Lumingon si Tangning. Ang tingin niya ay kakaiba na maaaring maging dahilan upang manginig sa takot ang mga tao at ito rin ay nagdadala ng pakiramdam ng pangungutya at panlilibak.
Gustong sabihin ni Tangning, "Hindi lahat katulad mo", … hindi na siya nag – abala pa dahil alam niya na makakahanap ng paraan si Mo Yurou upang baliktarin ang mga salitang sasabihin niya.
Sa may doorway, pinagmasdan ni Han Yufan ang dalawa ng masama. Lalo siyang nagalit nang marinig niya ang huling dalawang salita na sinabi ni Mo Yurou; dahil ba talaga sa Star Age kaya nakuha ni Tangning ang istado na kinaroroonan niya ngayon? Masama ang loob ni Han Yufan kaya umiirap siya kay Tangning, "Pumunta ka sa opisina ko."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com