webnovel

Until We Meet Again (Filipino Version)

(S E A S O N 1) Nalaman ng magulang lalo na si Rafael na magkasintahan sila Cassandra at Miguel, pilit silang pinaghihiwalay dahil si Rafael ang gusto ng ama ni Cassandra lalo na't ito ay nagdadalang tao. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanila. Mahal na mahal ng magkasintahan ang isa't isa kung kaya't gumawa ng paraan si Rafael, ang ipapatay si Miguel ngunit nadamay din si Cassandra pati ang kanilang munting anghel. Sumumpa sila sa isa't isa na magsasama sila habang buhay. ang kwentong ito, ay tungkol sa REINCARNATION. Bibigyan ko ito ng twist para mas gumanda ang takbo ng kwento. Sa muli nilang pagkikita bilang MACEY at MARCO, muli kaya silang paglalapitin ng tadhana?.. sila kaya talaga hanggang huli?.. Magwawagi ba muli si RAFAEL sa pagsira sa pangalawang pagkakataon? (S E A S O N 2) Subaybayan po natin ang pag iibigan sa pangalawang buhay nila MACEY at MARCO..

Belladiana1706 · Urban
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

CHAPTER 8

MARCO'S POV

I'm here now in my office, by the way My name is Marco Lee Buenaventura, 27ylo, CEO/PRES ng BVGC. Dalawa na lang kami with my Lola, yes I have a sister. She's a Doctor, her name is Marielle.

Ngayon ay pipirma lang ako ng mga documents na kailangan dito sa opisina ng bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa aking sentido mukhang napapadalas na ang pagflashback ng mukha ng hindi ko man lang nakikilala.

Napapikit ako at mukha na ng babae nakikita ko, uminum ako ng tubig pampakalma sa nararamdaman ko. Lagi ko na lang napapanaginipan yung babaeng yun at tinatawag akong Miguel?! What the heck?!

Yeah! Maganda yung babaeng yun, mala gatas ang kutis, bilugan ang mata at matangos ang ilong. She looks so perfect. Sinu kaya ang babaeng napapanaginipan ko? Ang weird. Ilang araw na ko pinapakitaan nun.tch! Nang biglang may kumatok.

Knock knock

Yes, come in! Habang abala ako sa pagpipirma ng mga papeles na nakatambak sa aking mesa.

Ahm sir, andito po pala sila Sir Gab at Sir Xian. saad ni Trixie ang secretary ko.

let them come, thanks..

Pumasok agad ang dalawa kong mga barkada na naka formal suit office attire.

Tara! Gimik tayo dun sa Elite Bar dami chiks dun pare! Saad ni Xian, ang babaero samin tatlo nang makaupo na sila sa sofa.

Labas labas din kasi pare, masyado kana workaholic eh. Maya kita kits ah? Saad naman ni Gab habang ito ay naka dekwatro.

Fine, I'll go after this paperworks.. Saad ko sa kanila.

Asahan ka namin bro! Kita kits nalang! Saad ni Xian

Agad na tumayo ang dalawa at tinapik na lang ako sa balikat ng bigla naman sumulpot si Chelsea.

Oh? Chelsea! Watzup beautiful?! Saad ni Xian sabay kindat sa aking nobya.

Oh dear Xian, how are you?. By the way, thanks! Saad ni Chelsea

Siya iwan muna namin kayo, bro. See you later. Chelsea, well nice to see you again. ge bro will go ahead' saad ni Gab na sumaludo pa bago sila umalis ni Xian.

Pagkaalis ng dalawa kong kaibigan, agad ko na pinagtuunan pansin ang panibago kong bisita.

What's brought you here Chelsea? Sabay upo sa swivelchair habang nilalaro ko ang office pen ko sa aking kamay.

Well, I miss you babe. Dont you miss me ?? Hmm. Saad ni Chelsea habang nakaupo sya sa lap ko at naglalandi sa akin.

You see? I'm busy Chelsea. I have a lot things to do. Next time na lang please. Go home now. Habang busy ako kaka basa sa mga papeles ay bigla na lang nagtantrums si Chelsea.

Why your so cold babe!? Hah! May bago na ba!? Tell me!! Who's that fucking girl!!! Saad ni Chelsea na naka pameywang at nakataas ang kilay.

What the?!! Are you insane hah Chelsea! For god sake ! We've been having a relationship for almost a year!? Do you think that I have a time to fling another woman!? Halos pasigaw ko sinabi ito sa kanya at bigla naman ako niyakap ni Chelsea.

I'm sorry babe, I trust you naman eh, di ko lang kaya na mawala ka sakin. Because I love you babe, so much. You know that mmm,.Kailan ba tayo magpapakasal? Sabay pagpapa cute sa kin na hindi naman uubra sa akin.

Akmang hahalikan na ko ni Chelsea ng biglang may kumatok at pumasok. Napamura ng mahina si Chelsea, at ako naman ay napa ngisi.haha

Ahm Sir Marco, andyan na po pala si Mr. Chua inaantay na po kayo sa conference room. Pasensya po Sir. Saad ni Tricia

Shit! What a nice enter, bitch?! Pabulong na sabi ni Chelsea

It's ok Tricia, tell them na papunta ko. Thank you.

Ok Sir, inform ko na po sila. Pahabol ni Tricia pagkatapos ay umalis na ito.

Inayos ko na sarili ko at ang mga papeles ko para sa meeting.

Chels, umuwi kana at may tatapusin pa akong meeting, next time na tayo kumain sa labas ok? Sabay halik sa pisngi nito.

Alright babe. See you! Bumawi ka ah?. I love you. sabay halik nya sa labi ko, habang ako naman ay parang wala lang.

Pupunta na ako agad sa meeting para matapos na dahil mamaya ay pupunta ako sa bar gaya ng dati kong buhay.

MACEY'S POV

Ayun, at sa wakas ay nakarating din kami dito sa Elite Bar. Kasama ko nga pala ang mga makukulit kong mga bff's na sila Adrian, Marielle and Ashley. Nakakailang talaga suotin itong binigay ni Ash, yes maganda nga ito at bagay sa mala gatas kong kutis.

Pagkapasok namin sa loob, maririnig muna yung mga hiyawan ng mga tao, malalakas na music. Parang matatanggal ata kaluluwa ko dito sa sobrang ingay dagdag pa ang nakakahilong mga patay sindi at malilikot na ilaw. tch!

Ang sesexy din ng mga babae dito sa loob ng bar, hanep mga tao dito, kaliwa't kanan may makikita kang mga nag hahalikan at naglalampungan sa tabi tabi at karamihan sa kanila mga teenagers.

Magkakaroon naman ata ako dito ng lung cancer dahil sa mga usok ng sigarilyo ng mga kabataang ito, tsk! May mga baga pa ba natitira sa mga ito? Dinaig pa tambucho ang mga bunganga.

Habang sila Ash at Yellie, hala nasa dance floor na agad agad? Parang nakawala sa hawla yung dalawang yun. Sabik lang? Tch.

Asan na naman kaya si baklita? Iniwan talaga ako dito?? Hays, dapat di na ko sumama eh ma out of place lang talaga ako dito. Tch! Oras na to ng tulog ko dahil maaga pa duty bukas.

Huy! Bebs! Tulaley ka dyan teh?! Anyare!? Para kang tuod diyan! Enjoy the party! Bebs! halatang napag iwanan kana talaga ng panahon, hahaha!!! Sumayaw ka dun sa dance floor! Haha Saad ni Adrian galing sa likod ko

Ang boring! --o-- pramis bebs! Uwi na lang ako, at kayo na lang mag party party dito. Maaga pa duty ko oy! Masyado pa maingay dito at nagkalat mga SPG. Tch! Pagmamaktol ko.

Halika nga dito bebs! Tara dito muna tayo maupo sa VIP para hindi ka mukhang tuod diyan.,. saad ni Adrian

Mabuti pa bebs! Masakit na binti ko kakatayo ! At naiilang na ko sa suot ko na binili niyo! Hayst! Mukha akong entertainer sa club., tsk! Pagdradrama ko sa kanya.

Tumigil ka nga dyan sa pag iinarte mo ! Kalbuhin kita bebs eh. oh! Upo ka dyan! Ano gusto mo inumin? Saad ni Adrian

Hmm.. juice na lang bebs. Di naman ako umiinum eh..

Oh sya! Wait ka lang dyan bebs! Ok? saad ni Adrian sabay umalis.

Ako naman ay patingin tingin sa tabi tabi, ng bigla naman sumulpot yung dalawa.

Bebs! Bat di ka pumunta sa dance floor para sumayaw!? Saad ni Yellie

Oo nga Mace! Wag mo sabihin umiiral na naman pagka kj mo?! Ay nako! teka! Asan si baklang Adriana?! Saad ni Ash

Hanggang dito ba naman may sermon pa? Tsk . Sa isip ko lang

Nang biglang dumating si Adrian dala yung juice ko at?? Isang bote ng tequilla???

Saang lupalop ka ba galing bakla!? Nagmamagnet ka naman ng papabols diyan. Landutay ka talaga. Hahaha Pagtataray ni Yellie

Malamang umorder ako?! Obvious teh?! Wag shunga! Oh may dala ako di ba?! Hahaha! Itong mga to talaga. Pagtataray din ni Adrian

Order kana ng pulutan! Teka teka kanino naman yan four season na juice?! Saad ni Ash

Sa kin! Bakit ? Hahaha. Di ako umiinom yan alak nyo. Sabay turo ko sa hawak ni Adrian na alak.

Akin na yan juice na iyan! Sabi ni Yellie

Nang makuha ni Yellie yung juice ko, ay agad nito tinapon sa likod ng sofa!?

What the!? Yellie naman!!! Bakit mo tinapon juice ko!!! Pagmamaktol ko.

because you will join us to drink this tequilla and we don't accept NO. Got it, sweetheart? Hehehe. Sagot naman ni Ash

Habang si Adrian ay nagset up na para sa unang magshot.

Alright! Lets get it on mga bebs! Wooh!!! Sino una magshot ? Straight ah! Saad ni Adrian

Si Macey !!!!! Sabay sabi nila Marielle at Ashley

What the hell?! ako agad?

At bingo! Pinagtulungan talaga ako ng tatlo tsk, kaya napasubo tuloy' no choice eh, kaya goodluck sa kin. Pagkahawak ko ng shot glass inamoy ko muna, shet! Ang tapang keri ko ba ito?! Tinikman ko muna ng konti, halos maduwal na ko sa lasa, samantala sila tawa ng tawa.

Ano na bebs! Lagukin muna yan ng diretso, tapos sipsipin mu itong lemon. Hindi mauubus yan sa kakatitig mo. Hahaha Saad ni Ash

Ayun nga pumikit muna ko at saka ko nilagok ng diretso yung laman ng shot glass.

Fuck!!! Argh!!pwe!!! Shit!!! What kind of taste is that?! Dapat wine na lang. Tch! yan nasabi ko pagkaubus ko ng laman sa shotglass

Nice one bebs! Wooh!!! Naubos mo naman eh. Saad ni Yellie at Ash

Pagkatapos ko ay si Yellie naman sumunod pagkatapos nya ay si Ash naman, talagang nagpahuli ang bakla. Hanggang sa makadalawa na kami ng bote lahat kami ay may tama na, pero yung tatlo mukang bagsak na. Ako naman ay pinilit ko tumayo at nag hanap ng c.r medyo hilo na ko.

Pagkatapos ko mag c.r ay narineg ko yung magandang music kaya dire-diretso ako pumunta sa gitna ng dance floor at sumayaw na parang sabik sa tugtugin.