webnovel

Until We Meet Again (Filipino Version)

(S E A S O N 1) Nalaman ng magulang lalo na si Rafael na magkasintahan sila Cassandra at Miguel, pilit silang pinaghihiwalay dahil si Rafael ang gusto ng ama ni Cassandra lalo na't ito ay nagdadalang tao. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanila. Mahal na mahal ng magkasintahan ang isa't isa kung kaya't gumawa ng paraan si Rafael, ang ipapatay si Miguel ngunit nadamay din si Cassandra pati ang kanilang munting anghel. Sumumpa sila sa isa't isa na magsasama sila habang buhay. ang kwentong ito, ay tungkol sa REINCARNATION. Bibigyan ko ito ng twist para mas gumanda ang takbo ng kwento. Sa muli nilang pagkikita bilang MACEY at MARCO, muli kaya silang paglalapitin ng tadhana?.. sila kaya talaga hanggang huli?.. Magwawagi ba muli si RAFAEL sa pagsira sa pangalawang pagkakataon? (S E A S O N 2) Subaybayan po natin ang pag iibigan sa pangalawang buhay nila MACEY at MARCO..

Belladiana1706 · Urban
Not enough ratings
29 Chs

CHAPTER 7

MARIELLE'S POV

Ako nga pala si Marielle Lei Buenaventura, 25ylo, isang pediatrician katulad ni Adrian yung bff namin beki. Wala na kami mga magulang kundi si Lola na lang ang gumagabay sa'min magkapatid, makikilala nyo din si Lola sa ibang chapter.

Unfortunately, I have a brother 2yrs gap nya sa kin, siya si Marco Lee Buenaventura later makikilala nyo siya. Now Im here in my office, katatapos ko lang mgcheck up ng mga bata ng biglang nagring yung phone ko.

Hoy bebs Yellie!!!! Pagtitili ni Bakla

Yellie kasi tinatawag sa kin ng tatlo ko bff haha, ewan ko ba sa mga yun.

Bakit bakla?! Tumawag ka pa talaga ah? Baka magkatapat lang office natin? Hanggang dito rinig ko tili mo! Pagtataray ko sa kanya.

Eh totoo naman kasi halos magkatapat lang kami ng office clinic, hello? Parehas kaya kami ng department.

Oy bebs, bar tayo later!!! Hilahin natin si Maceyholic hahaha, tatawagan ko din si Ash. Sumama ka ha! Excited na pagkasabi nito

Maceyholic? Haha kung sa bagay workaholic kasi ang gaga, walang nightlife hay nako! Ewan ko ba dun sa babaeng yun.

Sya! Oo na kulit! Wala ka ba pasyente hah? Kaya ako itong kinukulit mo, aber??! Pagtataray ulit ko ulit.

Halos ako madami na na check up tapos sya? Petiks lang? Hahaha.

Si Macey mataray tapos pati ba naman ikaw Yellie?? May mga regla ba kayo ngayon hah!? Usu ba teh ang redtide?! Hahaha sabay tawa ng malakas abot dito sa office ko grabe baklang to!

Gaga! Bunganga mo! Buhusan ko ng formalin sa patay yang bunganga mo eh nako. Sya madami pa ko ginagawa ok? mababaliw talaga ako sa pakikipag chika kay Adriana nako.

Ang hard bebs ah? Ramdam ko pramis! Gawin ba naman ako preservative ng patay? O sya! Babush bebs! Baka ilibing muna ko hahaha

Sabay binaba na nya yung tawag, hay nako talaga! natutuyo dugo ko sa baklang yun. Bakit kaya nag aya yun? Maglalandi na naman kasi. Maya mag out na lang ako ng ma aga. Matext nga si Ash...

To: Ash

Bebs, bar daw later sabi ni adriana? Loka loka talaga yun, anu nakain nun at nag aaya ang malanding bakla?

(sent !)

From: Ash

Ay nako bebs, ewan ko ba dun sa baklitang yun haha. Anyway kita kits na lang later, pilitin mo sumama si Macey haha. Magpapaka k.j na naman ang babaeng yun.

To: Ash

Ay nako sinabi mo pa, ako na bahala kay Macey, oh sya bebs kitakits na lang. Bye! Loveyou . Xoxo

(sent!)

Magpapaalam muna ko kay Lola, uwi ako maaga para di ako maabutan ni kuya Marco na super strikto. hays dahil for sure hindi ako papayagan ng magaling ko kuya. Tch!

ADRIAN'S POV

Mag out na ko tamang tama, it's already 6pm, my ilang hours pa ko para magshopping.

(Fast forward ...)

Nang makarating agad ako sa mall ay agad ako rumekta sa department store ng mga girls. Why? Dahil ako mismu ang bibili ng isusuot nila later!!! Hahahaha. Gagawin ko silang hot goddess. At Nang makarating ako dun sa mga pang party dress ay biglang may nabangga ako girlaloo.

Ay! Sarey miss!

Nako okay la.. naputol yung sinabi nya nun paglingon sa kin

Bebs!!!! Tili naming dalawa, agad naman kami pinagtinginan ng mga tao.

Ano ginagawa mo dito bebs? Haha anu ba yan ako nga bibili ng susuot nyong tatlo eh sabay pout ko

Ahaha kaw talaga bebs kahit kaylan, tara tulungan na kita para kila Yellie at Mace saad ni Ashley

Tara na ngat! Hahaha

Ayun nag ikot ikot kami ni Ashleybebs sa buong department store, ako nakahanap na ng susuotin at pati na din kay Yellie. Pero si Ash nakapili na sya ng kanya at til now nag hahanap pa din kami para kay Macey, ano ba kasi hinahanap nito.

Gotcha! This one bebs!? Ganda ba? Red color kasi favorite nun, bagay din sa kanya my glittery style with backless pa. Saad ni Ash

wow! Antaray bebs! Infairnes bebs magaling ka mamili. Hahaha. She looks so hot and gorgeous pag sinuot nya yan. Pagtitili ko sa kanya

Lahat ng boys mag hahabol sa kanya bebs! At for sure magkakajowa na din sya!!! Sabay tili namin ni Ash

Biruin mo ba naman sa amin apat magbff's yung dalawa girls nagka bf na, si Macey lang talaga walang lovelife as in! Allergic sa talong hahaha.

Tara na't bayaran na natin to, tapos magtake out na lang tayo ng pizza sa hospital na tayo kumain.

(fast forward ...)

Nang makarating na kami ni Ash sa hospital ay dumiretso agad kami sa clinic ni Macey.

(knock knock)

pinauna ko muna papasukin si Ashley ng biglang..

Mga Bebs!!!!!! Tili nila Macey at Marielle sa amin dalawa.

Mas matining pa kayo tumili kaysa sa kin, oh ayan ah?! Binili ko na mga susuotin nyo later, from now let's eat.! Gutom na ang dyosa ng sanlibutan!.. haha

wow! Bebs! I like it !!! Thank you adriana! My taste ka ah?! Infairness! Ang sexy kabogsh ang datingan ko!. Hahaha Saad ni Yellie with matching hug hug epek, echoserang frog ng babaitang to.

Oy bebs, si Ash namili nyan ah! Suotin mo gaga! Hahaha. Baka daw kasi pang 80's na naman isuot mo Macey! Dio's Mio! Hmp! Pagtuturo ko kay Ashley.

Talaga?? bebs ang ganda mo talaga mamili!! Thank you!!! kaso, parang ang daring ata masyado nito!? Daig ko pa entertainer. Ibebenta nyo na ba ako?!! Saad ni Macey na parang nandidiri sa damit pero niyakap niya na din ng mahigpit si Ash.

Sus! Gaga! Wala yun Mace, its time to show the real Macey, maganda ka ok? Wag mo ilugmok sarili mo sa trabaho. Bagay sayo yan pinili ko kaya Sumama ka sa min later sa ayaw't gusto mo?! Yan! Kasi ang uso ngayon Macey Ann. Tch! Napag iwanan kana kasi. Hahaha. Panenermon ni Ash kay Mace

Hahaha nagpout na lang ang gagang si Macey.

Tama! Enjoy Mace! Party party later, wooh!! Magpapa sexy at mag papa ganda tayo lahat!!! Saad ni Yellie

Oo na! Tara na papakin na natin yung pizza gutom na ko! Basta paglandian, nabubuhay mga ugat niyo. Tch! Ewan ko sa inyo. pag iiba ng usapan ni Macey.

Ayan! Umiiral na naman pagiging manang mo. Inday! Nasa 20th century na tayo. Wala sa 80's para magpaka conservative ka diyan! Talo ka pa ng mga teenagers. Panenermon ni bakla.

Alam mo bebs, minsanan lang ito. Dapat enjoy! Wag ka na k.j okay?! Hahaha. Bwelta ko.

Nasa iyo na ang lahat bebs, ang kulang na lang is a man who can give you a forever hapiness! Sagot ni Ashley.

In short! Mag boyfriend ka na! At pakasalan muna! Sagot namin tatlo (Adrian, Ashley at ako.)

Napailing na lamang si Macey sa kakulitan namin tatlo para lang magka jowa na siya..