webnovel

Pagkakaroon ng Pagkakataon na Masabi ang kanyang Opinyon

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkatapos na marinig ang tugon ni Han Ruoxue, si Lin Wei na nakatayo sa likod ni Tangning, ay labis na napamagha kay Tangning.

Dahil sa sandaling ito, nabaliktad na ni Tangning ang sitwasyon at ngayon ay si Han Rouxue na ang inaapakan nito - hindi talaga siya ordinaryong artist. Hindi niya basta itinatapon ang init ng kanyang ulo sa kahit kanino, bagkus, siya ay direktang lumapit kay Han Rouxue at hiningi ang kanyang mga karapatan!

Simula ngayon, wala ng karapatan ang Tianyi na makialam sa lahat ng kanyang mga trabaho. Sa madaling salita, siya ay bahagyang malaya na sa kanyang kontrata.

Dahil naiintindihan ni Tangning ng mabuti ang mga kasuklam – suklam na mga taong ito, kailangan niyang makasiguro na magkakaroon siya ng karapatan na makagawa ng kanyang sariling desisyon - hindi niya maaaring hayaan na mangyari muli ang ang nangyari sa Secret.

Ang ginawa niya ay mas mahusay kaysa sa ipahiya lamang ang mga ito.

Ang isip ni Tangning ay malinaw.

Taimtim na naniniwala si Lin Wei, kahit na hindi siya ang naging manager nito at kahit na wala itong assistant, kaya pa rin nito nang mag – isa na may marating sa kanyang career. Kung pagbabasehan ito, sinong artist ang may kakayahan na pamunuan ang kanilang manager? Gayunpaman, kahit alam na niya ang katotohanang ito, hindi siya papayag na iwanan si Tangning. Sa pagsunod kay Tangning, napakaraming aral ang maaaring niyang matutunan.

Lalo na noong sinabi ni Tangning na binabawi lang niya ang katarungan na nararapat sa kanya, biglang natauhan si Lin Wei. Sa industriyang ito, hindi siya naniwala na ang katarungan ay umiiral, pero, iba si Tangning … hindi siya masyadong nag – aalala kung ibabahagi niya ang kanyang entablado kay Mo Yurou. Gamit ang kakayahan ni Tangning, ang pagtalo kay Mo Yurou ay masyadong madali.

Sa kaibuturan ng puso ni Tangning, siya ay umaasa na magkaroon ng pagkakataon na hamunin si Mo Yurou sa isang patas na laban. Dahil sa dati siyang naging kahalili ni Mo Yurou, kailangan niyang gamitin ang pagkakataon na ito para patunayan sa publiko, sa paghalili kay Mo Yurou, hindi ito nangangahulugan na wala siyang kakayahan. Para sa kanya, ang manalo laban kay Mo Yurou ay ay tulad ng paglalaro ng isang simpleng laro.

Sa huli, ngayon na ang dalawang panig ay nagkaroon na ng kasunduan, ang Tianyi ay hindi na maaaring kaswal na magplano ng mga magiging trabaho ni Tangning. Simula ngayon, ang mga trabaho ni Tangning ay kinakailangan muna na dumaan sa pagpapasya ng mga higher – ups ng kumpaya sa pamamagitan ng botohan. Sa kanilang pangangasiwa, hindi na maitatago ni Han Yufan ang katotohan sa nakararami. Simula ngayon, ang mga trabahong imumungkahi ni Tangning ay ang mga proyekto na may potensyal na kumita ng malaki … kaya siguradong wala silang dahilan na matanggihan ito.

Samantala, sumang – ayon si Tangning na lumahok si Mo Yurou sa Secret photo shoot kasama niya. Silang dalawa ay magtutulungan para maimpuwensiyahan ang Oriental Trend…

Pagkatapos na marinig ang desisyon ni Tangning, nabigla si Mina sa pagpayag ni Tangning na tanggapin si Mo Yurou. Hindi maiwasan ni Mina na makaramdam ng paggalang kay Tangning. Gaano ba kalakas ang kanyang kalooban na kaya niyang pahintulutan ang pag – atake ng kanyang mga kalaban, kahit na muntik na ng mga ito siraan ang kanyang career?

"Tangning, labis mo akong nagulat. Inaasahan ko makita ka sa front cover ng aming magazine. Tungkol naman sa maraming beses na pangmamaliit ko sa'yo dati, labis talaga akong humihingi ng tawad.

"It's OK," ipinakita ni Tangning na hindi naman ito nakaapekto sa kanya. Naiintindihan ni Tangning ang mga ganitong klase ng business people, at dahil sa kaalaman niyang ito, alam niya, na mas magiging madali na kumbinsihin ang mga ito kaysa galitin ang mga ito.

"Nais kong magtagumpay ang ating pagtutulungan."

Bago umalis, tiningnan ng masama nina Han Rouxue si Tangning – nakakatakot ang itsura ng mga tingin nito. Simula ngayon ang Han Family at si Tangning ay ganap ng magkalaban. Pero, hindi ito mahalaga. Kung takot talaga siya, hindi siya magsasalita sa pagpupulong ngayong araw.

Habang lumalabas siya sa Headquarters ng Secret, binigyan ni Han Rouxue si Tangning ng babala, "Hindi ko alam kung masyado ka bang matalino o masyadong tanga. Tangning, kahit na naging sikat ka dati, ang lahat ng ito ay nasa nakaraan na lamang. Ang lakas naman ng loob mo na kumilos ng laban sa kumpanya para sa kapakanan ng pagkakaroon ng ganyang kaliit na pakinabang, lalo na wala kang malakas na sumusuporta sa iyo. Kahit na makakaramdam ka ng ilang araw na kaligayahan, hindi ito magtatagal."

"Hindi mo na kailangang mag – alala tungkol sa mga bagay na iyan," kalmadong tugon ni Tangning.

Ngumisi na lang si Long Jie na kasalukuyang nasa likod ni Tangning. Nariyan si Mo Ting para kay Tangning; kahit na si Tangning ay hindi kilala sa industriya, siya pa rin ang asawa ng CEO ng Hai Rui Entertainment. Hintayin n'yo lang ang araw na mabunyag ang katotohanan, kayo ay magugulat ng higit pa sa paniniwalaan n'yo.

"Tangning, sa simula, inaalala ko pa ang mga magagandang panahon na magkasama tayong dalawa, ngunit pagkatapos ng araw na ito, ang lahat na lang ng mayroon ako para sa iyo ay pagkasuklam," sabi ni Han Yufan sa kanya habang yakap nito si Mo Yurou. Malamig ang tingin nito sa kanya na punong – puno ng pagkasuklam.

Nasisiyahan si Mo Yurou, ito ang unang pagkakataon na sinabi ng tuwiran ni Han Yufan ang kanyang pagkamuhi kay Tangning. Ang ibig sabihin din nito, simula ngayon, ano man ang gawin ni Tangning, wala nang pagkakataon pa na magkabalikan silang dalawa…

Para kay Tangning, ito na ang huling bugso…

Syempre, ang lahat ng ito ay nasa loob lamang ng pag – iisip ni Mo Yurou, dahil sa sandaling ito, si Tangning na narinig ang lahat ng mga salitang binitawan ni Han Yufan habang umaalis siya ay tumawa na lamang, "Akala ko matagal mo nang naramdaman ang pakasuklam na nararamdaman ko sa iyo."

Ang marahang tugon ni Tangning ang nakapagpatawa ng malakas kina Long Jie at Lin Wei. Pagkatapos, silang tatlo ay sumakay na sa kanilang sasakyan at nagmaneho na papalayo nang hindi lumilngon kahit isang beses.

"Ahhh...." masayang sigaw ni Long Jie. "Ang araw na ito ay napakasaya, haha. Ngayong gabi kailangang uminom ako ng champagne para magdiwang. Ang pag – iisip pa lang sa nakakatakot na mukha ni Han Rouxue ay nagbibigay sa akin ng dahilan para gustuhin kong kuhanan ito ng litrato at ipakita ito sa kanya para malaman niya kung gaano siya kapangit."

Nilingon ni Lin Wei si Tangning mula sa front passenger seat. Mayroon siyang mga bagay na nais malaman dito, "Ang lahat ng iyon ay bahagi ng iyong plano upang mapahintulutan ka nitong masabi mo ang iyong opinyon, tama?"

"Kung hindi ko ito ginawa, hanggang hindi nahihila pababa si Mo Yurou sa kanyang dapuan, patuloy lang nila akong gagamitin para maiangat ang kanilang mga sarili. Kaya, kailangan kong makuha ang karapatan na masabi ang aking opinyon." Tiningnan pababa ni Tangning ang karagdagang kontratang isinulat si Han Yufan at masusing pinag – aralan ito upang matukoy agad kung mayroon mang pagkakamali. Napagtanto niya na hindi niya maintindihan ang marami sa mga legal terms; kinakailangan ni Mo Ting na hawakan ito.

"Ibig sabihin din ba nito na … papabagsakin mo si Mo Yurou?" hindi pa alam ni Lin Wei na buntis si Mo Yurou.

"Hindi pa ngayon ang takdang panahon…"

Pinagmasdan ni Lin Wei ang mga mata ni Tangning at hindi na nagtanong pa. Kung may gustong sabihin sa kanya si Tangning, sasabihin na lang nito sa kanya sa lalong madaling panahon. Ngayon, ang tanging magagawa lang ni Lin Wei ay kumbinsihin si Tangning na magtiwala pa sa kanya. Ito lang ang tanging paraan upang ang kanilang pagsasamahan ay hindi matinag.

"Haha! Nais talaga ni Mo Yurou na makipagtunggali sa iyo. Tangning, gawin mo siyang background mo!"

Syempre, walang punto ang pag – iisip ng masyadong malayo pa. Ang photo shoot ng Secret ang pinakamahalagang bagay sa harap nila at ang lahat ng kanilang mga tagahanga ay naghihintay kung sino nga ba ang mas magaling sa kanila.

Pagkatapos bumalik ni Tangning sa asyenda, napansin nila na wala pa si Mo Ting sa bahay. Naupo silang tatlo sa carpet ng living room habang kaswal na umiinom ng red wine, "Tangning, maaari ka bang magluto pa sa amin? Sawang – sawa na ako sa American fast food."

"Pero, ayoko kong kumilos…" tinatamad na sumandal si Tangning sa sopa.

"Dear God, isang lingo pa natin kailangang kumain ng steak, chips at hamburgers …

"Pakiusapan n'yo ang asawa ko na magluto…" ngumiti si Tangning, "Gayunpaman, sa palagay ko hindi siya magluluto ng sapat para sa inyong dalawa."

"Sinasabi mo ba na marunong magluto si Big Boss?" Long Jie looked like she had just made a huge discovery as she grabbed onto Tangning's arms and asked.

"Ang kanyang pagluluto ay hindi na masama."

"Tangning...Tangning, pakiusap bigyan mo ng karangalan ang aming mga bibig na matikaman ang kanyang luto …" pinagsama ni Long Jie ang kanyang mga kamay na puno ng katapatan – gusto niya malaman kung si Big Boss ba ay ganun talaga kahusay tulad ng sabi ni Tangning, "Kahit isang maliit na piraso lang, sapat na talaga ang maliit na piraso."

"Hindi mahirap gawin iyon," sa oras na ito, narinig nila mula sa likod ang tinig ni Mo Ting. Pinagmasdan ni Tangning si Mo Ting – sa ilalim ng sikat ng araw, ang gwapong mukha nito ay kaakit – akit. "Upang ipagdiwang ang pagbawi ni Tangning sa kung ano man ang orihinal nap ag – aari niya, magluluto. Gayunpaman, simula ngayon, kung sinuman ang humiling kay Tangning na pumunta ulit sa kusina, Hindi ako magiging mabait sa kanila."