Nagitla si Lin Che. Parang hinahampas ng malalakas na alon ang kanyang buong katawan dala na rin ng mainit na apoy na nais pumasok sa kanyang buong pagkatao. Para bang may malakas na boltahe ng kuryente ang tumama sa kanyang ulo at dumadaloy iyon pababa ng kanyang katawan. Ang kanyang puso't katawan ay kanina pa binabayo pero mas lalo iyong nanghina dahil sa biglaang atake ng lalaki sa kanya.
Habang niyayapos siya nito ay damang-dama niya ang nag-aapoy na init na nagmumula sa katawan nito. Ang kanyang kamay ay nakapatong pa rin sa dibdib nito, pero gayunpaman, nakakatakot din ang init na lumalabas mula doon. Tuloy ay hindi niya napigilang isipin na para itong isang babasaging estatwa. Wala siyang lakas ng loob na hawakan ito at wala rin siyang balak na manlaban pa dito.
Palalim nang palalim at patindi nang patindi ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Para bang gusto nitong higupin ang buo niyang kaluluwa mula sa kanyang maliit na katawan.
Gayunpaman, parang kulang pa rin at hindi pa rin nakukuntento si Gu Jingze sa ginagawa. Animo'y isang gutom na tigre nitong kinagat nang buong lakas ang labi ni Lin Che.
Dahil dito ay napaungol sa hapdi si Lin Che.
Mabilis na tumulo ang mga dugo mula sa labi ni Lin Che. Ang mapait na lasa ng dugo ay mas lalong nagpadagdag sa nababaliw na huwesyo ni Gu Jingze.
Dali-dali niya itong inihiga at pumaimbabaw kay Lin Che.
Ang kanyang katawan ay sobrang init na para bang isang bolang apoy na nakakapit sa katawan ni Lin Che.
Hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang kamay ni Lin Che at inilagay ang mga iyon sa magkabilang gilid ng kama.
Ang kanyang sampung mahahabang daliri ay nakayapos nang mahigpit sa mga daliri ni Lin Che. Maya-maya lang ay pinakawalan na niya ang labi nito at naglakbay patungo sa ibaba.
Naramdaman naman ni Lin Che ang mas paninigas ng kanyang katawan. Ang kanyang mga daliri ay nakapulupot sa mga daliri nito. Nagsimula na rin siyang mangamba at maalarma. Ganunpaman, nabibigo pa rin ang kanyang isipan sa bawat halik na ginagawa nito sa kanyang katawan.
Bagaman ay hindi ito ang kanyang unang karanasan, damang-dama pa rin niya ang sobrang sakit.
Biglaan lang ang nangyari noong una. Kaya kapag naaalala niya iyon ay pakiramdam niya'y isa lamang panaginip ang nangyari sa kanilang dalawa.
Pero, sa oras na ito, damang-dama niya ang bawat detalye ng mga nangyayari.
Matagal na panahon na ang nakalipas mula nang unang beses siyang makaranas nang ganito. Pero pakiramdam niya ay muli na naman niyang nararanasan ang kalbaryong iyon. Sobrang sakit ng katawan niya na para bang niluluto ito sa naglalagablab na apoy.
Ilang sandali pa ang lumipas at pinakawalan na siya ni Gu Jingze. Pabagsak itong humiga sa kama habang hinahabol ang paghinga. Ilang minuto muna ang nagdaan bago ito lumingon sa kanya at nakita ang mga pasang naiwan sa katawan niya. Hindi ito sigurado kung dala lang iyon ng lagnat o kung sadyang namumula lang talaga ang kanyang mukha. Sa sandaling iyon ay mistula itong isang plants ana namumula dahil sa matinding init.
Sinabi nito kay Lin Che, "Uhm… maglinis ka ng katawan mo…"
Walang imik si Lin Che. Tumalikod lang siya bago sumagot, "Ayoko…"
Wala namang magawa si Gu Jingze. Pinakalma nalang muna niya ang sarili at tinapik nang bahagya si Lin Che. Pero, hindi pa rin ito kumikibo.
Kaya nasabi nalang niya, "Tutulungan kita," habang sinasabi iyon ay mabilis niyang kinarga si Lin Che.
Napatili naman si Lin Che. Ramdam niya pa rin ang init ng katawan nito pero hindi na iyon gaanong mainit katulad kanina.
Marahil ay naaasiwa lang siya dahil sa mga natuyong pawis na dumidikit sa kanilang mga katawan.
"Hindi ka magiging kumportable kung hindi ka maliligo. Halika na," sabi ni Gu Jingze.
Hindi umimik si Lin Che. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang paglapag nito sa kanya sa bathtub. Masyadong masarap ang temperature ng tubig na bumabalot sa kanyang katawan. Bago pa man siya tuluyang madala ng pakiramdam na iyon ay kaagad siyang gumising at kahit na pulang-pula ang mukha ay sinabi niya kay Gu Jingze, "Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko."
Lumukot naman ang mukha ni Gu Jingze at tumingin sa kanya. "Okay lang iyan. Ako na ang bahala. Wag kang malikot."
Habang sinasabi iyon ay pinaupo niya ulit si Lin Che at sinimulan na ang paglilinis sa katawan nito.
Iniwas naman ni Lin Che ang mata mula dito. Ipinihit niya ang ulo at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang dalawang kamay. Sa wakas, pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin si Gu Jingze sa paglilinis sa kanya. Napansin niya ang pagkuha nito ng bathrobe mula sa likod niya. At itinakip iyon sa kanyang katawan bago siya nito muling ikinarga at maingat ang mga hakbang na ibinalik siya sa kama.
Nakahinga lang nang maluwag si Lin Che nang makita niyang umalis na si Gu Jingze, marahil ay maglilinis din ng sarili. Kaya, mabilis ang kilos na tinali niya nang napakahigpit ang suot na roba. Sobrang pula ng kanyang mukha na para bang mamamatay na siya dahil sa init.
Hindi niya alam kung ilang oras o minuto na ang lumipas. Pero, hindi pa rin lumalabas pabalik si Gu Jingze. Si Lin Che naman ay nakatapis pa rin ng bathrobe. Wala siyang anumang naririnig mula sa banyo maliban na lang s amalakas na bagsak ng tubig. Hindi naman nagtagal nang mapagtanto niya na parang may mali. Agad-agad siyang napabalikwas at tumayo. Nang matiyak na maayos na ang pagkakasuot niya ng bathrobe ay nagmamadali siyang pumunta sa banyo.
"Gu Jingze? Hindi ka pa rin ba tapos?" Kumatok muna si Lin Che sa pinto. Pero, walang sagot. Medyo kinakabahang binuksan niya ang pinto.
Pero hindi niya inaasahan na makikita niya si Gu Jingze na nakahandusay na sa sahig.
Takot na takot si Lin Che. Mabilis siyang tumakbo palapit dito at sinubukan itong itayo.
"Gu Jingze, Gu Jingze, gumising ka…"
Hindi nga maganda ang kalagayan nito. Pero, saan ba ito kumuha ng lakas para buhatin siya't paliguan dito kanina?
Nang maalala niya ang nangyari ay hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Ganunpaman, wala siyang panahon pa sa ngayon para isipin ang nakakahiyang hitsura niya kanina. Hindi rin naman maganda kung tatawag siya't hihingi ng tulong mula sa mga kasambahay sa ganitong sitwasyon. Ang tanging nagawa na lang niya ay pilitin itong itayo habang nagkukumahog na maihiga ito sa kama. Pagkatapos ng paghihirap na maihatid ito sa kama ay inihiga na niya ito, binihisan ng damit-pantulog, at kinumutan. Tagaktak na ang pawis sa kanyang katawan. HInawakan niya ang noo ni Gu Jingze at napagtanto na tumaas na naman ang lagnat nito. Animo'y may sariling isip ang kamay ay dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Chen Yucheng.
Halata sa boses ni Chen Yucheng na kagagaling lang nito sa magandang panaginip. Nang marinig nito ang kanyang boses ay tinatamad itong nagtanong, "Madam Gu, ano na naman po ang nangyari?"
"Hindi na mabuti ang ganitong sitwasyon niya. Bigla nalang nawalan ng malay si Gu Jingze. Bilisan mo, pumunta ka dito't tingnan mo kung anong magagawa mo."
Sobrang takot na takot si Lin Che. Kahit kailan ay hindi pa niya nakita si Gu Jingze na ganito kahina.
Parang nawala na sa katawan nito ang lahat ng taglay nitong lakas. Habang pinagmamasdan niya ito na nakahiga ay para bang ilang sandali lang ay bigla na lang itong titigil sa paghinga.
Sa araw-araw na nakakasama niya ang lalaking ito, ang tanging alam niya lang ay napakalakas nito at nangingibabaw sa lahat ng nilalang sa mundo. Ang tindig nito ay para bang nagsasabi na kaya nitong gawin ang lahat. Pero, sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang lumala ang sakit nito ngayon. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung bakit ganito din siya kataranta ngayon.
Pinunasan niya ang mukha nito gamit ang maligamgam na bimpo na ibinabad sa malamig at mainit na tubig. Ilang beses niya iyong inuulit-ulit mula sa mukha pababa. Pinunasan niya ang mga braso nito, ang kilikili, pati na rin ang dibdib.
Habang wala pa si Chen Yucheng ay iyon lang ang ginagawa niya.
Tumigil lang siya nang dumating na si Chen Yucheng.
Pagkatok pa lang nito ng pinto ay dali-dali niyang binuksan iyon at lumapit. "Doctor Chen, bilisan mo na. Tingnan mo na siya at sabihin sakin kung ano ang gagawin natin."
Mahinahon ang mukhang naglakad papasok si Chen Yucheng at tiningnan si Gu Jingze. Batay sa pagbabago ng mukha nito ay masasabing hindi rin nito inaasahan ang biglaang pagtaas ng lagnat ng pasyente.
"Hindi ko lang talaga maunawaan. Bakit napakalaki ng itinaas ng kanyang lagnat? Ininom na ba niya ang gamot na sinabi ko?"
"Oo, uminom na siya nun pero walang epekto."
Kumuha ng ilang dugo si Chen Yucheng mula kay Gu Jingze. Pagkatapos ay kinabitan niya ito ng intravenous drip. Nang mapansin nito ang ice compress at bimpo na inilagay ni Lin Che sa gilid ng mesa ay napangiti si Chen Yucheng at sinabi, "Mukhang inaalagaan niyo ho nang maayos si Mr.Gu, Madam."
Nabigla naman si Lin Che sa sinabi nito, "Inalagaan nang maayos? Kung hindi ka pa nga dumating ngayon ay baka namatay na ako sa sobrang taranta't takot."
"Gusto ko lang naman ho kayong bigyan ng pagkakataon na magpasikat."
"Kung hanggang ngayon ay ako pa rin mag-isa ang nandito ay malamang sa malamang, namatay na si Gu Jingze."
Nagligpit na ng gamit si Chen Yucheng at lumabas. "Dito na lang ako sa labas maghihintay. Tawagan mo nalang ako kapag nagkaroon ulit ng problema."
Tumango naman si Lin Che at lumingon kay Gu Jingze. Hindi niya pa rin maiwasang malungkot.
Nang makaalis na si Chen Yucheng ay bumalik na siya sa tabi ni Gu Jingze. Maya't-maya ang ginagawa niyang pagcheck ng temperature nito.
Ilang oras pa ang nagdaan at unti-unti ng sumisikat ang araw.
Nang magising si Gu Jingze ay nakita niya si Lin Che na nakabaluktot sa gilid ng kama. Tiyak na nahihirapan ito sa posisyon nito ngayon.
Dahan-dahang gumalaw si Gu Jingze pero agad din namang naalimpungatan si Lin Che.
"Kumusta? Kumusta ang pakiramdam mo?" Nang makitang gising na si Gu Jingze ay agad na lumapit si Lin Che dito. "Kumusta, Gu Jingze? May masakit pa ba sa'yo?"
Sumimangot lang si Gu Jingze at tumingin sa kanya. "Nakaganyan ka lang ba buong magdamag habang natutulog?"
"Oo…" Pasimpleng pinunasan ni Lin Che ang bibig dahil akala niya'y tumulo ang laway niya kanina habang natutulog nang ganoon ang posisyon. Pero ang totoo ay hindi naman siya nahirapan doon.
Nakasimangot pa rin si Gu Jingze at minamasdan ang kanyang mga kilos. Napailing na lang sa sarili.
Nang magising na si Gu Jingze ay muling bumisita si Chen Yucheng at sinimulan na'ng suriin siya.