Nakita ni Elise ang matinding sakit na nararamdaman ng lalaking may saklay at hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya.
Nasasaktan sya.
Kumikirot ang puso nya dahil pakiramdam nya, sya ang dahilan kaya nasasaktan ang lalaking may saklay ngayon.
'Ano ba itong nangyayari sa akin, bakit naiiyak ako? Parang ayaw ko syang makitang nasasaktan?'
Nalilito si Elise sa nararamdaman nya at sa sobrang pagkalito, hindi nya namalayan na nakalapit na pala sya sa lalaking nakasaklay.
Parang gusto nya itong damayan sa sakit na nararamdaman para maibsan man lang kahit konti.
"Okey ka lang ba? Halika, dito ka! Maupo ka!"
Naluha si Mel ng makita si Kate na biglang lumapit sa kanya at tulungan syang maupo sa kama na gawa sa pinagpatong patong na katawan ng puno.
"Teka Elise, huwag mo syang lapitan, baka magnanakaw yan!"
Gulat na bulalas ni Ethan ng biglang naroon na agad sa tabi ng lalaking may saklay ito.
Sa laki ng tiyan nito, hindi nya akalaing napakabilis nyang kumilos.
"Magnanakaw?"
Nakaramdam ng inis si Elise. Hindi nya maintindihan, pero biglang kumulo ang dugo nito ng madinig nya ang sinabi ni Ethan kaya hindi nya mapigilan ang sariling tingnan ng matalim si Ethan.
"Tingnan mo nga, may saklay sya at injured pa! Paano mo masasabi na magnanakaw sya?"
Singhal ni Elise.
Galit na ito at nakaramdam ng takot si Ethan ng makita nyang parang mananagpang si Elise.
Pero hindi mapigilan ni Mel ang mangiti at tiningnan ang babaeng nasa harapan nya ng buong pagmamahal.
'Totoo nga kayang hindi nya ako nakikilala?'
'Pero ganun pa rin ang kinikilos nya!'
'Ganito si WifeyLabs ko pag may nangaaway sa akin!'
"Eh, kasi ... hawak nya ang mga damit mo, kaya nasabi kong magnanakaw sya."
Nahihiyang pagdadahilan ni Ethan.
"Damit ito ng WifeyLabs ko! Ako ang namili sa mga ito nung araw na umalis sya, kaya natitiyak kong sya ang asawa ko!"
Pagtatanggol ni Mel sa sarili
"Wifey .... Labs?"
'Bakit parang pamilyar sa akin ang sinabi nyang yun?'
"Yes, Kate MyLabs, ikaw ang WifeyLabs ko! At ang vest na ito ... ipinasuot ko sa'yo ito bago ka lumipad!"
"Lu-mi-pad ...?"
Biglang may pumasok sa alaala ni Elise na papunta sya sa isang helicopter habang may isang lalaking naka wheelchair na pilit na ipinasusuot ang life vest na personal design. Manipis ito na parang isang pangkaraniwan na vest pero pag hinila ang isang tali sa gilid nito, lumulobo ito.
"Ahhh!"
Biglang nakaramdam ng pananakit ng ulo si Kate.
"WifeyLabs!"
"Elise!"
Nataranta pareho ang dalawang lalaki.
Patakbong nagtungo si Ethan sa tabi ni Elise pero inakap agad sya ni Mel. Hindi nito binigyan ng pagkakataon si Ethan na mahawakan ang babaeng mahal nya.
Nagseselos sya.
'Ako ang asawa nya, ako lang ang dapat humawak sa kanya!'
Napabuntung hininga na lang si Ethan pero deep inside nasasaktan sya.
Hindi nya maintindihan parang mahal na nya si Elise.
Samantala.
"Kate?"
"Huh?"
"Kate, ikaw nga ba yan?"
Namumuo ang mga luha sa mata ni Joel ng makita ang apo nya.
Agad nya itong nilapitan at inakap, humahagulgol na ito sa pagiyak.
Walang nagawa si Mel kundi magparaya. Alam nya ang nararamdaman ni Joel.
Sa isang tabi, lihim namang nangiti si Ethan.
Napansin nyang may resemblance si Elise sa huling dumating.
'Malamang Lolo nya ito!'
*****
Samantala.
Sa Tambayan Restaurant.
Muling bumalik si Lara kasama ang ninong nyang sarhento.
"Sarg. anong ibig sabihin nito?"
Tanong ni Raymond na litong lito na.
"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Pwes uulitin ko!
Simula ngayon dito na ulit magtatrabaho ang inaanak kong si Lara! Maliwanag?"
"Pero Sarg. wala ako sa posisyon para sang ayunan ang gusto mo! Ang gusto ninyo! Hindi ako ang may ari ng restaurant na 'to, isa lang akong bisor dito!"
"Gusto mo bang ituloy kong ipasara ang restaurant na 'to para tuluyan ka na at ang mga kasama mo na mawalan ng trabaho?"
Nilakasan pa nito para madinig ng mga naroon na nakikiusyoso.
"Tinatakot mo ba ako Sarg.?"
Tiningnan nya si Lara na nakangisi na parang nag eenjoy sa ginagawang pananakot ng ninong nyang sarhento at sa pagkataranta nya.
'Bwisit na babaeng 'to, sarap sabunutan!'
Gigil na gigil si Raymond. Kung noon pa man sana nakita na nya ang tunay na kulay ng babaeng ito, matagal na sanang nawala ito dito sa restaurant.
"Tinatakot? Sinasabi ko lang sayo ang pwede kong gawin kaya huwag mo akong subukan!"
"Sarg. gaya ng sabi ko, wala ako sa posisyon para tanggapin si Lara ulit dito, kahit na ipagpilitan mo pa, wala sa akin ang desisyon kaya huwag ako ang kulitin nyo! Hmp!"
Inis na tinalikuran ni Raymond ang dalawa.
Hindi na naintindihan ni Raymond ang gagawin, sumasakit na ang ulo nya sa dalawa ang hirap kausap.
At ang kinaiinis pa nya, hindi nya makontak si Mel at si AJ at pati ang manager ng restaurant na ito na si Frankie ay wala rin dito dahil nasa bakasyon.
"Ano pong gagawin natin ngayon, Ninong?"
Nakayukong sabi ni Lara na puno ng takot at pagaalala.
Awang awa na pinagmamasdan ni Sarg. ang inaanak nya.
"Huwag mo syang intindihin, Lara, basta dito ka lang magtrabaho! Hindi ka nila basta basta mapapaalis dito! At pag may umabuso sa'yo, isumbong mo agad sa akin, okey!"
Nakayuko pa rin si Lara, pilit na itinatago ang mga ngiti sa labi nya.
*****
Gabi na ng makabalik ang mga nag rescue at laking tuwa nila ng magtagumpay silang makita si Kate.
Diniretso nila ito sa ospital kasama si Ethan.
Gusto ni Mel na ihiwalay ng silid si Kate pero hindi ito pumayag. Ayaw mahiwalay ni Elise kay Ethan.
Sa ngayon kay Ethan lang sya pamilyar kaya hindi nya gusto na mawala ito sa paningin nya.
"Salamat Elise!"
Nangingiting sabi ni Ethan.
"Hindi nga sya si Elise! Sya si Kate ang WIFEYLABS ko!"
Inis na sabi ni Mel.
"Hindi ka nga nya kilala at hangga't hindi ka nya kilala sya pa rin si Elise!"
Sagot ni Ethan.
Umuusok ang ilong ni Mel sa inis.
"Jusko! Anak!"
Umiiyak na inakap ni Nadine si Kate, hindi makapaniwalang buhay ang anak at nakaligtas sa matinding nangyari sa kanya.
Gulat lang ang reaksyon ni Elise pero nakaramdam sya ng pamilyar na pakiramdam ng akapin sya ng babaeng dumating.
"Bakit anak?"
Nagtataka si Nadine sa reaction ni Kate.
"Melabs anong nangyari sa kanya?"
"Uhm, kasi po Mommy Pretty, may amnesia daw po sya sabi nung duktor."
"Amnesia?"
"Ibig sabihin, hindi mo ako nakikilala? Huh? Kate anak ang Mommy mo 'to! Huhuhu!"
Awang awa si Nadine sa kalagayan ng anak nya ngayon.
Pero lito ang reaction nito, hindi ito nagsasalita.
"Jusko, ang anak ko!"
Maya maya..
"Me ...Labs ...?"
"Bakit, Kate MyLabs, may kailangan ka ba? May masakit ba sa'yo?"
Tanong ni Mel, akala nya tinatawag sya ng asawa at may kailangan ito. Nakalimutan nyang may amnesia ito.
"I-Ikaw si Melabs?"
"Oo WifeyLabs ko, tama, ako nga si Melabs mo! Yan ang tawag mo sa akin simula pa nuon! Naalala mo na ba?"
Excited na tanong ni Mel.
Pero nawala ang excitement nito ng umiling si Kate.
Hindi pa nya naalala ang lalaking nakasaklay pero pamilyar sa kanya ang pangalang MELABS.