webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Zu wenig Bewertungen
165 Chs

Masama Ang Pakiramdam Ko

Napanganga si Gu Jingze.

Tama siya. Bagay talaga dito ang bikining pinili niya.

Hindi nakapagtataka na napakaganda nito sa suot nito na para bang isang sirena sa karagatan. Sapat na ang makintab nitong katawan para magliwanag ang mga mata ng sinumang nakakakita.

Nang mga sandali ding iyon ay maririnig ang mga paghanga ng mga turistang nandoon.

"Wow, sino iyon? Ang ganda ng katawan niya!"

"Para ano pa na pagnasaan niyo iyan; may nagmamay-ari na diyan. Sige ka, tumingin ka pa nang hindi ka na makakita pa sa susunod."

Sinundan ng tingin ni Gu Jingze ang pinagmulan ng mga boses na iyon at nagdilim ang kanyang mga mata. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya kay Lin Che.

Hindi naman kasi talaga gusto ni Lin Che na suutin iyon pero nang maisip niya kung gaano kadami ang naggagandahang mga babae na nasa beach at nang maalala niya rin ang mga mata ni Gu Jingze na umaasa nang araw na iyon, napagpasyahan niya na magsuot ng isang pares ng bikini na alam niyang magugustuhan nito.

Paglabas niya pa lang ay nakita niya kaagad si Gu Jingze na nakasuot ng swimming trunks.

Ang matitigas nitong muscles ay lalong tumingkad mula sa sinag ng araw, malulusog at nag-aanyaya. Napakaganda ng pigura ng katawan nito dahilan para mapasunod ang mga mata ng sinumang madadaanan nito.

Mabilis na nakalapit sa kanya si Gu Jingze, hinawakan siya at dinala pabalik sa villa.

Nagtatakang nagtanong si Lin Che. "Bakit mo ako dinala dito? Gusto kong magtampisaw sa tubig."

Humarap si Gu Jingze kay Lin Che. Hindi niya inaasahan na ganoon pala kainit ang hatid ng katawan nito habang suot ang bikining iyon. Kung alam niya lang ay edi sana, pinasuot niya na lang ito ng makapal na damit para matago ang tanawing iyon.

Hindi napigilan ni Gu Jingze na mapatingin sa katawan ni Lin Che. Perpekto ang hugis ng katawan nito. Lalo na ang dibdib nito, napakaganda ng pagkakabilog ng mga iyon. Mas bagay dito ang magsuot ng mga maninipis na tela ng damit na hahapit sa magandang kurba ng katawan nito kumpara sa mga damit na sinusuot nito araw-araw.

Nagsalita si Gu Jingze, "Halika. Dadalhin kita sa mas magandang lugar."

Hindi na niya ito pinabihis pa at dinala na niya papunta sa isa pang lugar. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa isang bahagi ng resort na walang ibang taong nandoon.

Inilibot ni Gu Jingze ang tingin. Sobrang tahimik ng lugar na iyon. Nasisiyahang binitiwan niya ang kamay ni Lin Che. Narinig niya ang pagtataka sa boses nito, "Bakit tayo nandito? Hindi ko pa nga nakikita ang mama mo eh."

May itinuro si Gu Jingze kay Lin Che. "Hindi mo ba gusto dito? Mas maganda dito, diba? Masyadong marami ang tao sa kabila kaya parang nawala na ang ganda ng tanawin doon."

Napatango naman si Lin Che sa sinabi ni Gu Jingze. Maya-maya ay masaya siyang naglakad papunta sa tubig, "Hoooh, parating na ako!"

Hindi napigilan ni Gu Jingze ang mapatawa habang pinapanood si Lin Che na parang isang batang excited na magtampisaw sa tubig.

Nakatayo si Lin Che sa dalampasigan ng dagat at hinahayaang hugasan ng tubig ang kanyang mga paa. Gumagaan ang kanyang pakiramdam. Isa-isang hakbang ang kanyang ginagawa. Kapag nararamdaman niyang mababaw pa rin, dumediretso lang siya sa paglusong.

Samantala nakatayo lang sa gilid si Gu Jingze at nasisiyahang pinapanood si Lin Che na masayang nakikipaglaro sa tubig na parang isang bata. Naisip niya na napakaluma talaga ng mga gusto nito. Wala pa itong ibang napupuntahan na mga lugar at kaunti pa lang ang mga nakikita nito sa mundo.

Iyong tipong sobrang saya na nito kahit sa simpleng pag-apak lang sa dalampasigan. Napakababaw lang ng kaligayahan nito.

Maya-maya pa'y may biglang malakas na alon na tumama kay Lin Che, dahilan para bumagsak ito sa tubig.

Nagtatampisaw at hindi makatayo, walang ibang nagawa si Lin Che kundi ang sumigaw at humingi ng tulong.

Mamaya-maya ay napupunta sa ilalim si Lin Che. Hindi niya inaasahan na ganoon na pala kalalim ang kanyang napuntahan. At hindi rin niya alam na hindi pala madaling lumangoy sa ganoong tubig. Sunod sunod na mga alon ang bumabangga sa kanyang munting katawan, na dahilan para lalong maubos ang kanyang lakas. Nakaramdam na siya ng takot.

Mula sa likod niya'y hindi niya napansin na nakalapit na pala si Gu Jingze. Hinablot nito ang kanyang baywang, pero dahil sa pwersa ng malakas na alon ay nadulas ang mga kamay nito papunta sa dibdib niya…

Nanigas ang kanyang katawan, ramdam na ramdam niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mga dibdib. Nawalan siya ng balanse at muntikan na naman siyang mapailalim sa tubig. Pero, naging mabilis at napalakas ang nagawang kilos ni Gu Jingze kung kaya hindi sinasadyang napunit ang suot niyang damit na siyang nagtatago ng kanyang mga peras.

Ang dalawang umbok na iyon ay mas lalong tumingkad at kumintab dahil sa pagkakabasa. Damang-dama ni Gu Jingze ang pagtigas ng mga iyon sa kanyang mga kamay. Parang biglang nanikip ang kanyang lalamunan at nag-iinit ang kanyang labi at katawan. Ilang segundo siyang nakatulala at hindi makagalaw.

Bahagyang napasigaw si Lin Che dahil sa init na pumasok sa kanyang katawan at maya-maya'y naramdaman niyang may dumikit sa kaniyang baywang na isang matigas na bagay.

Dahil nakayakap sa kanya si Gu Jingze mula sa likuran, tiyak na hindi maganda at iba ang dating ng posisyon nila sa sinumang makakakita.

Gulat na gulat si Lin Che kaya hindi siya makagalaw.

"Gu Jingze, ano…"

Nagngangalit ang mga ngipin ni Gu Jingze at may panggigigil na pinigilan nito ang kanyang sasabihin, "Huwag kang maingay!"

Napaatras na lang ang dila ni Lin Che at naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya habang karga-karga siya nitong dinala pabalik sa dalampasigan.

Nang ibaba siya nito ay nagmamadali niyang tinakpan ang itaas na bahagi ng katawan. Basang-basa na siya dahil sa pagkakalunod sa dagat.

Nang lingunin niya si Gu Jingze ay nahuli niya itong malalim at matiim ang pagkakatitig sa kanya. Nakatayo ito doon at halatang hindi nasisiyahan sa nangyari.

Hindi sinasadyang napadako ang kanyang mga mata sa bahaging iyon ng katawan nito.

Tanging manipis na swimming trunks lang ang suot nito, kaya bumabakat iyon…

Napatakip siya ng bibig at kinakabahang sinabi, "Yung… yung ano mo…"

Humarap sa kanya si Gu Jingze at magkadikit ang mga kilay na sumagot, "Kasalanan mo 'to!"

Agad naman siyang sumagot, "Ano ang gagawin natin ngayon?"

Nahihiyang tumingin si Gu Jingze kay Lin Che na walang pili sa binibitawang mga salita. Pero, nakakainis talaga! Bakit hindi niya makontrol ang katawan??

Sa sandaling iyon ng pag-iinit ay nagmamadali siyang tumakbo at lumukso papunta sa ilalim ng dagat.

Nabigla si Lin Che dahil sa ginawa nito. Pero habang pinapanood niya itong buong husay na lumalangoy, hindi niya mapigilan ang sariling mapahanga sa kakisigan nito. Napakasarap nitong panoorin na para bang isang lalaking sirena. Napatigil siya at tahimik na kinastigo ang sarili. Bakit ba kasi pati sa paglangoy ay hindi niya rin magawa? Si Gu Jingze, malamang ay madali lang para rito na sumisid doon dahil marunong itong lumangoy.

Hindi nagtagal ay napagod na sa paglangoy si Gu Jingze at bumalik na sa dalampasigan.

Napakaganda ng katawan nito lalo pa't basang-basa ito.

Pinunasan ni Gu Jingze ang mukha at nilingon si Lin Che na nakatakip pa rin ang kamay sa bibig at may kung anong excitement sa mga mata nito.

Para bang may naglalagablab na apoy sa mga mata nito habang sinusuyod ng tingin ang kanyang katawan. Para bang may pagsusumamo sa mga mata nito at nag-aasam na sana man lang ay makita nito ang bawat detalye ng katawang iyon.

Naku po…

Ramdam na ramdam ang muli na namang pagwawala ng kanyang katawan na bahagya palang kumakalma.

Nakakainis… Nakakainis talaga ang babaeng 'to…

Napansin ni Lin Che ang talim ng pagkakatitig sa kanya ni Gu Jingze kaya nagtatakang nagtanong ito, "Bakit? May problema ba?"

Huminga nang malalim si Gu Jingze at naiinis na nagtanong, "Sinong may sabi sa'yo na pwede mo akong titigan?!"

Hindi malaman ni Lin Che ang isasagot, "Hindi rin ako pwedeng tumingin sa'yo…"

Sinulyapan siya ulit ni Gu Jingze. Pagkatapos ay niyugyog nito ang katawan para maalis ang ilan pang butil ng tubig dito at naglakad palapit sa kanya.

Habang papalapit ito ay naramdaman ni Lin Che na may kakaiba dito.

Ang bahaging iyon… Ang bahaging iyon…

Nagmamadaling nagsalita si Lin Che, "Hoy… Huwag mong sabihin sakin na may sakit ka? Bakit iyang ano mo…"

"Tama ka. May sakit ako."

"Ah… Ano ng gagawin natin?"

NAging malikot ang mga mata ni Gu Jingze at sinenyasan si Lin Che, "Lumapit ka dito."

Nagmamadali namang lumapit si Lin Che.

Parang gustong matawa ni Gu Jingze dahil sa kainosentehan nito at walang kaide-ideya sa nangyayari. Parang gusto niya munang pagtripan ito sandali. Pero hindi nakikisama ang katawan niya. Sobrang init ng buo niyang katawan at para bang ang lahat ng kanyang pokus ay doon sa bahaging iyon napunta, dahilan para mas lalo siyang manigas sa kinatatayuan.

"Masama nga ang pakiramdam ko. May sakit ako na tanging ikaw lang ang makakagamot."

"Ano?" Nakalapit na si Lin Che at mabilis na hinawakan ni Gu Jingze ang kamay niya.

"Ano ba talagang balak mong gawin, ha?"

"Tulungan mo ako, please. Dahil kung hindi… mamamatay ako dito ngayon nang dahil sa'yo."

"Ano…"