webnovel

30th Chapter

Eloisa's Point of View

Andito kami ngayon sa kotse nya, pagkasabi sa akin ng nurse na pwede na akong umuwi ani Paolo ay sasamahan niya akong umuwi pero kalaunan ay sinabi niya ring pupunta kami ngayon sa Trinoma. He said ibibili niya daw akong gown, ayoko talaga, hindi naman ako mag-e-enjoy sa Aquiantance Ball na 'yon.

"Eloisa saan mo gusto kumain?" tanong nya sa akin.

"Busog pa ako." tipid kong sagot habang nakatungo at nakapikit. Wala talaga akong ganang magkikilos ngayong araw na 'to.

"C'mon Eloi. Nahimatay ka kanina dahil daw sa gutom sabi nung Nurse. Kumain ka ba kanina ng breakfast? Atsaka kanina yung pagkain mo wala pang bawas. What's happening to you?" tanong nya ulit. Ngayon hinarap ko na siya.

"I'm fine, really." sambit ko at pinilit kong ngumiti kahit bumabagsak na ang mata ko. "Uhm. Pede ba akong... matulog habang nasa byahe tayo mukhang traffic naman." tanong ko sa kaniya. He smiled. It's really astonishing to see Paolo's God-like look. Mukha siyang God na nagpablonde. Hindi ko nga lang alam kung magkaparehas sila ng kagwapuhan ni Adonis. Singkit siya so probably not. Paolo has his own handsomeness.

Iniayos ko ang sarili ko at saka isinandal ang aking ulo sa upuan.

"Sure. Saan mo gusto kumain? Anyway, pede namang bukas na tayo pumunta Trinoma o di kaya papadeliver ko na lang sa tauhan ni Ate Patty yung gown mo. You looked so tired. You need to rest sa bahay na lang tayo kumain."

"I don't have prepared food there, but don't worry I'll cook--"

"Nope. I will. Kailangan mong magpahinga. Baka mapagod ka pa lalo, ayokong... mapagod ka." I felt butterflies in my stomache. Nung sinabi niyang gusto niya ako at liligawan niya ako for real sa loob ng tatlong araw bago ang meeting ko with my unknown fiancé, mas lalong tumindi ang ang kung ano mang nasa tiyan ko. Pati yung puso ko grabehan kung tumibok. Its really weird na tototohanin namin ito. We started everything as a lie then it'll end up real? Inaamin kong gusto ko na si Paolo... pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya pagkatapos ng Craeac Day or we'll still act na kami.

"You know how to cook?" ayoko sanang tanungin iyon pero it just came out. Napatikom tuloy ako.

"No," tiningnan ko siya nakangisi niya akong tinanaw nang maging kulay pula ang traffic light. "Just kiddin, of course. Magaling akong magluto ng sunnyside up. Ayun ang special recipe ko." hindi ako sigurado kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

"Seriously?"

"Basta. Intayin mo na lang lulutuin ko." ani Paolo at start ng kotse when the traffic light became green. "Oo nga pala. Are you free sa Saturday? My not-so-close cousin came at sa Saturday may pa welcome back party si Ate Patty and her parents para sa kaniya. Lolo want you to come." Saturday. I've a meeting with Lolo on Satuday.

"I'm sorry, I can't. May importanteng gagawin ako sa Sabado." he nodded.

"Sayang, anyway, next next week baka ay pwede ka na?"

"Hmm. Yea, anong meron?"

"22nd birthday ng ate ko invited ka din." ani Paolo.

"Ni Patricia?" umiling siya... he've a sister?!

"No, Patricia O'neil just my cousin alam mo yan. Ang tinutukoy ko ay si Pauline. Nasa Paris siya. Model siya doon. Don't worry papakilala kita sa kaniya." itinikom ko na ang bibig ko. Ayokong itanong kung nasaan ang Mom and Dad niya. Hindi niya nakwentong may ate siya pati yung Mom and dad niya ni minsan hindi niya ikinwento.

Ipinikit ko ang mata ko at umidlip na lamang.

Nagising ako dahil sa pagdampi ng kamay ni Paolo sa aking noo.

He gave me a smile.

Iniayos ko ang aking sarili.

"Yung sa kanina... uhm. Seryoso ako doon sana maniwala ka." nakatingin siya direkta sa mata ko. He's sincere, I know.

Nginitian ko siya. "Hmm. You'll court me for 4 days, right? Kapag nakita ko ang sinseridad mo. Promise it'll be yes." ani ko sa kaniya.

He smiled at me too. "Thanks."

Nang bumaba kami sa kotse ay sumakay kaming elevator.

Nandito na kami sa loob hindi ko maiwasang pagmasdan ng mabuti si Paolo habang iniilalagi ang kaniyang mata sa ref tila naghahanap ng gulay na pwedeng idagdag sa gagawin daw niyang sinigang.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagikgik. I can't imagine him cooking for me. Napailing na lamang ako. I should've not under-estimate Paolo malay ko baka mas magaling pa siya sa aking magluto.

~*~

Paolo's Point of View

Nandito ako ngayon sa kitchen ni Eloisa.

My mom taught me how to cook sinigang ayun ang special recipe ni Mom. Unang ipinagluto ko ng Sinigang sa buhay ko ay ang aking ina. But when I found out what she've done to Dad. Ipinatanda ko sa utak kong hinding-hindi ko na lulutuin ang itinuro niya sa akin. Kaya except kay Mom si Eloisa ang unang babaeng ipinagluto ko. I'm 12 when my Mom told me how to prepare Sinigang by the way. Kaya ang laki ng possibility na sasablay ako. Help me Lord.

Ipagluluto ko sya because she's so important to me.

"So Mr. Chef anong first step ng pagluluto ng special recipe na Sinigang mo?" tanong nya.

"Secret! Sikreto lamang ito." sabi ko pero technically ito dapat.

Gusto kong sabihin na actually hindi ko na matandaan kaso ay nakakahiya.

"Hmmm... Paolo, bakit一pa-paos ka?" naninikit ang mata niya habang nakalagay ang kamay niya tiyan at natawa.

"Wala." I cutted the... hmmm. Is this a kangkong?

"What are doing? Hindi hinhiwa ang kangkong!" sigaw niya. "You have to pick the leaves one by one. Kasama yung stem," aniya. Tinitingnan ko siya habang ginagawa iyon.

"I know, leave now. Ako na magtutuloy."

I heard her sighed. "Alam mo kung hindi ka marunong magluto tutulungan na lang kita?" sabi nya.

"Hindi lang naman ikaw ang marunong magluto ako rin, Magintay ka na lang sa living area pero mas maganda kung sa dining area tapos mag handa ka na ng kakainan natin." ani ko.

"Maghahanda agad wala ka pa ngang naluluto." ani Eloisa na pabalang. She've a point anyway.

"Heh! Alis na." sabi ko sa kaniya.

Tapos umalis na nga sya.

After 1 hour.

"Ready na." sabi ko nakita ko si Eloisa nanunuod ng TV habang nasa living area sya.

"Buti naman natapos ka na? Akala ko walang katapusan ang pagluluto mo don." sabi nya.

"Whatever." sabi ko tapos inilagay ko yung bowl may takip sa table.

"Ang bango ah? Hmmm." lumanghap pa lalo siya. "Amoy masarap." aniya at sabay ngiti.

"Kunin mo yung kanin sa kitchen para makakain na tayo."

"Okay."

Bumalik siya dito na dala na ang rice. Umupo ako. Magkatabi kami ngayon. Nilagyan ko sa isang maliit na bowl ang magiging ulam ni Eloi. Kumuha rin ako ng akin mula sa malaking bowl na dala ko kanina.

We both started to eat.

Nanlaki ang mata ni Eloisa. "Ibubuga mo ba?"

Uminom muna siya ng tubig tsaka inilunok yung kinain niya.

"Paolo! Ang sarap!" she smiled and I smiled. "Hindi ko alam masarap ka pala magluto ng Sinigang!"

Sa panlasa ko ayos lang naman yung lasa kaya siguro ayos lang rin iyon sa panlasa niya.

"Talaga lang ha?" paninigurado ko.

She nodded with a smile.

It's Dominic's idea to pick someone not my type. I thought hindi ko magugustuhan ang tipo ni Eloisa. Simple sucks, for me. Napaka simple niya kaya akala ko hindi ko siya magugustuhan but an unexpected thing happened nahulog pa rin ako.

Life is too effing cruel, huh?

We watched her favorite korean movie Miracle in cell no. 7. Nang matapos iyon ay bumuhos ang luha niya pero ako hindi ako naiyak sa hindi malamang dahilan. Baka dahil sa hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Greeting words lang ang alam ko sa Korean at yung tawag sa bawat parte ng pamilya. Hindi ko binasa subtitle kasi hindi ko makikita yung nangyayari so yung pangyayari na lang ang tiningnan ko hindi iyong subtitle. Ang awkward naman kasi noon hindi ba? Nababasa mo nga yung subtitle di mo naman alam yung talagang nagyayari.

Nag aya si Eloisa sa may Rooftop.

"Sure. Gusto ko ring magpahangin," ani ko. "Anyways, Eloi. Papadala ko bukas yung gown mo. Papapili ako ng magandang design kay Ate Patty."

"Ha? Paolo. You don't have to. Kaya kong bumili at saka wala talaga akong balak pumunta..."

"Why? Kasi akala mo hindi ako kasama? Kasama ako!" I laughed.

"Yabang! 'Di a-ah!"

"Then why are you stuttering?" I chuckled.

"I-I didn't!" tumawa ako lalo.

"You just did."

"Okay fine," she raised her two arms on the air.

Lumabas na kami para pumuntang rooftop may bumungad sa aming kagulat-gulat.

"Eloi, finally! And... Paolo, hey dude!" aniya.

Tangina pakalmahin niyo ako anong ginagawa niya sa katapat na unit ni Eloisa? Puta... don't fucking tell me... Eloi and him will be neighbors?!