ko naman sinasadya na…"

"Hindi ko alam na nagiging mapusok ka pala bigla kapag nalalasing ka. Pinipilit mo pa ngang maghubad sa harapan ko dahil gusto mong may gawin tayo."

". . ." Ayaw niyang maniwala na magagawa niya iyon.

Pero kung titingnan si Gu Jingze, napakakisig nito at nakakaakit. Madali lang nitong matutukso ang sinumang babae dahilan para mawalan ng control sa sarili. Marahil nga ay sobrang lasing siya kagabi at wala na siya sa matinong pag-iisip. Baka totoo ngang ginawa niya iyon?

"Sorry sorry… Ano… Wala naman akong ginawa sa'yo, di ba?" Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang dibdib at nag-aalalang tiningnan si Gu Jingze.

Humikab naman si Gu Jingze. "Mabuti na lang talaga at naharangan kita. Dahil kung hindi, hehehe, ewan ko na lang kung paano mo ako haharapin ngayon."

"Sorry talaga… Kung ganun… Kung ganun pano ako makakabawi sa'yo?"

"Huwag na. Sapat na sa'king pambawi mo kung hindi ka gagawa ng kahit anong gulo sa labas araw-araw."

". . ." Nahihiyang tiningnan ulit ni Lin Che si Gu Jingze. Pinanood niya itong bumaba mula sa kama habang siya naman ay nakaupo pa rin at pinapagalitan ang sarili.

Sinabi na niya sa sarili dati na hindi na siya gagawa ulit ng kahit anong kahihiyan pero heto na naman siya ngayon!

Binuksan ni Gu Jingze ang pinto ng banyo at nilingon si Lin Che na patuloy pa ring nakabusangot.

Mukhang wala nga talaga itong matandaan.

Nang hapon na ay nakita ni Chen Yucheng si Gu Jingze na papasok sa loob ng kanyang clinic. Nasurpresa siya sa biglaang pagbisita nito. "Wow, President Gu! Ikinagagalak kong makita ka ngayon dito. Akala ko pa naman ay hindi mo na ulit ako dadalawin dito dahil nandiyan naman na si Madam sa tabi mo."

"Tama ka. Pakiramdam ko kasi ay wala ka ng silbi sa akin. Mas mabuti siguro kung ibang tao naman na ang tulungan mo. Ayoko namang maging makasarili para itago ka nalang dito habambuhay."

Kaagad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Chen Yucheng. Napangiti siya at lumapit kay Gu Jingze. "President Gu, sabi mo pa nga, parang tinutulungan ko na rin ang ibang tao sa buong mundo na may kaparehong sakit sa pamamagitan ng pananaliksik ko at paghahanap ng lunas. Pero sa ngayon ay wala pa akong natutuklasan kung kaya hindi na muna ako tumatanggap ng ibang pasyente. Masasayang lang lahat ng pagod natin kung ngayon pa tayo susuko. At isa pa, kahit na mayroon ka ng Madam, pwede ka pa namang lumapit sa akin para sa iba mong mga suliranin…"

Masama ang tinging nilingon siya ni Gu Jingze pero tinatamad itong makipagtalo sa kanya, kaya umupo nalang ito sa harap niya.

Tinanong niya si Gu Jingze, "Ano ang problema ngayon?"

Halata kaagad ni Chen Yucheng na may mali dito. Baka may iniisip na naman ito.

"Naisip ko lang kasi na parang ayaw ko ng makipag-divorce sa kanya."

"Huh?"

Ngumiti si Chen Yucheng. "Sabi ko nga ba eh. Ang totoo nyan eh, wala namang masama kay Madam. Siguro nga'y magkaiba kayo ng status, mga hilig sa buhay, paraan ng pamumuhay, at minsan naman ay hindi kayo magkasundo pero okay naman talaga siya."

Napatingin sa kanya si Gu Jingze.

"Masosolusyunan ba nyan ang problema ko?"

Napatuwid ng upo si Chen Yucheng at tiningnan si Gu Jingze. "Alam mong hindi ako ang makakalutas sa problema mo. Ikaw lang. Ang maitutulong ko lang sa'yo ay ang bigyang-linaw yang mga iniisip mo. Kung ayaw mong makipag-divorce, edi wag kang makipag-divorce. Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo?"

"Hindi ko lang kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw kong makipag-divorce."

"Ano ang mga rason na naiisip mo?" Naging propesyonal na ngayon si Chen Yucheng. Marahan at kalmado na ang kanyang pakikipag-usap kay Gu Jingze.

Sumagot si Gu Jingze, "Marahil ay nasanay na ako na nandiyan siya. Siguro dahil siya ang nag-aalok ng divorce kaya hindi ko matanggap na ganun nga. Baka pinagpapantasyahan ko siya…"

"Pantasya?" Halos lumuwa ang mata ni Chen Yucheng. Seryosong tiningnan niya si Gu Jingze, "Anong… pagpapantasya?"

Sinamaan na naman siya nito ng tingin. Halata naman na ang sagot eh, bakit nagtatanong pa siya.

Nang maintindihan niya ang mata nito ay bigla siyang tumawa.

Hindi naman natutuwa si Gu Jingze sa ginagawa niya. "Chen Yucheng, gusto mo na ba talagang matanggal sa trabaho mo?"

"Hindi hindi. Kung ganun, sinasabi mo ba na ikaw at siya ay… hindi niyo pa nagagawa yun?"

Nagdilim ang mukha ni Gu Jingze.

"Ayokong mas magkabuhol-buhol pa ang lubid na nakatali sa aming dalawa. Ayoko ring… makagawa ng mga bagay na makakasakit sa kanya para lang mapagbigyan ang sarili kong kagustuhan. Sarili kong pangangailangan iyon at hindi siya isang bagay na pwede kong gamitin kung kailan ko gusto, kaya hindi ko pwedeng gawin yan."

Sumagot ulit si Chen Yucheng, "Sa tingin ko po ay masyado mong tinitiis ang sarili mo; kung kaya nahihirapan kang pakawalan siya. Ano kaya kung subukan mong pakisamahan siya sa kung anong paraan mo talaga gusto. Baka sakaling mawala na iyang mga alalahanin mo."

". . ."

"Bakit? Ano bang ikinakabahala mo?" Muling tanong ni Chen Yucheng.

"Sa paraang yan, kung sakali mang pagbigyan ko ang sarili ko at may gawin ako sa kanya, hindi ba't parang sinasaktan ko na rin siya?"

"Tinitiis mo ang sarili mo dahil nag-aalala ka para sa kanya. Pero bakit ka naman nag-aalala sa kanya?" tanong ulit ni Chen Yucheng.

"Dahil…"

"Pati yan, hindi mo kayang masabi?"

"Oo…"

"Iisa lang ang choice na mayroon ka sa sitwasyon mong ito. Kung nag-aalala ka para sa kanya at ayaw mong masaktan siya, sasaktan mo lang din ang sarili mo. Wala kang ibang choice."

Hindi pa rin makapag-isip nang maayos si Gu Jingze.

Natapos ang kanilang pag-uusap at ang tanging napagtanto niya lang ay ang katotohanang hindi niya mahahanap ang sagot na hinahanap mula sa ibang tao.

Mabuti na lang at mukhang wala talagang naaalala si Lin Che sa mga nangyari kagabi.

Nang makauwi siya ay naabutan niya si Lin Che na may binubuksang karton ng package.

Naglakad siya palapit dito, "Anong ginagawa mo?"

"May nagpadala nito sa'kin at ang sabi ay kailangan ko raw itong makita. Hindi ko rin alam kung ano ang alam nito."