Ineksamin ni Bai Lihua ang katawan ni Guo Guo. Dahil sa kanyang mahinang immume system, siya ay mas maselan kesa kay Tang Tang. Hindi pa nila ito alam sa ngayon, ngunit ang pagkakaibang ito ay mas lalo pang makikita habang ang dalawang bata ay lumalaki. At, dahil sa pagkakaibang ito, ang dalawang batang lalake ay nakatakdang maglakad sa magkaibang daan.
Bago pa ang Fei Tian Award ay maganap, opisyal nang nagsimulamh magsapelikula ang 'Survivor'. Dati, kapag si Guo Guo ay may sakit, hindi naman ito seryoso; ito ay normar na lagnat lamang at sipon. Ngunit, isang hapon, si Bai Lihua ay nag umpisang makaramdam ng isang bagay na hindi tama. Kaya, kaagad niyang tinawagan si Mo Ting habang nagtatrabaho ito.
"Kailangan natin dalhin kaagad si Guo Guo sa hospital. Isang bagay ang hindi tama."
Nagmamadaling iniwan lahat ni Mo Ting ang lahat ng kanyang ginagawa at kaagad na umuwi. Inutusan din niya si Lu Che na makipag ugnayan sa pinaka makapangyarihang espesyalista.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com