webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasy
Not enough ratings
49 Chs

chapter 15

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGDATING NG MGA DWARVES SA TARZANARIA MOUNTAIN

INABOT ng tatlong araw na paglalakbay ang hukbo ng toretirim kasama ang hari nito. Patungo sila sa lupain ng mga tao upang protektahan ito.

Dahil na rin sa pakiusap ng salamangkero kaya't pumayag ang hari, ang mga mandirigmang dwarves ay nakaabang sa itaas ng bahagi ng bundok ng tarzanaria, Pinanonood nila ang hukbo ng tatlong kaharian na nakikipaglaban sa mga mandirigmang goblins at evilders.

"Natagalan siguro ang ating pagdating!"

"Kamahalan!handa na ang mga mandirigma natin!"

"Ihipan ang tambuli at tayo'y susugod na!"

Sakay ng mga lobo ang mga dwarves habang ang hari ay sakay ng malaking baboy ramo. Matatapang at walang habas nilang pinagtatagpas ang ulo ng mga kaaway, wala silang inaatrasang digmaan.

Mula naman sa silangan bumungad ang libu-libong mga mandirigma mula sa white counsel, sa palagay ng mga tao at ibang mga nilalang na naroroon ay pinadala sila ni lord airin enirin ngunit ang hindi nila alam ay wala na ang kanilang diyos.

"Mga hivas [Kawal ng mga diyos] umiinit ang dugo ko sa kanila!"

Saad ni haring vinner gair habang nakahawak sa sandata nito. Nakita nya ang hukbo ng white counsel ngunit hindi nya ito nilapitan para paslangin.

Bigla namang nakaramdam ng takot ang mga kalaban dahil sa narinig nitong tunog mula sa ilalim ng lupa.

Ang tambuli ng white counsel ay muli na namang narinig, ilang daang libong taon na ang nakalilipas simula nang tumunog iyon, isang malaking karangalan para sa mga mandirigmang pinanghihinaan na ng loob na marinig ang tunog ng tambuli.

Ang mga sugatang mandirigma ay muling tumayo at pinilit na lumaban habang ang mga tao sa loob ng palasyo ng tarzanaria ay nagkaroon ng plano. Sa pamamagitan ng paghatid ng mga pagkain at tubig at paglunas sa mga mandirigmang sugatan ay iyon na lamang ang kanilang magagawa.

Minabuti ni haring lurril steil at haring reviin sel na paatrasin ang kanilang hukbo, hindi nila kakayanin ang libu-libong mandirigma ng kadiliman at patuloy pa itong dumarami.

"Duwag! HAHAHA!" Sigaw ni haring thron, nagtatago ito mula sa madilim na bahagi ng bundok. Habang pinagmamasdan ang nagaganap na digmaan.

Umatras ang tatlong kaharian laban sa mga mandirigmang nilikha gamit ang kapangyarihan ng kadiliman, hindi nila naisip na ang mga mahihinang nilalang ay may kakayahang lumaban hanggang kamatayan.

Ngunit dahil sa pagdating ng hukbo ni haring vinner gair at mga mandirigma ng white counsel nagkaroon ng pag-asa ang mga mandirigmang hindi umatras sa laban.

Habang nagaganap ang digmaan sa tarzanaria ay mayroon ding nagaganap na tension sa pagitan ng dalawang diyos, Ang diyos ng puting bundok at ang diyos ng buwan.

"Kapangyarihan?oo gusto ko ng kapangyarihang walang hanggan!" Saad ni lord airin enirin sa babaeng nakakulong sa maruming kulungan, isang hawla na ginawang himlayan ni lady qenhrin.

"I-ibang iba kana nga!Nagpatalo ka sa kadiliman at sa kanya!"

"Manahimik!! Umanib ka sa akin at tayo'y maghahari sa buong nuhrim eartin at magiging diyos tayo at sasambahin ng mga mababang uri ng nilalang!" Dagdag pa ni lord airin enirin.

"Nais mong maging katulad nya?"

"Oo!sa oras na ibigay sa'kin ni lord teraiziter dejirin ang kapangyarihang nais ko ay aking tatalonin si bathala! at ako ang papalit sa kanya sa zarapa!"

"Nababaliw kana nga"

Ang diyosa ng buwan ay pinakawalan at itinali ito sa pinakamataas na bahagi ng bundok. Makikitang nagliparan ang mga aninong pagala-gala sa paligid patungo sa diyosa ng buwan.