webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

chapter 13

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG KARAGATAN NG KADILIMAN AT ANG NAWAWALANG BARKO NG WHITE COUNSEL

NAGLAKBAY ang matandang salamangkero patungo sa kinaroroonan ng mga diwata.

Sa mga sinabi ni tandang nakein kailangan nyang tumawid sa delikadong tubig alat, wala ng ibang daan maliban sa dagat ng kamatayan.

Abalang naglalakbay ang matandang salamangkero patungo sa madilim na lupain ng rahor. Narating ni tamberow laurhim ang pangpang ng dagat at doon nya natanaw ang isang bangka.

Nakita ni tamberow laurhim ang isang lumang bangkang nakatali sa kahoy na malapit sa pangpang ng dagat. Mabilis na sinakyan ni tamberow laurhim ang bangka at saka tinungo ang gitna ng dagat, mahamog at masyadong madilim ang paligid.

Biglang naalala ni tamberow laurhim ang lumang alamat at mga k'wento ng mga sinaunang manlalakbay sa karagatan na mayroong isang nilalang sa dagat na nagbabantay at nagmamasid sa mga manlalayag.

Itinigil ni tamberow laurhim ang bangka sa madilim at mahamog na parte ng karagatan. Dahil sa narinig nitong tunog sa paligid, nakakakilabot ang tunog na iyon.

"Ang naminrim! Ang lumang barko ng mga pirata, ang sinasabing multo ng karagatan!"

Makikita sa kanyang mukha ang takot at kaba dahil sa narinig nitong tunog. Ang naminrim ay ang kinakatakutang barko ng mga manlalayag dahil sa dala nitong panganib at wala pang nakakalapit dito.

Ang naminrim ay ang nawawalang barko noong unang digmaan sa pagitan ng white counsel at teruvron. Ayon sa mga alamat hindi totoo umanong mga pirata ang mga nakasakay sa barko kundi sila ang mga mandirigma ng white counsel na hindi nakarating sa digmaan,Sinasabing hanggang ngayon ay hinahanap nila ang daan patungo sa kanilang diyos.

Hindi pa rin nila nahahanap ang daan patungo sa digmaan. Dahan dahang nilisan ni tamberow laurhim ang lugar at saka ipinagpatuloy ang pagsasagwan ngunit muli nya na namang narinig ang tunog na nagmumula sa di kalayuan.

*DOMMM! DOMM!*

(Tunog ng tambuli)

Ang tunog ng tambuli ay umalingawngaw sa buong paligid ng karagatan. Ang naminrim ay mabagal na umaandar papalapit sa maliit na bangka ni tamberow laurhim, hindi siya makapaniwala na makikita nya ang barkong kinakatakutan ng mga manlalayag.

Sinagwan ni tamberow laurhim ang bangka paatras hanggang sa makita nya ang bandila ng puting bundok. Hindi sila ang mga piratang sinasabi kundi sila ang mandirigmang hindi nakarating sa digmaan.

"Ngayon alam kona kung bakit sila gumagala sa karagatan! Hindi nila nahahanap ang daan patungo sa digmaan!"

Hindi nagpatinag sa takot ang matandang salamangkero bagkos pinasok nito ang barkong kinakatakutan ng lahat. Madilim, puro dilim ang siyang makikita sa paligid.

Walang nakasilip na liwanag kahit anino ng buwan ay walang nakasilip. Ngunit may mga bulong ang hindi matahimik at nais makawala mula sa pagkakagapos, ang mga mandirigmang espirito ay nagmamatyag sa paligid.

"Ikubli mo'ko mula sa kadiliman at bigyang buhay ang mga napasong lampara! Apoy at tubig ay magsama!"

Isang orasyon ang nilikha ng salamangkero, hanggang sa isa isang nagkaroon ng sulo ang mga lampara na nakasabit sa bawat poste ng barko. Malawak at napakatibay ng barko dahil ilang daang libong taon na itong naglalayag ngunit hindi pa rin ito nasisira.