Sa aking nadiskobre ay lalo akong natakot at kinabahan. Natatakot ako na baka masira ko ang mga konsepto at balangkas ng istorya. Sa kadahilanan na hindi dapat ako naririto at nabubuhay sa mundong ito. Maaari ko na magalaw o hindi sinasadyang mabago ang mga mangyayari. Gayunpaman, masaya ako sa mga nararanasan kong mga pagsubok sa buhay bilang sundalo ng mga kontra bida.
Ang tanong ko lang sa aking sarili, paano na kaya ang iniwan kong nilulutong noodles? Baka kasi maubos ang gasul at hindi na naman ako makapagluto ng mga pagkain sa susunod na buwan kapag ako ay nakabalik. Napabungtung-hininga ako sa kahihinatnan at kalungkutan, dahil baka hindi na ako makabalik pa. Sino ba naman tao ang hindi mag-aalala sa mga pangyayari? Syempre ako. Ako lang naman ang nagsasalita dito, eh.
Sa aking palagay ay may maganda na akong layunin sa buhay. Isa na rito ay ang paghahanap ng paraan para makabalik sa orihinal kong panahon at mundo. Hindi laro ang buhay kung kaya't hindi magandang biro na dalhin na lamang ako basta-basta dito! Gagawa ako ng mga paraan para makamit ang aking minimithi.
Napangalmot ako sa ulo dahil sa malalim na pag-iisip habang nagpapatuloy sa paglalagay ng mga importanteng kagamitan sa aking maliit na bag tulad ng mga bendahe at mga pamahid sa sugat, mga magazine ng pistol at rifle at isang maliit na mapa na aking ginawa bilang gabay. Napabuntung-hininga na naman ako dahil siguradong maraming mga halimaw na nakapaligid sa mansyon.
Layon kong tumakas sa pamamagitan ng helicopter na nabanggit sa akin ng matanda bago siya mamatay. Naalala ko pa na mayroong dalawang uri nito sa pinakatuktok. Salamat sa aking nalalaman tungkol sa laro dahil mas mapapadali ang aking paghahanap ng madaling ruta.
Mga 8:12 pa lamang ng gabi ayon sa aking relo. May dalawa pa akong oras na nalalabi bago dumating ang mga bida sa serye. Nakakatuwang isipin sa gayon paraan ay may pantakas na ako. Mas nakakagalak rin na gawin dahil sa wakas ay makakapaslang na ako ng mga zombies sa tunay na buhay. Nakakapanggigil sa saya! Kahit na laro ito, hindi ako magpapabaya at hahayaan na maging dinner ng mga walang-utak na mga lamang lupa.
Makalipas ang ilang sandali ng paghahanda, ako ay handa nang lumabas sa aking lungga upang simulan ang aking pagtakas. Bahala na ang anak ng CEO ng Parasol Corporation. Hindi ko na kailangan pang manatili dito dahil gaya ng pinayo sa akin ni kapitan Anderson ay iwan ko na ang aking trabaho at maghanap na ng bagong buhay dahil kahit anu man ang mangyari ay hindi-hindi ka titigilan ng mga taong ito. Sabagay, tulad ni kapitan ay naging undead rin ang anak ng CEO sa laro siguro. At siya ay isang minor character lamang kung kaya wala na talaga akong pake.
Hay naku, nakakabahala ang mga payo ni manong pero, dahil isa rin naman akong matandang binata at nakaranas na ng mga mabibigat na pagsubok sa buhay ay wari na sana aking kayanin.
Ang bangkay ni manong ay nakahiga ng maayos, taklob ng panyo ang mukha at hawak ang kanyang baril sa ibabaw ng kanyang tiyan. Nagpugay muna ako bago ko siya iwan at nagdasal na tanggapin nawa ang kanyang kaluluwa sa langit.
"Maraming salamat, kapitan. Aalis na po ako," ang huli kong paalam sa kanya bago ko pasabugin gamit ang granada ang buong silid.
Sa bandang kaliwa ako'y nagtungo. Dahil ayon sa aking mapa ay nandito ang pinakamabilis na daan patungo sa taas. Ikinasa ko na ang aking rifle. Inalisto ang aking pandama at paningin sa bawat paligid. Hindi ko alam kung saan sulok ng mansyon nakapaligid at nag-aabang ang mga lamang-lupa na 'yon.
Sa aking pagpasok sa pinto patungo sa sunod na silid, may mga nakatambad na naglalabasang lamang loob sa aking harapan: mga limang undead na kinakain ang isa sa mga kasamahan ko. Biyak ang tiyan, kalat lahat ng kanyang mga lamang loob, labas ang utak at hindi na makilala pa ang mukha. Kitang-kita ko ang luha sa kanyang bilugang mata na nakalutaw na parang tinusok na fishball. Ang isa sa mga zombie ay sinubo ang kaliwang mata at sinunod ang natitirang bahagi ng kanyang utak. Sarap na sarap ang lima sa pagkain ng kanyang balat at lamang-loob. Hindi ko man siya kilala ay nawa ang kanyang kaluluwa ay tanggapin rin ng Maykapal. Kahit ano pa man ang aking nakikita ay hindi ako nakaramdam ng anumang takot, nginig ng tuhod at pangamba. Hindi rin ako nandiri sa aking mga nakita.
Nang aksidenteng matapakan ko ang isang papel sa sahig, ang tunog nito ay narinig ng mga undead. Natuon ang kanilang atensyon sa aking lokasyon. Ang mga ito ay tumayo at itinaas ang kanilang mga nag-aamaging kamay na may mukhang parang gustong kainin ang aking utak. Isinet ko agad sa semi-auto ang aking rifle at itinutok sa kanila. Inasinta ang kani-kanilang mga noo. Hindi na ako nagdalawang-isip na paputukan ang mga ito sa ulo. Isa-isang bumagsak sa mga tama ng bala ang mga lamang lupa at hindi na bumangon.
Ayos! Nakaanim na akong patay na mga zombies. Nakakatuwa! Napapisil ako ng kamao sa labis na kasiyahan. Subalit, dahil na rin sa lakas ng putok ay nakuha ko naman ang atensyon ng nakararami.
Ang mga ito ay nagsisulputan sa bawat direksyon.
Sigh, lalo na ako napaharap sa delikadong sitwasyon. Nagmadali agad akong nagtungo sa sunod na silid at tumambad sa akin ang hinahanap kong hagdan patungo sa susunod na palapag. Pinagbabaril ko ang mga nakaharang at tumakbo patungo sa hagdan. Pitong undead na ang aking napapatay, subalit, marami pa rin ang humahabol at nakaharang sa aking dinaranan kung kaya't naghagis ako ng granada para mabawasan ang kanilang bilang.
Kahit na nasa mapanganib na lugar ako, ako'y natutuwa na nakakalaban ko ang mga pagong na ito. Hindi ako makapaniwala na napapaslang ko sa harapan ang mga kagaya nila gamit ang sarili kong mga kamay.
Subalit, habang abala ako sa pagpatay sa kanila ay hindi ko namalayan na may halimaw sa aking likod. Sa isang malakas na hampas mula sa kanyang malaking hammer, ako ay napatapon pabalik sa pinanggalingan kong palapag. Sa lakas ng tama ng aking katawan ay nag-iwan ng malaking bitak at usok sa pader.
Hindi naman ako nasaktan at parang kagat lang ng lamok ang kanyang ginawang atake. Subalit, hindi ako natutuwa sa kanyang biglaang pagsulpot. Hindi tama na inatake niya ako ng basta-basta. Kailangan ko pala talagang matuto na maging mas alisto pa sa susunod.
Oo nga pala, ano kayang klase ng halimaw ang umatake sa akin. Sa aking pagtayo, pinagpagan ko ang aking katawan at inasinta ang halimaw. Wala na akong pakialam kung bakit nabuhay pa ako sa lakas ng tama na 'yon ngunit, salamat na lamang at nakaharap na muli ako ng matinding kalaban.
"Gaaarrh!" ang sigaw ng higante, sabay talon patungo sa aking direksyon. "Gaaargh." Sa lakas ng pagbagsak ay nag-iwan ng malaking bitak sa sahig.
Ang halimaw ay may ulo ng toro at ang katawan nito ay anyong tao. Mas malaki ng higit tatlong metro kaysa sa normal na taas ng isang manlalarong basketbolero kagaya ni Yao Ming. Naalala ko na ang uri niya ay tinatawag na "Taurus". Ang mga kagaya niya ay isa sa mga mahirap kalabanin at patayin dahil matigas ang ulo nito. Teka, teka, dapat sa susunod na part ka pa lalabas, bakit sa akin ka pa tumapat? Hindi ako bida ng larong ito!
Ang Taurus ay itinaas ang kanyang pamalo at balak piratin ako sa lakas ng impact. Dali-dali akong umilag at paulit-ulit na pinagbabaril ang ulo nito. Nakakayamot isipin na ang hirap patayin ng gagong 'to. Mabilisan kong pinapaltan ang magazine ng rifle ko at pinagpatuloy ang pagpapaputok habang iniiwasan ang mga malalakas na pagpalo ng halimaw.
Ginagamitan ko ng kutsilyo ang mga undead na lumalapit o papalapit na sa akin. Salamat na lamang at ako ay may karanasan sa close-quarter-combat noong digmaan. Ang mga katulad kong pinoy ay may matinding training sa gubat at sa aming sariling martial arts ay aking lubos na pinag-aralan at hinasa.
Pero, nakakapagtataka. Hindi ba't matanda na ako? Bakit parang ang batang-bata kong kumilos? Hay naku, wala na nga akong panahon at oras para mag-isip. Basta kailangan kong patayin ang hinayupak na torong 'to. Kailangan kong makalagpas sa kanya para makatakas.
"Mamatay ka na, pakiusap!" ang aking sigaw habang patakbong pinagbabaril ang ulo ng toro. Nagpadulas ako sa sahig, lumusot sa ilalim nito at nilagyan ng granada ang puwit ng halimaw. Ang Taurus ay nagsisigaw sa galit at hinahabol ako ng pamalo na paulit ulit. Mabuti na lamang ay hindi ako natatamaan pa ng kanyang malaking pamalo. Subalit, ang mga undead na malapit sa akin ay napirat at ang kanilang mga laman ay nagsikalat sa paligid. Pero, may mali yata sa nangyayari.
"Ba't hind ka pa sumasabog?" ang aking tanong na may halong galit.
Ang Taurus ay patuloy pa rin sa paghabol sa akin habang ako naman ay hindi na nagpapaputok at isa-isang pinapaslang ang mga undead na nakapaligid sa amin. Iniisip ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasabog ang granada sa puwet niya. Nang wala pang ilang minuto ay naalala ko na hindi ko pa pala natatanggal ang pin. Ah, napangalmot ako sa helmet dahil sa hindi nga naman talaga sasabog ito kung hindi ko pa 'yon nagagawa.
Kailangan kong magtipid ng magazines sa rifle dahil hindi ko pa alam kung ilang oras pa ako mabubuhay sa loob ng mansyon. Kailangan ko ang rifle dahil maaari kong makaharap ang mga matitinding halimaw na nakapaligid pa dito na mas mahirap patayin kaysa sa hinayupak na torong 'to.
"Gaarrgh!"
Kailangan ko nang patayin sa madaling oras ang halimaw dahil baka maabutan pa ako ng mga bida. Hindi man ako isa sa kanila kaya wala na akong pakialam. Sa kadahilanan, buhay ko na ang nakalagay sa piligro. Pasensya na, kailangan ko nang tumakas, toro.
Nag-iba ako ng landas, tumalon ng tagilid gamit ang pader sa aking kaliwa at tumakbo patungo sa Taurus na siya namang handang ipalo sa aking katawan ang kanyang pamalo. Ginawa ko muli ang aking estratehiya kanina, nagpadulas ako habang pinuputukan ang mata, at hinila ang pin ng granada mula sa puwet. Itinapon ko agad ang pin nang makita ko na may tae 'tong kasama.
"Putang ina." sabay punas sa damit ng bangkay malapit sa akin, "Oi toro. Paalam." ang huli kong pahimakas sa kanya. At ang Taurus ay sumabog ng malakas, nagyanig ang buong silid. Ang mga laman niya ay nagsitalsikan at kinulayan ng dugo nito ang buong lugar. Salamat sa bangkay na nasa harapan ay nakaligtas ako sa pagsabog at hindi nadumihan ang aking kasuotan. Ginamit ko ang bangkay bilang pansangga.
"Hay, sa wakas," pinagpagan ko ang aking kasuotan mula tuhod at paa, "Pinahirapan mo ako, huh. Pero, salamat sa'yo lalo akong nag-enjoy."
Muli, ako ay tumakbo patungo sa susunod na palapag at iniwan ang bangkay ng Taurus. Ngunit, hindi ko namamalayan na nagreregenerate ang katawan nito.
Habang patungo ako sa susunod na hagdan ay nakarinig ako ng putok sa parteng kanan. Ang naalala ko ay napaslang na lahat ang mga kasamahan ko at wala nang natitira dito sa mansyon. Wala na naman akong pakialam pa sa kanila. Ang kailangan ko lang ay makarating sa aking 'extraction point'. Subalit, ang tunog ng baril ay palapit ng palapit sa aking posisyon. Sa hindi inaasahan na pangyayari ay isang magandang dalaga, nakapony tail ang blonde niyang buhok, makinis ang balat na mapulang labi, at nakadamit ng laboratory coat, ang bumangga sa akin
"H'wag kang humarang sa aking dinadaanan." Ang pagalit na salita ng dalaga. Sa kanyang likod ay may tatlong halimaw na tumatakbo at target na pataying kaming dalawa. Dali-dali kung itinutok ang aking rifle gamit ang isa kong kamay sa mga undead dogs. Isa-isa kong pinutukan ang mga hayop at sa ilang segundo ay nagsitumbahan sa sahig ang lahat.
Ang dalaga ay umiiyak sa takot habang yakap ang aking katawan. Mukhang pagod na pagod at puno ng dugo ang kanyang coat. Binigyan ko ang magandang dilag ng pat sa ulo para mahimasmasan ang kanyang takot.
"M,M,Maraming salamat. Maraming salamat." ang sinasabi niya paulit-ulit.
"Walang anuman." Ang aking simpleng tugon habang dahan-dahan na itinataboy ang dalaga.
"Teka," napansin ng dalaga ang logo sa kanan kong balikat, "Tauhan ka ni dad? Pangahas kang hawakan ang aking ulo?" Bigla na lamang niya akong itinulak papalayo sa kanya. At dali-daling niyamos ang kanyang dibdib na parang pinoprotektahan ang sarili mula sa mga manggagahasa.
Teka muna, hindi ba't niligtas kita? Bakit parang nagmumukha akong rapist sa harapan mo?
"Huwag kang lumapit sa akin, tanga. Mapangahas kang hawakan ang aking katawan?" ang pagalit na sigaw ng dalaga, itinutok niya ang kanyang silver pistol sa akin.
"Teka, teka, miss," dahan-dahan akong tumayo at nilagay sa likod ko ang rifle. "Nagkakamali ka hindi ako rapist."
"Rapist?" lalong nandiri ang dalaga dahil sa sinabi ko.
"Ang ibig kong sabihin. Hindi ako masamang tao kagaya ng iniisip mo." Sa aking paglapit ay bigla naman niya akong sinipa sa tiyan ngunit masyado siyang mabagal kung kaya madali ko itong naiwasan.
"Tuta ka ni dad. Ibig sabihin, manyakis ka! Lahat ng mga tauhan ni dad ay walang kwentang mga tao." Pinutukan niya agad ako ng walang-alinglangan. Mabuti na lamang ay naramdaman ko ang kanyang gagawin at dali dali kong iniwasan sa isang iglap ang mga bala.
"D,dad? Sino ba ang ama mo?" tanong ko, habang papalapit sa kanya. Ang dalaga ay nagpalit ng magazine. Nang makalapit ako ay biglang ng iba siya ng direksyon at binigyan niya ako ng isang malakas na sipa, sa balikat, sa parteng kaliwa.
Nag-enjoy ba kayo sa kabanata na ito? Maraming salamat at nagustuhan ninyo. Sana subaybayan ninyo ang bawat galaw ni Ginoong Ansel bilang sundalo ng Parasol Corporation.