Naglakad papasok ng dahan dahan si tamberow laurhim sa loob ng barko at tinungo nya rin ang pinakapusod ng barko. Ang pinagtataguan ng mga mandirigma ay nasa ilalim ng barko at doon nya napansin ang mga anino.
"Sino?! Sinong hangal ang pumasok sa aking barko!"
Ang boses na iyon ay ang boses ng mga espiritong walang buhay ngunit may kamatayan. Sila ang mga espiritong walang buhay at may kamatayan ngunit kaya nilang maglakbay pabalik sa mundo ng mga buhay.
"Mga mandirigma ng white counsel! Anak ni lord airin enirin! Ang inyong pinuno ay nasa mga kamay na ni lord teraiziter dejirin kaya't nais nya ng tulong" Saad ni tamberow laurhim sa espiritong hindi nagpapakita.
"Ang aming diyos? Nasaan siya!" Saad ng isang espiritong kasamahan nito.
"Tigil!paano kami maniniwala sa iyo? Sino ang nagsabing nais pa naming bumalik sa puting bulwagan ni airin enirin? "
"Totoo nga ang alamat! Nandito na sa barkong ito ang inyong buhay! Hangga't na nanatiling maayos at matibay ang barko kayo'y hindi matatahimik! Tama ba ako? "
"Masyado kang maingay! Patayin siya!"
Itinaas ni tamberow laurhim ang tungkod nito dahilan upang lumiwanag iyon at ang napakadilim na paligid ay nabalot ng nakasisilaw na liwanag. Ang mga espiritong nagtatago sa dilim ay lumantad sa harapan ni tamberow laurhim.
Mabilis na nawala si tamberow laurhim sa gitna ng mga nagtitipong espirito at mula sa itaas ng barko naroroon ang matandang salamangkero na tumatakbo. Hanggang sa isa isang nagdatingan ang mga kaluluwang hindi matahimik.
Nagliparan ang mga ito sa kalangitan at pilit na gustong makalapit sa salamangkero ngunit hindi nila iyon magawa dahil sa mahikang pumipigil sa kanila.
"Wur yurin speler kuur mahika?"
(Anong uri ng mahika ang ginagamit nya?) Saad ng isang espirito na hindi magawang makalapit sa salamangkero.
"Sanrhu! Itim na salamangka kung saan kaya ng mahikang ito na wasakin ang buhay na kaluluwa!" Wika ni tamberow laurhim sa mga espiritong hindi makalapit sa kanya.
Kumaripas ng mabilis si tamberow laurhim at tinungo ang dulo ng barko. Naisip ni tamberow na wasakin na ang barko upang hindi na ito makapaghasik pa ng lagim.
Mula naman sa unahan nito makikita ang napakalaking buhawi,ang mga espirito ay isa isang hinigop ng buhawi at lalo itong lumaki hanggang sa nagkulay itim ang tubig ng dagat.
Napakaraming mga bungo at kalansay ng tao sa paligid at may mga katawan ng elves ang nakasabit sa bawat poste ng barko.
Wala ng mapagpipilian pa si tamberow laurhim kundi ang wasakin ang barko. Tatlong beses nitong hinampas ang barko gamit ang tungkod hanggang sa isang malaking alon ng tubig ang tumama sa barko.
Nasira ang ilang parte nito hanggang sa unti unting lamunin ng dagat ang barko ng kadiliman. Tanging ang bandila na lamang ng white counsel ang makikitang nakalutang sa tubig.
Nakaramdam ng takot si tamberow laurhim habang abalang nagsasagwan,isang masamang kutob ang naramdaman nito.
"Lady qenhrin! "
Iniwan nya si lady qenhrin sa puting bulwagan ni lord airin, natatakot si tamberow laurhim dahil alam nyang wala na sa sarili si lord airin at maaaring saktan nito ang diyosa.
Hanggang sa isang boses ang pumailalim sa isipan nito. Ang boses ni lady qenhrin ang naririnig nya, dahil iyon sa liwanag ng buwan.
"Ngayong gabi ay unti unting lalabas ang buwan, nurin kqein shinor tamberow laurhim"
(Maayos ako at wala ka dapat ipag-alala tamberow laurhim)
Dahil sa sinabi nito nagkaroon ng lakas ng loob ang matandang salamangkero dahilan upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa napakadilikadong lupain ng mga diwata at sa walang kasiguradohang paghahanap ng mga kasagutan.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-