webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

chapter 31

BATTLE OF TWO KINGDOM

DIGMAAN SA NETHER LAND

AT ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN SA TORETIRIM

MGA ocrs ng nether land ay abalang sinisira ang mga kagubatan sa labas ng lupain nito.

Nakita ni grael gehiner kung paano lapastanganin ng nether land ang kagubatan sa labas ng lupain nito. Hindi na nakapagpigil pa si grael bagkos simulan nya na itong paslangin.

"Panain sila habang abala sa kanilang mga ginagawa"

Nakatalikod ang mga berdeng orcs at abalang pinuputol ang mga puno nang biglang tumama sa mga likod nito ang malalaking palaso mula sa nether way.

Hindi na nagawang makatakbo o makasigaw ang mga berdeng orcs dahil isa isa itong pinugutan ng ulo ni haring grael.

Habang nagaganap ang digmaan sa nether land ay sinamantala naman ni haring thron ang pagsalakay sa toretirim dahil sa paniniwalang nasa mga tao ang susi ng aklat.

Libu-libong mga evilders at goblins ang nagtungo sa batong tarangkahan ni haring vinner gair, ang tambuli ng mga dwarves ay muling narinig sa ibabaw ng palasyo nito.

Matatapang sila ngunit hindi nila kayang labanan ang malalaking evilders at goblins, hindi na rin sapat ang bilang ng mga mandirigmang dwarves.

Nagpadala rin ng hukbo ang reviin tur ngunit iilan lamang mga kabalyero ang kanilang pinadala, ang andican ay nagpadala pa ng mga mandirigmang elfs ngunit hindi sapat ang bilang nito.

"Haring vinner! Haring vinner! Ang mga evilders ay nasa labas ng tarangkahan at nais ng kanilang hari na dumungaw ka sa pinto para kausapin!"

"Thron!!!"

Nagtungo ang hari ng mga dwarves sa bintana ng kanyang kastilyo at dinungaw ang libu-libong mga evilders at goblins at nakita nya kung gaano ka kahusay lumikha ng makabagong sandata ang teruvron.

"Hahahaha!hari! Dwarves! Toretirim! Magandang paglagyan ng mga bakal ang mabato at mayaman mong bundok haring vinner!"

"Lalagyan ko ng simbulo ng MGA dwarves ang bibig mo sa oras na hindi ka tumigil sa pagsasalita ng walang kabulohan! Ano ang kailangan mo sa aking lupain?"

"Uhmmm!simple! Ang susi ay hawak ng mga tao at nais ko iyon ! Ibigay o mamamatay!"

Napahawak na lang ng balbas si haring vinner dahil alam nyang wala sa mga kamay ng mga tao ang naturang susi ng aklat.

"Digmaan ang inyong nais? Nabigo man kami sa tarzanaria ngunit dito sa lupain ng mga dwarves kayo ay aming pababagsakin!"

"Mahusay!ibigay ang gusto ni haring vinner!"

"Digmaan!"

Pinatunog ng mga dwarves ang tambuli sa labas ng batong tarangkahan at dahan dahan itong nagbukas, tatlong daang dwarves ang naglakad patungo sa harapan ng tarangkahan at saka sumunod ang mga elf na ang bilang ay nasa dalawang daan habang ang mga kabalyero ay hindi na aabot sa isang daan.

Pinangunahan ni haring vinner gair ang tatlong hukbo laban sa mga evilders at goblins. Hindi nagpadala sa takot ang dwarves bagkos pinakita nya kung gaano siya katapang.

Sa harap pa lang ng batong tarangkahan sinugod na ng mga evilders ang mga mandirigma ng toretirim.

"Pabagsakin ang pader! Sugod anak ng kadiliman! " Sigaw ni haring thron sa kampon nito.

Marami ang bumagsak sa hanay ng toretirim dahil sa dami ng mga kalaban, karamihan sa kanila'y napapagod na kaya't hindi maiwasan ni haring vinner gair na malungkot habang pinapanood ang pagbagsak ng kanyang hanay.

Ngunit hindi nagpatinag ang mga matatapang na elf sa takot bagkos hinarap nila ito kahit na alanganin na sila. Unti unti na ring nauubos ang mga bala ng pana kaya't tanging ang sibat ang siyang naging panangga ng mga ito laban sa mga halimaw.

Isang malaking goblins ang nagtungo sa tarangkahan ng toretirim at nais nitong sirain ang tarangkahan ngunit hindi nya iyon magawa dahil sa tigas at laki ng tarangkahan.

Isang elf na babae ang nanatiling nakatayo at nakikipaglaban sa mga evilders sa labas ng tarangkahan, suot nya ang baloti na gawa sa balat ng dragon at dala nya sandata ng andican.

"Umatras na tayo!"

"Pumasok na tayo sa palasyo kamahalan!"

"Kamahalan!"

Hindi pinakinggan ni haring vinner gair ang mga sigaw nito bagkos nakatuon ang pansin nya sa itaas ng bundok ng toretirim.

Nakita nya ang pagliparan ng mga uwak at mga ibong may tatlong mata sa himpapawid.

"May tulong na darating! Bumalik sa hanay!!!! May darating na tulong mula sa hilaga!"

Isa isang nagbalikan ang mga dwarves habang ang mga kabalyero at elf's ay nakipag-isa na rin sa utos ni haring vinner.

Kitang kita nila ang ibong nagliliparan sa himpapawid at mistulang naging ulap ito na kulay itim dahil sa dami nito.