webnovel

Wake Up Infectious World (Teaser)

This is the short story of a man who transmigrated into the resident-evil-like game.

RedAdam04 · Spiele
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

Wake Up Infectious World Chapter 1

"Private, kahit anu man ang mangyari ay kailangan nating makaalis na dito. Kapag nakita mo ang mga halimaw ay huwag na huwag kang titigil na paputukan ang mga ito. Naiintindihan mo? Huwag kang masisindak at matatakot!" ang payo ni Captain Anderson, habang hinihila niya pa rin ang aking buong katawan patungo sa loob ng isang kwarto.

"Sir, saan niyo po ba ako dadalhin?" tanong ko, sabay kamot sa aking baba.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko nga rin alam kung saan tayo magtatago pansamantala. Kailangan kong gamutin ang iyon' mga sugat para mas mapadali tayong makatakas." ang tugon ni Captain Anderson.

"Eeh? Paano na ang anak ng CEO? Pababayaan natin?"

"Alam ko. Alam ko. Tumahimik ka na lamang. Priyoridad ko ang iyong kaligtasan! Kapag namatay ka ay anu pa ba ang aking ihaharap sa mga pumanaw nating mga kasamahan. Ikaw na lamang ang natitira sa aking squad. At… at… " ang kanyang mga mata ay tumulo ng mga luha. "Ayaw ko nang makakakita pa ng mga tauhan na napapaslang at magpalit anyo tulad ng mga halimaw na 'yon."

"O-o-okay, sir. Paumanhin po. Pero hindi bagay sa inyo ang pag-iyak. Nagmumukha kayong unggoy."

Isang malakas na batok sa ulo ang tumama, mabuti na lamang ay nakahelmet ako kung hindi baka nakatulog ako sa lakas ng impact. Si Captain Anderson ay napangiti at nagpasalamat dahil sa aking biro. Siya ay natutuwa dahil akala niya ay isa akong walang kwentang tao. Hindi daw ako mahilig makihalubilo sa aking mga kasama at hindi rin mahilig magbiro. Nagpapasalamat siya na nabura ang aking alala dahil naging mas talkative ako ngayon. Tanga yata 'to.

Pasalamat ka at ako ay matanda na kung hindi baka nasaktan na kita kanina pa. Kabrutal naman ng iyong pagkilala sa akin. Eh, ngayon lang kita nakilala. Kung sabagay, panaginip lang naman ito. Hindi naman ito tunay.

Baka ito ay isa mga main function ng VR 3000? Teka, nagsuot ba ako ng VR suit kanina? Grabe, masyado na akong matanda para matandaan pa. Ngunit parang tunay. Ang mga paga sa aking buong katawan ay masyadong masakit, ang tunog ng mga boses sa paligid at ang mabahong amoy ng aking katawan at hininga ng kapitan ay parang tunay. Hayz, bahala na. Tapusin ko na lamang ang laro. Ngunit, kahit anu man aking gawin ay hindi ko pa makita ang menu button. Grabe, made in china yata larong 'to, nasira na yata.

Sa pagpasok namin sa isang kwarto ay sinarado ng matanda ang pinto at nilagyan ng harang. Binuhat niya ako at ipinatong sa upuan na may foam. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay nakaupo na rin ako. Ipinatong ko naman sa aking tabi ang rifle ko at pinanood ang bawat kilos ng kapitan. Dali-dali siya na naghahanap ng mga gamot sa bawat lagayan sa mga medicinal closet.

Sa kanyang paghahanap ay may isang hiringgilya na kulay puti na gumulong patungo sa akin. Sinubukan kong abutin ang syringe ngunit nabigo ako. Ang masama pa nito ay pumasok pa ito sa ilalim ng higaan. Napakalamya ko naman 'oh.

"Sa wakas, nakita ko na," ang sabi ni Kapitan Anderson, habang isa-isang kinukuha sa medicine kit ang mga gamot at bendahe. At pagkatapos, siya ay nagtungo sa akin upang simulan ang paggamot.

"Private, alam ko na wala ka pang naalala ngunit kailangan mong maging matatag sa susunod nating gagawin. Ang balak ko ay tumakas gamit ang helicopter na matatagpuan sa pinakatuktok ng mansyon. Ngunit madaming mga halimaw ang hahadlang sa ating pagtakas."

"Sir, masyado atang delikado ang iyong desisyon. Hindi po ba maaari na tumawag tayo sa HQ? Mas madali kung tatawag tayo ng back-up kaysa harapin ang kamatayan," ang aking mungkahi.

Napangiti ang kapitan at umupo sa aking tabi. Inakbayan at kinuskus ng kanyang kamao ang aking ulo.

"Ikaw talaga. Ikaw pala ay isang komedyateng tanga," siya ay tumawa ng ilang saglit at tinignan ako ng seryoso sa mata. "Private, kahit anu man ang mangyari ay huwag kang tatawag sa HQ. Mas maganda na tumakas at iwan ang lahat. Hindi mo pa kilala ang pinasok mong trabaho. Para sa kanila ay isa lamang tayong pawn na madaling palitan. At isa pa, hindi tayo bubuhayin ng mga nakatataas dahil nabigo tayo sa ating misyon."

"Parasol Corporation…. ?"

"Tama, ang korporasyon na 'yon ay nagtatago ng madudumi at madidilim na sekreto. Hindi mo lamang alam ay marami na itong pinaslang na mga inosenteng sibilyan para lamang maitago sa publiko ang kanilang mga baho sa lipunan." ang kapitan ay kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Bumuga ng isang malaking usok pagkatapos. Inalok naman niya ako ngunit tinanggihan ko dahil ako ay hindi mahilig manigarilyo. Masama kasi sa katawan ng isang matandang katulad ko ang sigarilyo.

"Private, bata ka pa kung kaya't mas maganda na magbago ka na ng career," ang payo ng matanda, sabay patong ng kanyang kamay sa aking balikat bago siya tumayo. "Aah, oo nga pala may isa pa pala akong morphin baka makatulong ito na pansamantala kang makatayo." sa pagkuha niya ng hiringgilya sa kanyang bag ay nagtapak ito at gumulong sa ilalim ng upuan.

"Ah, yun nakuha ko na. Teka, puti ba dati ang huli kong pagtingin sa syringe? Hindi na bale."

"Sir?"

Sa aking patingin ay pamilyar ang hiringgilya na hawak ng matanda. Gusto ko siyang sabihan tungkol sa gamot ngunit tinakloban niya ang aking bibig.

"Huwag kang mag-alala ayon sa mga manggagamot ay epektibo ito. Huwag ka nang manlaban." ang nakakatakot na tingin ng kapitan sabay tusok ng hiringgilya sa aking puwit.

"Aaaah!" ang aking huling sigaw bago ako mawalan ng malay.

Makalipas ng ilang oras ay nagising ako sa tunog ng alarm mula sa relo ko. Sa aking pagmulat ay bumangon ako sa aking hinigaan at napansin ang pagbabago sa aking katawan. Nakakatayo ako at nakakagalaw, naglaho na parang bula ang mga sugat ko sa katawan at higit sa lahat, nawala rin ang baho ng aking katawan.

"Anu ang nangyare? Si kapitan? Kapitan!" sa aking pagtingin sa bandang kaliwa ko ay nakita ko siya sa tagiliran. Hindi siya kumibo at hindi rin humarap nang tawagin ko siya ng pangalawang beses.

"Kapitan?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang ang isang kamay ay palapit na papatong sa kanyang balikat. "Kapitan, ayos ka lang ba?"

Nang hawakan ko ang kanyang kaliwang balikat ay tumambad sa akin ang kanyang mukha na walang buhay. At biglang nagbago ang kanyang mga mata mula sa normal hanggang sa naging puti, ang kanyang mga bibig ay nagtutulo ng mga dugo at ang kulay ng balat niya ay namutla na parang bangkay. Isa pa, mabanghot ang amoy na inilalabas ng kanyang katawan at bibig.

Sinugod ako ng kapitan at tinangkang kakagatin ang aking leeg. Nawalan ako ng balanse at natumba kasama ang kapitan habang pinipigilan ko gamit ang aking kanang braso ang kanyang bibig na makagat ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Bakit parang nagiging tunay ang mga pangyayare. Ang kapitan ay tinatangka akong kainin at mukhang kamukha na niya ang mga undead sa laro ko. Huwag mong sabihin na tunay ang mga ito? Imposible!

"O, sige, kapitan. Gusto mo ng laro?" sinipa ko ang kapitan at dahil sa lakas nito ay tumalsik siya patungo sa bintana. "Manatili ka lang diyan. Kapitan, gumising ka. Tama na ang laro."

"Garrrgh," ang kapitan ay dahan-dahang tumatayo.

"Kapitan, tumigil ka!" ang aking babala sa kanya, sabay bunot ng pistol. Itinutok ko sa kanya at binalaan pa siya, "Kapitan, maghulos dili ka, 'wag ka nang magluko at tanggalin ang maskara sa 'yong mukha. Maganda ang iyong acting kung kaya't tumigil ka na! Hindi man kita kilala ay babarilin talaga kita!"

Kahit anu man ang aking sabihin ay hindi pa rin siya tumitigil. Binaril ko ang kanyang mga paa at nagulat ako na sinusubukan pa rin niyang tumayo.

"Hindi…. Hindi 'to totoo. Kapitan, gumising ka!"

Ang matanda ay hinila ang aking paa na nagsanhi sa akin na matumba. Sinipa ko ang kanyang ulo ngunit huli na ang lahat. Nakagat niya ako. Dahil na rin yata sa biglaang pagkagat ay nabaril ko ang ulo ng kapitan. Nakahinga ako ng malalim dahil sa pangyayare.

Nakapaslang ako ng tao at mas bata pa sa akin ng ilang dekada.

"Teka, ang aking mga sugat." dali-dali kong tinignan ang sugat na kinagat ni kapitan at napansin na biglang naghilom ito. "Ah? Anu ang nangyare? Teka, kung totoo ito, maaari akong maging zombie tulad ng iba. Mayroon na lamang ako na sampung segundo bago mangyare ito. Kailangan kong barilin ang aking sarili!"

Ngunit kahit nagbilang na ako ng ilang segundo at ilang minuto na naghintay na magpalit anyo ako ay wala naman nangyayare.

"Bakit ga'non?"

Kamusta mga kababayan,

Maraming salamat sa iyong pagbasa sa kabanata na ito. Sana ay suportahan ninyo ang aking 'short story' o maikling kwento hango sa Resident Evil series (laro) sa mga darating pang araw. Muli, ako si Red Adam ay ibibigay ang aking makakaya na magsulat pa ng maraming kabanata tungkol sa buhay ng ating bida.

Sobrang ikli ng kwento nito kaya 'wag na po kayo magtaka kung bakit konti lang po ang mga kabanata na nakaupload. Maraming salamat po.

RedAdam04creators' thoughts