webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

chapter 16

Hanggang sa ang liwanag ng buwan ay unti unting nagkaroon ng kakaibang kulay, kulay pula at mas lalo pa itong tumingkad.

"Lady qenhrin! Hindi maaari!" Saad ni tamberow laurhim, abala ito sa kanyang ginagawang paglalakbay.

Kitang kita nya ang kulay pulang paligid dahil iyon sa liwanag ng buwan. Mabilis na sinuong ng matandang salamangkero ang masukal na gubat hanggang sa makaramdam ito ng lamig sa katawan.

Masyadong malamig sa lugar ng mga diwata, nagtataka si tamberow laurhim bakit nagkaroon ng nyebe sa kulay berdeng lupain ng mga diwata.

"Ano ang nangyari dito!" Saad nito sa kanyang sarili habang inaamoy ang dahon ng kryln[Manga].

Tinungo ng matandang salamangkero ang palasyo ng mga diwata ngunit nababalot ito ng yelo, makapal at nakakabahala.

Makikita sa buong paligid ng palasyo ang mga diwatang nanigas na dahil sa lamig, ang iba'y wala ng buhay na nakabitin sa bawat poste ng palasyo.

"Bigyang gabay ang aking dinaraanan! Liwanag ay ipagkaloob sa'kin!"

Nagliwanag ang paligid kasabay ng pagliwanag nito naglabasan ang mga puting alupihan. Naramdaman ni tamberow laurhim na mayroon pang buhay sa loob.

"Lumabas ka!"

Pinatamaan nya ng hangin ang trono ng reyna, hanggang sa lumabas mula sa likod ang anak ng reyna ng mga diwata.

"Encanta nu ra prindri"

[Diwata ng rerurhin land]

"Wala na sila! Umalis kana!" Natatakot nitong Saad sa matandang salamangkero.

"Sabihin mo! Ano ang nangyari dito? "

"Ang reyna ng snow mountain ay nakipag-alyansa! Nasa mga kamay na siya ng kadiliman, pinatay nya ang aking angkan at siya ang kumuha ng aklat dito at dinala sa tarzanaria dahil sa utos ni lord airin"

"Oo alam ko! Ang libro ang kanilang pakay! Naparito ako para alamin kung totoo ngang wala na dito ang itim na aklat! Siya ngang tunay!"

Sinakyan ni tamberow laurhim ang bangka pabalik sa tarzanaria, hindi na ito dumaan sa itim na karagatan bagkos pinasok nya ang kweba ng black omirn ang tahanan ng mga divuch [dragon].

Sa pagpasok nito sa kweba lumitaw ang isang nilalang, malaki at may makinang na mga mata. Isa sa mga alagad ng kadiliman na nagkukubli sa kweba.

"Manrogh! Ang isa sa limang diyos ng white counsel!"

Mapula at nakakatakot ang mga mata ni manrogh. Nakatuon ang pansin nito kay tamberow laurhim, nagpakawala ng itim na usok si manrogh patungo sa bangka ni tamberow laurhim.

Nawasak ang bangka ngunit naglaho na lang bigla si tamberow laurhim. Ngunit sa paglitaw ng matandang salamangkero ay biglang nagliwanag ang paligid.

Ang kinatatayuan nya ay nabalot ng usok habang ang liwanag na kumakalat ay unti unting naglalaho.

Rinig na rinig ng matandang salamangkero ang alulong ng mga lobo, napapaligiran si tamberow laurhim ng itim na usok hanggang sa ang pulang buwan ay unti unting natakpan ng ulap.

Nagpakawala ng mahika si tamberow laurhim kaya't agad itong nakaalis sa pwestong iyon ngunit hindi nya inaasahang magbabago ng anyo si manrogh.

Naging malaking ahas ito na may tatlong ulo, kapwa't nagliliyab Ang mga ulo at mata nito, bumubuga rin ng apoy at nakalalasong usok ang halimaw.

Hinarap nya ang ahas at nilabanan, ang mahika nya ay nilalabanan ang mahika ng isa sa limang diyos ng white counsel.

Hindi nya inaasahang matatalo nya ito, napabagsak nya ang ahas ngunit huli na noong makita nyang tumawid ng ilog ang mga divuch, sakay ng mga divuch ang mga orcs.

"Marahil bumagsak na ang hanay ng tatlong kaharian!! Ngunit iba ang aking pakiramramdam! Marahil nakarating na ang dwarves at at ang hukbo ng white counsel sa tarzanaria!!"

Nababahala nitong saad sa sarili habang pinagmamasdan ang dumadaang libu-libong barko na galing sa teruvron. Ang mga evilders ay sabay sabay na naglayag patungo sa tarzanaria, nabalitaan ng kadiliman na nagsanib pwersa ang limang hukbo ng white counsel.

*DOM! DOM! DOOMMMMM!"

(Tunog ng tambuli)

"Atras!atras na!"

"Pumasok sa palasyo!"

"Talo tayo sa labang ito!"

Dahil sa hindi mabilang na kalaban umatras ang tatlong hukbo papasok sa palasyo habang si haring vinner gair ng toretirim ay nakaabang sa labas ng tarangkahan.

Habang ang kawal ng white counsel ay nakatayo sa unahan ng mga dwarves at pinatutunog nila ang tambuling babala.

Hindi sila umatras bagkos nanatili sila sa labas ng tarangkahan ng tarzanaria.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-